“Wake up now, sis bitch.” Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa akin. Napamulat ako at puting kisame ang bumungad sa mga mata ko. Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ang aking paningin sa hindi pamilyar na kwarto. Nabaling ang tingin ko sa babaeng prenteng nakaupo sa tabi ng kama. “Good morning,” bati ni Bill na nakangiti na animo'y isang anghel na may tinatagong sungay. Nakasout ito ng kulay pulang roba na bahagyang nakabukas dahil sa hindi maayos na pagkakabuhol ng tali. Lumilitaw ang ibabaw ng dibdib niya nakakasilaw sa puti. This woman can take any man he wants. "Good morning your face," sagot ko at inilibot ang paningin. "Where am I?" Kulay pula ang disenyo ng pader at puti ang ceiling. Sa bandang kanan ay may malaking bintana na may pulang kurtina. Ang banyo ay nasa du

