Chapter 2

2147 Words
Hindi mapuknat ang tingin ko sa litratong hawak ni Catris. Pinapakita iyon sa amin ng supervisor para makilala namin sa mukha ang bagong CEO ng Revanche Hotel and Resort. Kailangan daw kasi ay maganda ang first impression sa amin nang sa gayon ay ma-promote siya. "Okay everyone! 'Yan ay si Blade Revanche," tukoy sa lalaking nasa litrato. "Third child of Don Mauro Revanche and one of the hottest eligible bachelor of the town. Ngayon, ay siya ang temporary CEO natin dahil sa nagpapagaling si Don Mauro. Within three months, we need to show him how competetive we are. Kailangan tumaas ang sales natin." "Ma'am! May jowa na ba siya?" kilig na kilig na tanong ni Josie. Isa sa kapwa ko janitress. "Josie! Kaya nga bachelor 'di ba?" Ngumisi ang supervisor namin. "Siyempre wala! Ano ka ba!" Napapailing na lang ako. Paano kaya kung nakilala nila ang ugali ng sinasamba nilang Blade Revanche? Ganiyan pa kaya ang magiging ngiti nila? Kung alam lang ng mga taong 'to kung gaano ka-arogante ang boss namin. "May kapatid kaya siya?" Napalingon ako kay Tris na malapad ang ngisi. Bahagya ko siyang siniko para bumalik siya sa kaniyang huwestiyo. "Bakla ka ng taon, Catris Aguirre! Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na siya ang boss natin?!" Parang gusto kong himatayin sa pagkataranta. Paano na lang kung tanggalin ako ng aroganteng lalaking 'yon? "Putak ka kasi nang putak kagabi, Kata. Paano ko masasabi sa 'yo?" sagot niya at ipinasa sa akin ang litrato. "Kahit na Tris! Paano na lang kung tanggalin ako? Ke bago-bago ko palang at higit sa lahat, wala pa akong ipon." "Ano ka ba Kata! 'Wag ka ngang nega. Malay mo naman ay nakainom lang kagabi si sir kaya masungit." Napangiwi ako nang rumehistro sa isip ko ang hilatsa ng mukha ni Blade Revanche kagabi. Ang iritable at bagot na mukha niya ay malayong-malayo sa litrato. Dito ay seryoso lang siyang nakatingin sa camera. Ngunit kahit ganoon ay hindi maiaalis ang pagkamasungit niyang awra. Matapos maumay sa mukha ng bagong boss ay ibinalik ko na ito sa supervisor namin na agad nitong kinuha. Napaismid ako dahil sa ginawa niya na para bang napakaimportante niyon. "Nasa VIP suite sa thirtieth floor si Sir Blade ngayon at bukas ng hapon siya mag-iikot kaya dapat maaga pa lang ay malinis na ang paligid, intiendes maintenance!" "Yes Ma'am!" sagot namin. Ngumiti lang si Ma'am at lumabas na ng employees room. Mamaya ay ang closing team naman ang may pep talk. "Tara na?" pagyaya ni Tris. Tumango na lang ako at naglakad papunta sa maintenance room para kumuha ng wheeled carts na puno ng panlinis. Si Tris naman ay umakyat ng second floor dahil doon siya naka-assign maglinis. Sinimulan kong mag-mop sa entrance lobby ng hotel at habang naglilinis ay hindi mawala sa isip ko ang itsura ng lalaking 'yon. Hiling ko ay sana hindi ako maalala nito. Nanliit ang mata ko nang mapansin ko ang isang matanda na nakaupo sa isa sa mga bench ng Hotel. Napansin rin ako nito kaya paika-ika itong lumapit sa akin na agad ko naman sinalubong para umalalay. Baka kasi mapagod pa ito dahil kung huhulaan ko ay nasa otsenta na ang matanda. "Tatay, ano pong ginagawa niyo dito? Kanina pa po kasi kayo nakaupo diyan," tanong ko at itinuro ang inupuan nito kanina. "B-bago ka lang d-dito, Ineng. T-tama?" utal-utal na tanong ng matanda. Tumango ako at ngumiti. "Opo. Mag i-isang linggo pa lang po." Tumango lang din siya at may iniabot ito sa akin na maliit na sealed pouch at bahagya pang umubo na para bang lalabas na ang baga. Tinulungan ko siyang maupo ulit dahil bahagyang nanginginig ang dalawang tuhod nito. Akmang magsasalita ako nang mapansin ko ang tattoo sa bandang leeg nito. Tila ba hugis triangulo na may leon sa gitna. Isinawalang bahala ko na lamang at ngumiti. "Ano po ito?" Ngumiti ang matanda. "M-makikisuyo sana ako ineng. Kung p'wede bang ihatid mo iyan sa room 605." "Nako! 'Yon lang po ba? Ipapasuyo ko na lang po sa mga—" "Ay 'wag!" Kumunot ang noo ko sa reaksiyon niya. "'Tay, 'wag ka mag-alala. Iingatan naman ito ng mga katrabaho ko." "K-kasi ineng, mahalagang bagay ang nasa loob ng pouch na 'yan. K-kung maaari ay ayokong mahawakan ng iba bukod sa 'yo." "Bakit naman po?" "D-dahil alam kong mabuti kang t-tao." Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi ng matanda sa akin. Kaya ipinasok ko sa aking bulsa ang pouch nang sa gayon ay ako mismo ang maghahatid. Medyo labag sa rules ng Hotel pero hindi naman siguro mapapansin. "Ay, s-sige ineng. Aalis na ako dahil may pupuntahan pa ako. M-maraming salamat, kaawaan ka nawa ng Diyos." Tumango at bahagya siyang tinulungan tumayo. Nang makaalis ang matanda ay bumalik ako sa wheeled carts ko nang maalaala kong hindi ko pala natanong ang pangalan niya. Agad akong tumakbo para habulin siya ngunit wala na ni bakas niya na siyang pinagtataka ko. Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad papunta sa employees room. "Josie!" tawag ko sa kapwa ko janitress. "Bakit, Kata?" "May pupntahan lang ako—" "Tatakas ka lang ata eh! Nako, baka matanggal ka sa ginagawa mo, girl." Napailing ako sa sinabi niya. "May ihahatid lang ako sa room 605." "Ha? Bakit ikaw, eh hindi mo naman 'yan trabaho." "Nakisuyo kasi yung matanda kanina." Inilapag ko sa tabi ng pinto ng employees locker ang gamit ko panlinis. "Oh siya! Saglit lang ako ha!" Tumango lang si Josie. Agad akong tumalima at tumungo sa employees elevator. Bawal kasi kami sa Guest at VIP elevator. Pinindot ko ang floor kung saan naroon ang room 605. Bago sumara iyon ay napansin ko ang lalaking dumaan na nakasout ng all black pati itim na surgical mask at cap. Ilang minuto nang huminto ang elevator at bumukas. Mabilis kong hinanap ang room 605 na agad ko namang nakita. Lumapit ako at akmang kakatok nang mapansin kong bahagyang nakabukas iyon. Smart door lock ang gamit na seradura kaya hindi madaling makakapasok ang kahit na sino maliban sa umuukupa ng unit. Sinubukan kong itulak ang pinto na agad namang bumukas. Humakbang ako papasok para tingnan ang loob ngunit isang malakas na tili ang nagpahinto sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay nanggagaling iyon sa banyo. Lakas loob akong naglakad papunta roon para silipin. Dinukot ko rin ang radio ko sa bulsa para humingi ng tulong kung sakaling may hindi magandang nangyari. "You deserved it, bitch." Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad nang marinig iyon. Mukhang hindi maganda ang ideya na pumasok sa lugar na 'to. Tumalikod ako at naglakad papunta sa pinto nang bigla na lang may pumigil sa akin. Inipit nito ang leeg ko sa nakatupi niyang braso. Nasa likuran ko siya kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. "B-bitawan mo 'ko!" sigaw ko. Sabay kaming napatingin sa lapag nang mahulog ang aking radio. "Where do you think you're going?" pabulong na tanong nito sa tenga ko. Tumindig ang balahibo ko sa takot dahil sa boses nito na para bang isang kriminal. "B-bitawan mo 'ko!" "Isa lang ang dapat kong patayin pero dahil minalas ka, kailangan na rin kitang patahimikin." Medyo may katangkaran ang lalaking sumasakal sa akin dahilan para mahirapan akong lumaban. Nakatingkayad ako na halos pinakadulo na ng hinlalaki ko sa paa ang nakatapak sa sahig. Pilit kong tinatanggal ang kamay nito sa leeg ko dahil paunti-unti itong humihigpit. "P-pakawalan mo ako!" "In your dreams." "T-tulong! Tulungan niyo ak—" hindi natapos ang sigaw ko nang takpan nito ang bibig ko gamit ang kabilang palad. Nakaisip ako ng ideya kaya agad kong ginawa. Kinagat ko ang kamay niya nang malakas na halos lahat ata ng lakas ko ay inilipat ko sa ngipin ko. Nabitawan ako nito agad at dumaing nang sobra. "Putangina! Papatayin talaga kita!" Bahagya naman ako napaluhod dahil sa ginawa niya. Mabilis akong tumayo pero naabutan ako nito at hinaklit ako sa buhok saka ibinalya. Ramdam ko ang pagkalat ng sakit sa balakang ko dahil do'n. Tinitigan ko siya nang masama. "Hindi ka makakalabas ng matiwasay dito!" banta ko. Ngumisi lang siya at akmang susugurin ako nang makapa ko ang isang malaking vase at agad inihampas sa lalaki. Natumba ito at kumalat ang dugo sa kaniyang itim na damit. Bahagya din akong nnatalsik ng kaniyang dugo. Boung lakas akong bumangon at bago umalis ay bahagya ko siyang nilingon saka tumakbo palayo. Habang tumatakbo ay bigla kong naalala ang nakita kong naka-all black bago ako umakyat. Base sa katawan at tindig ay parehong-pareho sila. Nakita ko ang boung mukha nito kaya madali ko siyang maisusumbong sa pulis. Huminto ako sa harap ng elevator at agad pumasok nang bumukas iyon. Pasara na ang pinto nang biglang lumusot ang kamay ng humahabol sa akin at pilit akong inaabot. Sinipa-sipa ko ang kamay niya hanggang sa tuluyan nitong alisin ang braso at sumara ang pinto. Dahil sa sobrang taranta ay pataas ang napindot kong floor. "Shet! Katana, mamatay ka sa ginagawa mo?!" kastigo ko sa aking sariling katangahan. Pinindot ko ang pinakamataas na floor nang sa gayon ay hindi ako agad maabutan ng lalaki. Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad pabalik-balik sa loob ng apat na sulok ng elevator. Kailangan kong makahingi ng tulong, pero paano? Napatingala ako nang huminto at bumukas ang elevator. Sumilip muna ako sa magkabilang direksiyon bago ako lumabas. Lakad-takbo ako, nagbabakasakaling may mahanap na maintenance na naka-assigned sa floor na 'to. Pero kung minamalas ka nga naman ay, wala akong nakita ni isa, na ultimo guest ay wala. Dahil sa frustration ay kinatok ko na lang ang bawat unit pero walang sumasagot. "Ghost floor ba 'to?! Bakit walang tao?!" naiinis na sabi ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at napapitlag nang marinig ang tunog ng elevator. Kumurap-kurap ako at tumakbo nang mabilis hanggang sa masipatan ko ang isang pinto na bahagyang nakabukas. Mabilis akong pumasok do'n at dahan-dahan kong isinara hanggang sa tumunog ang door lock. Nang makapasok ay tumambad sa akin ang isang VIP suite. Malaki iyon na halos katumbas ng limang regular suite. May isang kwarto na may jacuzzi at malaking banyo. May living, dining at kitchen din. Mukhang nakapasok ako sa isa sa pinakamayaang guest ng hotel. Napalunok ako at dumiretso sa kwarto, walang tao do'n. Pumasok ako sa isang malaking built-in closet para magtago. "Hindi naman na siguro ako makikita dito?" bulong ko sa sarili at isinara ang closet. Ilang minuto akong nakatayo sa loob ng madilim na closet nang may marinig ko ang pagbukas ng pinto. Sigurado akong hindi ang humahabol sa akin iyon dahil smart door lock ang nasa pinto, ibig sabihin ay mga combined numbers ng occupant ng unit ang nakakaalam ng password. Mula sa maliit na siwang ay nakita ko ang isang lalaki. Saktong naghubad ito ng pull over na damit at tumalikod kaya hindi ko nakita ang mukha. Pawisan ang likod nito pero hindi iyong nakakadiri tingnan. Mukhang galing ito ng jogging. Kumunot ang noo ko dahil sa mga pilat niya sa likod. Lalo na ang isang naka-slant na peklat sa kaniyang likuran. Naglakad ito papunta sa bedside table at kinuha ang isang cellphone at nagtipa. Ilang segundo ay may sumagot sa kaniyang tawag. "Send me the information you gathered about Bill. Asap." Baritono at medyo pamilyar ang boses ng lalaking 'to. Akmang bubuksan ko ang closet para ipakita ang aking sarili nang bigla na lang nito hinubad ang sout na joggerpants. Nanlaki ang mata ko nang tambad sa akin ang matambok at makinis na pang-upo ng lalaki. Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi dahil sa nasasaksihan ng mga mata ko. Mas malaki pa ata ang p'wet niya kaysa sa akin, at mas makinis pa. Pakiramdam ko ay sumikip at uminit ang loob ng closet. Ang init na rin ng pisngi ko dahil parang ako ang nahihiya sa nakikita ng mga mata ko. Saglit kong nakalimutan na muntik na akong mamatay kanina-nina lang dahil sa kumikinang na pwet ng lalaking ‘to. Dahil sa hindi ako mapakali ay bigla akong natisod ng isang damit na nalaglag dahilan para tumumba ako. At dahil nga ro'n ay bumukas ang closet at sumalampak ako sa harapan ng lalaking may shining pwet. "What the?!" Dahil sa gulat ay wala sa loob na napaharap ang lalaki sa akin at tumambad sa mga mata ko ang isang bagay na sa kahit sa panaginip ay hindi ko man lang inisip na makikita. Nag-init lalo ang pisngi ko dahil sa bagay na iyon. Hindi ko na nagawang tingnan ang mukha ng estranghero dahil sa sobrang hiya. Nakadapa ako sa harapan niya habang nakatitig sa kaniyang junjun. Hindi tulad sa mga baby ay iba ang sa lalaking 'to! Nakataas at animo'y pole ng mga dancer sa tindig! Shet! Dahil sa hilo, pagod, sobrang kahihiyan, sakit ng balakang at gulat ay nandilim ang paningin ko. At ang mura ng lalaki ang huli kong narinig bago ako tuluyang nagpakain sa dilim. "What the f*****g f**k?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD