Iris POV
Pakiramdam ko biglang nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Para akong minulto. Minulto ng nakaraan. Nasa harapan ko ngayon ang lalaking may mamahaling sapatos at suit, maganda ang tindig at malakas ang dating.
Nanuyo ang lalamunan ko sa presensiya niya.
At ang mga mata niya. . . nakakatakot pa ring tumingin.
Iyong lalaki sa bar. At iyong lalaking pinigilan ko ang kasal niya.
Nasa harapan ko.
Mabilis kong kinapa ang salamin ko sa sahig at sinuot iyon, nagkunwari akong inaaninag siya pero ang totoo ay sinuot ko iyon para itago ang muka ko at ang mga mata ko.
He looked really different now. He look so manly. Bulk, big biceps, muscle. Kahit nakatago ang magawa niya sa suot niyang suit ay alam mo na kaagad na matipuno ang katawan niya.
Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa kamay niya at may nakita akong kumikinang na singsing sa ring finger niya. Natuloy pa rin ang kasal niya.
Para naman akong nakahinga ng maluwag dahil sa nalaman. Ilang taon ko ring dinala ang guilt dahil sa ginawa ko. Buti naman at natuloy.
"Don't stare and stand up."
Iyon lang. Gwapo nga. Bastos naman.
Tinulungan ko ang sarili na tumayo. Muntikan pa akong mawalan ng balanse, buti na lang at agad niyang nahawakan ang kamay ko. Pero mabilis niyang binitiwan iyon na para bang napaso siya.
Akala ko may sasabihin pa siya pero tinalikuran niya na niya ako. Nakangangang pinanood ko siyang naglakad palayo sa akin at sumakay sa kotse niya bago pinatakbo iyon ng mabilis paalis sa lugar.
Anong ginagawa ng isang iyon sa lugar na 'to?
"Miss, ayos ka lang?"
"Teacher Iris!"
Nagsilapitan ang mga tao sa akin, nilapitan nila ako at tinulungan. I wanted to roll my eyes on them. Kaninang sinampal at pinagtutulungan ako, hindi man lang nila ako matulungan. Kung hindi pa dumating ang lalaking iyon. . . malala pa sana ang matatamo.
Ang mga tauhan ng loan shark, hindi aalis hangga't hindi ako nababangasan sa muka.
Wala silang itinira sa perang dala ko. Maski barya ay kinuha nila. Wala ng natira sa perang kinita ko kagabi.
"Tang Ina. Kahit pamasahe lang eh." reklamo ko.
Hindi matigil ang luhang tumutulo sa mata ko habang naglalakad ako pauwi. Mabilis ko namang tinutuyo iyon upang hindi ako mag-mukang sad girl.
At iyong lalaki kanina. . .
Nakikilala niya kaya ako? Hindi iyong mask girl danced kagabi kundi iyong babaeng pumigil ng kasal niya?
Kung gano'n. . . bakit niya ako tinulungan kanina? Siguro, likas na mabait lang siya? Naawa siya sa akin?
Kinain ng guilt ang sistema ko.
Mas lalo ko tuloy hindi mapigilan ang luha ko.
Pagod ang mga paa kong naglakad pero mas lalo akong tumamlay nang makita ko ang land lady ko na hinihila na ang maleta ko palabas. Nakapalibot na rin ang mga tao sa paligid, nakiki-usyoso sa nangyayari.
Napatingin na lang sila sa akin. Naaawa.
"Teka! Aling Trining! Bakit po?! Bakit. . . bakit ganito?" tanong ko.
Pumasok ako sa bahay at gano'n na lang ang panlulumo ko nang makita ko na sobrang linis na ng paligid. Wala na ang mga picture at posters ko sa dingding. Pinasok ko ang kwarto ko at nakaayos na rin ang mga damit ko. Ang tanging naiwan na lang ay ang mga gamit na siyang dinatnan ko no'n nang unang araw na tumira ako rito.
"Pasensiya na, Ma'am Iris ah? Pero ubos na ang pasensiya ko sayo. Ilang buwan ka ng hindi nakakabayad ng renta." imporma niya.
"Pero teka lang po! Nagbabayad naman po ako ah? Kahit naman po nahuhuli minsan ay kompleto naman po."
"Iyon nga po ang punto, Ma'am Iris, laging huli. Negosyo ko 'to, at kapag nahuhuli ka ng bayad, wala kaming pera, kaunti ang kita."
"Pero Aling Trining. . ."
"Oh segi, kung may ibabayad ka ngayon, bayaran mo ako ngayon din." masungit na sabi niya sabay lahad ng kamay niya.
Gano'n na lang ang panlulumo ko dahil wala akong maibigay.
"Natangay po kanina ng mga pinagkaka-utangan ko ang pera eh." bulong ko sabay kagat ng labi dahil sa kahihiyan.
"Tang inang iyan! Lisensiyadong propisyonal ka na niyan ah? Nang-gag—go ka ba?!" galit na sigaw niya sa akin.
Pinilit kong huwag maiyak sa harapan niya.
"Huwag ka naman ganiyan makipag-usap sa bata Trining. Pinapahiya mo siya eh." si Madam Nazar.
"Dapat lang! Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng iyan. Ilang taon na siyang ganiyan! Kung hindi kulang ay laging huli ang renta!" bulyaw niya sabay duro sa noo ko. Wala naman akong magawa kundi ang mapapikit.
"May bago na akong tenant, maghanap ka ng bagong bahay!" sabi niya at iniwanan ako roon.
Napalunok ako dahil hirap ako sa paghinga. Hindi ko hinayaan na umiyak ako sa harapan ng mga taong nanonood sa kahihiyan ko. Sobrang kahihiyan na ang mabulyawan, tapos iiyak pa ako? Ayoko nga.
"Sa bahay muna kita." hindi ako nagsalita. Tumango lang ako. Tinulungan ako ni Madam Nazar na hakutin ang gamit ko at dinala sa bahay niya.
"Naku, mukang magiging p—k p—k pa 'ata si Teacher Iris."
"Sasama siya sa bugaw."
"Naku naman,"
Iyan ang rinig kong bulong bulungan nila. Yumuko ako lalo dahil sa kahihiyan.
"Hoy! Mga g—gang tsismosa kayo! Hindi siya magiging martilyo 'no! Porket tinulungan ko, ibubugaw ko!" tanggol ni Madam sa sarili niya, "oh, edi kayo ang magpatuloy sa kaniya sa mga bahay niyo!" sabi niya.
Natawa siya at minura niya ang mga taong iyon nang nagsi-alisan sila.
"Oh, mga g—go." bulong pa niya nang makapasok kami sa bahay niya.
Kaya hindi ko mapigilang mapatawa. Pero nauwi iyon sa pag-iyak. Hinayaan naman niya akong umiyak lang nang umiyak.
"Hay, kawawa ka naman talaga, tsk, oo." iiling iling na sabi niya, "mas kawawa ka pang may lisensiya keysa sa aming mga p—k p—k."
Mas lalo tuloy akong naiyak sa sinabi niya.
"Hoy, nagbibiro lang ako." bawi niya.
Alam ko naman na biro lang iyon. Pangit ng humor ng matandang iyan eh. Pero hindi ko mapigilang umiyak dahil totoo. . . Mas kawawa pa ako keysa sa kanila.
Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nagising ako ng umaga na, sobrang bigat ng pakiramdam ko, sobrang maga at sakit din ng mata ko. Nang tumingin ako sa salamin ay naging singkit ang mata ko.
"Paano ba iyan? Papasok ka ba sa trabaho mo? Nang ganiyan ang itsura? May sugat ka pa sa labi, baka mamaya ay laman ka na naman ng tsismis niyan." Si Madam Nazar, nasa hapag, nagkakape.
"Kailangan po eh." sabi ko.
Kung hindi magta-trabaho, walang pera. Kung walang pera, walang pagkain. Kung walang makain? Mamamatay sa gutom. Ayoko no'n. Hindi nakakagandang mamatay sa gutom, sa bugbog pwede pa.
Sinubukan kong takpan ng make up ang muka ko pero hindi nakayang itago ang labi kong basag at mata kong namamaga. Nagsalamin ako para hindi masyadong pansin.
"Good morning, Class!" bati ko.
"Halla, Teacher Iris, ano pong nangyari sa face mo?"
"Bugbog ka po ba?"
"Halla, baka nakagat po ipis ng muka mo po Teacher Iris."
Natawa ako sa mga pinagsasabi ng mga students ko. Hindi talaga mawawalan ng tanong at sasabihin ang mga bata.
"Opo, si Teacher Iris ay nakagat ng ipis sa muka kaya po ganiyan po ang muka." pang-uuto ko sa mga bata.
"Eh iyong lips niyo po?"
"Nakagat din ng ipis iyan, Teacher Iris?"
"Opo, malaking ipis po kaya nag-dugo." sabi ko at sinukat ko ang ipis sa kung gaano kalaki. Nag-react naman agad ang mga bata sa takot kaya mas natuwa ako.
"Good morning, Ma'am Principal! Good morning, Sir Visitors!"
Nabibiglang napatayo ako at napatingin sa pinto upang batiin din ang principal at visitors na sinasabi nila. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko uli ang lalaki.
Nakatingin din siya sa akin.
"Good morning, Ma'am Principal and Sir." sabi ko at bahagyang yumuko. Tumingin ako sa mga bata na nakatingin din sa akin, seninyas ko na tahimik lang dapat sila. Napangiti ako nang atentibo silang tumango sa akin dahilan para lingonin ako ni Ma'am Principal at nginitian ako.
Pumasok sila sa loob. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang maramdaman ko na tumabi ang lalaki sa akin.
"This is the class 3. Most of the achievers in our school is came from this class." pagyayabang ni Ma'am Principal sa lalaki.
Tumango lang ito. Nakatingin sa mga bata na cute na cute na nakaupo ng maayos.
"They are very disciplined and smarts."
"I can see." his baritone voice make me shiver. . . in fear.
"And this is Miss Evangeline Iris Royales, their dedicated and passionate teacher." pakilala sa akin ni Ma'am Principal sa lalaki kaya wala akong nagawa kundi ang humarap sa kaniya at makipag-kamay.
"It's nice to meet you, Sir."
"It's Mr. Andrado, Miss Royales." bulong sa akin ni Ma'am Principal.
"It's nice to meet you, Mr. Andrado." ulit ko.
"Please to meet you again, Ms. Royales." may diin ang pagbigkas niya ng apelyido ko.
"Oh, did you two already meet each other?" magiliw na tanong ni Ma'am Principal pero may pagtataka ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"No, ma'am. Ngayon ko lang po siya nakilala." pagtanggi ko.
Tinaasan lang niya ako ng kilay bago ngumisi.
"Mr. Andrado is here yesterday too. I think hindi nakarating sayo ang balita since ang una niyang pinuntahang classroom ay ang class 1 and 2." sabi ni Ma'am Principal.
He's here in the school yesterday? Kaya pala.
"And we're here to observe your discussion."
"Po?!" gulat na bigkas ko.
"Yes, Teacher Iris. Mr. Andrado is here to hire a private teacher for his son." imporma sa akin ni Ma'am Principal.
Son?!
May anak na siya?
Tumingin siya kay Mr. Andrado. "Quality over quantity, right? We want to give you the best teacher but then again, I'll give you a chance to see the performance of our teachers."
Observe? Ngayon? Dito? Siya?