
RATED SPG!!
"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko ngunit hindi p'wede....
Hindi p'wede dahil..."
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dina bago nagsalitang muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap.
"Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak, anak na handa kang magsakripisyo maibigay lamang ang nararapat para sa kanila!
Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron ngunit 'wag lang ang anak ko… dahil ibang usapan na 'yon. At hindi rin ako makakapayag na mangyari 'yun dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan n'yo." - Dina Sedest
Sa isang relasyon may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila?
Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa?
Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..

