Iris POV Wala akong pagpipilian. Hindi ko gustong abalahin si Kuya General dahil may fiance na siya at ayaw kong maging sanhi ako ng hindi nila pagkakaintindihan. Si Seb. . . Ang lalaking 'yon ay doktor, alam kong abala rin siya. Inayos ko ang mga gamit ko na naiwanan ko no'n dahil sa pagmamadali nang malaman ang balita at ang dala dala ko naman ngayon sa kwarto na tinutuluyan ko noon. Tama, hindi na ako sa kwarto ni Mr. Andrado tutuloy. Kahit na iyon ang gusto niya, hindi ako susunod dahil ayaw ko siyang makasama sa iisang lugar. Ngayon ding nangako ako na hindi ako lalapit sa kaniya, na lilimitahan ko na ang kilos ko at hindi na ako aakto kagaya no'n. Nang matapos ay naligo na ako. Hindi na sana ako bababa pero kailangan kong tapalan ng yelo ang pisngi ko, baka kasi magkaroon ng pas

