Malakas akong napasinghap at bumangon mula sa pagkakahiga. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa bandang balakang ko. Kinusot-kusot ko rin ang mata ko dahil sa liwanag ng kwarto. Buti na lamang ay nagising ako sa masamang bangungot na 'yon. Hindi ko kakayanin ang takot at hiya kung sakaling totoo ang mga nangyari.
May nasaksihan daw akong krimen at hinabol ako para patayin ng estranghero. Tapos ay nakapasok daw ako sa isang unit ng isang lalaki. Nakakita ng standing junjun at shining p'wet. Nahilamos ko ang palad ko nang maramdaman ang unti-unting pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil panaginip iyon o matawa dahil kahit sa panaginip ay nakakita ako ng gano'n.
"Bakit kasi ang laki?!" Tili ko at naiiling na lamang. Hindi kasi mawala sa isip ko ang hulma nito.
"Thanks for the compliment."
"Ay shining p'wet!" bulalas ko. Wala sa sarili na tumingala ako at bumulaga sa akin ang isang partikular at pamilyar na lalaki.
Kunot ang noo at seryoso ang tingin na pinupukol sa akin. Nakasalikop ang mga bisig nito sa dibdib at prenteng nakatayo. Pasimple kong kinurot ang braso ko at napangiwi nang maramdaman iyon. Ibig sabihin ay totoo ang lalaking nasa harapan ko. Gumala ang paningin ko at tumambad ang hindi pamilyar na kwarto, mula sa mamahaling gamit, malaking TV at higit sa lahat ay ang panlalaking amoy na kahit ata sa panaginip ko ay sasama. Pati ang higaan ay mas malambot kaysa sa kutson kong one inch lang ang kapal.
Tila nabuhusan ako nang malamig na tubig nang mapagtanto ang sitwasyon. Unit ng isa sa pinakamalaking personalidad ang pinasok ko at ang mas nakakahiya ay ang temporary CEO pa namin na ubod nang sama ang ugali.
Kung hindi ba naman ako isa't kalahating boba!
"B-blade R-revanche," nauutal na bigkas ko sa pangalan ng lalaki.
"You know me."
Halos maging kasing bilis ko si the flash na umalis sa higaan at bahagyang pinagpagan iyon. Inayos ko rin ang pagkakalatag ng comforter at unan. Nanlaki pa ang mata ko nang makita ang hibla ng buhok na galing sa akin na agad kong dinampot at ibinulsa. Nakapaa na lang ako kaya naramdaman ko ang lamig sa aking talampakan nang bumaba ako ng kama. Lumapit ako sa kaniya at yumuko saka ipinikit ko ang mga mata nang mariin.
"Patawarin niyo po ako sa pagpasok sa unit niyo sir!"
Wala na akong pakealam kung magmukha akong kaawa-awa sa paningin ng aroganteng 'to. Ang importante ay hindi ako matanggal sa trabaho. Dahil sa wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya ay iminulat ko ang mga mata ko at nagtaas ng tingin. Napaatras ako nang kaunti dahil sa nakakalulang tangkad ng lalaking 'to. Sumalubong sa akin ang nakataas na kilay niya.
"You thought everything was a dream, right?" tanong niya.
"O-opo." Hindi panaginip ang mga nangyari. So, ibig sabihin junjun niya nga ang nakita ko!
Napailing ito at muli akong tinitigan. "What will you do now?"
Kumunot ang noo ko. "A-ano po?"
"Damn, Miss. You need to explain to me what were you doing inside my f*****g closet?"
Napalunok ako dahil sa kaba. "N-nagtatago po."
"And?"
"M-may nangyari po sa room 605. Hindi ko po sigurado pero ramdam kong may pinatay doon—"
"And how the f**k did you know that? How sure am I that you're not making fun of me?"
"P'wede niyo po i-check ang cctv pati po ang mismong room."
Pinaliit nito ang mga mata dahil sa paninigurado. Napailing lang siya at akmang aalis nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang pamilyar na lalaki. Nakangiti itong lumapit sa akin at walang sabi-sabing idinampi ang likod ng palad sa noo ko.
"You're not sick," saad nito.
"Wala akong sakit."
"Bakit ka hinimatay? Pagdating ko dito kanina nakabulagta ka—"
"Bulagta? Pero ang pagkakatanda ko nakadapa ako—teka? Ginalaw mo ba ako?!" nahihintakutang tanong ko kay Sir Blade.
Tinapunan niya ako ng tingin. "Ginalaw kita not in a sensual way. Binaliktad ko ang higa mo para makita kung ano ang mukha ng trespasser," sagot niya.
"Kahit na—"
"Its fine, Katana. Besides, Blade need to do that because it will be hard for you to breath."
"Hate, we need to go."
Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nakapamulsa na ito at mababanaag ang iritasyon sa mukha. Junjun niya lang mahaba sa kaniya, pero ang pasensiya ay mas maikli pa short hair ni Catris.
"How about her?"
Tumango-tango ako. "Oo nga po. Paano ako?"
Naglakad ang arogante kong boss na si Blade palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Dumako naman ang tingin ko ro’n dahil sa isang iglap na kuryente, o imahinasyon ko lang ‘yon? May kakaiba akong naramdaman na hindi ko kayang ipaliwanag. Ngunit agad namang nanlaki ang mga mata ko nang kaladkarin ako nito hanggang sa pinto.
"S-sandali!"
Huminto siya sa mismong tapat ng pinto at muling isinilid ang dalawang kamao sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon.
"I'm showing you what you're going to do next," blanko ang boses na sabi niya. Dahil sa inis ay nilapitan ko siya nang bahagya hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't isa. Nakipagtitigan ako sa kaniya ngunit tanging malalamig na titig lang ang natatanggap ko.
"Hey! Blade, chill!" Pumagitna si Hate na bahagyang nakangiti. "You know what, Blade? Since she's the witness, bakit hindi natin siya isama sa police station para makapag labas siya ng statement.."
Nagtaas ako ng kilay at tumango-tango na agad nahinto nang maisip ko ang sinabi ni Hate. Ibig sabihin ay bago pa ako magising mula sa bangungot ay alam na nila na may nangyaring krimen?
"We weren't as dumb as you, Miss."
Muli kong sinamaan ng tingin ang lalaki. Mukhang mind reader din ata siya. Tao pa ba siya? Kahit kailan talaga, wala siyang modo. Napaka-arogante at higit sa lahat ay walang puso.
"Long story short, some guest saw the culprit. They immediately reported it to the security. We conduct a room inspection for safety purposes. At doon namin nalaman ang nangyari. Nahagip din sa cctv na hinahabol ka ng lalaki."
Napanganga ako sa mga sinabi ni Hate. Ilang oras na kaya ang nakakalipas simula nang mawalan ako ng malay?
"K-kanina pa ba ako natutulog?" lakas loob na tanong ko.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Blade Revanche. Si Hate naman ay napahagikhik sa tanong ko.
"Actually Katana, 8 hours kang tulog—"
"ANO?!"
"Yeah, you made me sleep at the f*****g couch for 8 f*****g hours, Figueroa."
Nanlalaki ang mata ko sa dalawang lalaki. Kilala nila ako at ang mas nakakagulat ay ang sarap ng tulog ko sa higaan ng isang Blade Revanche. Bukod kasi sa malamig dahil sa aircon ay sobrang lambot na animo'y dinuduyan ka ng mga ulap.
Yumuko ako ulit. "S-sorry!"
Dahil sa hiya ay nagpasya na lang akong lumabas ng paatras sa unit ni Blade. Yumuko ako nang paulit-ulit para ipakita na totoo ang paghingi ko ng pasensiya. Nakatitig lang sa akin si Blade at Hate kaya nagpasya na akong humarap sa hallway para umalis. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay tila may isang mabilis na bagay ang dumaan at tumama sa mukha ko. Gumuhit ang kirot sa bandang pisngi ko kaya agad ko iyong hinawakan. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng kulay nang makita ang kulay pulang likido mula sa aking pisngi.
"D-dugo?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"f**k, Hate! Call the security."
Dahil sa takot ay muntik na akong panghinaan ng tuhod. Nang isang kamay ang humawak sa braso ko at hinila ako pabalik sa unit at isinara iyon. Nang nasa loob na kami ay hinawakan ako nito sa magkabilang balikat. Tumaas ang tingin ko sa kaniya at sinalubong ako ng kulay brown na mga mata ni Blade Revanche. Nakatitig lang din siya sa akin at ilang segundo ay bigla akong binitawan.
"Hate, did you call the security?"
"Oo, tumawag na rin ako sa mga pulis na pumunta dito kanina para magimbestiga. They'll be here any minutes from now."
Si Hate ay pinaupo ako sa couch at tinitigan ang sugat ko sa pisngi. Medyo makirot iyon at mahapdi.
"Daplis lang, Blade. She's just in shock."
Lumapit sa akin si Blade Revanche at pinakatitigan ako. Si Hate naman ay umalis para kumuha ng first-aid kit.
"What did you witnessed?" tanong nito bigla na ipinagtaka ko.
Umiling ako. "W-wala. Narinig ko lang—"
"Nakita mo ba ang mukha ng humahabol sa 'yo?"
Napapikit ako at agad rumehistro sa utak ko ang mukha niya. Tumango ako bilang sagot. Nang magmulat ako ng mata ay halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Kumurap-kurap ako at lumunok dahil sa kakaibang pakiramdam.
Tumayo siya nang tuwid at namulsa saka umupo sa isahang couch sa harapan ko. Bumalik naman si Hate na may dalang panlinis ng sugat at gasa. Napapangiwi ako sa tuwing dinadampian niya ng gamot ang pisngi ko. Napatingin tuloy ako sa kaniya na agad ikinakunot ng noo ko. Natigilan kasi siya habang titig na titig sa labi ko.
May sugat ba ako sa labi?
Tikhim na malakas ni Blade ang nagpabalik kay Hate sa huwesiyo. Nang matapos sa paglalagay ng gasa ay muling tumayo si Hate at umalis na para bang nalilito.
"Don't flirt with him."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wala sa isip ko ang landiin si Hate dahil bukod sa hindi ko siya type ay ayoko sa mayayaman na katulad niya. Mga sakit lang sila sa ulo.
"Hindi ko nilalandi si Hate—"
"The culprit is now targeting you, Figueroa. Nakita mo ang mukha niya kaya ibig sabihin ay kailangan ka kaniyang patayin," pagiiba nito ng usapan.
"Papatayin ako? B-bakit?"
"You stumbled with a skilled criminal, Figueroa. Maya-maya ay narito na ang mga police at isang sketch artist para ma-describe mo ang mukha ng kriminal na 'yon."
Tumango-tango ako bilang sagot. Bumalik naman ulit si Hate na nakangiti sa akin.
"Kailangan mong mag-ingat, Katana—"
"Teka nga? Paano niyo ako nakilala," bulalas ko nang mapansin kong kanina pa sila banggit nang banggit ng pangalan ko.
"You're the dumb, dumber and the dumbest in one." Umiling-iling ang mayabang na si Blade. "Of course, I did some background check. Alangan naman patulugin kita sa kwarto ko ng hindi kita kilala. And besides, base on your shirt, you're an employee here."
Sinasamaan ko lang siya ng tingin na mukhang wala rin naman siyang pakealam. Pasalamat siya ay hindi ko siya masagot dahil siya ang boss ko. Dahil kung hindi, kanina pa 'to sumuko sa akin.
"Chill, guys. Bakit ba ang init ng dugo niyo sa isa't isa?" ani Hate at tumingin sa akin. "So, as I was saying Katana. Kailangan mo maging maingat dahil namumukhaan mo pala ang culprit. You need extra protection."
Need extra protection? Extra money nga wala ako, extra protection pa kaya? At saka paano ko naman gagawin iyon eh baka nga 'pag lumabas ako ulit ng unit na 'to ay sa ulo na ang tama ko.
"Naaalala mo ba ang mukha niya?" dagdag ni Hate.
"Oo naman. Kitang-kita ko ang mukha niya."
"Great! That will be a great help for you and Blade."
Umingos lang si Sir Blade at nagtaas ng kilay. "Describe the man, Figueroa."
Tumango ako at taas noong nagsalita. "Pabilog ang ulo niya—ay parang pa-oval ata. Medyo bilog din ang mata—ay mali medyo pasingkit na bilog. Tapos 'yung ilong niya medyo..ahm." Umiling-iling ako dahil sa inis. Hindi ko kasi maipaliwang ang mukha pero namumukhaan ko.
"Relax, Katana."
"Namumukhaan ko ang kriminal. Pero.. pero hindi ko ma-describe."
Nagkatinginan silang dalawa dahil sa sinabi ko. May mali ba?
"What the f**k are you saying?"
Tiningan ko si Blade na masama ang tingin sa akin. Ngumuso lang ako at napayuko.
"Namumukhaan ko ang lalaki. Kaya lang nahihirapan ako i-describe siya."
Napapailing naman sila ngayon. Napabuntong-hininga ako dahil sa sobrang disappointment sa sarili. Parang gusto ko nalang bumuka ang lupa at lamunin ako para makapagtago.
"Okay lang 'yan, Katana. You have nothing to worry about," pagpapalakas ng loob sa akin ni Hate. Nginitian ko lang siya at tumango.
Napatingin naman ako kay Blade nang bigla itong tumayo. "You can't help. You may leave."
"Blade! What the f**k? Muntik na siya kanina—"
"Its not my problem, Hate," anito at tumayo. "Walang libre sa mundo. If she can't help me find the f*****g culprit who stained the Resort's reputation, then I can't help her too."
"Blade."
Akmang aalis si Sir Blade nang hawakan ko siya sa braso para pigilin. Iwinakli niya ang kamay ko dahilan para ikuyom ko ang palad ko dahil sa umuusbong na galit. Kailangan kong tiisin ang ugali ng hambog na 'to.
"What?"
Tumayo ako nang tuwid at naglakad sa harapan niya. Tinatagan ko ang loob ko at nakipagtitigan sa kaniya nang mataman. Mahal ko ang buhay ko. Gusto kong makamit ang mga pangarap ko kahit para na lang sa alaala ni itay. Ayokong matapos ang buhay ko nang gano'n na lang.
"What are you doing?"
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Alam kong makapangyarihan si Blade Revanche at siya lang ang makakatulong sa akin. Kaya bahala na!
"Tulungan mo ako."
"And what will I get?"
"Hindi ko kayang i-describe nang maayos ang mukha niya pero maniwala ka, naaalala ko ang itsura niya."
"How sure you are? Wala akong assurance na—"
"Willing akong maging maid mo ng walang bayad hanggang mahanap ang kriminal."
Isang supladong ngisi ang gumuhit sa labi nito dahilan para kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Sana tama itong gagawin ko.
"Deal."