Iris POV Habang abala si Isagani sa activity na binigay ko sa kaniya ay tinawag ako ng isa sa mga katulong, sinabing may bisita. Medyo nag-alangan pa akong lumapit at puntahan ito nang makita ko kung sino 'yon. Bakit nandito ang Grandma na 'to? Ang Grandma ng mga Andrado. Alam kong ayaw sa akin ng matanda. Ayaw ko sana siyang lapitan dahil baka makarinig na naman ako ng kung ano ano salita pero magmumuka naman akong bastos dahil pinatawag pa niya raw ako. Nagdalawang isip ako nang nilingon niya ako ay tumaas agad ang kilay niya. Napipilitang naglakad ako papalapit sa matanda. Magsasalita pa lang sana ako upang itanong kung bakit siya narito o anong kailangan niya pero nagulat ako sa malakas na sampal ang sinalubong sa akin ng Grandma ni Mr. Andrado. Lumikha iyon ng tunog at tumabingi

