Iris POV
Tumayo ako. Walang emosyon na tinignan ko sila. Nilapitan ko ang mga gamit ko saka ko iyon isa isang isinilid sa maleta.
"Bigyan mo kami ng pera!" bulyaw ng kinilala kong ama. Hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy lang sa ginagawa. Napasinghap ako nang marahas niya akong binatukan.
"Wala nga!"
Kahit na gusto kong magalit sa nalaman ko, sa 24 years na nabuhay ako sa mundo. . . na kinilala ko sila bilang magulang ko. Tapos sa ganitong paraan ko pa malalaman na hindi pala nila ako anak. Tang Ina. Hindi ko magawa.
Bigla akong nawalan ng gana. Nanghina ako.
"Pvta! Wala pala tayong mapapala sa g—gang 'to eh!"
"Sabi kasi nila may trabaho siya eh!"
Binatukan pa nila ako bago tinalikuran at naglakad na sila paalis.
Kagat labi akong bumalik sa pagsisilid ng mga gamit ko sa maleta, hindi pinansin ang mga taong nanonood sa akin. Gano'n naman sila. Hanggang nood lang sila, walang planong makialam.
Bitbit ang gamit ko, wala sa sarili akong naglakad paalis sa lugar na iyon.
Nakarating ako sa isang park. Naalala ko na rito rin ako tumira ng ilang araw noon. Matikas na sahig, malamok na paligid tuwing gabi, mapresko pero malamig na hangin. Nandito na naman ako ngayon.
Akala ko hindi na ako babalik dito kasi may trabaho na ako.
Bumusangot ako. Tang Inang buhay 'to.
Sa likod ako ng park pumwesto. Nilapag ko ang mga gamit ko roon bago naupo. Matagal akong tulala at nagmumuni muni.
Malapit ng magdilim. Muli akong humugot ng malalim na hangin, tumingin sa magandang kulay ng langit dahil sa papalubog na araw.
Ngumiti ako. "collect your d—mn self, Iris." paalala ko sa sarili, tinapik tapik ko ang balikat ko.
Ampon ako. Okay.
Hindi sila ang magulang ko. Okay.
Hindi ko alam kung sinong tunay na magulang ko. Okay.
Hindi ako pwedeng ma-depress dahil lang doon. Sa tatlong taon na naghirap ako, ngayon pa ba ako susuko? No way.
Tumayo ako at nag-inat. Madilim na.
Pero kakabawi ko pa lang sa pagiging lutang at lugmok ay biglang nanlumo ako nang makita ko ang estrangherong mga lalaki na nakatingin sa gawi ko. Hindi ko sila kilala, hindi pamilyar ang itsura nila pero alam ko na agad kung ano sila.
Ganiyan naman na 'ata lahat ng tauhan ng mga taong nautangan ng magulang ko— ng mga umampon sa akin.
Sh—t. Wala akong pera. Hindi ako makakapagbayad. Mabubogbog ako.
Agad na nag-react ang katawan ko nang naglakad sila papalapit sa akin. Tumakbo ako ng mabilis paalis sa lugar na iyon. Nagmamadali, takot na maabutan.
"Habulin niyo!" sigaw ng isa sa kanila.
Tang Ina.
Mabilis ang takbo ko. Natataranta dahil alam ko na sobrang lapit lang ng pagitan namin. Kunting pagkakamali ko lang ay mahahabol ako.
Parang bumabalik lang ako sa unang taon ko. Tatakbo, makikipaghabulan, mahahabol, makakawawa. Hindi na kasi ako tumatakbo sa kanila eh, may pera akong ibabayad. Pero ngayon. . .
"Tulong!" sigaw ko pero walang tao sa paligid. Nasa pinakadulo na ako ng iskinita. Walang masyadong tao, mapuno, liblib.
Napasigaw ako nang nahablot ang buhok ko. Dahil tumatakbo ako at napahinto dahil doon ay napasalampak ako ng sobrang lala sa sahig. "Aah!" daing ko nang sakmalin ng lalaki ang panga ko ng mahigpit.
"Bakit ka tumakbo?! Huh? Pinagod mo pa kami!" singhal niya sa akin.
"Sino ba kayo?! Anong kailangan niyo sa akin?!" sigaw ko.
"Maniningil kami. Sabi ng Nanay at Tatay mo may pera raw sila sayo kaya sayo kami maniningil."
"Wala akong magulang! Anong pinagsasabi mo riyan?" tanong ko pero napadaing lang uli ako nang sinabunutan niya ako at pinatingala para makita siya.
"Isang araw. Bibigyan kita ng isang araw. Bukas ng gabi, sa parke, bayaran mo na ang utang ng pamilya mo sa akin."
"Paano kung wala akong ibabayad? May magagawa ka ba?"
"Papatayin kita." sabi niya dahilan para mangilabot ang buong katawan ko. "at hindi ako nagbibiro." nakakamatay ang uri ng pagtingin niya sa akin. Namumula ang mata niya, masama kung makatingin.
Padarag na binitiwan niya ako dahilan para mapasubsob ako sa sahig. At halos magulantang ang buong katawan ko nang makita na nakatutok ang ulo ng baril sa akin.
"Babalikan kita." banta niya bago niya ako tuluyang tinalikuran at inaya ang mga bata niya na umalis.
Halos napabuga ako ng hangin dahil para akong nakahinga ng maluwag nang mawala sila sa paningin ko. Kahit na nginginig at nanghihina ay tumayo pa rin ako.
Mabilis na bumalik ako sa pwesto ko kanina at tuluyan na nga akong nanghina, halos napakapit na ako sa pader na nasa tabi ko nang makita ko na pinaghati-hatian ng mga pulubi ang mga gamit ko.
"Hoy!" sigaw ko nang makabawi. Tumingin sila sa gawi ko bago nagsitakbuhan, dala dala ang mga gamit ko.
Ang malas ko.
Ang malas malas ko sa buhay.
Una, nagpakamatay ang kapatid ko dahil sa akin. Pangalawa, my parents abandoned me and I'm paying their dept and it's turn out that I'm just adopted. Pangatlo, I am now a orphaned and homeless. Wala pang pera.
Walang papuntahan, gutom, may isang araw na lang para mabuhay. Naglakad ako pabalik kay Madam Nazar. Kumatok ako sa bahay niya at agad niya akong pinagbuksan, sinalubong ng yakap, sunod sunod na tanong, puno ng pag-aalala.
I guess, I am still lucky because I have her?
"Anong nangyari sayo? Nabalitaan ko ang nangyari kanina pero wala akong natanggap na balita kung saan ka pumunta. Bakit ganiyan ang itsura mo? Bakit. . . Nasaan ang mga gamit mo?"
And I told her my story. Sa ilang oras na iyon. . . ang daming nangyari. But this time, I didn't cry like a baby. Parang pati pag-iyak ayaw na ng katawan ko kasi pagod na.
Wala siyang nasabi. Habag na niyakap niya lang uli ako.
"Madam, iyong cheque. . ."
"Hindi niya pinirmahan."
"Pero Madam Nazar kailangan ko ng pera. Papatayin nila ako. Madam, ayaw ko pang mamatay 'no. Hindi ko pa ma-try mag-boyfriend. Hindi ko pa na-tfy makipag-s3x, sayang naman ang beauty ko." takot na takot ako pero hindi ko iyong pinapakita sa kaniya. Nagawa ko pang magbiro pero hindi niya ako sinabayan.
"Seryosong bagay 'to, Iris. Hindi nagbibiro ang mga 'yon."
"Alam ko naman po."
"Kaya huwag kang magbiro riyan na parang ayos lang sayong mamatay! Na parang walang halaga 'yang buhay mo. Alam kong malas ka sa buhay, pero hindi naman pwedeng basta basta ka na lang susuko." galit na turan niya.
I treasure my life. All and hard worked will just end because I died? Just like that? Nagpakahirap akong mabuhay ng ilang taon tapos gano'n na lang? Mamamatay ako kasi hindi ako nakabayad ng utang?
"Joke lang naman eh." ngumuso ako. "aaw!" daing ko nang batukan niya ako.
"Hindi ako natutuwa ah."
"Eh, saan ako kukuha ng pera Madam Nazar? Maganda ka lang pero wala ka ring pera gaya ko. Tapos hindi pa pala pinirmahan iyong cheque." reklamo ko.
"Pinirmahan niya, sa isang kondisyon."
"Ano?"
"Hindi ko alam. Sabi niya, magsayaw ka raw sa bar ulit. Tapos maki-table ka. Tapos ayon, bahala na raw siyang kausapin ka."
Ngumuso, "ang arte ah. Sino ba ro'n?"
"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, Andrado."
Napanganga ako sa narinig.
"Andrado?"
"Oo, Iris, ang swerte mo kapag may nagkagusto sayo na Andrado. Instant naka-ahon sa kahirapan ka!" sabi niya sabay tawa pero hindi ko naman siya masabayan dahil sa nalaman.
"Sinong Andrado?" gusto kong makasigurado.
"Hindi ko alam. Ang naka-usap ko kasi ay isa sa mga kaibigan nila. Hindi ako pinalapit sa table nila eh, akala siguro nila may ibubugaw ako." sabi ni Madam at umirap. "Basta may tatlong Andrado ang nandoon lagi roon sa VVIP corner ng VIP floor eh."
Tatlo. Ibig sabihin, hindi siya iyon. Malabong siya. Akala ko siya ang Andrado na tinutukoy ni Madam Nazar. He's married and they have son. Tapos andoon siya? Baka nakikisama lang?
Hindi naman siguro siya ang Andrado na iyon.
"Sino ba roon sa taas ang nakita mong nakatingin sayo no'ng nagsayaw na parang gusto ka? Gano'n? Naalala mo?"
Siya. . .
Pero hindi naman siguro tingin iyon na gusto ako kundi tingin na parang kinikilala kung sino ako. Masyado na akong delusional kung iisipin ko na gusto niya ako.
"Hindi ko napansin." pagsisinungaling ko.
Napaisip ako. Magsasayaw ako ulit, makikitable, tapos doon niya sasabihin ang kondisyon niya? Paano kung hindi ko kayang gawin kondisyon niya? Hindi niya pipirmahan. Hindi ako magkakapera. Mamamatay ako.
Pero hindi ako pwedeng mamamatay.
"Ano sasayaw ka?"
"Ngayong gabi rin sana para bukas ayos na. . . pero paano kung hindi ko magawa ang kondisyon niya? Paano kung. . . ipaalis niya ang mask ko? Gano'n? Ang lisensiya ko, Madam." pagdradrama ko pa para lang maitago na kinakabahan talaga ako.
"Huwag kang masyadong mag-isip. Kung hindi mo kaya ang ipapagawa niya edi tumanggi ka. Bachelor at may prinsipyo naman ang mga iyon, hindi sila mamimilit."
"Pero wala akong kikitain. Kung meron man, sa pagsasayaw, hindi sapat."
"Edi mamatay ka na."
"Madam!" inis na singhal ko.
Tumawa naman siya, "mag-beg ka na lang."
"Na bigyan ako ng pera?"
"Oo, may iba ka pa bang solusyon?" tanong niya kaya umiling ako, wala naman talaga. "iyon lang din ang naiisip ko." sabi niya.
Kung kailangan kong magmaka-awa. Oh edi, magmakaawa. Ikwe-kwento ko na lang sa kaniya ang karanasan ko para maawa siya sa akin. Mayaman naman ang mga Andrado, barya lang ang isang milyon sa kanila.
Dignidad para sa buhay.