Iris POV "Ma'am, para po kayong naglilihi." Nagugulat na nilingon ko si Manang nang biglang sabihin niya 'yon. Nasa kusina ako ngayon at kumukuha ng panibagong pinya at apple na kakainin. "Malabo naman po 'yon, Manang." alanganin na sabi ko. Iniwanan na ako ni Manang. Nakatulala naman ako at wala sa sariling hinawakan ang tiyan ko. Ako? Naglilihi? Sabi ng adoptive parents ko, hindi na ako magbubuntis pa dahil naging komplekado ang panganganak ko no'n. Dahilan din 'yon para namatay ang anak ko. . . . Kumirot ang puso ko sa isiping 'yon. Ako at si Damain ay aktibo sa s*x bago kami nagkalabuan. . . Pero kahit na gano'n, malabong makabuo kami. Pero paano kung may nabuo nga? Alam ko ang sintomas ng mga buntis. At nararamdaman ko 'to ngayon. Bawat umaga ay hinahalukay ang tiyan ko. Tin

