“You really think you can escape that easy, aren’t you?” Sabay kaming napalingon ni Blade sa nagsalita sa likuran. Nakataas ang kilay nito at nakahalukipkip habang ang kaniyang mga mata ay pabalik-balik sa akin at kay Blade. May dalawa itong kasamang lalaking tauhan at ang isa ay kinuha ang isang remote na nakapatong sa lamesang nasa ilalim ng malaking monitor screen. Inabot nito iyon at pahablot na kinuha. “I’ll give you a nice show,” aniya na dumako ang tingin sa screen. Bill turned the TV on. Ang tumambad sa screen ay ang nagpatayo ng aking balahibo at nagpausbong ng galit sa aking dibdib. Si Catris ay nakatali sa isang upuan at may takip sa ulo na parang sako. Nasa isang bodega ang kinaroroonan niya dahil sa dami ng sira-sirang gamit at madilim ang paligid. “C-Catris!” sigaw ko

