Chapter 1

2173 Words
“Katana! Bilisan mo na diyan!” Nilingon ko si Tris na aligaga na dahil malapit na magsimula ang bonfire. Natawa naman ako at napangisi sa sahig, sobrang kinang na kasi niyon na halos p’wede ka nang mag-selfie. Pak! Isa ako sa maswerteng nakapasok ng trabaho sa Revanche Hotel and Resort. Isa sa pinakamalaking Resort at mamahaling hotel na talaga namang dinadagsa ng matataas na tao. Kung minsan ay mga politiko, businessman at mga artista. “Hoy! Kata! Anong oras na, hindi ka pa ba uuwi? Ano? Mop na lang for life?” “Ito na! Magliligpit na!” “Mauuna na ako sa bonfire, Kata. Siguraduhin mo lang na hindi ka male-late dahil tiyak na bawas na naman ng raket.” Tumango lang ako at pinanood si Tris na patakbong umalis. Bukod sa pagiging janitress ay rumaraket rin kami bilang waitress sa bonfire, o ang tinatawag na night of the fire. Marami kasi ang umiinom, naglalasing at nagkakasiyahan doon. Nang makalabas ng hotel ay naglakad na ako at dumiretso sa bonfire. Malayo pa lang ay rinig ko na ang ingay ng tugtugan. Sa bandang dalampasigan ako naglakad para ma-relax ang mga paa ko. Maliwanag din ang buwan na nagsisilbing ilaw. “f**k this s**t!” Napahinto ako nang marinig ang inis na boses na lalaking nasa harapan ko. Nakasimangot at salubong ang may kakapalan nitong kilay habang sinisipa-sipa ang tubig sa dalampasigan. Malakas din ang bawat sipa niya na para bang doon niya ibinabato ang sama ng loob. Huminga ako nang malalim at akmang babalewalain siya nang kumunot ang noo nito at nakatitig sa may parte ng dalampasigan. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang isang kulay kahel na starfish. Nanlaki ang mata ko at tumakbo sa kinaroroonan niya para pigilin siyang damputin iyon. Malakas ko siyang tinulak dahilan para tumilapon siya sa tubig at mabasa. Nanlalaki naman ang mata ko sa nangyari nang makita ko ang galit nitong mukha. Mukhang mapapaaway na naman ako. “What the f**k?! What is wrong with you woman? Do you want to die?!” Tiim-bagang siyang nakatitig sa akin. Pero kahit na halos manginig na ako sa takot ay tumayo ako ng tuwid, at nameywang sa harapan niya. Hindi ako p’wedeng magpakita ng takot. Lumapit pa siya sa akin at dinakma ang bandang leeg ng sout kong t-shirt. “Do you have any deathwish?” banta nito sa akin. “Deathwish agad? At saka hindi mo p’wedeng basta-basta pulutin ang starfish.” Nakatitig pa rin siya pero sa nagtatakang paraan. Marahas niya akong binitawan kaya napaatras ako nang ilang hakbang. Pinagpagan ko rin ang damit ko na nagusot dahil sa ginawa niya. Bwisit na lalaking ‘to! “Are you crazy? It is just a starfish, people often use them for picture taking-- “At mali iyon! Namamatay sila kapag inalis mo sila sa tubig. Kahit tatlong minuto lang mister! Mag-isip ka nga! Laki-laking tao, kakarampot ang brain.” “The f**k I know? Marine biologist ba ako?” “I-google mo! Mukha ka namang rich, siguro naman may wifi kayo?” “Of course-“ “Pa-connect. Char!” “You’re crazy,” anito na halos sunugin na ako ng buhay sa sama ng tingin niya. “Joke lang.” tumalikod ako at akmang aalis. “Hey! You!” Napatigil ako at lumingon sa tumawag sa akin. “Hey you! Don’t english me! Sapakin kita eh.” Nakataas lang ang kilay nito at ang masungit ma mukha ay unti-unting nauwi sa pagak na tawa. Nagtataka naman ako sa inaasal niya dahil mukha na siyang baliw. “Give me your towel.” Agad kong binigay ang gamit na towel ko. Kasalanan ko naman bakit siya nabasa kaya hindi na ako nagdalawang-isip. Baka balikan pa ako ng lalaking 'to. “Malinis ba ‘to?” “May malinis bang gamit na? Heler?! Brain? Knock knock!” Sumama ulit ang tingin nito sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Ngumiwi lang siya at sinimulang punasan ang sarili. Hindi ako umalis hanggang hindi siya natatapos. Ngunit bigla na lamang itong naghubad ng pang-itaas na siyang kinagulat ko. Nakaharap siya sa akin kaya kitang-kita ko ang katawan nitong namimintig sa masels at kumikinang dahil sa tubig at repleksiyon ng liwanag ng buwan. Oh! Wow! Napalunok ako ng laway at agad tumalikod. Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganoon kaya hindi ko maiwasan ang pag-iinit ng pisngi ko. “Here.” Nang makita ko iyon na inaabot mula sa tagiliran ko ay agad kong hinablot at tumakbo paalis. “Hey!” Rinig kong tawag ng lalaki pero hindi na ako nagbalak pang lumingon. Paano kung masamang tao pala iyon? Edi katapusan ko na agad? Hindi pa nga ako yumayaman! No way! “Oh my porky!” malakas na buga ko ng hangin nang marating ko hub kung saan ako nagtatrabaho bilang waitress. Binuksan ko ang pinto at agad pumasok. Hindi nawawala ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang may sariling buhay na gusto lumabas at sumayaw-sayaw. “Kata! Kata!” “Ay Kata!” “Kumilos kana! Ang daming tao!” inabot sa akin ni Tris ang apron at agad kong sinout. Maraming tao kaya hindi kami magkaundagaga sa kaka-serve at kuha ng order. May mga nag-aaway na rin at nagkakainitan ng ulo. “Whiskey,” “Po?” tanong ko nang lumapit sa counter ang isang lalaki. Magulo ang buhok nito na animo’y galing sa higaan. Tumingin siya sa akin ng deretso at nagtaas ng kilay. Hindi siya mukhang lasing, mukha siyang brokenhearted. “What now? Are you done scanning?” “Ha?” “Give me f*****g whiskey?! Are you deaf or dumb?” Napaatras ako sa lakas ng boses ng aroganteng ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilin ang sariling sagutin siya. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito! Pabagsak kong inilapag ang order niya na agad niyang tinungga. Mataman ko siyang tinititigan dahil gustong-gusto ko na siyang suntukin. Sinamaan naman ako nito ng tingin at walang sabi-sabing hinablot ang neckline ng damit ko na siyang ikinagulat ko. Ilang beses ba ako mapapaaway ngayong araw?! Inilapit nito ang mukha sa akin. Kitang-kita ko ang kulay ng mga mata nito na animo'y isang malalim ba balon na oras na mahulog ka ay wala ka ng takas. “B-bitawan mo ako!” Hinawakan ko ang kama niyang nakahawak sa damit ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa mismong presensiya ng lalaking ito. “Don’t look at me with that f*****g eyes of yours woman, now look away!” Dahil sa inis ay iwinaksi ko ang kamay niyang nasa damit ko at itinaas ang manggas ng damit ko. Hindi p’wedeng hahayaan ko na lang na maliitin ako ng mayabang na ‘to. “Sino ka para utusan ako?! Nanay ba kita? Dumedede ba ako sa ‘yo?!” Tinalikuran lang ako ng lalaking iyon at mahahalata sa mga mata niya ang pangmamaliit sa akin. Hindi ako namuhay mag-isa para lang tratuhin ng ganoon. “Kata!” pigil ni Tris nang akmang aambahan ko ang lalaki. “Tris pigilan mo ako. Nanggigil ako sa bwisit na ‘to! Gusto ata subukan ang karate ko-“ “Gaga! Hindi ka marunong mag-karate! Lika na nga!” Nang hilahin ako ni Tris patungo sa likod ay doon lang ako kumalma. Pinikit-pikit ko ang mata ko dahil sa inis. Una ay iyong lalaki sa dalampasigan tapos itong aroganteng pakshet na ‘to! Oh my porky! “Kalma Kata! Okay ka na ba?” “Catris! Okay ako kanina eh, kung hindi lang dahil sa hinayupak na pakshet na ‘yon!” “Kata, hindi mo gugutuhing makilala ang lalaking binangga mo kanina--” “Wala akong pakialam kung anak pa siya ng presedente o anak ng may-ari ng Revanche.” Naubo naman si Catris kaya agad ko siya inalalayan. Nakangiwi siya at inaya na akong bumalik sa loob. “Okay okay. Bumalik na tayo.” “Pero kapag nab’wisit ako ulit sa lalaking iyon, hayaan mo akong karatehin siya-“ “Hindi ka nga marunong! Tumigil ka nga! Nakalimutan mo na ba nang muntik ka na maospital dahil sa feeling mo action star ka?” Napanguso ako nang maalala iyon. “Oo na!” Sabay kaming lumabas at sa counter pumuwesto. Naroon pa rin ang lalaki na nakatitig sa kawalan. Masama ang tingining pinupukol ko sa kaniya hanggang sa magawi sa akin ang mata niya. Pero sa halip na umiwas ng tingin ay inambahan ko siya ng suntok. Nagtaas lang siya ng kilay. Pinaikot ko naman ang mata ko na halos makita ko na ang utak ko sa sobrang inis. “Do you have tequila?” “Malamang!” inabot ko ang tequila sa bagong customer pero agad akong napanganga nang makita kung sino ang nasa harapan ko. “Hindi ko ginalaw ang starfish,” anito na nakangiti. Dahil mas maliwanag dito ay doon ko lang nakita ng bou ang mukha niya. May maliit siyang nunal sa ilalim ng mata na nagpadagdag ng kakaibang awra at kagandang lalaki niya. “I’m Hate, but don’t hate me. You are?” Akmang sasagot ako nang lumapit ang aroganteng lalaki at inakbayan ang kaharap ko. “Blade! What the? Nandito kana pala?” Humarap sa akin ang tinawag na Blade ni Hate at pinagmasdan ako mula ulo hanggang sa kung saan naabot ng paningin niya. “Don’t waste your time with some low budget hoe, Hate. Let’s go,” anito na nagpakulo ng dugo ko. Sumampa ako sa counter na ikinagulat nilang dalawa. Hindi ko hahayaang maliitin ako ng lalaking ‘to. Dinuro ko siya na agad ikinasama ng kaniyang tingin. “Hoy! Ikaw na aroganteng pakshet ka! Anong karapatan mo insultuhin ako ha! Gusto mo bang-“ Hindi natuloy ang sinasabi ko nang magkaroon ng komosyon sa loob ng hub. Mabilis akong bumaba at tumungo roon. May nag-aaway at may babaeng umiiyak. Mabilis akong naglakad papunta sa babae at inalalayan siyang tumayo. Nanlalaki ang mata ko nang makitang dumudugo ang labi ng babae at galit na galit naman ang lalaki. Hindi ko alam ang nangyayari, pero bahala na! Napasigaw ang lahat ng kumuha ng kahoy ang lalaki at balak ihampas sa babae kaya agad kong kinuha ang upuan at nang ihahampas na iyon ay agad kong iniharang ang hawak ko. Napatili ang karamihan dahil sa nangyari at kahit ako ay nagulat. Nabasag ang upuan at nasugat ang kamay ko dahil do’n. "Tangina ka?! Sino ka at nakikialam ka ha!" Tumayo ako nang maayos. “Hindi ko alam bakit galit na galit ka. Pero ang alam ko ay kahit gaano ka kalakas ay hindi ka dapat nanakit ng mas mahina sa ‘yo. Gusto mong durugin kita? ha!” “Bobo! Trans ‘yang baklang ‘yan at niloko ako!” “Trans o hindi wala ka pa ring karapatan. Gusto mo bang ibalik kita sa grade one!” sagot ko at umamba. “Mahal kita Bogart! Patawarin mo ako at nagsinungaling ako!” makaawa ng inakala kong babae. “Mahal mo mukha mo! Pwe!” akmang susugod siya ulit at ihahampas ang hawak kaya agad kong dinampot ang isa pang upuan at hinarang iyon saka pumikit. Ilang segundo akong nakapikit. Minulat ko ang isang mata ko dahil sa wala akong naramdamang sakit. Si aroganteng pakshet! Mabilis niyang naiharang ang braso at nakuha mula sa isa ang hawak at itinapon iyon. Mabilis ang nangyari dahilan para hindi ko masyadong maisip. Ang nakikita ko na lang ay ang nakabulagtang lalaki. “What an asshole?” Napaigtad ako nang tumingin siya sa akin. Inirapan ko lang siya at nilingon ang trans na mangiyak-ngiyak. “Okay ka lang, miss?” Tumango siya at pinagmasdan ang nakabulagtang lalaki. “Don’t worry, he’s still alive. I just put him to sleep.” Nang dumating ang medic ay umalis na rin ako at nilagpasan ang aroganten iyon. Feeling naman niya na-impress ako? Well, very very light lang naman. “Aren’t you going to thank me?” Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “Edi thank you.” “Wow, what an ungrateful little witch,” saad niya at tumalikod. “Nag-thank you na ako!” sigaw dahil sa inis. Lumingon naman siya at inilagay sa bulsa ang dalawang kamao. “Without sincerity. At saka ano bang tingin mo sa sarili mo? Si wonder woman? Hoy babae, gumising ka. Tulog ka pa ata.” “Katana.” “What Katana?” “Hindi babae at lalong hindi hoy ang pangalan ko. Katana, at tandaan mo ‘yan ungas kang pakshet ka!” “Blade. Hindi Pakshet o ungas. Tandaan mo rin ‘yan little witch.” Tumalikod ito at umalis sa harapan ko. Naiwan naman akong nanggagalaiti sa lalaking iyon. Oras na magkita kami muli, ay pupulbusin ko talaga siya! Itaga niya sa bato!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD