Nanlulumo ako sa kalagayan ni Blade na nasa loob ng isang kwarto na puro puti ang paligid. Tanging sa malapad na one way mirror ko lang siya nakikita at naririnig. Nakaupo siya sa isang reclining chair na may mga iba’t ibang medical tools sa kaniyang tabi. Hubad ang itaas na parte ng katawan at may mga nakakabit na mga aparato. Sa kabilang banda ay isang screen kung saan nakikita ang kaniya heartbeat, oyxgen level at blood pressure. Tatlong araw na ang lumipas pero walang dumadating na tulong para iligtas kami, at sa tatlong araw na iyon ay walang ibang ginawa sila Aiko kundi turukan si Blade ng iba’t ibang klase ng droga. They're making an experimental subject and it's not a good thing. “Please, Aiko! Stop it!” pakiusap ko at muling ibinalik ang tingin kay Blade na ngayon ay sumusuka.

