Trauma

1937 Words
Trauma " Luna!....Luna!....nasa'n kang bata ka!...," galit na galit na sigaw ng tiyuhin ni Luna. Nasa baba pa lang ito at paakyat ng hagdan ngunit dumadagondong na ang boses nito sa buong bahay.Sa laki ng katawan nito ganoon na rin kalaki ang boses nito. Tila kulog na nagdudulot ng matinding takot kay Luna ang boses ng tiyuhin lalo na't kapag galit ito.Sa hindi malamang dahilan, mayroon man o walang kasalanan si Luna palagi siyang sinasaktan ng tiyuhin. Animo'y ibong hindi makalipad si Luna na naghahanap na matataguan sa maliit na kwarto nito.Isang ibong nais kumawala. " Anong gagawin ko?," hindi lang ang boses niya ang nanginignig maging ang buong katawan niya ay binabalot na matinding takot. Nagkubli siya sa likuran ng pintuan.Batid niyang hindi iyon ang magandang pagtaguan ngunit kahit saan man siyang sulok ng kwarto ay mahahagilap pa rin siya ng tiyuhin. " P*ste kang bata ka!...," pasipa nitong buksan ang pinto. Ang pobreng Luna ay napakagat-labi na lang habang napa-impit sa sakit ng maipit sa likod ng pinto. " Sa tingin mo matataguan mo'ko!,"sabay hatak nito sa kawawang bata. Napaiyak na lang si Luna hindi dahil sa sakit ng paghahawak sa braso ng tiyuhin kung hindi dahil sa takot rito. " Bakit wala kang nasingil, hah?!...," mas humigpit pa ang paghawak sa braso ni Luna na para bang mababali na ito. " T-tyo B-ben h-hindi daw p-po k-kasi nakasweldo ang asawa ni Ate Marivic," walang pagsidlan ang takot ni Luna ng sagutin ang tiyuhin. Magkasunod na sapok ang tinanggap ni Luna sa naging sagot niya sa tiyuhin. " Problema ko 'yun?!," singhal ng tiyuhin sa mismong mukha ni Luna. "ikaw.....," hindi pa nakontento ang tiyuhin at hinawakan nito ang buhok para hilahin palabas ng kwarto. " Huwag po....parang awa niyo na po....," " Ikaw na tamad ka...pakain ka na nga dito tamad ka pa.....," walang awang hinila pagbaba ng hagdan ng tiyuhin ang buhok ng kawawang si Luna. Sa labas ng bahay, sa isang maliit na bodega dinala ni Ben ang pobreng bata at doon ikinulong. " Huwag po tiyo Ben....parang awa niyo na po.... huwag niyo akong ikulong diyan.....," buong pagmamakaawa ni Luna na pilit hinaharangan ang pinto upang hindi siya makapasok sa loob ng bodega. Palagi siyang kinukulong ng tiyuhin roon sa tuwing magkakamali o kahit wala mama siyang kasalanan at napagbubuntungan lang.Maliit, makitid at walang ilaw sa bodegang iyon kaya ganoon na lang ang takot ng bata sa tuwing makukulong siya roon. " Wala kang silbing bata ka!," sabay sipa ni Ben sa bata papasok ng bodega. Natumba papasok si Luna sa loob ng bodega.Kahit na masakit at halos hindi makagalaw nagawa pa rin niyang bumagon para lang sana harangin ang pinto at ng hindi makulong sa bodega ngunit huli na ang lahat. Kasabay na pagdilim ng lugar, nabalot na rin ng matinding takot si Luna. " Parang awa niyo na po!....Tiyo Ben!....Tiyo Ben!....," sigaw nito habang kinakalambong ang pinto ngunit wala ng nakikinig sa kanya. Napaupo na lang ito makalapit sa pinto at napapikit.Napatakip siya ng tainga dahil pakiramdam niya ay may mga boses na bumubulong sa kanya sa tuwing nasa loob siya ng bodega kaya ganoon na ang takot niya sa bodegang iyon dahil na rin sa mga kwento ng kung anu-ano sa kanya ng mga salbahing pinsan na palagi rin siyang binu-bully. 'Luna!.....pst.....pst....Lunaaa.....,' at nagsimula na ngang may marinig siyang tumayawag sa kanya, kasunod noon ay kung anu-ano na ang naririnig niya.Iba't-ibang boses. 'Luna.....alam naming naririnig mo kami.....Lunaaaa......,' Diniinan lalo ni Luna ni pagkakatakip ng tainga niya at paulit-ulit na sinasambit ang.....,"Wala akong naririnig......wala akong naririnig....." " Lunaa......," "Aahhhhh!!!!!......," napasigaw si Luna sa takot. " Luna!," nagising si Luna ng may marinig siyang pamilyar ng boses. Kahit na malamig at may Aircon sa kwarto niya ay pinagpawisan pa rin ito ng malamig. Ang tita Sanya ang nasilayan ni Luna na siyang kanina pa sa kanyang gumigising.Pinaupo nito si Luna mula sa pagkakahinga.Pinunasan nito ang pawis sa noo. " Binabangongot ka," anito. " Pasensya na po, nagising ko po kayo," paumanhin ni Luna. Mag-isa lang siya sa kwarto at nasa kabilang kwarto lang si Sanya na narinig ang pagsigaw ng pamangkin. " Ayus lang....kamusta ang pakiramdam mo?," nag-aalalang tanong nito. " A-ayus lang po.Nanaginip lang po ng masama," ani Luna. "Alam mo mabuti pa uminom ka ng mainit na gatas," ani Sanya. Nagtungo sa kusina ang dalawa.Nagtimpla ng gatas si Sanya para sa kanilang dalawa ng pamangkin. Batid ni Sanya na hindi basta-basta maaalis ang trauma na dinanas ni Luna sa dati nitong buhay kaya ganoon na lang ang awa nito para sa pamangkin. Hindi makakalimutan ni Sanya ang hitsura ng pamangkin na madatnan ito sa dating tinitirhan. ❇️❇️❇️❇️❇️ Kababalik lang ni Sanya noon mula sa ibang bansa at ang pagbisita sa pamangkin ang unang ginawa niya.Magdadalawang taon na ang nakakaraan nang mamatay ang mga magulang ni Luna.Nasa ibang bansa si Sanya noon at hindi makauwi dahil sa kontratang kailangan tapusin, hindi rin siya pinayagan ng amo ng mag-leave kaya ganoon na lang ito kadismayado.Ito rin ang dahilan kung bakit napunta sa poder ng Tita Merla at Tiyo Ben si Luna.Kapatid ni Sanya ang ina ni Luna.At tanging silang dalawa lang ang magkapatid kaya ganoon na lang ang pighati nito hindi lang para sa kanya kung hindi kay Luna na magkasabay na nawalan ng mga magulang. Bitbit ang mga pasalubong para sa pamangkin sabik na makita ni Sanya ang pamangkin. " Naku, wala si Luna rito sumama sa probinsya," tanggi ni Merla.Asawa ni Ben.Si Merla naman ang talagang tiyahin ni Luna dahil pinsan ito ng tatay niya. " Ah, ganun ba.Pwede ko ba siyang ma-contact dun.May cellphone ba siya?....o kahit sino roon?," tanong ni Sanya. " Wala eh, alam mo na probinsya mahirap ang signal," muling tanggi ni Merla rito. Nanghihinayang si Sanya ng hindi makita ang pamangkin.Ito na lang ang tanging dahilan niya para umuwi pa ng bansa. " Eh, kailan naman ang balik nila?," tanong nito. " Ah, baka sa pasukan pa," sagot ni Merla na wala planong ipakita si Luna kay Sanya. " Ang tagal naman," ani Sanya. " Nag-e-enjoy sa probinsya eh," pilit na ngumiti si Merla. Nasa likuran lang ni Merla ang dalawang anak na babae na siya namang naglalaway sa mga pasalubong ng dala ni Sanya para sa pamangkin.Alam nilang sa kanila rin ang punta nito. " Sige, iwan ko na lang ang pasalubong ko sa kanya.At ito pong isa ay para sa inyo naman po.Pakisabi na lang na dumalaw ako.At babalik para makita siya," bilin ni Sanya sa mga bitbit niyang pasalubong para sa nag-iisang pamangkin. " Sure....walang problema....," malapad na ngiti ni Merla. Napapangiti ang magkapatid dahil papaalis na si Sanya.Sabik na silang makita ang mga pasalubong na para sana kay Luna ngunit tiyak sa kanila ang punta. Hindi maintindihan ni Sanya ngunit mabigat ang loob niyang umalis.Parang may kung anong bumubulong sa kanya na huwag umalis. Nasa labas ng bahay at papunta ng gate, hindi na nag-abala pang ihatid siya ni Merla. Napalingon siya sa bahay at nakita niyang malalapad ang ngiti ng mga ito habang nakatingin sa mga bitbit niyang pasalubong.Nakabukas lang ang pinto ng bahay kaya malinaw niyang nakita ang reaksyon ng mga sa pasalubong niya.Sa hindi malamang dahilan nabaling ang tingin niya sa maliit na kwarto sa labas ng bahay.Nakaramdam siyang ng matinding lungkot at kirot sa puso habang nakatitig roon kung bakit hindi niya mawari. Nasa may kalsada na si Luna at naghihintay ng traysikil na masasakyan ng tawagin siya ng tindera ng sari-sari store na nasa likuran lang niya. " Uy,...Ganda pasensya na hah.Di ba nagtanong ka rito kanina sa bahay nila Merla, hinahanap mo si Luna, ano?..," usisa ng tindera "Opo, tita ho ako ni Luna.Pero wala po siya eh, ang sabi nasa probinsya daw ho," sagot ni Sanya.Nararamdaman niyang may sasabihin ang tindera tungkol sa pamangkin. Napataas ng kilay ang tindera, "Imposible....hindi umaalis ang batang 'yan diyan.Hindi naman nila sinasama ang batang 'yan.Palagi kayang taong bahay ang batang 'yun," napataas ng kilay ang tindera na hindi maniwala sa sinabi ni Merla kay Sanya. " Pero wala po siya eh.Iyon ang sinabi ng tiyahin niya," sagot ni Sanya. "Alam mo concern lang ako dun sa bata noh, pero hindi maganda ang trato nila kay Luna.Palaging sinasaktan nila 'yung bata....," sumbong ng concern tindera chismosa. " Ano?!....sinasaktan nila ang pamangkin ko?," napataas ng boses si Sanya.Tama ang kutob niya. " Kung ako sa'yo kunin mo na 'yang pamangkin mo baka sa sunod wala ka ng Luna'ng bibisitahin," concern na babala ng tindera. Natahimik si Sanya.Napa-isip ito.Habang patuloy naman sa pagkukkwento ang tindera. "Naku, talagang nakakaawa ang batang 'yan.Madalas ngang ikulong diyan sa bodega nila,". " Sa bodega?....sa katabi ng bahay nila?," putol ni Sanya sa tindera. Naalala niya ang bodegang nahagip ng kanyang mga mata. " Oo, dun sa maliit at madumi, madilim na bodega nila," kumpirma ni tindera. Tama muli ang kutob niya.Talagang may kung anong bigat na loob ang mayroon sa kanya ng makita niya ang bodegang iyon. Hindi pa natatapo magsalita ang tindera ay umalis na si Sanya sa tindahan. Dere-deretso itong tinungo ang daan pagbalik ng bahay ni Merla. May kung anong sumanib na lakas ng loob kay Sanya, napuno siya ng galit at pasugod itong bumalik.Dere-deretso itong pumasok sa gate ng walang paalam at tinungo ang bodegang kanina pa siyang may kutob. " Luna!....Luna!....," sigaw nito habang paulit-ulit na kinakatok ang pinto ng sobrang lahat.At ng walang sumagot nagsimula ng sipain nito ang pinto ng buong lakas. Naalarma sina Merla at ang mga anak nito.Nahinto ang pagbubuklat nila ng pasalubong ni Sanya na para sana kay Luna. bahay.Patakbong tinungo ni Merla at ng mga anak nito ang ingay na nanggagaling sa bodega nila. Laking gulat nila ng makita si Sanya roon. " Hoy!...anong ginagawa mo?...hah?!..," sita kaagad ni Merla kay Sanya. " Buksan niyo ang pintong 'to at ilabas niyo si Luna!," galit na sigaw nito. "Trespassing 'yang ginagawa mo, pwede ka naming ipakulong," sagot na panganay ni Merla, si Issa. " Ang sabi ko buksan niyo 'tong pinto.Alam ko nandito ang pamangkin ko!," galit na sagot ni Sanya. Nagtinginan ang mag-iina. " Tatawag kami ng pulis kapag hindi ka pa umalis," sabat ng pangalawang anak nitong babae ni Merla, si Tricia. " Trespassing 'yang mga mukha niyo!.Sige, tumawag kayo ng mga pulis para makakulong kayo sa pang-aabuso niyo sa pamangkin ko!," galit na sagot ni Sanya. Natamimi saglit si Merla at ang mga anak nito. " A-anong child abuse ang sinasabi mo diyan?," maang na balik-tanong ni Merla. " Alam ko na ang ginagawa niyo kay Luna.At alam kung nandito siya,kinukulong niyo....kaya buksan niyo 'to kung hindi kayo ang sa kulungan babagsak!," galit na sagot ni Sanya. Nakakita ng tabla si Sanya.Napaatras si Merla at ang mga anak nito ng damputin ito. " A-anong balak mo diyan?....i-ikaw ang makukulong.....," takot na sita ni Merla kay Sanya. Buong lakas ng inihampas ni Sanya sa pinto ang tabla upang mabuksan.Maka-ilang!ulit rin niya itong ginawa bago mabuksan. Sa takot ng mag-ina na baka sa kanila ihampas ang tabla wala silang nagawa kung hindi ang sumigaw ng " Itigil mo 'yan!,". Nang mabuksan ni Sanya ang pinto ay napanganga na lang sina Merla. Hindi maintindihan ni Sanya ngunit kaba ang unang naramdaman niya ng bumukas ang pinto.Walang ilaw roon kaya hindi kaagad makikita ang nasa loob. Pagpasok nito isang nakakapanglumong sitwasyon ang nasaksihan ni Sanya.Halos madurog ang puso ng makita ang kalagayan ng pamangkin.Nakahandusay ito sa maruming sahig, puno ng pasa at halos wala ng buhay. " L-lunaa.......," nanginginig na lumapit si Sanya pamangkin at nagdarasal na sana hindi pa huli ang lahat. Gerona J.R.?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD