Iris POV At ang araw na hinihintay ko, ay dumating na at parang namamanhid ako. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayon araw o malulugmok. Ayaw ko namang makita ni Isagani na malungkot ako sa araw ng kaarawan niya pero hindi ko rin naman kayang maging masaya sa araw na sinilang ko at nawala rin sa akin ang anak ko. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin at pilit na kinokombensi ko ang sarili ko na kailangan ko kalimutan muna ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pag-alala sa anak ko pero hindi ko kaya. . . Ngayon pang nalulunod ang puso ko sa kalungkotan, at dumagdag pa sa bigat ba nararamdaman ko 'yon sinabi sa akin ng Tatay niya. . That's more like it? Natutuwa talaga 'to na nasasaktan ako. Mas gusto ko siyang alalahanin at puntahan ngayon ang anghel ko keysa ang ma

