Seven days later.. Ibinaba ko ang hawak na baril at inalis ang earmuffs saka tinitigan ang target. Halos lahat ng tira ko ay bull's eye kahit na medyo wala ako sa huwesiyo habang bumabaril. Hindi mawaglit sa isip ko na hinayaan kong makatakas ang taong pumatay sa ama ko nang ganoon kadali. Huminga ako nang malalim at pinilig ang aking ulo para alisin ang mga iniisip. Sa halip na madismaya ay mas mabuting pagtuonan ko ng pansin kung paano ko mahahanap siya. It’s been seven days since Uncle Val escaped from prison. At hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung nasaan na siya nagtatago. Hindi ako papayag na hindi siya makabalik sa kulungan kung saan siya nararapat, and I will do anything in my power. Hindi lang siya ang problema ko dahil sakit ko rin sa ulo ang nangyayari kay Catris at ang

