Chapter 2 : Karma

1737 Words
Iris POV Evangeline Iris Royales, LPT Mapait na napangiti ako habang binabasa ang pangalan ko sa tarpaulin na nakasabit sa dingding ko. Gusto ko sanang ilagay iyon sa labas ng bahay namin kaso baka mahanap pa ako ng ibang mga naghuhunt sa pamilya ko dahil sa utang. Royales. . . Ang apelyidong pinagmamalaki ko noon. Grace and Power : Royales. Noon, kapag alam nilang isa ka sa angkan na iyan, rerespetohin ka. Pero ngayon, ayaw ko na siyang gamitin dahil hahabulin na ako ng mga shark loan at mga taong pinagkakautangan ng pamilya ko. "No will know." I butterfly hug myself, comforting myself. And there's a chance that my license will terminate If someone in that bar tonight will recognize me. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Ang pagiging lisensiyadong propisyonal ang pinaka-ipinagmamalaki ko. Nakuha ko iyan ng ako lang. I survived living without the wealth and my family. But I also survived the draining part of my life, studying while escaping from the trace of the past. Double degree ako, natapos ko ang business management noon, nasa first year ako noon sa kursong Bachelor of Elementary Education nang bumagsak ang kompaniya ng pamilya ko at nabaon sa utang. 3 years ako na iyon pero iyong trauma. . . Ang daming nangyari. Nasa utak ko pa rin lahat ng iyon, naglalaro tuwing gabi, bumabalik tuwing nag-iisa. Dinudurog ako. It's still hunting the hell out of me. Kagaya kanina, I saw him. . . after three years. Naligo ako. Nandidiri sa sarili. Kiniskis ko ang balat ko para maalis doon ang malagkit na tingin nila. Nakakatawa man. . . pero mas gusto ko na lang mabugbog lagi keysa ang mapagpyestahan ng malalagkit na tingin ng lalaki. Maybe it's my karma. Maybe. . . because after I accidentally interrupt and stop that wedding that day, my life started to crumbled. REWIND "Itigil ang kasal!" malakas na sigaw ko. Tumigil ang pare sa pagsasalita, nilingon ako. Napatingin ang lahat ng tao sa akin. Inayos ko ang buhok kong nagulo dahil sumakay pa akong jeep. Hinihingal ako dahil tinakbo ko pa ang pagitan ng kalyeng hinintuhan ng sasakyan papuntang simbahan. "What's the meaning of this?!" hiristrikal na tanong ng isang ginang. Base sa suot niya ay mukang siya ang Nanay ng ikakasal. "Buntis ako! Dinadala ko ang anak mo! Tapos magpapakasal ka?! Ang kapal naman ng muka mo! Panagutan mo ako!" pagdra-drama ko. Hinawakan ko ang tiyan ko, kinagat ang labi upang pigilan ang hikbi ko. "What the hell? Nakabuntis ka?!" boses iyon ng bride. "What? No!" boses iyon ng groom. Kaya naman napatingin ako sa kanila. At gano'n na lang ang gulat ko na hindi si Valencio Balenciaga at si Ate Anastasia ang nakita ko sa altar kundi ibang tao. Mga hindi ko kilala! Maling kasal ang napuntahan ko! "Joke lang po, tuloy niyo na ang kasal niyo." bawi ko kaagad at akmang aalis na sa lugar na iyon nang may humarang na guwardiya sa harapan ko. Dalawa sila at may hawak pang baril. "Get her." utos ng groom. Nilingon ko ang lalaki at handa na sana akong magmakaawa pero para akong napipi dahil nakita ko ang galit sa muka niya. Galit na parang mananakit. Galit na kahit na babae ako, hindi niya ako palalagpasin. "Teka! Teka lang naman!" pumalag ako nang hawakan ng dalawang lalaki ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng simbahan. Napasigaw ako nang itulak nila ako dahilan para masalampak ako sa sahig, buti na lang at nai-amba ko ang kamay ko sa sahig, kung hindi ay gasgas ang muka ko. "Aray, ah, mga manong. Lalabas naman kasi ako eh. Maling kasal ang napuntahan ko. Paano na lang kung malaglag ang baby ko? Huh! Papalitan niyo ba?!" sigaw ko at pagdra-drama. Nakahawak pa ako sa tiyan ko. "Sira ulo!" sigaw lang nila sa akin bago pumasok sa simbahan. Gano'n na lang ang gulat ko nang padabog na isinarado pa ang pinto ng simbahan. END OF REWIND Kung wala lang akong nasirang magiging pamilya that time, kung hindi kasal ng kapatid ko ang pipigilan ko sana, that memory will be my epic memory. Tatawanan ko, gano'n. But no, there's a chance that that wedding wouldn't continue. And my sister, natuloy ang wedding niya sa lalaking iyon and that's cause of her. . . death. She killed herself. Ako sana ang ikakasal sa lalaking iyon pero matigas ako ulo ko. I was so naive, selfish, ginagawa ko lang ang mga bagay na naaayon sa akin. Kaya si ate ang umako ng kasal na iyon and in the process of planning the wedding, ayaw niya na that's why we planned to stop the wedding and I came up with that plan. Ironically, ibang kasal ang napuntahan ko. If I accepted that wedding proposal, ako ang ikinasal, ako ang namamatay, wala sana akong mai-interrupt na wedding. "Stop thinking about that. Tama na." pagpapakalma ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakahilata sa matigas na kama ko. I can't stop myself to compare my life 3 years ago. Dati sa queen size bed ako nakahiga, ngayon sa papag na lang. Good thing I was adaptable. I'm maarte and picky but I get used to the life I'm living right now. Katawan ko lang minsan ang hindi nakikisama kasi sensitive. Kinaumagahan, I woke up like nothing's happened last night. Manang na manang ang outfit ko. Eyeglasses na walang grado, my bangs, long skirt at iyong top ay iyong uniform ko. I make sure that no one will notice me, walang titingin, walang magiging interesado kung sino ako. So I won't introduce myself and getting an insults. Royales, grace and power noon, basura na ngayon. Good thing that that matter isn't big deal to my employer when I apply as a teacher to their schools. Iyon nga lang, I have no friends. "Teacher! Teacher!" Ayan ang bungad sa akin sa classroom ko. Mga batang cute na cute at bibong bibo. Lumapit sila sa akin at niyakap ako bilang pagbati. Their innocence is blessing. "Hello po, good morning to everyone!" malambing na bati ko sa mga bata. "Good morning, Teacher Iris!" "Bago po tayo mag-start ng class, gusto ko po bumalik na po kayo sa inyong upuan at tumahimik." mahinahon na pakiusap ko sa mga batang makukukit habang nakabahid ang magandang ngiti sa aking labi. "Opooo.." magiliw at sabay sabay na sagot nila. Napangiti ako. This is the price of the sacrifice I did for the three years of studying even tho I already have a degree. Gusto kong mag-turo, masaya ako rito. It was my motivation in living. Mawawalan ng magandang teacher ang mga batang ito kapag. . . umayaw na ako sa buhay. "Lagyan po natin ng star ang mga kamay niyo po kasi po very good kayong lahat!" sabi ko matapos kong mag-turo. Nagdiwang ang mga bata at agad na nagsitayo at pumila para matatakan sila ng star sa kamay. "Teacher Iris, Ikaw din po, lagyan mo star kamay mo kasi very good ka." sabi ng isa sa students ko kaya napangiti ako. "Very good po si Teacher Iris?" "Opo!" sabay sabay na sagot nila. "Segi po, lalagyan po ni Teacher Iris ng star ang kamay niya. Iyan." saka ko nilagyan ng star ang kamay ko. Nagpaalam na ako sa bata at sa mga co-teacher ko na pilit ngiti at tango lang ang isinagot. Hanggang alas tres lang ng hapon ang klase ng mga kindergarten. Hindi kagaya sa mga elementary na hanggang alas kwatro. "Teacher Iris!" Halos mapatalon ako sa gulat nang bumulaga sa harap ko ang mga taong naniningil sa akin. Nasa harapan kami ng school. Malalaki silang tao, mababaho ang hininga at mababantot! Unang tingin mo pa lang sa kanila matatakot ka na. "Magbabayad ako. Tumabi nga kayo." sabi ko at naglakad na. "Oh talaga ba?! Baka naman pagtaguhan mo uli kami." "Pwede ba?! Kapag nagsasalita ka, h'wag mo ututok ang bunganga mo sa ilong ko? Mamamatay ako dahil diyan eh, hindi ko kayo mababayaran." reklamo ko. "Aah!" daing ko nang bigla niyang sinunggaban ang buhok ko. "Aba ay, matapang ka na?!" "Bitiwan mo nga ako!" sigaw na reklamo ko. "h'wag kayong mag-eskandalo rito sa school, mga g—go kayo pero magkaroon kayo ng respeto sa school 'no? Lalo na't mga bata ang andiyan." sabi ko at naglakad palayo sa school. I know they can hurt me. They already did. Pero hindi naman ako takot na takot na lang lagi, I can protect myself. Mas malakas lang sila tapos marami. "Oh, Ayan na ang bayad ko ngayong buwan." abot ko ng sampung libong peso sa pinakaboss nila. "Ano? Sampung libo lang? No'ng nakaraang buwan, hindi ka nagbayad kaya dapat twenty thousand ang ibabayad mo ngayon." sabi niya. Mayabang na ibinulsa ang pera at inilahad muli ang kamay niya sa harapan ko. "Ano?!" "Wala 'ata siyang pera boss!" "Edi bugbugin natin uli para matauhan." "Teka. . ." biglang nawala ang tapang sa katawan ko. Lumapit sila sa akin, "wala na akong pera, pangako, sa susunod na buwan, twenty thousand na ang ibabayad ko." "Hindi pwede, kami ang malalagot kay boss. Pinagbibigyan ka na nga lang niyang hulugan buwan buwan eh tapos hindi ka pa susunod?!" pasigaw niyang sinabi ang huling linya kaya napapikit ako at napatalon sa gulat. "Kapkapan niyo ang bag niya! Tiyak na may tinatago iyan." Pero bago pa sila makalapit, itinago ko ang bag ko sa gilid ko. Gigil na napamura dahil dala ko ang ibabayad kong pera sa renta mamaya. "Hawakan niyo!" galit na utos ng pinakaboss nila. Wala akong nagawa nang hawakan nila ang magkabilang braso ko. Naluha na lang ako nang makita niya ang perang nakatago sa secret pocket ng bag ko. "Ibalik niyo iyan!" sigaw ko at nagpumiglas. "Tumigil ka!" sabi ng lalaki at malakas na sinampal ako kaya naalis ang salamin ko sa mata at tumalsik iyon sa kung saan. Nalasahan ko ang metal sa bibig ko. Wala man lang nagawang tumulong sa akin kahit na ang daming nakakakita. Dahil sa takot? Dahil wala naman silang pakialam sa akin? "Hoy!" Napatingin silang lahat sa nagsalita. At gano'n na lang ang pasasalamat ko nang nagmamadali silang umalis at binitiwan ako. Napaupo ako sa sahig, nanghihina. I licked my lips and grimace because it's sting. "Kainis." inis na bulong ko habang pinupunasan ang luha ko at pinulot ang dala kong bag. May mamahaling sapatos na huminto sa harapan ko kaya tiningala ko ang may ari no'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD