Halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang pagkamangha. Kumikinang ang mga mata ko habang nakatitig sa malaking bahay na kahit luma na ay hindi maitatago ang angking ganda nito. Parang hindi totoo, parang sa mga fairytales ang lugar. Ang garden ay malawak pero puno ng tuyong dahon at matataas na damo.
"Close your mouth."
Naisara ko ang bibig ko nang biglang nagsalita si Blade. Sinulyapan ko lang siya na prenteng nakatayo sa harap ng engrandeng pinto. Namuhay din naman ako ng marangya noon pero hindi kasing rangya ng taong 'to.
Pumayag siya na tulungan ako at ang kapalit ay ang pagiging maid ko dito sa resthouse niya na ilang metro lang ang layo sa hotel. Wala akong ibang sisihin kundi ang sarili ko dahil ako ang gumawa ng kasunduan naming dalawa.
Nang magsimula kaming maglakad ay sinalubong ako ng alikabok, agiw at mga sapot ng gagamba. Animo'y hunted house pala ang loob kapag nalapitan na. Dahil sa daming alikabok ay hindi ko mapigilang mabahing.
"Ano ba 'yan Sir Blade, bahay ba 'to o hunted—" tinitigan niya ako nang masama kaya agad akong tumawa nang pagak. "—ang ibig kong sabihin ay ang ganda po ng bahay."
"You'll clean the house, wash all the curtains, trim the grasses outside and repair—"
"Kumalma ka, Sir Blade. Mukha ba akong lalaki para mag-repair?"
"Nagrereklamo ka?" masungit na tanong nito.
"Ha?" umiling ako. "Wala po akong sinabi."
"Then, we're good."
Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil iyon lang ang kaya kong gawin. Matapos nito magsalita ay humarap ito sa akin at humalukipkip. Ang tangkad niya talaga, sa sobrang tangkad niya lahat ng mali ko ata makikita niya.
"Remember our deal, Figueroa—"
"Katana na lang po."
"Fine, Katana," pag-iiba nito. "Remember our deal. Hangga't hindi mo naituturo sa 'kin ang pumatay sa isa sa guest ay hindi ka makakaalis bilang maid."
Ngumuso lang ako at tumango. Wala rin naman akong magagawa at laban sa isang tulad niya. Langit ako, impyerno siya. Hind lupa, masyado siyang masama para do'n lang. Kung araw-araw ko pagsisilbihan 'tong si Sir Blade, baka mauna pa akong matigok bago mahanap ang kriminal na 'yon.
"Question lang, Sir?" habol ko at nagtaas pa ng kamay.
"Spill."
"Bakit po gano'n na lang 'yong interest niyo sa kriminal na 'yon? Trabaho naman po ng pulis—"
"It's none of your business, Katana,"
"Sir Blade, business ko na rin po 'yon kasi po sa akin niyo pinapahanap—"
Tumingin na naman siya nang masama. "Did I force you? Ikaw ang humingi ng tulong ko."
Natahimik na lang ako at nagkibit-balikat. Ang sungit naman ng shining p'wet na 'to.
"Fix yourself, we'll buy some cleaning materials."
"Mukha ba akong sira para ayusin?" biro ko at tulad ng lagi kong natatanggap mula sa kaniya. Isang masamang tingin na naman ang pinukol niya sa akin. "Joke. Bawal ba?"
"I don't remember giving you the right to joke at me."
"Ay, bawal nga." Siguro kahit libag ng lalaking 'to masungit. Ibang klase!
"Your room is upstair. Turn right, second door."
Bigla itong tumalikod pagkatapos sabihin iyon. Nagkibit-balikat naman ako at bitbit ang bag ay naglakad ako papunta sa kwartong ibinigay niya. Sa bawat hakbang ko sa baitang ng hagdan ay bumabakat ang swelas ng sapatos ko dahil sa alikabok. Pero infairness, kapag kinuwenta siguro ang presyo ay aabot ng milyon-milyon ang halaga. Kahit hindi na siguro ako magtrabaho at ibenta ang bawat gamit ay mabubuhay na ako hanggang one hundred years.
"Sino ba may-ari ng bahay na 'to? Si Sandman?" natatawang sabi ko sa sarili dahil sa kapal ng alikabok.
Nang makarating sa itaas ay agad kong nahanap ang kwarto ko. Makaluma iyon pero p'wede na kesa sa tinitirhan namin ni Tris na maliit na kwarto at double deck pa. Hinipan ko ang seradura para maalis ang alikabok at dahan-dahang binuksan iyon. Naglikha pa ng tunog na para bang sa horror movies.
Tuluyan kong binuksan ang kwarto at tumambad sa akin ang napakalaking espasyo. May kama sa gitna na may lumang kutson. May malaking bintana sa gilid at sa bandang dulo ay may built-in closet. Sa tabi naman niyon ay isa pang pinto na hula ko ay ang banyo.
Ibinaba ko ang bag ko at kumuha ng damit na pangpalit. Medyo maalikabok din dito at maagiw. Tumingin-tingin ako sa kaliwa't kanan at nang masigurong walang tao ay basta ko na lamang hinubad ang sout kong damit at pants. Hinubad ko na rin ang sout kong bra at—
"By the way—"
Nanlaki ang mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at tumambad sa paningin ko si Blade na halata rin ang gulat sa nakita. Hindi ako magkaundagaga sa pagtakip ng aking dibdib at ibabang bahagi ng katawan ko.
"Bastos! Labas!" sigaw ko at binato siya ng aking hawak.
Tumama sa mukha nito ang kakahubad ko lang na bra. Sumakto pa ang cup sa mismong mukha niya na talaga naman mas nagpatindi ng hiyang nararamdaman ko. Napalunok ako at tumakbo sa banyo at agad pumasok. Bago ko isara ang pinto ay kitang-kita ko pa ang talim ng titig niya sa akin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan.
Parang gusto kong lumubog na lang dahil sa hiya. Three days kong gamit ang bra na 'yon. Siguro naman ay medyo mabango pa kung naamoy man niya.
Tuluyan kong isinara ang pinto ng banyo at natulala sa kawalan. Hindi na ba ako virgin? Nakita niya lang naman ang kahubdan ko 'di ba? Hindi niya naman ako nahawakan. Oh my golden body!
"Shet talaga!" tili ko at pumadyak-padyak. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili.
Hindi kalakihan ang dibdib ko pero hindi rin naman flat. 'Yung tipong kapag tumakbo ako may aalog pa naman. Pink din ang n*****s ko at makinis, walang stretched marks. Maputi rin ako dahil sa nanay kong haponesa.
"Sandali nga, eh ano naman?" takang tanong ko sa sarili ko.
Ginulo ko ang buhok ko at nagpasya na lamang na maligo. Medyo tatagalan ko nang sa gayon ay wala na si Blade at hindi ko na makita ang mukha niya—
"Bilisan mo, Katana. We have so many things to buy," anito mula sa kabilang bahagi ng pinto.
"O-oo! U-umalis kana!"
Nagsimula na akong magsabon ng katawan nang muli itong magsalita.
"Don't worry. We're quits. And you have nothing to worry about. You aren't attractive at all. If you were a prey, dadaan lang kita. You're nothing but bones."
Matapos nito sabihin iyon ay hindi ko mapigilan ang inis. Pakiramdam ko ay umiinit ang mukha at ulo ko. Sa sobrang galit ko sa kaniya ay parang gusto ko siyang tadyakan sa bayag para wala ng susunod na kasing ugali niya. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy sa pagligo.
Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang sulok ng mata ko. Siguro dahil sa sinabi niya hindi ako attractive? Eh ano naman?
Ilang minuto matapos maligo ay kinuha ko ang dalawang tuwalya na nakatupi. Naka-plastic iyon kaya walang bahid ng alikabok. Nagtapis na ako ng tuwalya at ang isa ay kinusot-kusot ko sa buhok ko.
"You showered for almost two hours? Gaano ba kakapal ang libag mo?"
Napaatras ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses. Napakurap-kurap pa ako nang makitang prente siyang nakatayo at nakasandal sa pader malapit sa bintana. Nakapaloob din ang dalawang kamay nito sa bulsa.
"Magbibihis ako, p'wede ka bang lumabas?" mataray na sabi ko.
"It's my house, Katana. Aalis ako kung aalis ako—"
"Labas!"
Napaigtad ito sa sigaw ko. Gumala ang tingin nito at huminto muli sa akin. Nagkibit-balikat lamang siya at lumabas. Ngunit bago isara ang pinto ay nagsalita pa.
"I didn't mean to insult you earlier. I'm just telling you the truth."
Matapos iyon sabihin ay lumabas na siya. Halos umusok naman ang ilong ko dahil sa mga insultong para bang kusang lumalabas sa bibig niya. Huminga muna ako nang malalim at nagbilang ng sampu. Pero kahit ata umabot ng isang milyon ang bilang ko hindi maiaalis ang galit ko sa aroganteng 'yon.
"Akala mo naman kung sinong daks!" nanggagalaiting sabi ko. "Bukod sa shining p'wet niya wala na rin namang attractive sa kaniya. Ugali pa lang isang malaking turn off na!"
Naiinis at nagdadabog akong nagbihis. Matapos mag-ayos ng sarili ay nakabusangot akong lumabas ng kwarto. Luminga-linga pa ako sa kaliwa't kanan para siguraduhin na wala siya. Baka kasi narinig niya ang mga sinabi ko.
Bumaba at lumabas ako ng hunted house ni Blade. Nasa labas na pala siya at nakasandal sa kulay itim niyang kotse na pang mayaman. Nakasout ito ng simpleng t-shirt na kulay gray at punit-punit na pantalon.
"What took you so long?" salubong nito sa akin.
"Sinumpa ka," bulong ko.
"What?"
"Ha? Wala! Ang sabi ko naghahanap ako ng magandang damit—"
"Why?"
Kumunot ang noo ko. "Anong why?"
"Why find something beautiful? It doesn't suit you."
Para akong naging toud na umaapoy na tinalikuran niya at sumakay sa driver's seat. Wala bang magandang lalabas sa bibig ng lalaking 'to?
Napilitan akong sumakay sa passenger seat at humalukipkip. Ilang minuto na kaming naroon at hindi umaalis kaya hinarap ko siya.
"Hindi pa ba tayo aalis?"
"If you don't love your life, sure. We can leave. But if you do, then buckle up. Ayokong mag-maneho ng mas mabagal pa sa pagong."
Napakurap naman ako sa sinabi niya at nagkukumahog na mag-seatbelt. Dahil sa inis sa lalaking 'to ay halos hindi ko maikabit ang nang maayos. Hanggang siya na mismo ang gumawa. Sobrang lapit niya sa akin at nasasamyo ko ang panlalaki niyang pabango. Napapikit ako ng mata dahil sa amoy niya.
"It's a limited edition of men's aftershave."
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang magsalita. Unti-unti ang pag-akyat ng init sa pisngi ko dahil sa hiya. Ilang beses ba akong malalagay sa ganitong sitwasyon?
"Nagtanong ba ako?"
Nagkibit-balikat siya at nagsimulang magmaneho. Tahimik kaming bumiyahe hanggang sa huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Nilingon ko siya ng may kunot sa noo.
"Let's eat something first."
Tumango na lang ako at ngumisi. Mukhang makakain na rin ako ng mamahaling pagkain. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa pumasok kami. Sinalubong kami ng isang lalaki na bahagyang yumuko.
"Table for two," ani Blade.
Tumango ang lalaki at iginiya kami sa pandalawahang table. Nang makaupo ay binigyan kami ng menu at naghintay sa tabi. Bahagya kong inilapit ang ulo ko kay Blade na agad akong tinapunan ng tingin.
"What?"
"Libre ba 'to—"
"No, salary deduct."
Nanlaki ang mata ko. "Salary deduct?! Wala nga akong salary na ibibigay mo—"
"Shut up, Katana and choose your order," may halong pagbabanta na sabi nito.
Umismid lang ako at tumitig sa menu. Sumakit ang ulo ko sa pagbabasa sa mga pagkain. Marunong naman ako magbasa pero parang magbubuhol ang dila ko mga salitang nakasulat.
"Pappardelle con coniglio," swabeng sambit ni Blade.
Napangiwi ako at muling inilapit ang ulo sa kaniya.
"Wala bang unli rice, o kaya unli chicken wings na lang? Bakit dito tayo kumain? Pang-alien!"
Humagikhik lamang ang lalaking waiter sa sinabi ko. "It's an Italian Restaurant Ma'am. Not Alien Restaurant."
Tumingin ako sa kaniya. "Wala bang swak sa panlasa ng pinoy? Hindi naman ako italyano—"
"Katana," banta ni Blade pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon na ang atensiyon ko sa pakikipagusap sa waiter.
"O kaya, kahit simpleng pagkain?"
Kitang-kita ko ang aliw ng waiter sa akin at itinuro ang isang menu. Kumunot ang noo ko at napabuntong hininga na lang.
"Spaghetti puttanesca?" basa ko sa itinuro niya. "Masarap ba 'to? Kasing sarap ng—"
"And Spaghetti Puttanesca." Pinutol ni Blade ang salita ko.
Tumango ang nakangiting waiter at kinuha ang menu. Dumako naman ang tingin ko kay Blade na nakapikit. Mukhang nagpipigil ng inis sa akin. Bakit kasi dito kami kumain? P'wede naman sa bubuyog o sa clown na lang, p'wede rin 'yong sa unli rice para makarami kami.
Halos dalawang oras matapos kaming kumain ay hindi man lang ako nag-enjoy. Laglag balikat akong nagpaalam kay Blade para pumunta muna ng banyo. Tumango lang siya sa akin at nakanguso naman akong umalis.
"B'wisit na lalaki! Hindi man lang ako pinakain nang masarap!" nagdadabog na sabi ko sa sarili sa harap ng salamin.
Pumasok ako sa loob ng isang cubicle para umihi at nang huhubarin ko na ang pants ko ay bigla na lang may kumatok na agad kong ipinagtaka. Sinout ko nang maayos ang pants ko dahil sa inis.
"May tao!" sigaw ko. Ngunit hindi huminto ang katok.
Napalunok ako at agad kinabahan nang makaramdam ako ng kakaiba sa taong nasa labas ng cubicle. Hanggang sa huminto iyon at mula sa ilalim ay may kamay na naglagay ng isang box. Nanginginig ang kamay kong kinuha iyon at nang buksan ay mabilis kong nabitawan. Nanlalaki ang mata ko sa bagay na nasa loob.
"We will kill you."
Tumaas ang tingin ko sa pinto nang magsalita ang kanina lang ay kumakatok. Bumalik naman ang tingin ko sa bagay na ngayon ay nasa lapag na. Mga litrato ko iyon kasama si Sir Blade at ang ibang kuha ay nang kumakain kami ngayon-ngayon lang. May bahid ng dugo ang bawat litrato na mas nakadagdag ng takot sa dibdib ko.
"Katana!"
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa cubicle nang marinig ko ang boses ni Blade. Tagaktak na ang pawis ko hindi dahil sa init kundi dahil sa niyerbyos. Idagdag pa na gutom pa ako. Nahihirapan din akong lumunok dahil mukhang hindi ako tatantanan ng mga taong iyon.
Gaano ba kalaking grupo ng kriminal ang nabangga ko?
Napasinghap ako nang malakas na bumukas ang pinto ng cubicle at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Blade. Gumala ang tingin nito sa mga nakakalat na litrato at umigting ang panga dahil sa galit.
"f**k," malutong na mura niya at hinablot ako sa kamay at akmang hihilahin palabas nang mapansin nitong bahagyang nanginginig ang mga tuhod ko.
"What happened? Are you okay?"
Umiling ako at napaupo. Agad niya akong dinaluhan at hinawakan ang aking pisngi.
"What happened, Katana?"
Tiningala ko siya at sa nanginging na boses ay sinabi ko ang dahilan nang panginginig ng aking tuhod
"Nagugutom pa ako, Blade."
Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko.
"Tangina?"