Chapter 4 : Truth

1572 Words
Iris POV Nairaos ko. Yes. I made it. Maayos. Swabe. At maganda ang naging daloy ng discussion ko sa klase. Kahit kabado ay hindi ko pinahalata iyon. I am professional. I can set aside my personal emotions into teaching. "Ipa-pass po natin ang ating mga papel sa harapan ng tahimik lang po ah?" "Opooo." "Kapag tinawag ko ang name, lapit po sa akin ah? Tapos one by one ko kayong lalagyan ng star sa hand po. Okay po ba?" "Opooo." "Bakit ko po kayo lalagyan ng star sa kamay?" tanong ko. "Kasi po, very good kaming lahat." sabay sabay na sabi nila. Mabilis ko lang na chenekan ang mga papel nila at tinawag ko sila isa isa at tinatatakan ng star sa kamay. Nagpaalam lang saglit sa akin si Ma'am Principal, naunang lumabas si Mr. Andrado, may katawag sa phone. "That's very impressive, Ms. Royales." puri nito sa akin kaya nagpasalamat ako. "by the way, if you don't mind If I ask. What happened to your face?" "Ah." hinawakan ko ang muka ko at tumawa ng mahina, "may nangyari lang po kahapon, Ma'am Principal, okay lang po ako." "Good." sabi niya lang dahil nakita na niyang tapos na si Mr. Andrado sa katawag kaya lumabas na siya. Lumingon sa gawi ko ang lalaki kaya naman kunwaring inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit. Sigurado naman ako na hindi niya ako nakikilala. Hindi iyan. Hindi. Pero kapag nakatingin siya sa mga mata ko, hindi ko maiwasang matakot. "Ano ba kasing ginagawa ng taong iyan ngayon dito, Lord? Bakit sa dinami dami ng school, dito niya pa napiling puntahan?" bulong na reklamo ko. "Hey." "Ay hey!" hiyaw ko sa gulat at natatarantang humarap sa kaniya at wala sa sariling nag-bow. Hindi ko napansin na nasa harapan ko pala ang lamesa ko dahilan para mauntog ako ro'n. "aww." daing ko at napahawak sa noo ko. "Clumsy." sabi niya. "Let me see." alok niya pero agad na umiling iling ako bilang tanggi. "Hindi na po, Mr. Andrado, ayos lang po!" winagayway ko pa ang kamay ko para hindi siya lumapit sa akin. Baka makilala niya ako. Hindi pwede. Ayoko. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya nagpumilit pa at umalis na rin dahil tinawag na siya ni Ma'am Principal. At hindi na siya bumalik kaya naging kalmado akong nagturo sa mga students na bumalik na dahil tapos na ang break time. Hanggang sa maghapon ay wala ng Mr. Andrado sa paligid na siyang pinagpasalamat ko. Inaayos ko na ang gamit ko ngayon na basta na lang palang siniksik ni Aling Trining sa maleta ko. "Sigurado ka bang aalis ka na sa puder ko? Hindi naman kita sisingilin." si Madam Nazar. "Ah, hindi po. May kahihiyan naman po ako, ayaw kong abusohin ang kagandahang loob niyo Madam." tanggi ko. "Eh saan ka titira niyan? Sabi mo wala ka na ring pera dahil natangay nilang lahat." "Maghahanap po muna ako ng trabaho Madam, tapos sa kalye na lang po muna ako ulit matutulog. Sanay naman na po ako sa ganoong buhay." Sa tatlong taon na hindi na ako nabuhay ng marangya, wala akong permaninting tirahan dahil palagi akong napapalayas. Tumagal lang ako ng ilang buwan sa nererentahan ko ngayon dahil nagsimula na akong magturo. May araw na wala talaga akong makain, halos mamatay ako sa una at sumunod na buwan pero habang tumatagal ay nasasanay na lang ang katawan ko. Minsan nga hindi ko na naaalalang kumain dahil hindi na ako makaramdam ng gutom. May trabaho ako noon, part time lang dahil student pa lang ako. Ang sweldo ko ay laging napupunta sa mga naniningil ng utang ng pamilya ko. Walang natitira sa akin, kahit pangkain dahil inilalaan ko ang natitirang barya sa gastusin sa school. Malaking pera iyon kaya buwanan kung magbayad ako. Kung itatanong niyo kung nasaan ang mga magulang ko ngayon? Hindi ko alam. "Oh segi, ikaw ang bahala. Bumalik ka rito kapag hindi mo na kaya ah?" Ngumiti ako, "ang bait talaga ng Madam Nazar na iyan. Opo, babalik po ako." "Hays. . Ikaw na bata ka. Ang galing galing mong magtago ng emosyon. Hindi halata na naghihirap ka na. Ngiting ngiti ang tang Ina." tawa niya. And that's the good thing about me. I can hide my emotion. Palabas na ako ng bahay ni Madam Nazar. Hawak ko ang dalawang maleta ko. Habang naglalakad ay napahinto ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko, naglalakad papalapit sa akin. "Mommy! Daddy!" nagbunying sigaw ko. Iniwanan ko ng maleta ko sa sahig at nilapitan sila. After three years. Nakita ko rin sila! And they look different. . . kung dati ay mga mamahaling mga damit at alahas ang nakasabit sa katawan nila pero muka na silang normal na tao lang ngayon. . . gaya ko. Bumaba na rin ang timbang nila. Mukang stress at hindi makatulog ng maayos. Gaya ko. Hindi ko na inintindi ang mga bagay na ginawa nila sa akin noon para lang maisalba uli ang kompaniya namin. Basta, masaya akong makita sila. Nalaglag ang ngiti sa labi ko nang lagpasan nila ako at nilapitan ang mga gamit ko. "Mom, dad." agaw pansin ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin at agad na binuksan ang maleta ko. Kinalat ang mga gamit ko na para bang may hinahanap. "Hanapin mo sa may mga bulsa." utos ni Mom kay Dad na ginawa naman niya. Nakanganga, walang masabi ko silang pinanood na ikalat ang gamit ko sa daan. Sa tabing kalsada, sa harapan ng maraming tao. "Mom! Dad! Ano ba iyang ginagawa niyo!" sigaw ko. "Pera! May pera ka ba? Evangeline? Bigyan mo kami ng pera! Tang Ina! Narinig kong nakapagtapos ka na raw? May trabaho ka na rin? Ibig sabihin may pera ka! Asan? Bigyan mo kami! Dalian mo!" parang nababaliw na sabi niya at inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Si dad naman ay abala pa rin sa paghahanap sa mga gamit kong nakabulagta na sa sahig. "Wala po akong pera Mommy. Can't you see? I'm living this compound now! My landlady kicked me out because I didn't pay her!" hindi mapigilang sigaw ko. Pera ang pinunta nila, hindi ako. Ni hindi man lang nila ako kinamusta. Ang maleta ko agad ang inuna nila. Eh paano ba iyan? Wala namang pera riyan. "Oh putang Ina ka pala! May trabaho ka tapos wala lang pera?! G—go! Sinong niloko mo?!" sigaw ni Dad. Umamba pa siyang susuntukin ako kaya napapikit ako at napayuko. Napaluha ako. "wala pong pera riyan, Dad, Mom. Tinangay na po ng mga pinagkaka-utangan niyo ang pera ko!" kinagat ko ang labi ko upang hindi gumawa ng ingay ang pag-iyak ko. Inis na tinuyo ko rin ng luha ko. "Huh! Dapat lang naman na ikaw ang singilin nila dahil Ikaw ang may pera! Talagang sayo namin pinapapunta ang mga iyon!" puno ng sarkasmong sabi ni Dad. Napasinghap ako sa gulat. "a-ano?. . ." hindi makapaniwalang tanong ko. "Oh? Bakit ka pa nagulat? Alam namin kung saan ka naglalagi kaya tinuturo ka namin. Funny how you didn't think why they always knows where you at?!" Ang hikbi ko ang naging pagtawa dahil sa mga impormasyong nalalaman. Sinuklay ko ang buhok ko dahil sa frustration. "Dad, tang Ina! Al this time?! Kaya pala. . . kaya pala hindi ako makatakas takas sa mga u—lol na mga iyon! Dad, alam mo bang binubugbog ako ng mga iyon?! Those f—cking bastards punching me, slapping me If I didn't pay them!" Nadurog ako nang imbis na awa ang makita kong reaksyon sa mga muka nila ay ngumisi pa sila. "Yeah. That's the point. Kami ng Mommy mo, walang pambayad sa utang namin sa kanila kaya sayo namin dinadala. We're telling them your location! Ayaw kong mabugbog kami ng asawa ko kaya Ikaw ang sinasabi naming magbabayad! Para Ikaw ang magbugbog at hindi kami!" "A-Ano?" para akong nanghina sa sinabi niya. "Dad! Anak mo ako! How could. . . how could you do this to me?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Nag-uunahan na ang luha sa pagbagsak. Parang tinuturok ang puso ko ng maraming karayom. Naging mabilis ang paghinga ko. Sakit, galit, at pangungulila ang nararamdaman ko ngayon. "Anak? T—nga, hindi kita anak! Ampon ka lang namin! G—ga! Wala kaming anak na gaya mo!" bulyaw ni Dad. Napipilan ako sa narinig. Parang nagimbal ang buong pagkatao ko. Hindi nila ako anak? Ampon lang ako? "Hon, bakit mo naman sinabi?" rinig ko pang sabi ni Mommy. Or should I call her that? "Tang Ina! Dapat niyang malaman! O bakit biglang bigla ka riyan?" tawa nito. "hindi ka pa nakakahalata noon? Ipapakasal ka dapat namin sa baliw na lalaking iyon noon! Para ano? Para mawala ka na sa buhay namin! Pero ano? Hinayaan mong si Anastasia ang magpakasal sa lalaking iyon! Dahil sayo! Namatay ang anak namin!" sigaw niya at nabigla ako nang sampalin niya ako ng malakas. Hindi ako agad nakagalaw. Malakas ang sampal niya dahilan para maibaling sa kanan ang muka ko. "Namatay ang anak namin! Tang Ina! Kung Ikaw nagpakasal! Edi sana, Ikaw iyong namatay!" Napaluhod ako dahil sa panghihina. "Bigyan mo na kami ng pera! Dalian mo! Kahit iyon na lang ang pambawi mo sa namatay naming anak nang dahil sayo." walang awa, mayabang na inilahad ng estrangherong lalaki ang malapad niyang kamay sa harapan ko. Natawa ako. Parang baliw na natawa ako. "Ayoko nga." walang ka-amor amor na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD