5:03 AM
Merry Arisa:
Napapaisip ako, bakit kaya nire-reply-an mo ako?
Malungkot ka rin ba?
Naghahanap ng kausap?
O crush mo ako?
Ahahahahaha
Good morning! Inaantok na ako pero kailangan ko lang tapusin 'tong sinusulat ko.
Anyway, pupunta pala akong Baguio this weekend. Yay! Excited akong sugurin 'yung book store dun. Baka may manga
Hindi ako makakanood ng anime pero keribels lang
Seen, 5:30 AM
5:31 AM
Alexis Ran:
Ang aga-aga ang daldal mo.
Merry Arisa:
Ganun talaga. Mga kyot na kagaya ko maiingay talaga
Alam mo ba, nagsusuka ako kanina.
Alexis Ran:
Buntis ka?
Merry Arisa:
Siraulo!!! Ahahahahaah nagsusuka lang buntis agad?! Grabiti utak mo!
Uminom kasi akong kape. Inaantok kasi ako eh kailangan kong magsulat. Kapag umiinom ako ng kape, nagpa-palpitate heart ko tas nagsusuka ako.
Huhuhu
Last na talaga 'to. Di na ko uulit.
Alexis Ran:
Hindi ako naniniwala.
Merry Arisa:
Wala akong pake
Alexis Ran:
Wag mong agawin linya ko.
Merry Arisa:
Bleh.
Pasok ka na sa work?
Alexis Ran:
Later.
Merry Arisa:
Bakit ang aga mo magising? 5:30?! Eh ate ko ang gising 6:30!
Alexis Ran:
Gym.
Merry Arisa:
Sa gym ka nagwo-work? Aba patingin nga ng flabs!
Alexis Ran:
Bwisit ka.
Merry Arisa:
Ahahahaahaha
Joke lang!
Seen, 5:45 AM
Merry Arisa:
Uy! Joke lang! 'Wag mo kong i-seen! Huhu
Seen, 5:46 AM
Merry Arisa:
Salbahe talaga to huhu
6:30 AM
Merry Arisa:
Nakaalis ka na baaaa?
Hindi ako makatulog huhu dahil 'to sa ininom kong kape
Seen, 6:40 AM
6:41 AM
Alexis Ran:
Uminom kang tubig.
Merry Arisa:
Kanina pa nga ako umiinom eh.
What time pasok mo?
Alexis Ran:
Stalker.
Merry Arisa:
Bwisit ahahaha
Feeling mo aabangan kita sa kanto?! Aba! Ahahahhahaa
Dahil hindi ako makatulog, nagbasa akong Noragami.
Next naman papanoorin ko anime. Nagustuhan ko manga eh
Seen, 6:45 AM
Merry Arisa:
Alam mo ba nakakaasar 'yung isa kong friend. Nananahimik ako tapos t-in-ag ba naman ako sa picture na to!!
[Screenshot of a f*******: post about being flat-chested]
GRABE NAKAKA-OFFEND!
Alexis Ran:
Haha.
Merry Arisa:
'Yang tawa mo ba legit? Huhu ang sakit lang. Kung kelan hindi ako nag-joke saka ka tumawa? Bigat mo huhuhu
'Wag mo nang uulitin 'yan ha. Di nakakatuwa
Alexis Ran:
Alis na 'ko.
Merry Arisa:
Byeee. Ingat ha. Tanga ka pa naman
Alexis Ran:
Baka ikaw.
Merry Arisa:
Ahahahahahaha
Para tayong LDR. Dyan ay umaga, dito ay gabi~
Alexis Ran:
Ewan ko sayo.
Merry Arisa:
Ahahahaha
Ingat baby boy! Wag mo kalimutan lunch box mo
Alexis Ran:
Bwisit.
Seen, 7:00 AM
7:21 AM
Merry Arisa:
Hindi ako makatulog
Kasalanan 'to ng kape!
Zombie mode ako mamaya. Huhu
Naghahanap ako ng manga na mababasa. May aaminin ako sayo. Feeling ko naman hindi mo 'to babasahin or hindi mag-si-sink in sa utak mo.
Pero nahihilig ako sa twincest ngayon
Forbidden romance din like step-brother romance, may-december affair, prof x student affair. Ganun.
Minsan magsusulat ako ng ganyan.
Support me ha.
Ahahahaha
9:08 AM
Merry Arisa:
May nag-PM sa 'kin sa writer account ko. Hanggang kelan daw ba masasabing pagiging tanga na 'yung paglaban mo para sa taong mahal mo na parang di ka naman mahal?
Hanggang kailan nga ba?
Kapag wala nang patutunguhan?
Kapag puro sakit na lang?
Sa nobela kasi parang ang dali-daling sabihin na mag-move on; na kalimutan mo na: na palayain mo na. Pero sa totoong buhay hindi ganun eh. Hindi naman pwedeng bukas limot mo na agad. Pak. Ganern. Instant.
Seen, 10:32 AM
10:34 AM
Alexis Ran:
Wag kang magulo nasa work ako.
Ang dami mong tanong.
Google mo sagot.
Seen, 2:34 PM
2:35 PM
Merry Arisa:
Tamo 'to. Di man lang seryoso sagot
Grabe ilang oras lang tulog ko. Antok pa pero need kong pumunta ng NBS. Pamangkin ko kasi may kailangan for her project. Sharing lang. Kapag di naman ako nag-share puro dead-air 'tong chat natin.
Ahahaha
Balik ako laters!
5:38 PM
Merry Arisa:
Bwisit.
Ahahahaahaha
Kaasar.
Nakakahiya! Huhuhu
Tanong mo bakit!
Seen, 5:40 PM
Alexis Ran:
Mamaya na. Busy pa ako.
Merry Arisa:
Wow busy pero nag-reply
Alexis Ran:
Anong nangyari?
Merry Arisa:
Ayan, ganyan dapat. Ahahaha
Teka kwento ko later. Wait lang.
Alexis Ran:
Tapos ikaw nawala.
Seen, 6:02 PM
Merry Arisa:
Eto kwento ko na. Wag ka na magtampo. Ahahaha naglalakad kasi ako pauwi nun. Natakot ako ma-snatch-an.
Kapag nawalan akong cellphone, pano ka na?
Alexis Ran:
Bibigyan kita.
Merry Arisa:
WOW! Yaman! Sige. Gusto ko iPhone 6 plus ha.
Alexis Ran:
Sabi ko na scammer ka eh.
Merry Arisa:
AHAHAHAHAHAHAH KAAZAR! Scammer agad-agad?!
Alexis Ran:
Ina-attach mo ako sayo saka ka manghihingi ng kung anu-ano.
Merry Arisa:
Bakit, na-attach ka naman ba?
Alexis Ran:
Hindi.
Hindi naman ako stapler.
Merry Arisa:
AHAHAHAHAHAAHA
Kaasar ka talaga.
Hindi ko alam kung seryoso ka or what
Alexis Ran:
Kwento na.
Merry Arisa:
Eto nga. Sumakay akong jeep pa-SM. Eh ang utak ko kasi nasa manuscript na sinusulat ko. So nung nagbayad ako, sabi ko, "Manong, mahal ho."
'Yung tingin sa 'kin ng mga pasahero parang gusto ko nang magtago. Huhu tapos tumatawa talaga sila!
So syempre ako naman si napahiya, ngumiti tapos sabi ko, "Ganyan talaga kapag mahal mo eh. Palagi mong iniisip. Manong, SM ho 'yan ah. Single, iniwan, nasaktan. Kasasakay lang."
Pero nakakahiya pa rin!!
Nung nakababa ako ng jeep dire-diretso ako sa paglalakad.
Buti na lang hindi na kami magkikita nung mga nakasakay! Ahahahahaa
Alexis Ran:
Haha.
Tanga.
Merry Arisa:
GRABE NAKAKADALAWA KA NA HA AHAHAHAHA Maka-tanga 'to wagas! Wag ka na lang tumawa kung ako naman pinagtatawanan mo
Saka hindi ko ma-imagine na tumatawa ka!
Alexis Ran:
Poker face ako.
Merry Arisa:
Bwisit ka!
Ahahahaha
Alexis Ran:
Bwisit ka rin.
Ge.
Merry Arisa:
Pauwi ka na ba?
Alexis Ran:
Di pa.
Merry Arisa:
Ukii.
Seen, 6:30 PM
7:32 PM
Alexis Ran:
Hi, baby gurl
Merry Arisa:
Exis?
Sino ka?!
Hoy snatcher! Ibalik mo cellphone ni Exis dahil kung hindi tatanggalan kitang balls!
Hoy!
Seen, 9:32 PM
9:34 PM
Alexis Ran:
Gago talaga yang si Wade. Bwisit.
Merry Arisa:
Ahahahahahaahahhaa
Officemate mo? Siya 'yung nag-PM?
Alexis Ran:
Yeah.
Gago 'yon.
Makikitext lang daw.
Merry Arisa:
Ahahahaha nagulat nga ako eh. Akala ko na-snatch phone mo. Kasi di ka naman ganun.
Alexis Ran:
Tatanggalan mo siyang balls?
Natakot siya eh.
Merry Arisa:
AHAHAHAHHAAHAAHAHA Dapat lang! Ahahahahhaah
Alexis Ran:
Kain lang ako.
Merry Arisa:
Uyyy! Pansin ko medyo dumadami na reply mo sa 'kin. Huhu naaapektuhan ka na ba ng charms ko?
'Wag kang mai-in love ha? Masasaktan ka lang. I'm sorry, Exis, I can't love you.
Alexis Ran:
What the f**k?!
Merry Arisa:
Ahahaahhahaha
Sige, kaen ka lang
Seen, 9:58 PM
10:43 PM
Merry Arisa:
Nakakaasar 'yong pinsan ko Kinuwento ko kasi 'yung nangyari sa jeep kanina. Reply ba naman niya, "Wala nang bago, Arisa. Sanay na ako sa katangahan mo."
Napaka-judgmental niya!
Alexis Ran:
Katangahan naman talaga.
Merry Arisa:
Tssss. Gusto mo ba ilakad kita sa pinsan ko? Parehas kayong sadista eh.
Alexis Ran:
Not interested.
Merry Arisa:
May friend akong lalaki. Gusto mo dun kita ilakad?
Alexis Ran:
Wtf
Merry Arisa:
Ahahahahaha joke lang.
Oy! In-add ako nung Wade Yozon! Ikaw mutual friend namin
Grabe ka! Kinukwento mo ko sa mga friends mo! Wag ganun Exis! Mending a broken heart pa ako diba? Ayokong maging unfair sayo.
AHAHAHAHAHAHA
Alexis Ran:
Bwisit ka talaga.
Block mo.
Merry Arisa:
Ayan. In-accept ko.
Ahahahahahahha
Kapag kinulit ako nito tatanggalan ko siyang balls.
Seen, 11:00 PM
11:35 PM
Merry Arisa:
Exis...
Naka-move on na ako kay Lex.
In love na ata ako sa iba.
Seen, 11:37 PM
Merry Arisa:
Ang guwapo kasi ni Kakashi lalo na kapag walang mask
Alexis Ran:
Bwisit ka.
Merry Arisa:
Ahahahahhaaha
Seen, 11:39 PM