Iris POV Evangelo Aeries. . . Iyan dapat ang ipapangalan ko sa anak ko. Pinag-isipan namin 'yon ni Ate Anastasia no'n. Ang ganda nga dahil parang sunod lang sa pangalan ko. Evangeline Iris. . . Evangelo Aeries Humampas ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Nasa labas kasi ako at nakatanaw sa langit. . . Are you there, my little Angel? Are you watching your Nanay right now? Pumasok na ako sa loob nang makaramdam na ako ng lamig. Nagulat ako nang nadatnan ko sa tapat ng pinto ng kwarto ko si Mr. Andrado, mukang kakatukin sana ako pero hindi na niya tinuloy dahil nakita na niya ako. "Bakit nasa labas ka pa?" tanong nito sa akin. "Bakit andito ka? May kailangan ka, Mr. Andrado?" pormal na tanong ko. "Mr. Andrado huh." bulong niya na narinig ko naman. Namalik mata lang

