bc

My Boss, My Husband (Tagalog)

book_age18+
52.8K
FOLLOW
230.9K
READ
dark
possessive
family
dominant
boss
drama
twisted
sweet
bxg
first love
like
intro-logo
Blurb

DO NOT READ THIS STORY!!!

Dahil sa kahirapan, napilitan si Divine na magtrabaho sa Maynila. Kaagad niyang tinanggap ang alok ng kaibigan niyang si Brenda na maging isang kasambahay sa isang mayamang pamilya. Para sa nanay at kapatid niya, gagawin niya ang lahat kahit na wala na ang tatay niya.

Sa pagtungtong niya sa Maynila, ibang excitement ang nararamdaman niya dahil iyon ang una niyang beses na makapunta sa siyudad. Nagtrabaho na nga siya bilang kasambahay at naging mabait ang amo niyang babae. Pero hindi pa pala iyon matatapos doon, may anak ito, isang guwapo at matipunong lalaki pero saksakan naman ng sungit. Ito ay walang iba kundi si Alexander, ang kaniyang amo number two. Dahil sa ugali nito, hindi naging maganda ang pagsasama nila. Palaging maiinit ang ulo nito sa kaniya.

Magiging mabait pa kaya ito sa kaniya gayong hindi magandang pag-uugali ang ipinakita nito?

Magbabago ba ang lahat sa pagtungtong niya sa siyudad?

O unti-unting magsisimula ang kamalasan niya?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
DIVINE AKO si Divine Salazar. Isang babaeng ubod ng sungit sa mga taong masungit din. Ako iyong tipo ng babae na maganda pero maraming pangarap. Pero ang lahat ng pangarap na aking minimithi ay bigla na lang naglaho dahil namatay ang tatay ko. Kailangan kong kumayod para mabuhay ang mahal kong pamilya. Si Insoy at nanay ay kailangan kong buhayin. Miss ko na agad sila. Parang gusto kong bumalik. Nang makababa ako ng taxi ay si Brenda ang sumalubong sa akin. Siya ang sinasabi kong kaibigan ko na nag-apply sa akin sa isang mayamang pamilya. “Handa ka na ba?” tanong niya kaya naman napatango na lang ako. Pumasok kami sa isang maliit na bahay. Nang makapasok ay agad akong naupo sa pang-isahang sofa. Pagod na pagod na talaga ako kanina pa. “Kailan ba tayo pupunta doon sa mayamang pamilya?” tanong ko habang nakapikit. “Bukas na pala. Magpahinga ka muna para fresh ka sa tingin nila,” aniya na hindi ko na nakuha pang sagutin dahil bigla akong dinalaw ng antok. “DIVINE! Gumising ka na nga riyan at alas-syete na ng umaga!” Nagising ako dahil sa boses na aking narinig, iminulat ko ang aking mga mata. Si Brenda ang bumungad sa akin dahilan para mapaatras ako dahil sa gulat. “Bakit ba? Inaantok pa ako, e,” inaantok na sabi ko rito sabay dapa sa kama at muling ipinikit ang mga mata. “Okay, kapag nawalan ka ng trabaho hindi ko na iyon problema. Bahala ka sa buhay mo. Papasok na ako sa trabaho ko...” wika niya at rinig ko pa ang pagbaba niya sa kama dahil sa takong niya. Muli ko na namang naimulat ang mga mata ko at hinabol siya. “Sandali lang naman. Highblood agad ito, o. Hintayin mo lang ako at maliligo lamang ako...” ani ko rito at agad na nagtatakbo patungo sa banyo. ABOT ang kaba ko habang kami ay papasok sa isang malaking bahay. Naupo muna kaming dalawa sa malambot na sofa. Mas masarap itong tulugan kaysa doon sa bahay ni Brenda. Nagpalinga-linga ako sa paligid at halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita. Talagang mayaman ang pamilyang ito. Maraming mga mamahaling naka-display. Tapos may mga medals pa. Napabaling ako sa isang picture. Hindi ko naiwasang mapalunok. Ang gwapo niya. Siguro anak ito. Parang nawala ang kaba ko. Parang gusto kong tumayo at lapitan ang frame na iyon para halik-halikan. “Ma’am, ito po pala iyong i-a-apply ko bilang inyong bagong kasambahay...” “Then what is her name?” Bumalik ako sa reyalidad nang biglang sundutin ni Brenda ang aking tagiliran. Napatingin ako at hindi ko pala namalayan na may isang babae pa lang nakaupo sa harap namin. “Bakit ka tulala? Magpakilala ka na,” bulong niya sa akin. Lumunok na muna ako ng laway bago nakangiting tumingin sa may katandang babae. “Ah, ako nga po pala si Divine Salazar. Marami po akong alam na gawaing bahay at kahit ano pong ipag-utos niyo ay susundin ko,” nakangiti kong wika rito. “Good to hear that. Later, you may start your work.” “Salamat po, Ma’am...” “I forgot, tawagin mo na lang akong Madame Pressy.” “Salamat po, Madame Pressy. Malaki pong tulong itong aking bagong trabaho. Salamat po talaga.” Halos napatango-tango ako sa kaniya. Salamat sa Diyos at binigyan ako ng isang napakabait na amo. “Pwede ba kitang matanong, Divine?” tanong niya kapagkuwan. Tumango ako. “Sige po...” “Bakit kasambahay ang pinasok mo?” “Hindi po kasi ako nakatapos. Hanggang Grade nine lang po ako dahil sa kahirapan. Maaga rin po kasing namatay ang aking tatay kaya po ganoon ang nangyari, hindi ko po naipagpatuloy ang pag-aaral ko,” sagot ko. Tumango ito. “Ah, kaya pala. You can take your rest at mamaya ay magsisimula ka na,” saad niya at tumayo na. “I have to go,” anito saka tumalikod na. Naiwan kami ni Brenda sa sala. Dahil sa saya ko ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit. May trabaho na ako. Yehey! “Take your rest daw. Umuwi ka na muna sa bahay ko at magpahinga. Tapos bumalik ka. Huwag mo silang papaasahin. Malilintikan tayo nito...” “Oo na.” Hindi ko talaga maiwasang mapangiti. Masaya lang ako dahil meron na muli akong trabaho. Pag-iigihin ko pa ito para sa aking pamilya. Gusto kong makapagtapos si Insoy at hindi magaya ko na highschool lang ang narating. Hindi pa nga nakatapos. Sabay pa kaming lumabas ng malaking bahay na iyon na puno nang galak. Sumakay na ako at siya naman at sumakay rin pero sa iba. Pupunta na raw siya ng trabaho niya bilang isang sales lady. PABAGSAK akong humiga sa kama. Nakangiting nakatingin sa kisame. Ito na yata ang pinakamasayang araw ko. Ang saya-saya ng buhay ko ngayon. May trabaho na ako! “ANO bang lulutuin mo, hija?” tanong sa akin ng kasamahan kong kasambahay. Medyo may edad na ito dahil sa hitsura niya. “Putchero po, ’nay.” Naalala ko si nanay. Ilang araw pa lang akong wala ay namiss ko na agad siya. Wala sa sariling napabuga na lang ako ng hangin sa aking bibig. “Ngayon lang ulit ihahain iyang putahe mo sa mesa, hija. Tanda ko pa noon na nagustuhan iyon ni Sir. Alexander. Hindi ko nga ine-expect na mahilig siya sa mga veggies...” saad niya dahilan para mapatigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kaniya. “Sino po bang Sir. Alexander ang tinutukoy niyo? Nasaan po siya at parang wala po rito?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. “Naku! Busy iyon sa trabaho niya, hija. Siya ang namamahala sa kumpanyang naiwan ng daddy niya nang namatay ito,” aniya dahilan para makaramdam ako ng lungkot. Patay na pala ang daddy niya. So, dalawa na lang sila sa bahay na ito na parang isang mansyon. Isama pa kaming dalawa. “May kapatid po ba siya?” tanong ko. “Oo, isang babae kaso nasa America at doon nag-aaral. Bakit pala natanong mo iyan? May problema ka ba sa kanila?” Tumungo ako at bumalik sa aking ginagawa. Hindi naman masamang magtanong sa background ng pamilya nila. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa at hindi na nakuha siyang sagutin. Lumipas ang isang oras ay sa wakas luto na ang putchero ko. Inihain ko na iyon sa lamesa habang si manang naman ay naglalagay ng plato at mga kubyertos sa lamesa. Sa gitna ng pag-aayos namin ay nakarinig ako ng sunod-sunod na busina sa labas ng bahay. Napatingin ako kay manang. “Hija, tumungo ka muna roon para buksan ang gate. Ako na ang bahala rito. Bilis at baka magalit pa si Sir...” Dahil sa sinabi niya ay agad akong kumaripas ng takbo papalabas. Nang makalabas ay sinag ng ilaw agad ang bumungad sa akin galing sa isang sasakyan. Muli akong nagpatiuna para buksan ang gate. “Who are you?” tanong sa akin ng isang matangkad na lalaki nang makababa ng kaniyang mamahaling sasakyan. Ito na yata iyong sinasabi ni manang na Alexander. Infairness, guwapo siya. Perpekto. Parang nasa kaniya na ang lahat. “I asked you. Who are you?!” pasigaw na tanong niya dahilan para bumalik ako sa reyalidad. “Bago pong kasambahay ninyo,” nakangiti kong sagot dito. Siya naman ay irap ang ibinato sa akin kapagkuwa’y naglakad na papasok sa loob. Ganoon din naman ang ginawa ko. Nang makapasok ay nakita ko si Madame Pressy na pababa sa hagdan at si Sir. Alexander naman ay pataas. “How are you, my son?” rinig kong tanong ni Madame Pressy sa anak. “I’m fine, mom. Who is she?” tanong niya sabay baling sa akin. Halos mapatid ako sa kinakatayuan ko dahil sa kaniya. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko kanina? “Ah... she is our new maid. Her name is—” “I’m not interested to know her name,” walang buhay nitong saad saka walang paalam sa ina niyang nagpatuloy sa pagtaas. “Yabang nito. Ihampas ko kaya sa iyo iyong vase, e,” inis na wika ko sa sarili ko saka naglakad na papasok sa kusina. Naabutan ko si manang na abalang nag-iimis. Kanina pa ito hindi pa rin tapos. Dali-dali akong lumapit sa kaniya upang tulungan pero nagpumiglas siya kaya ang hawak niyang baso ay nalaglag dahilan para mabasag ito sa marmol na sahig. “What happened here? I heared that noise. What is it?” Sabay pa kaming napatingin sa pinto at nandoon si Madame Pressy na prenteng nakatayo habang naka-crossed arms. Bigla akong kinabahan dahil sa klase ng mga tingin niya sa aming dalawa. Anong oras man ay parang may lalabas na apoy doon at susunugin kami. Nakakatakot talaga ang hitsura niya. Sobra! “Sorry po, Madame. Dumulas po itong baso sa kamay ko kaya nahulog. Pasensya na po,” sabi ni manang. Si Madame naman ay nagpatuloy lang sa loob at umupo sa isang silya. “Sometimes, be careful. Wow! Finally something I can eat. I love it,” nakangiting wika ni Madame Pressy sabay amoy ng usok na nanggagaling sa putcherong niluto ko. “Madame, si Divine po ang nagluto niyan. Tikman niyo po at masarap,” usal ni manang mayamaya. “Really, huh? Hindi ko inaakala na marunong ka pa lang magluto nitong paborito ng anak ko. I love this food. I really love this food.” “Salamat po, Madame...” sabi ko rito. Tumango lang siya sabay subo ng kutsarang may lamang sabaw. “Good. Call Alexander, Divine. Tell him na kakain na kami.” Tumango na lang ako bilang tugon dito sabay mabilis na lumabas ng kusina. Hindi ko alam kung saan ako tutungong kuwarto dahil sa rami. Inisa-isa ko iyong kinatok. Hanggang sa marating ko ang pinakahuling pinto. Sunod-sunod ko iyong kinatok at mayamaya pa ay may tinig akong narinig mula sa loob. “Come in...” Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Nang mapihit iyon ay agad kong tinulak. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng bumungad si Sir. Alexander na naka-half naked. Parang luluwa ang dalawa kong mata nang makita ang kaniyang six-packed abs. Naitaas ko ang tingin ko sa mukha niya at bigla akong napaatras dahil sa nakakunot-noo niyang tingin sa akin. Kahit ganoon ang hitsura niya ay gwapo pa rin naman. Paano kaya kapag seryoso?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
857.2K
bc

That Professor is my Husband

read
507.1K
bc

Be Mine Again

read
101.4K
bc

The Ex-wife

read
215.2K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
456.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
605.8K
bc

Contract - Tagalog

read
760.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook