"M-misis ko yan na nga diinan mo pa, ahhh." "Oh, alin pa ba ang masakit?" "Dito naman sa binti Misis ko ang sarap mo namang magmasahe. Masarap pala talagang mag asawa may tagahilot ka na may aaruhin ka pa sa gab-- aray naman." "Hindi kana mabiro Misis ko mamaya ka lang sa akin." "Bro, mabuti naman nakadalo ka, ah kayo pala dahil ikinasal ka na pala pero hindi ka man lang nangumbida." nagtatampong saad ng bagong dating "Ganun talaga, Bro kapag napilitan lang yong pakakasalan mo." si Samuel na biglang singit ngunit masama naman itong tiningnan ni Ken. "Hahaha. So totoo pala ang bali-balita," "Ay secret lang pala yun eto na tatahimik na." si Samuel "Ganun b–." naputol ang pagsasalita nito dahil mabilis naman sumagot ang aking asawa at nagpaliwanag. "Biglaan kasi Bro may susunod pa n

