Prologo
Sa madilim na pasilyo ng isang paaralan.Napapansin ang nag-iisang liwanag sa isang silid-aralan.Isang kandila ang nasa gitna ng limang estudyante.Ito ay nagsisilbing tanging liwanag nila.Hindi alintana ang nakakabinging katahimikan patuloy pa rin ang mga mapangahas na mga estudyante sa kanilang ginagawa.
"Espiritu..espiritu..espiritu ng estudyanteng nagpakamatay sa lugar na ito, magparamdam ka sa'min," isang mapangahas na pagtawag ng espiritu ng kababaihan estudyante gamit ang isang Ouija board.
Nais nilang tawagin ang espiritu ng babaeng estudyanteng bali-balita na nagpakamatay sa kwartong kinaroonan nila.
" Espiritu.... espiritu....magparamdam ka sa'min....," muling pagtawag nila.
Biglang lumamig ang ihip ng hangin.Natigilan ang magkakaklase.
" Guys, lumamig....nararamdaman niyo ba 'yun?," sambit ng nakasalamin sa kanila,Chelsea ang pangalan.
" Huwag ka ngang duwag.Sa malamang lumamig noh, tumatawag kaya tayo ng spirit," pilosopong sagot ng naka-pony tail na si Erica.
" Ano ba, sige na ituloy niyo na 'yan...," inip namang sambit ng nag-iisang lalakeng kasama nila, si Roy.Ito ang may hawak ng cellphone na siyang nagre-record ng ginagawa nilang pagtawag ng espiritu.
"Ito kasi si Chelsea, panira," inis na sambit ni Venice.
"Tama na 'yan.Pumikit na tayo ulit," saway ng, leader ng grupo, si Trina.
Muling pumikit ang apat na babaeng.Pare-parehong nakadikit ang ilang daliri sa isang maliit na baso na siya namang nakalapag sa Ouija board.
"Espiritu ng estudyanteng nagpakamatay sa kwartong ito, tinatawagan ka namin.Magparamdam sa'min?," muling tawag ni Trina.
Gumalaw ang baso.
Nabigla ang lahat.At nagtungo ang baso sa salitang 'Yes'.
"Oh my gosh....nandito siya, it's for real ...," takot na sambit ni Chelsea.
" Pwede ba Chelsea, tumigil ka, nasisira ang concentration natin dito," inis na saway naman ni Venice.
"Para kang ano Chelsea.Ano sa tingin mo ang tinatawag natin dito, si Tailor Swift?...," hindi nakapigil na saway ni Erica.
" Eee..kasi akala ko di kayo seryoso.Tapos echos lang 'tong Ouija board na 'to.E, nakakatakot kapag may nagpakita talaga," katwiran ni Chelsea.Hindi na nito maitago ang takot.
Alas otso na ng gabi.Sarado na ang paaralan.At para lang sa trip nilang mag-video na gumagamit ng oiuja board nagawang pumuslit ng mga pasaway na estudyante.
" Ang O.A. mo naman.Kung gusto mo umalis ka na.Sasali-sali ka, duwag ka naman.Mas lalo tayong magtatagal dito.Baka mahuli pa tayo," inis na sambit ni Roy sa kay Chelsea.
" Papaano pa ako makakauwi mag-isa...nakakatakot na kaya 'yung hallway, wala ng katao-tao...," reklamo ni Chelsea.
" O, e di manahimik ka na lang diyan.Huwag mo kaming abalahin.Sure ako magba-viral ang video na 'to kapag natawag natin ang kaluluwa ng estudyanteng nagpakamatay rito," ani Justine, ang ika-lima sa kanila.
" Hindi ba kayo natatakot?.Kung matawag natin siya, paano kung saktan niya tayo, sumanib sa'tin, o di kaya isumpa tayo....," dahilan ni Chelsea na kinakain na ng takot.
Hindi interesadong pinagtinginan si Chelsea ng mga kasamahan.
Napa-zip mouth na lang si Chelsea.Wala siyang kakampi at hindi rin niya kayang bumalik mag-isa.
"Okay,tapusin na natin 'to bago tayo hanapin ng mga magulang natin o mahuli dito," inip na sambit ni Roy.
" Espiritu.... espiritu.... espiritu ng estudyanteng nagpakamatay sa kwartong ito tinatawagan ka namin....magparamdam ka sa'min....," sambit ni Trina habang pare-parehong nakapikit sila.
Muling humangin ng malamig.Sa pagkakataong iyon mas malakas na ang hangin na siyang nagpagalaw na ng buhok at mga damit nila.
" Nandito ka na ba?," ani Trina.
Muling iginiya ang kanilang mga daliri sa 'Yes'.
" Bakit ka nagpakamatay?, sabihin mo sa'min...," mapangahas na tanong ni Erica.
Tila nagalit ang kung sino mang espiritu ang natawag ng magkakaklase dahil mas humangin ng malakas na nagawang mabuksan ang mga bintana ng silid.Napatayo ang magkakaklase sa takot.Kasabay nito ang biglang pagbukas ang pinto.Pare-parehong napasigaw ang mga ito ng makita ang janitress ng paaralan na naka-facial mask.
" Aaaaaahhhhhh!!!!!!....,"
Gerona J.R.?