Naalimpungatan ang dalaga dahil sa bigat ng kanyang dibdib at parang hirap na rin itong huminga dahil sa braso na nakadagan sa kanya
“Nakadagan, sa akin oh my.”
Kaagad itong nagmulat ng mata at pagmulat nito bumungad sa kanya ang isang lalaking mahimbing na natutulog habang nakayakap ang isang braso nito sa kanyang dibdib. Ang isang hita nito ay nakadantay sa kanyang hita habang ang mukha nito ay nakasiksik sa balikat at leeg ng dalaga. Naramdaman rin ni Dina ang pagtusok sa kanyang balat ng bigote nito at ng mapa tingin siya sa ibabang bahagi ng katawan nito ay wala kahit anong saplot kaya naman awtomatikong napatingin ang dalaga sa kanyang sarili.
"Ahhhhhhh" malakas nitong sigaw dahil pareho silang walang saplot
"Hayup ka rapist ka kinuha mo ang pinaka iingatan ko." anito habang pinaghahampas ang binata gamit ang mga palad ng dalaga
Bumangon ito na ‘di alintana ang kahubadan at hindi man lang sumagot sa mga pinagsasabi ni Dina bagkus ay nginisihan pa siya.
"Ikaw ang rapist sa ating dalawa Ms. Bragais. Don't you remember last night, don't you? Hm,” saad nito bago pumasok sa banyo
Hindi man lang nag abala na takpan ang kanyang tigas na tigas na sandata na animoy sasabak sa matinding labanan.
Samantala, hindi alam ng dalaga ang kanyang gagawin kung paano siya nakarating dito at kung paano siya kadaling bumigay sa lalaking ni pangalan ay hindi niya alam.
"Gaga ka talaga Dina." kastigo ni Dina sa sarili
"s**t. Ano bang klaseng wine na 'yon?" habang ang mga palad nito ay nakasabunot sa kanyang buhok
"Naibigay ko ang pinaka iingatan ko sa taong hindi ko man lang kilala. Paano kung mabuntis n'ya ako? Lagot ako kay Daddy, kay Kuya, at mas lalo na sa boyfriend kong si Matteo." pag kausap nito sa sarili
Kaagad itong tumayo para magbihis habang nasa banyo pa ang lalaki na kaulayaw niya.
“Ano ba 'tong pinasok ko.”
Mabilis nitong sinuot ang dress na suot kagabi at basta na lamang dinampot ang purse at three inches stiletto heels palabas ng pinto.
Dina’s POV
Hirap man maglakad dahil sa sakit ng aking katawan partikular sa gitnang bahagi ng aking mga hita ay hindi ko na alintana dahil ang tanging nais ko na lamang ay makaalis sa lugar na 'to.
Pagkababa ko ng building ay mabilis naman akong nakakuha ng sasakyang taxi patungo sa bahay namin. Mabuti na lamang ay araw ng sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho kaya nais kong umuwi ngayon sa bahay namin. Alam ko ring dumating na kahapon ang aking ina at si Kuya mula sa US. Sa USA, kasi nakabase ngayon ang kapatid kong panganay habang buntis naman ang asawa nito kung kaya't kinailangan ni Mommy ang pumunta ron upang alalayan ito. Nakauwi lang ang mga ito dahil naisilang na ni Ate Eve ang aking pamangkin.
Habang lulan ng taxi bigla kong naalala ang naging usapan namin ng boyfriend kong si Matthew.
"Omg. Nakalimutan ko kagabi na dapat ay susunduin pala ako ni Matt para sabay na kaming umuwi."
Tatawagan ko na lang s'ya para humingi ng paumanhin ngunit ng mapa tingin ako sa kamay ko ay tanging purse lang ang dala dala ko malamang ay naiwan ko ito ko kung saan.
“Ang swerte naman ng araw na ‘to.”
Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla akong kinabahan sa pumapasok sa aking isipan.
“Paano kung naiwan ko sa Motel tapos, tapos tumawag si Matt tapos sagutin ng gagong nakaulayaw ko? Nako. Yari na talaga nalintikan na.”
Napatingin ako sa driver ng taxi dahil panay ang tingin nito sa likod partikular sa akin kaya wala sa sarili akong napatingin sa dibdib ko. Pagtingin ko don ko narealize na,
“s**t. Wala akong bra at pati na rin panty.”
Nakalimutan kong isuot dahil sa pagmamadali kong makaalis sa lugar na 'yon. Minabuti ko na yakapin ang sarili upang hindi mahalata na wala akong suot na Bra.
"Ma'am nandito na po tayo." aniya
"Ma'am?" ulit nito
Tinig ng taxi driver ang nagpa gising sa diwa kong nanaginip ng gising dahil sa mga kamalasang natamo ko ngayong araw na ‘to. Hindi ko na rin pala namalayan na nandito na kami sa tapat ng bahay namin.
"Ito po ang bayad keep the change."
Mabuti na lang ay naka-bukas ang gate dahil naglilinis ang isa sa mga kasambahay namin ng sasakyan kaya nakabukas ito. Mabilis akong nagtatakbo papasok sa loob ng bahay paakyat sa hagdan hanggang makarating sa kwarto ko dahil sa kagustuhan ko ng maligo dahil kakaibang nararamdaman ko bukod sa nanlalagkit ay nandidiri rin ako sa sarili ko. Halos naamoy ko pa ang amoy ng lalaking naka one night ko.
“s**t. Ang tindi at kapit na kapit naman ng amoy n’on,”
"Dina. Dina." tinig ni Mommy mula sa labas ng pinto
"Mommy, saglit lang po maliligo muna ako." sagot kong pasigaw dahil tuwalya na lamang ang nakabalot sa hubad kong katawan.
"Sige. Anak bumaba ka agad pagkatapos mo hihintayin ka namin bago kami kumain ng almusal."
"Opo.” sigaw kong sagot.
Binilisan kong maligo dahil nakaramdam na rin ako ng gutom at medyo masama ang pakiramdam ko.
Ngayong araw ang anniversary nina Dad and Mom.
Alam ko maya maya lang ay marami ng mga bisita ang parating ng matapos maligo ay nagbihis agad ako ng isang white t-shirt at short. Komportable ako sa ganitong kasuotan.
"Oh, ayan na pala ang prinsesa natin eh, kumain na tayo.” nakangiting imporma ni Dad kay Mommy.
"Happy Anniversary po Mommy and Daddy."
"Salamat. Hija, bakit nga pala nag tatakbo ka raw kanina sabi ni Manang Bering ng dumating ka?" tanong ni Daddy habang si Mommy naman ay nag hihintay ng sagot ko.
"Ah, eh, Dad kasi.. kasi natatae na po ako eh,"
"Ikaw talagang bata ka parang hindi ka dalaga kung kumilos." saad ni Mommy sa akin at hinawakan ako braso patungo sa kusina.
"Mukhang mainit ka Anak masama ba pakiramdam mo?"
"Medyo masama po pakiramdam ko."
"Ohh, sige na kumain kana para makainom ka na kaagad ng gamot."
"Mommy asan po sina Kuya at ate pati na rin po ang baby?" tanong ko habang ngumunguya
"May pinuntahan lang Anak."
"Ah"
Gusto ko na kasing makita ang pamangkin ko nakakagigil ang pisngi.
"Anak, inumin mo ito tapos umakyat kana sa kwarto mo para makapag pahinga ka."
"Sige po, Mommy magpapahinga po muna ako."
Sinunod ko ang bilin ni Mommy umakyat ako sa aking kwarto at nagpahinga hindi naman nagtagal ay hinila ako ng antok.
May ilang oras na siguro ako natutulog ng biglang may kumatok.
"Dina. Dina." may naghahanap sayo nakapulot raw ng cellphone mo nandito s'ya sa labas ng kwarto mo buksan mo para makapasok kami.
“Kuya naman.. pwede naman kasi sa baba na lang kayo maghintay ng pagbaba ko eh, tsaka pwede naman ikaw na lang ang kumuha muna ng telepono ko.” sagot ko dahil parang lumala ang sama ng pakiramdam ko.
“Dina!” muling sigaw ng kapatid ko.
“Aba matuto kang magpasalamat!” anito kaya naman wala na akong nagawa kundi ang bumangon.
"K-kuya na-" napamaang ako sa nabungaran ko ng buksan ko ang pinto ng kwarto dahil walang iba kundi ang lalaking hindi ko inaasahan na nakapulot raw umano ng cellphone ko.
"Ikaw?" tanging usal na lumabas sa bibig ko.
"Yes. It's me Ms. Bragais." anito sabay kindat.
"Bro, salamat. Burara kasi itong kapatid ko kaya ayan kung saan saan nawawaglit ang mga gamit n'ya.” naiiling na sambit ni Kuya na medyo tumagos sa puso ko dahil hindi lang cellphone ang nawala sa akin na napulot n’ya.
"Wala 'yon, Bro." sagot naman ng huli.
"Tara. Bro, Anniversary ngayon nina Mommy and Daddy tutal nandito ka na rin naman mag inuman na lang tayo." narinig kong anyaya ni kuya.
"Magka-ak-kilala kayo Kuya?" saad kong nauutal utal
"Yes. Princess, Mistah ko s'ya." nakangiting sambit ng kapatid ko
"s**t. Small world." piping usal ko sa isip.
"Bakit magkakilala rin ba kayo?" ganting tanong ni kuya na may pagtataka at salit salitan kaming tiningnan ng nagtatanong na tingin
"K-ka-" naputol ang pagsagot ng lalaki dahil mabilis ko itong pinutol mahirap na
"Hindi po kuya pero girlfriend niya ang kaibigan ko." pagsisinungaling ko sabay nilakihan ng mata ang huli.
"Good to know na nag seseryoso ka na ngayon.” nakangiting turan ni Kuya ngunit parang may patalim na biglang tumusok sa puso ko dahil sa aking narinig.
“Paano kung mabuntis ako? Playboy at f**k boy pala ang lalaking ‘to.” anang ng isip ko
"Grabe ka naman hindi ko palang kasi nakikilala ang babaeng magiging rason ng pagbabago ko Bro, pero malay natin baka nasa paligid lang pala 'di ba?" depensa naman ng huli tumango tango naman ang kapatid ko bilang sagot.
“My point.”
"Bababa na kami princess, magbihis ka na harapin mo naman ang mga bisita ni Mommy at Daddy." anito sabay hinalikan ako sa noo
"Bakit ang init mo? Inaapoy ka ng lagnat, ano bang masakit sayo, ano bang nararamdaman mo?" sunod sunod na tanong ni Kuya Dave
"Masama pakiramdam ko kuya." mahinang sambit ko
"Saglit lang tatawagin ko si Mommy." anito sabay nagmadaling bumaba habang ako’y naiwan na nakatingin lang sa kanyang likod papalayo pababa ng hagdan
"Anong masakit sayo?" tanong ng lalaking mariin na nakatitig sa akin.
Sinagot ko ito ng irap at pumasok na ako sa loob ngunit bago ko mailapat ang pinto ay narinig ko pa ang huli nitong sinabi.
"Tumawag si First Lieutenant Montevallo sinagot ko at sinabi kong magkasama tayo kagabi." saad nitong nakangisi
Imbis na sagutin ay padabog kong sinara ang pinto at makalipas ang isang minuto bigla itong bumukas sabay pumasok sina Kuya, Mommy at ang lalaki.
"Dave kunin mo 'yung gamot at magdala ka na rin ng tubig para makainom ulit ang kapatid mo." utos ni Mom habang hinihipo ang noo ko sabay nun ay inilagay sa kili kili ko ang thermometer.
"Samahan na kita, Bro,"
"Jusko. Ano ang pinag gagawa mong bata ka, ba’t hindi man lang tumalab ang gamot na binigay ko sayo kanina." sermon ni Mom habang pinupunasan ako.
Nanatili akong walang kibo dahil hindi ko rin alam ang dapat kong isagot sa tanong ni Mommy.
"My, ito na po baba na kami dahil nakakahiya naman dito sa kaibigan ko." saad ni Kuya at umakbay na ito sa kaibigan.
"Ayos lang, Bro."
"Dave, sabihin mo na lang sa Daddy mo na narito ako ha, dahil baka hanapin ako ganun rin kay Manang pakisabi na s'ya na lang ang magpatuloy ng ginagawa ko."
Bumababa na sina Kuya sumunod rin agad si Mommy matapos ako nitong pinusan at painumin ng gamot ay nagpaalam na rin ito dahil may haharapin pa raw s'ya na mga bisita.