Iris POV "Isagani. . ." tawag ko si Isagani habang nasa klase kami. Talagang iniwas din ng bata ang sarili niya sa akin. Ina-adjust niya rin ang sarili niya sa trato ko sa kaniya. At kahit na hindi siya magsalita ay alam ko na nasasaktan siya sa ginagawa niya para lang sa akin and I admire him for that. He's only six years old yet he's so considerate. "Po?" alanganin pa na sagot ng bata sa akin. "Halika ka rito sa tabi ko, dito mo gawin 'yang activity mo." sabi ko at pinagpag ang upuan na dati niyang inuupuan kapag nagawa siya ng activity niya at gusto niya akong katabi. Hindi ko matiis ang bata.. kung ang Tatay niya ay madali ko lang hindi pansinin at ayos lang sa akin na hindi ko siya kausapin pero si Isagani? Ang hirap hirap niyang tiisin. "Talaga po Nanay?!" sumigla ang boses niy

