Chapter 1

2595 Words
ISANG taong nasa puder ng masasamang bampira si Rena. Si Ruzi, ang bampirang nagpanggap na taxi driver na dumakip sa kanya noon pagkagaling sa airport. Nagkagulo ang mga bampira sa headquarter ng black ribbon dahil sa nawawalang leader ng mga ito. Ayon sa natuklasan niya, ang black ribbon organization ay may sangay sa ibang bansa lalo na sa Japan. They are exporting the blood from human to sell to foreign vampires. Nang magkagulo ay sinamantala niya ang pagkakataon na makatakas. Sa kasamaang palad ay nahuli siya ni Ruzi. Dahil mabigat na ang problema sa grupo, dinala siya nito sa pribadong pasilidad. Ikinulong siya nito sa kulungan ng mga taong bihag. Hindi niya maintindihan. Ayaw siyang patayin ng mga ito dahil malaki raw ang reward na makukuha ng mga ito kapag ibinigay siyang buhay ng mga ito sa leader ng grupo sa Japan. Hindi niya alam ang buong detalye. She doesn’t care. Ang gusto lang niya ay makatakas sa impiyernong lugar na iyon. Una nang kinuhaan siya ng sample ng dugo saka ipinadala sa isang leader ng black ribbon sa Japan. It was three moths ago after Ruzi said to the leader that he caught her. Last week lang ay sinabi ni Ruzi na darating sa buwang iyon ang isang leader para kunin siya. Hindi maaring mangyari iyon kaya kailangan niyang makatakas. Pero paano? Ikinulong na siya ni Ruzi. Kinilabutan siya dahil ang mga nakakulong na tao sa ibang selda ay mga walang malay, may nakakabit na hose sa katawan na siyang nangunolekta sa dugo ng mga ito papunta sa nakaabang na malalaking blood bag. It’s a nightmare living in a terror place, which is killing was normal. Isang tao din siyang kinakain ng matinding trauma. Minsan nga ay nagha-hallucinate na siya. Payat na payat na siya dahil hindi siya makakain nang maayos at makatulog. Dumating pa ang punto na gusto na niyang magpakamatay. But her faith saves her. Kinagabihan ay nagtataka si Rena bakit hindi pa siya binabalikan ni Ruzi. Walang nagbibigay ng pagkain sa kanya o kahit inumin. Tuyong-tuyo na ang lalamunan niya. Masakit na rin ang sikmura niya dahil nalipasan na siya ng gutom. Hindi rin siya makatulog dahil ang daming ipis at mga lamok. Namamaga na ang binti niya sa kakasampal sa lamok na dumadapo roon. Nakaluklok siya sa sulok ng papag habang yakap ang kaniyang mga tuhod. Hilam ang kaniyang mukha sa luha. Kumislot siya nang bumukas ang bakal na pinto. May yabag na paparating. Bumalikwas siya nang tayo at lumapit sa rehas na bakal upang masilip kung sino ang pumasok. “Help! Help me!” sigaw niya. May boses ng kalalakihan sa ‘di kalayuan. Namataan niya si Ruzi na may kasamang matangkad na lalaki. He’s wearing a gray duster jacket and slim blue denim. He looks stunning, handsome with slicked haircut kaya lalong lumitaw ang mukha nito. Mas matangkad ito kay Ruzi, mas matikas at maskulado. For sure, bampire rin ito na buyer ng dugo ng tao. Tinitingnan kasi ng mga ito ang mga taong kinukuhaan ng dugo. Mukhang choosy ang lalaki. Naghahanap pa ito ng iba. Kumislot siya nang magawi sa kaniya ang tingin ng lalaki. Matagal itong tumitig sa kanya. “What about her?” mamaya ay tanong nito kay Ruzi. Umalma naman si Ruzi. “Sorry, we didn’t sell blood. She was taken by our big-time client from Japan,” sabi naman ni Ruzi. “But I like her. I smell her delicious blood,” giit naman ng lalaki. Kumabog ang dibdib ni Rena. Guwapo lang ang lalaki pero isa ring diyablo na gustong kunin ang dugo niya. Tama nga walang mabait na bampira. She has to do something to escape before her blood was draining. Walang magawa si Ruzi nang lapitan siya ng bisita nito. Nakabuntot lang ito rito. Tumayo sa tapat niya ang guwapong lalaki, may isang dangkal ang pagitan sa kanya. Napatitig siya rito nang mataman siya nitong titigan, na tila kinakabisado ang kaniyang mukha. Ayaw paawat sa pagkabog ang puso niya. Kakaiba kung tumitig ang lalaki, nakakatunaw, na kakarahuyo. “What is your name, beautiful?” he asked her. Lalo siyang nailang nang suyurin siya nito ng tingin. Magulo ang gabaywang niyang buhok dahil wala siyang suklay. Nakasuot lang siya ng puting blouse na wala pang botones sa itaas kaya bahagyang nakasilip ang kaniyang cleavage. Maging ang suot niyang skinny jeans ay gulanit sa bandang tuhod. Oily pa ang mukha niya dahil wala siyang hilamos. Walang tubig ang CR ng kulungan niya. Malansa na ang amoy niya dahil tatlong araw na siyang walang ligo, walang sipilyo dahil walang tubig sa buong pasilidad kahit sa kuwartong inukupa niya. Nahihiya siyang magsalita baka mapaatras ito sa baho ng hininga niya. “Her name is Rena Natsuki,” sagot naman ni Ruzi. “I like her. I’ll give you worth of fifty billion bar golds and two immortal pendants just give this girl to me,” wika ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Ruzi. Maging siya ay nawindang. Ganoon ba kayaman ang lalaking ito? Gustuhin na lang ata niyang sumama rito kaysa sa sinasabi ni Ruzi na Japanese black ribbon leader. Mas palagay siya sa lalaking ito, mukhang mabait. But of course, she can’t trust vampires. She will use him to escape. “But Mr. Harley, the client from Japan will arrive last week of this month. I had to deal with him.” “But my offer was bigger than him, right?” Mr. Harley said. “Y-yes but…” “No more buts. I’ll take her tonight,” giit ng lalaki. Namutla si Ruzi. Tila naguguluhan na ito. Mamaya ay may hinahapong lalaki na pumasok, takot na takot. “Ruzi, may nawawalang specimen!” batid ng lalaki. “Wait for me, Mr. Harley, I’ll be right back,” ani Ruzi at iniwan nito ang bisita. Natataranta si Rena. “Please, don’t kill me,” samo niya sa lalaki. Mukha itong foreigner kaya malamang hindi siya maintindihan kung magtatagalog siya. “Hindi kita papatayin, huwag kang mag-alala,” sabi nito. Nawindang siya. Magaling naman palang magtagalog. “Ginoo, tulungan mo ako. Parang awa mo na. Isang tao na akong nakakulong dito,” mangiyak-ngiyak na samo niya. “I know, that’s why I fool Ruzi.” Nalaglag ang panga niya. “Y-you mean, nagpapanggap ka lang na kliyente?” Namilog ang mga mata niya. “Yap. I’m a spy from the organization. Misyon namin na sugpuin ang grupo ng black ribbon. I’m here to know their agenda. And I was shocked after seeing all of this s**t!” Napansin niya ang galit sa mga mata nito. Nakombinsi siya na mabait ito. “So, bibilhin mo ako? Ibibigay mo kay Ruzi ang pangako mong bayad?” aniya. He smirked. “That’s also a fool. I don’t have that wealth yet.” Napangiwi siya. But she found him cute while telling her the truth. “Sige na, itakas mo na ako rito, please,” atat niyang hiling. “I will. Pero bago kita itakas, papatayin ko muna si Ruzi.” “Ha? Bakit?” “He’s a demon, a traitor. We met outside, he as an ordinary vampire who serves our mortal enemy. Hinuhuli niya ang mga tao para ibenta sa baliw na chemist para maging ekspiremento. Kaya galit na galit ako sa kanya.” “Paano mo siya mapapatay?” Dumestansiya siya rito nang ma-realize niya na hindi pa siya nag-toothbrush. Malamang tinitiis lang nito ang amoy ng hininga niya. “I put something on his drink while we are talking at the lobby lately. The poison I had mixed in his drink had liquid silver. It will destroy his body within five minutes.” “Paano kung hindi niya iinumin?” “He will drink it, I manipulate his mind right now and later he will go back here with his drink on his hand.” Ilang sandali lang ay bigla ngang bumalik si Ruzi hawak na ang baso ng blood juice nito. Namangha siya. Makapangyarihan itong lalaki. “Sorry, it’s a minor problem outside,” ani ni Ruzi. Hinarap ni Mr. Harley si Ruzi. Pinanood nito ang pobreng bampira habang deretsong nilalagok ang laman ng baso nito. Bumuntong-hininga si Rena. Inaabangan niya ang resulta ng sinasabi ng lalaki na mamamatay si Ruzi in just five minutes. “What is your decision?” tanong pa ni Mr. Harley kay Ruzi. “Sorry, Mr. Harley, I can’t give you that girl,” pasya ni Ruzi. “Well, good luck. Happy trip to hell,” pilyong sabi ni Mr. Harley sa pobreng lalaki. “What did you say?” tila napipikong untag ni Ruzi. Tinalikuran ito ni Mr. Harley. Humarap ito sa kanya at ngumiti. Hindi niya malaman kung ano ang kaniyang magiging reaksyon. Tulalang nakatitig lamang siya rito. “Y-you…” bigkas ni Ruzi nang tila may nararamdaman nang kakaiba sa katawan. Nabitawan nito ang hawak na baso. Siya lang ang nakatingin dito, habang unti-unting naagnas ang katawan nito hanggang sa tuluyan itong maging abo. “O my gosh!” bulalas niya. Natutop niya ng kamay ang kaniyang bibig. “I told you,” sabi naman ni Mr. Harley. Naibaling niya ang tingin dito. Nagulat siya nang hawakan nito ang dalawang magkatabing rehas na bakal at buong puwersa na binaluktot ang mga ito. Nawindang siya. Ang lakas nito! Nilakihan pa nito ang awang ng rehas hanggang sa kasya na ang kaniyang katawan. “We need to hurry,” sabi nito nang mapansing hindi pa rin siya lumalabas. Lumabas naman siya pero hindi siya makalapit sa lalaki. Nahihiya kasi siya sa amoy niya. Kumislot siya nang napitin nito ang kanang braso niya. Hinila siya nito padikit dito. “Wait! Mabaho ako!” reklamo niya. “Babango ka rin mamaya,” anito. Hindi siya nakapalag nang yakapin siya nito. Napapikit na lang siya nang tila lumilipad sila. Namimingi siya dahil sa hanging umuugong sa tainga niya. Hindi niya magawang magmulat ng mga mata. Hanggang sa gupuin siya nang matinding antok.   NAGISING si Rena dahil sa nakakagutom na amoy. Nang dumilat siya ay kaagad siyang umupo nang mapansin ang puting kapaligiran. Iginala niya ang tingin niya sa paligid. She was sitting on the gray sofa inside the all white walls around the studio type room. There is only one glass window, covered with tick apple green plain curtain. May nakasabit na eleganteng chandelier sa gitna ng kisame, na siyang nagbibigay liwanag sa paligid. There’s a queen-size bed, no mattress yet only a tick foam. On the left side of the bed was the oval-shaped bedside table where the food was placed. Iyon ang naamoy niya. On the right side of the bed was the wooden closet. On her left side, there’s a door, obviously a door of the comfort room. At her back was the main door. Hindi siya nakatiis, tumayo siya kahit walang sapin sa mga paa. Malamig sa sa buong kuwarto dahil sa split type air-con na nasa itaas ng pinto. Malamig ang sahig na naka-lain white tiles. Humakbang siya palapit sa bedside table at umupo sa silyang katapat nito. May nakahaing chicken soup, fried fish, at mainit pang puting kanin. Mukhang kalalagay lang nito iyon doon dahil umuusok pa. Kahit mainit pa ay sunod-sunod na ang pagsubo niya. Kating-kati na ang katawan niya dahil hindi pa siya nakakaligo pero kakain muna siya. Kamuntik na siyang mabilaukan nang biglang may kumatok sa pinto. Bumukas din iyon kaagad. Marahas siyang lumingin sa bumukas na pinto kahit bumubukol ang pisngi niya dahil sa pagkaing kasusubo. Si Mr. Harley pala ang pumasok. Nakasuot na ito ng blue turtle neck long sleeve shirt at itim na denim na hapit sa mapintog nitong hita at binti. Sa kanang kamay nito ay may bitbit na dalawang paper bag na malalaki. Kaagad itong ngumiti. “Eat well. I just drop by to give you your clothes and personal needs. You can take a bath after eating,” sabi nito saka tuluyang pumasok. Tumango lang siya saka inituloy ang pagsubo. Nang sipatin ulit niya ang lalaki ay inilapag na nito sa sofa ang dala. Aalis na sana ito. “Mr. Harley!” pigil niya rito pagkalunok sa kinain niya. Hinarap naman siya nito. “Yes?” nakangiting untag nito. Tumayo siya at maayos itong hinarap. “Thank you for saving my life. I don’t know how to pay you,” aniya. He chuckled. “You’re welcome,” he responds. “Don’t worry, I help you because it’s part of my mission so don’t bother. Just enjoy staying with her for a while.” Napaiyak siya. Hindi kasi niya lubos maisip na makakatakas pa siya sa kamay ng mga diyablong bampira. “Salamat talaga, Mr. Harley,” humihikbing sabi niya. “Please, don’t cry. Kumain ka pa at maligo para makatulog ka nang maayos. May pupunta rito mamaya para ayusin ang kama mo. At bukas ay kakausapin ka ng mga episyales para sa mga mahalagang mga tanong tungkol sa black ribbon.” Tumango siya. Tumigil na siya sa pag-iyak. “Salamat talaga. Kung hindi dahil sa ‘yo, siguro patay na ako. Thank you so much, Mr. Harley,” walang katapusang pasasalamat niya. Ngumisi ang lalaki. “No worries. And please stop calling me ‘Mr. Harley’? Just call me Erman,” anito. Tumango na naman siya. “Sige, Erman,” sabi niya. “Good. Sige na, kumain ka pa.” “Sige.” Tinang pa niya ang lalaki hanggang makalabas ito ng pinto. Saka lamang siya nagpatuloy sa pagkain. Kulang na lang ay kainin niya pati tinik ng isda sa sobrang gutom. Sumakit ang tiyan niya nang mabusog. May gastric ulcer na nga ata siya. Nang humupa ang sakit ng tiyan niya ay tiningnan niya ang laman ng paper bags. Sa isang bag ay mga damit, underwear at flat sandals ang laman. Sa kabila naman ay mga personal hygiene. Sinukat muna niya ang mga damit, sakto lang sa kanya. Maliit dahil payat siya. Pati size ng bra niya ay sakto lang, maging sandals. Mukhang sinukat ni Erman. Napangiti siya. Pagkuwan ay pumasok na siya sa banyo. Mayroon nang towel doon. Maluwag ito at mayroong bathroom at toilet na magkabukod. Ang una niyang ginawa ay nagsipilyo. Inabot siya ng halos kalahating oras sa pagsipilyo. Nagkaroon na siya ng pimples pero pagaling na. Pagkatapos ay pumasok na siya sa shower room. Sabik na sabik siya sa warm water. Tili siya nang tili habang nagtatampisaw sa tubig. Inabot diin siya ng mahigit isang oras sa banyo. Tinuyo niya ang kaniyang katawan saka binalot ng tuwalya. Paglabas niya ng banyo ay napapiksi siya nang mamataan niya si Erman na prenteng nakaupo sa sofa. Awtomatiko itong napalingon sa kanya. Titig na titig ito sa kanya, bagay na nagpainit sa kanyang mukha. The way he stares, it seemingly melting all living things around him, even her. Her heart instantly raced. Tumayo naman si Erman. “I forgot your name,” sabi nito. “Uhm, I’m Rena Natsuki,” tugon niya naman. “Okay. That’s it. Kailangan kasi ma-include ko sa report ko,” anito, “Ganun ba?” Naiilang na siya. “Sige, maiwan na kita. Parating na ‘yong mag-aayos ng kama mo.” Tumango lang siya. Hinatid lang niya ito ng tingin palabas ng pinto. Pagkuwan ay nagbihis na siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD