1:35 AM
Alexis Ran:
Kapag nag-PM sayo si Wade, wag mong sagutin.
Merry Arisa:
Yes, sir!
Di naman ako nakikipag-chat sa stranger
Alexis Ran:
Kaya pala kinukulit mo ako.
Merry Arisa:
Iba ka naman eh.
Hindi ka stranger.
Alien ka.
Ahahahahahaahahaa!
Seen, 1:40 AM
Alexis Ran:
Night.
Merry Arisa:
SUSMARYOSEP SI WADE KA BA?!
Bakit may "Night?!"
What's happening?!
Alexis Ran:
Bwisit.
Di talaga lilipas ang araw na di mo ako binubwisit.
Merry Arisa:
Ahahahahaha
Sorry na.
Good night, Exis ☺️
Seen, 1:45 AM
4:43 AM
Merry Arisa:
Bakit kaya kung sino pa 'yung taong mahal na mahal natin, sila pa 'yung mananakit sa 'tin ng sobra?
Binigay mo na nga lahat sa kanya. Ginawa mo na lahat para sa kanya. Tapos nagawa pa rin nilang saktan tayo.
Nasa ending na kasi ako nang sinusulat kong nobela kaya ako nakaramdam ng ganito.
Alam mo ba, sa bawat nobelang sinusulat ko, naglalagay ako ng isang bahagi ng puso ko, ng pagkatao ko, ng buhay ko.
'Yung mga "should have been," "could have been," "what if's," nilalagay ko sa nobela.
Unlike kasi sa totoong buhay, sa nobela, kapag nagkamali 'yung characters, puwede mong gawan ng paraan para umayos.
Sa tunay na buhay, puwede rin. Pero hindi ganun kadali. Minsan para umayos, kailangan mo na lang eh closure. Tanggapin na maglalakad na kayo palayo sa isa't isa.
#MadalingArawBlues
Seen, 5:00 AM
5:01 AM
Alexis Ran:
Morning.
Merry Arisa:
Hanep ka talaga! Idol na kita AHAHAHA
Nagda-drama ako tapos ang sasabihin mo lang "Morning."
Tapos first time ever mo akong binati ng "Morning." Huhuhu
Kanina "Night." Ngayon, "Morning."
Nagbibinata na si baby boy! Ahahaha next time lagyan mo na ng "good" ha!
Good morning!
Alexis Ran:
Ang aga-aga nambubuwisit ka, Merry Arisa.
Merry Arisa:
Ang aga-aga tinatawag mo akong Merry Arisa! Ahahahahaha saka ikaw lang naman nabubuwisit ko eh.
Excited na ako mamaya! Baguio trip na namin. Uuwian kitang pasalubong don't worry.
Hangin straight from Baguio ❤️
Alexis Ran:
Kahit wag na.
Merry Arisa:
Bawal tumanggi!
Speaking of pasalubong, nagbilin na kaagad si Papa. Di kasi siya kasama. Ayaw niya ng mga ganyang malalayong byahe eh.
Sabi niya 'wag ko na raw siyang uuwian ng sundot-kulangot ahahahahaha last time kasi na nagpunta ako ng Baguio, pinag-trip-an ko siya. Sundot-kulangot pasalubong ko. G na G siya sa 'kin ahahahahaha ang gusto niya kasi eh wine. Mahal kaya nun!
Alexis Ran:
Sige. Bigyan mo ako ng wine.
Merry Arisa:
SCAMMER KA!!! Pinapa-fall mo ako tapos saka mo sasabihin na may sakit kapatid mo at need mo ng pera!! Hindi mo ko maloloko, Alexis Ran Crowell!
Alexis Ran:
Haha.
Ewan ko sayo.
Merry Arisa:
Third time is a charm ❤️
Salamat sa Haha. Alam mo namang life goals ko ang patawanin ka... sa chat.
One time nga i-voice message mo tawa mo. Baka sakaling pwedeng gamiting alarm clock.
'Yung tipong mapapabangon ako agad sa takot.
Ahaahahhahaha
Alexis Ran:
Asa ka.
Merry Arisa:
Sanay na akong umasa. Kaya nga nasaktan ako eh. Dahil umasa ako. Umasa ako na tutuparin niya mga pangako niya.
Alexis Ran:
Humugot ka na naman.
Merry Arisa:
Ahaahaha
Bakit pala ang aga mo nagising?
Alexis Ran:
Hindi ko na-silent phone ko.
Ang ingay dahil sa messages mo.
Merry Arisa:
Weh?
Baka hindi mo lang talaga s-in-ilent kasi inaabangan mo messages ko.
Haynako Exis!
Ilang ulit ko bang sasabihin na 'wag muna. Hindi pa ako handang magmahal ulit. Ayokong masaktan ka.
Alexis Ran:
Bwisit ka.
Mag-ingat ka nga.
Merry Arisa:
Omg concern ka talaga sa 'kin! Nakakatuwa naman ☺️ Mag-iingat talaga ako sa byahe mamaya
Alexis Ran:
Mag-ingat ka. Sa sobrang lakas ng hangin mo baka tangayin ka na.
Merry Arisa:
Salbahe ka talaga.
Para kang networking eh! Sa umpisa ang ganda nang sinasabi tapos biglang semplang sa dulo.
Alexis Ran:
Oo na.
Ang dami mo na naman pinaglalaban.
Merry Arisa:
Ahhehehe!
I know right.
Friday na ngayon. May pasok ka ba ng weekend?
Alexis Ran:
Bakit?
Merry Arisa:
Anong bakit? Masama ba magtanong?
Alexis Ran:
Wala lang. Masama rin bang magtanong.
Merry Arisa:
Ahahahhahaha ewan ko sayo!
Ano nga.
Alexis Ran:
Wala akong pasok ng weekends.
Merry Arisa:
Eh di gala ka later? Alam mo na... 'Yung mga bumibiglang liko. Ahahahhaahah
Alexis Ran:
Merry Arisa! Bunganga mo!
Merry Arisa:
Ahahahhahahahah
Maka-bunganga naman to wagas. Ahahaha
Guilty?
Seen, 5:31 AM
Merry Arisa:
AHAHAHA Nagtago na siya oh.
Anyway, good mornight na, Exis. May pupuntahan pa kasi ako mamaya kaya kailangan kong matulog ng maaga--umaga na pala. Ahahaha
Isang sweetdreams nga dyan!
Seen, 5:34 AM
Merry Arisa:
Sweetdreams, Arisa kyut.
Ahahahahha
Alexis Ran:
Haha.
Merry Arisa:
Fourth time
Seen, 5:37 AM
2:34 PM
Merry Arisa:
Exis!! Yuhoooo!
Nandyan ka ba?
Meron akong isang kyut news saka isang chaka news.
Exis!!
Notice me~!!
Seen, 2:45 PM
2:46 PM
Alexis Ran:
Ano?
Merry Arisa:
Unahin ko muna 'yung chaka news.
Galing akong mall kanina. Bumili kasi ako ng mga chichirya para may pagkain kami sa sasakyan mamaya.
So pagkatapos, dumiretso akong NBS. Tingin lang ng mga libro.
Then I saw him.
With her.
Ang sweet nilang tingnan. Mukha silang masaya.
Ayoko nang makagulo kaya ako na lumayo. Good thing hindi nila ako nakita. Good thing hindi ako nakita ni Lex. After our break-up kasi, hindi pa kami nagkita or nagkausap. That was the first time I saw him again after our break-up.
Para akong nanlata na ewan.
They looked so happy so dapat maging happy ako for them right?
Alexis Ran:
Sino nagsabi?
Merry Arisa:
Hmm?
Alexis Ran:
Na kailangang maging masaya ka para sa kanila?
Merry Arisa:
'Yung ibang tao? Diba kapag daw mahal mo, dapat maging masaya ka kapag masaya siya?
Alexis Ran:
Katangahan 'yan.
Kung hindi ka masaya, eh di hindi.
Bakit kailangang ipilit?
Merry Arisa:
May point ka.
Kaya lang ayokong mag-mukhang bitter.
Alexis Ran:
It's not about you being bitter.
It's about you loving him that much.
Next.
Merry Arisa:
Naks! I'm so touched!
Huhuhu
Ikaw ba talaga 'yan Exis
Alexis Ran:
Next.
Merry Arisa:
Hindi ako makapaniwala na may natanggap akong words of wis-doom galing kay Boss Exis.
Himala!!
Alexis Ran:
Next.
Merry Arisa:
Ano bang nagawa kong tama para bumait sa 'kin si Exis? Huhu Thank You po, Lord
Alexis Ran:
Merry Arisa, isa!
Merry Arisa:
Sabi ko nga eto na ako sa kyut news eh. Ahahahaa
Dumiretso akong Starbucks after sa NBS. Medyo hurt ako eh. Kailangan ko ng frappe. Ahahahahaha
So nung kinuha ko na order ko, syempre diba nakalagay 'yung name sa plastic cup? Bigla akong kinausap nung barista.
Hinihingi number ko!
Aba! Na-love at first sight sa 'kin.
Haba ng hair!
Alexis Ran:
Binigay mo?
Merry Arisa:
Syempre!
Alexis Ran:
What?!
Merry Arisa:
Syempre hindi!
Ahahahahahahahah
Kahit kyut 'yung barista, hindi ko basta-basta binibigay number ko. I don't talk to strangers
Alexis Ran:
Aside from me.
Merry Arisa:
Alien ka nga diba?!
Kulit mo!
Ahahahhaah
Alexis Ran:
Then.
Merry Arisa:
Sabi ko sa barista: Sorry. Ayokong gawin kang panakip-butas. May mahahanap ka pang ibang babaeng worth it mahalin.
Ahahahahahah tapos umalis na ako.
Alexis Ran:
Haha.
Bwisit ka.
Merry Arisa:
Fifth time
Ayon lang.
Ahahahaha
Tapos na 'kong mag-report, sir!
Alexis Ran:
Good.
Laters.
Merry Arisa:
Shuta naman! May later pa!
Laters, baby boy!
Ahahahaaha
Seen, 3:15 PM
8:30 PM
Merry Arisa:
Mamayang 11:00 pm byahe namin pa-Baguio. Sana hindi ako mahilo at magsuka sa byahe
Kakain muna akong dinner. Ikaw din!
9:30 PM
Merry Arisa:
Ligo muna ako!
10:03 PM
Merry Arisa:
Bakit wala ka pa?
Seen, 10:32 PM
10:33 PM
Alexis Ran:
Chill.
Merry Arisa:
Aba! May pa-chill-chill ka pang nalalaman ha!
Alexis Ran:
Uminom kang bonamine para hindi ka mahilo sa byahe.
Merry Arisa:
'Yun nga eh. Buti binili ako ni mama ❤️
Kakauwi mo lang?
Alexis Ran:
Wala ako sa condo.
Out.
Merry Arisa:
Weh? Ikaw? Nasa labas?!
Yeah.
Merry Arisa:
Sa biglang-liko?
Ahahahahahah
Alexis Ran:
Magtigil ka nga.
Merry Arisa:
Ahahahahaha
Saan ba kasi?
Alexis Ran:
Bar.
Merry Arisa:
Ahhh.
Di ko pa nata-try mag-bar. Masaya ba? Okay? Anong feeling?
Alexis Ran:
Maingay.
Parang ikaw.
Merry Arisa:
Wow! Kelangan talaga ginaganyan ako?! Kapag nagtampo ako iiwan kita makita mo! Ahahahahahaha
Minsan kapag napag-trip-an, susubukan kong mag-bar din.
Alexis Ran:
Solo?
Merry Arisa:
Yep! For experience ba
Alexis Ran:
Not advisable.
Merry Arisa:
Whyyyy?
Alexis Ran:
Babae ka.
Merry Arisa:
Malamang!! Sino ba nagsabing lalaki ako?
Exis naman oh! Utak naman ahahhaah
Alexis Ran:
Akala ko ba ayaw mo sa mga bars?
Merry Arisa:
Oo nga. Gusto ko lang i-try. Para masabi kong nakapag-bar ako. Para di naman ako ignorante. Saka mga friends ko labas-masok sa bar. Di ako maka-relate sa kanila.
Alexis Ran:
Bahala ka nga sa buhay mo.
Merry Arisa:
Tamo to! Bakit ba? Galit ka? Bakit? Huhu
Alexis Ran:
Bahala ka.
A piece of unsolicited advice. Again.
Wag kang padala sa peer pressure.
Merry Arisa:
Yes, sir!
Alexis Ran:
Tanga ka pa naman.
Merry Arisa:
GRABE KA!!!! PANINIRANG-PURI YAN
Alexis Ran:
Be back in 30.
Merry Arisa:
Oo na. Sanay naman akong naghihintay ahahahaa
Saka paalis na rin kami.
PM kita kapag may signal wifi sa byahe ha. Para hindi ako ma-bore. Tutal nasa bar ka naman
'Wag kang pakalasing ha. Hindi maganda sa pakiramdam.
Alexis Ran:
Yeah.
Merry Arisa:
Bye!
Seen, 11:32 PM
11:33 PM
Alexis Ran:
Hey. Still there?