"Dina Hija, nandito na ang driver ng Daddy Kendrick mo." imporma ni Manang Fely "Opo, pababa na po ako." pasigaw kong sagot kay Manang Pang limang araw ko ng trainee ngayon bilang isang Acting CEO at ayon iyon sa kagustuhan ni Daddy. Yes, it's been six day ngunit hindi pa rin umuwi ang aking asawa at kahit man lang isang text o tawag ay wala akong nareceive mula rito kaya labis akong nag aalala. “Magtutuos talaga kami ng Sedest na 'yon dahil sa anim na araw na lumipas ay hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kung kailan siya babalik. Kung ayos lang ba s'ya? Kung nakakain ba s'ya sa tamang oras? Kung saan siya natutulog?” pag kausap ko sa aking sarili "Sige. Bumaba ka na para makapag almusal ka muna bago ka pumasok." Lumabas na ako ngunit ng akmang baba na ako natanaw ko si Da

