Chapter 5

2283 Words
"Stay here and don't move." Iyan ang sinabi ni Blade sa akin bago siya umalis papuntang conference room para sa meeting niya kasama ang boung head ng resort. Naiwan ako dito sa opisina niya dahil iniisip niyang mas ligtas ako rito kumpara sa bahay. Nang araw na mangyari ang sa banyo ng restaurant ay mas naging mahigpit si Blade sa akin. Hindi ko na nga alam kung pinoprotektahan niya ako dahil sa mukha ng kriminal na alam ko o baka may gusto na siya sa akin? Napangiwi ako sa huli kong naisip. Malayong magkagusto sa akin 'yon dahil walang matinong salita ang lumalabas sa bibig niya kapag nakikita ako. Puro insulto at pang-aasar na malapit ko ng patulan. "Lord, bigyan niyo pa po ako ng mahabang pasensiya para sa aroganteng 'yon." Dahil sa bagot ay tumayo ako at nag-ikot-ikot sa loob ng unit niya. Hindi naman siguro siya seryoso sa sinabi niyang don't move, dahil magmumukha naman akong statwa at baka mamuti na ang mata ko sa kakahintay sa lalaking 'yon. At saka hindi ko naman nanakawan ang unit niya. Ito ang kwartong napasok ko nang araw na muntikan na akong mamatay kaya kahit anong gawin kong paglimot ay hindi ko makakalimutan ang nakita ng birhen kong mga mata. Tumungo ako sa isang sliding door at binuksan iyon na siya palang kaniyang opisina. Tinted ang salamin kaya hindi makita ang kabilang bahagi ng sliding door. Sa opisina niya ay may mahabang sofa na may lamesa sa gitna. At ang kaniyang table ay nasa dulo na may nakapatong na Revanche. "Ang boring siguro ng buhay ng lalaking 'yon," komento ko sa kaniyang opisina. Nagdesisyon akong bumalik sa kwarto niya at tumungo sa kama. Umupo ako at inikot ang mga mata sa paligid, hanggang sa makita ko ang isang maliit na kahon na kulay pula sa likod ng picture frame. Kung hindi ako nagkakamali ay lagayan iyon ng singsing. "Wow! Diamond ba 'to?" manghang sambit ko nang kunin at buksan ko ang kahon. "Grabe! Magkano kaya ang ganito?" tinanggal ko ang singing at sinukat. Medyo kasya sa akin at bagay na bagay sa kamay ko. Dahil sa baka mahuli ay dali-dali kong ibinalik ang singsing sa kahon at inilagay muli sa likod ng picture frame. Humiga na lang ako sa kama ni Blade at ipinikit ang mga mata. Hindi naman siguro niya ikagagalit kung iidlip ako. Akmang bubuka pa lang ang bibig ko para kumanta nang bigla kong maramdaman ang malamig na tubig na binuhos sa akin. Napasinghap ako at napabangon. Napaubo rin ako dahil pumasok sa bibig ko ang tubig na binuhos ng kung sino. Dahil sa galit ay nilingon ko ang maya gawa. Bumungad sa paningin ko ang hindi pamilyar na mukha ng babae. Nakataas ang kilay nito at masama ang tingin sa akin. Hawak din nito ang vase na may bulaklak at mukhang mula doon ang tubig na binuhos niya. "Who the hell are you?!" sigaw nito sa matinis na boses. Tumayo ako nang maayos at napaatras. "A-ako si Katana. Teka! Bakit mo ako binuhusan ng—" "And what are you doing here?! Isa ka ba sa babae na umaaligid-aligid kay Blade?!" Kumunot ang noo ko. "Hindi kita naiintindihan—" "Shut up!" Umarte itong pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay na may mahahabang kuko. "Teka nga ha! Bakit mo ba ako binuhusan ng tubig na galing sa vase? Kita mo 'yan?" Turo ko sa basang parte ng kama ni Blade. "Ikaw ang may kasalanan niyan." "No, b***h. That's your fault! Kung bakit kasi humihiga-higa ka diyan. Gosh! Of all Blade's w***e, you're the cheapest!" Pumanting ang tenga ko sa sinabi niya. "Hoy! Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako babae ni Blade at mas lalong hindi ako w***e!" Umismid lang siya at maarteng hinawi ang buhok. "Whatever. Alam mo, when Blade finally sneak under your pants, you're done. Basura ka na lang—" Ngumisi ako. "Pasensiya kana ha, pero para sa kaalaman mo, kahit magkasama kami sa iisang bahay ay wala akong balak pasilipin siya ni dulo ng panty ko," sagot ko na agad kong ikinangiwi. Hindi nga nasilip ni Blade ang dulo ng panty ko dahil boung panty ko ang nakita na niya kasama pa ang aking healty gelatin. Napailing ako at tumingin muli sa babae. Nanlaki ang mata nito at unti-unting tumalim na para bang ano mang oras ay susugurin niya ako. Humalukipkip ako sa harapan niya at ipinamukha na kahit hindi kami pantay ng pamumuhay ay hindi niya ako p'wede sigaw-sigawan ng walang dahilan. "Did..did you just say that you're staying with him?" Tumango ako bilang sagot na mukhang ikinainis ng babae. "No! That can't be happening!" Hinawi ko ang buhok ko. "Well, it's happening," pang-aasar ko na mukhang gumana sa kaniya. "You b***h!" Galit na lumapit siya sa akin at walang sabi-sabing hinaklit ako sa buhok. Agad kong dinaing iyon dahil mahigpit ang pagkakasabunot niya. Mukha ngang nagalit siya sa sinabi ko. "Bitawan mo ako! Hoy! Ano ba?!" "No! I'm going to ruin your face!" anito na galit na galit. Halos kaladkarin niya ako palabas ng kwarto. Dahil sa naiinis na rin ako ay malakas ko siyang itinulak dahilan para mabanga siya sa isang side table. Inayos ko ang buhok at lumapit sa kaniya nang kaunti. "Hoy! Anong karapatan mong sabunutan ako?!" "You cheap w***e!" Nanlaki ang mata ko nang damputin nito ang vase na nakapatong sa isang side table. Napalunok ako nang itaas nito ang hawak at akmang ihahampas sa akin. Pinikit ko ang mata ko at nang wala akong maramdaman ay iminulat ko ang isa kong mata. Bumulaga sa paningin ko si Blade na hawak ang kamay ng babae para pigilin sa binabalak. "B-blade?!" gulantang ng babae. Marahas siyang binitawan ni Blade na kinagulat niya. Kinuha nito ang vase mula sa kaniya at inilapag. "What are you doing here, Lindsay?" "What am I doing here?" takang tanong nito at itinuro ako. Ako na walang alam kung anong mayro'n sa kanilang dalawa. "What about her? What is she doing here?" Bumaling sa akin ang tingin ni Blade at nagtaas ng kilay. Ngumiti ako ng alanganin at tumayo nang tuwid. Tiyak na insulto na naman ang lalabas sa bibig ng asungot na 'to tungkol sa akin. "She's my maid," sagot ni Blade. Tumawa lang ng pagak ang babaeng may pangalang Lindsay. "She's just a maid? Eh, bakit ang sarap ng higa niya sa bed mo?!" Lumipat ang nagtatanong na mata ni Blade sa akin. "Was it true?" "Oh, come on! You don't have to ask her if it was true or not. My words are enough for you to believe me," singit ng Lindsay na pinagsalikop ang dalawang braso sa dibdib at tinaasan ako ng kilay. Hindi ako sumagot dahil ayokong mapahiya sa babaeng maarte na kaharap ko. "Katana? Was it true?" hindi pinansin ni Blade ang nanggagalaiting babae. Tumango ako. "Gusto ko lang naman magpahinga, ang kaso. Binuhusan niya ako ng tubig na galing sa vase." "You deserve it," singit ng Lindsay. Nakatingin lang sa akin si Blade at mukhang hindi naman siya galit. Iminuwestra ko ang kamay ko para ipakita ang damit kong nabasa dahil sa babaeng katabi niya. "Okay, that's enough—" "Wait, what?" ani ng babae at nameywang. "Really, Blade? Hindi mo ba siya palalayasin?" Tumaas ang kilay ni Blade sa kaniya at napailing. Huminga rin siya nang malalim at humalukipkip. "She can do whatever she wants, Lindsay. I'm allowing her." Halos lumuwa ang mata ng babae sa gulat at halos magkasya ang kamao ko sa nakanganga niyang bibig. Patago naman akong ngumisi dahil mukhang ako ang kinampihan ni Blade ngayon. "By the way, Lindsay. You didn't answer my question. What are you doing here?" Pag-iiba ni Blade sa usapan. Ang babaeng kiti-kiti ay may kinuha s bag nito at malanding inabot kay Blade. Agad binasa ng isa ang nakasulat at dahil isa akong natural na tsimosa ay tumabi ako kay Blade at tumingkayad para silipin ang hawak niya. Tinitigan lang ako ni Blade nang matalim pero agad inalis ang tingin sa akin. Nagpatuloy naman ako sa pagbabasa. Isang imbitasyon para sa gaganaping fiftieth anniversary ng Howell Corporation at dito gaganapin sa Revanche Hotel and Resort. Mamayang alas sais ng gabi na ang event. "I can't go—" "Pero Blade! Inaasahan ka ni Daddy sa event!" Daddy? Ibig sabihin ay si Lindsay Howell ang babaeng 'to? Kilala si Lindsay Howell bilang fashionista at spoiled brat. At bali-balita rin na may pagkabaliw ang babaeng 'to dahil kahit anong gawing gulo ay laging nakakalusot sa batas. "Lindsay, I'm sorry but—" "Blade Revanche, kailangan mong dumating. My father will invest in your company and I'm pretty sure that your father will like it!" Ngumiwi ako sa maarte niyang pagsasalita at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang ginawa ko. Mabilis kong iniwas ang tingin ko para magkunwari. "Fine, I'll go." "Yes!—" "But in one condition." "Anything Blade." Tumingin sa akin si Blade na agad kong nakuha ang ibig sabihin. Nanlaki ang mata ko at sunod-sunod na napailing. Hindi ako papayag sa gusto ng damuhong 'to. Kung kanina na nasa teritoryo niya ako ay muntikan na akong masaktan ni Lindsay, paano pa kaya kung nakatapak na ako sa teritoryo ng babaeng baliw na 'to. "What's your condition?" ulit ni Lindsay na nakangiti. "Katana will be my date." Ang matamis na ngiti ni Lindsay ay unti-unting naglaho. Napalitan ng hindi makapaniwalang reaksiyon ang magandang mukha nito. Nang lumingon siya sa akin gulat at galit ang paraan niya ng pag tingin. "A-are you sure—" "If you don't like my condition then, I won't go—" "Fine!" padabog na sagot niya. "As long as she doesn't look cheap." Tumango lang si Blade bilang sagot. Ako naman ay walang nagawa dahil sino ba naman ako para tumutol? "I have to go," mataray na sabi nito at naglakad palabas. Bago tuluyang umalis ay matalim na titig muna ang ginawa nito sa akin. "Let's go." "Teka nga, Sir Blade." Lumapit ako sa kaniya at nameywang. "Bakit mo ako isasama do'n sa event?" "I can't take the risk to leave you alone—" "P'wede naman akong maging caterer o kaya janitress. Bakit date mo pa?" Matalim niya akong tinitigan. "You need to stay close to me." "Ha?" Tumalikod ito. "Dapat ay laging nasa tabi kita." Natahimik ako sa sinabi niya at napailing nang marahan. Parang iba kasi ang ibig sabihin niya o assumera lang ako? O baka naman alam na niya na sobrang nanganganib ang buhay ko kaya ganoon na lang ang pagaalala niya. "Nako, Sir Blade. 'Wag naman sana humantong na pati sa banyo magkasama—" "I won't mind, Katana. I already seen you naked—" "Hep! Hep! Hep!" pigil ko sa kaniya dahil bumabalik na naman ang mga alaala nang araw na makita niya akong hubad. "Wala ka ng maitatago sa akin," anito bago tumungo sa kaniyang opisina. Sumunod ako sa kaniya at umupo sa mahabang sofa. Siya naman ay sa kaniyang swivel chair at nagbukas ng laptop. Tumingin ako sa wallclock at nasa alas kuwatro pa lang ng hapon. "Tapos na agad meeting niyo?" biglang tanong ko. "Yeah, I ended it fast." "Bakit?" Nag-angat siya ng tingin. "Because you're here." Kumalabog ang dibdib ko bigla dahil sa sinabi niya. Agad akong nag-iwas ng tingin at iwinakli ang anumang ibig sabihin ng mga sinabi niya. "Check this, Katana." "Ha?" tanong ko. Inikot nito ang laptop at pinakita sa akin ang isang magandang damit na kulay peach. See through ang long-sleeved nito at hapit ang bandang bewang. Ngumiti ako at na-imagine ang sariling sout ito. "What do you think?" "Maganda." "Maganda? That's it?" Tumango ako. "Oo, bakit—" Natigil ako ng muli nitong iharap sa sarili ang laptop at nagtipa sa keyboard. Ilang segundo ay iniharap ulit nito sa akin. Isang kulay sky blue naman ang ipinakita niya. Ngumiwi ako dahil medyo old school ang porma o baka hindi ko lang gusto. Pansin ni Sir Blade ang reaksiyon ko kaya muli nitong inikot ang laptop. Sa pagkakataong 'to ay dumukot ito ng cellphone at may tinawagan at binaba matapos ang ilang segundong pakikipagusap. "Para saan ba ang mga damit na pinapakita mo, Sir?" Tumingin siya sa akin. "Sino ba ang babae sa ating dalawa?" "Ako—teka?! 'Wag mo sabihing para sa akin ang mga damit na pinapakita mo?" Nagtaas siya ng kilay. "Don't get me wrong, Katana. I'm showing you the dress because you need to look presentable and decent. Ano bang isusuot mo sa event? Jeans?" Akmang sasagot ako nang may biglang bumukas ng pinto ng opisina. Napatayo ako nang iniluwa niyon ang isang babaeng sopistikada. Malaki ang sombrero nito at may sout na sunglasses na animo'y mata ng bubuyog tingnan. Maliit lang ang dala nitong bag na baka pati pasensiya ko hindi kasya. Kulay pula ang lipstick nito at maganda ang pananamit. Mukha mayaman din siya pero hindi tulad ni Lindsay ay mukhang may respeto at pinag-aralan ito. "Hi guys!" sigaw nito sa matinis na boses. Nagtaas ako ng kamay at bahagyang ikinaway sa kaniya. Si Blade naman ay lumapit sa kaniya at napapailing na tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. "Hi yourself, Bellamy." Unti-unting namilog ang mata ko sa narinig na tinawag ni Blade sa babae. At nang nagtanggal ito ng salamin ay lumabas ang nakatagong ganda niya na talaga namang kahit sino ay mahuhumaling. "B-Bellamy?!" Sabay silang napalingon sa akin. Ang babae ay naglakad papunta sa akin at naglahad ng kamay. Nakangiti rin siya at lumabas ang dalawang pahabang dimple sa pisngi. "Hi! Nice to meet you," aniya at tinanggal ang sombrero at ginalaw ang ulo na sumunod naman ang buhok sa pag-wave. "I'm Bellamy Revanche, and I'll make you the prettiest tonight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD