Chapter 2: His Fling

1453 Words
Naalimpungatan si Yuan nang maramdaman na may humahalik sa kanyang balikat. Nainis siya. Si Maxine nakapatong sa likod niya at walang saplot. Tinakpan niya ng unan ang mukha ng magtangka itong halikan siya. Alam niya ang gustong mangyari ng babae. Pero pinakaayaw niya ay iniistorbo ang tulog niya. Hindi nga ba't nalinaw na niya iyon kay Maxine bago nagsimula ang walang label nilang relasyon? Narinig niyang napabuntong-hininga si Maxine. Pagkaraa'y umalis ito mula sa pagkakapatong sa kanya. Kaluskos na ang mga sumunod na sandali. "I have to go. Babalik ako dito mamayang gabi." sabi ni Maxine na muling sumampa sa kama upang mahalikan siya sa labi. Nakabihis na ito. "No! Don't do that." "Why?" "I'll just call you." Sa halip ay sabi niya. Na hindi man lang ito tinapunan ng tingin. "Okay, I get it." Maxine replied sarcastically. "Bye, Sandra!" "Who's Sandra?" Napataas ang boses nito. Binato siya ng unan. "You're bullshit Yuan!" Iyon lang padabog na itong lumbas. Inis na napabangon sa kama si Yuan. Nahilamos ang kamay sa mukha. Damn! Nawala ang pagkaantok niya. Mas lalo siyang napamura nang tingnan niya ang relo ay mag-a-alas onse na ng tanghali. May kailangan pa siyang tapusin. At mamayang hapon na ang deadline ng pagpasa niya ng hero character para sa isang online game. Makakaabot pa ba siya? Mabilis pa sa alas kuwatrong bumaba siya sa kama at agad na hinarap ang kanyang computer. Isa siyang freelance animator. kinukuha siya ng malalaking kompanya para sa mga likha niya. Maraming nag-o-offer sa kanya na mag-sign ng contract na agad naman niyang tinatanggihan dahil ayaw niyang hawak siya sa leeg. So far so good hindi naman siya nagugutom sa klase ng trabaho niya. Sa katunayan ay malaki ang kinikita niya. Pero nauubos lang sa barkada, inom at babae ang pera niya. It was his way to escaped from his complex life. It was his way to forget how tita Melina died in his hand. Bangungot para sa kanya ang pangyayari. Nakaukit na sa utak niya ang buong eksena. Nakatatlong oras na siya sa harap ng computer ng makaramdam ng gutom. Sa labas siya kumain dahil may Restuarant 'di-kalayuan sa labas ng subdivision. Na calculate naman niya na makaabot siya bago ang deadline. Magpapalit na lang sana siya ng damit ng matigilan sa nakitang bagay na nagkalat sa sahig. Bakit may picture ng batang babae siya sa bahay? Hindi niya matandaan na sa kanya 'yon. Pinulot niya ang picture. Hindi naman pala paslit kundi teenager na babae. At 'di kalayuan sa sahig ay nakita niya ang yellow envelope kasama pa ang ilang pictures. Naalala na niya kung kanino galing iyon. Simula kasi ng ibigay iyon ng ate Yoana niya ay basta na lang niya nilagay sa side table. Nahulog siguro hanggang sa hinayaan na lang niya magpakalat-kalat since sanay siya sa mga nagkalat na papel dahil sa uri ng trabaho niya. Hindi niya alam kung ano'ng nagtulak sa kanya para ngumiti habang nakatingin sa nasabing teenager sa picture. He agreed that the girl looked so charming, so innocent in her school uniform. Kung hindi pa niya alam na umarkila lang ng private detective ang ate niya ay aakalain niyang pictorial iyon ng isang teen show kahit pa nga stolen shot ang kuha. The picture is seems magical. Pinilig niya ang ulo, masyado naman niyang kino-compliment ang paslit na nasa larawan. Baka dala lang ng hang over kaya hindi pa puma-function ng tama ang utak niya at may pa magical pa siyang nalalaman. Or maybe because of her sweet smile that made him feel like being enchanted. Or maybe because of her beautiful round eyes. Or maybe - wait! What is happening to him? Damn! Para siyang temang. Gutom lang siguro ang lahat. Nagkibit balikat siya at pinulot na rin ang envelope pati ang ibang laman. Natigilan siya nang makita ang picture ng isang lalake na buong pagsuyong nakatitig sa nasabing schoolgirl. Iyon na si Isaac? Ganoon pala ang taste ng kapatid, mga mukhang pastor o attorney. At makatitig sa teenager ay aakalain mo nasa pictorial rin ng isang romantic film. "Blueland subdivision." Basa niya sa nakasulat na impormasyon sa papel kung saan nakatira ang nasabing teenager. "What a luck!" Palatak niya. They live in the same subdivision. Titingnan pa sana niya ang ibang nilalaman pa ng yellow envelope nang magulat siya sa sunod-sunod na doorbell. Tila urgent ang kailangan ng nasa labas. Animo'y may lindol o sunog. Mabilis ang kilos na tinungo niya ng gate. Mas higit siyang nagulat ng makita kung sino ang tumambad sa harap niya. The girl in magical picture! _____________ TIRIK ang araw. Napapaso na ang balat ni Aya pero todo tiis pa rin siya maisakatuparan lang ang plano. Kalahating oras na siyang nakatayo sa harap ng isang bahay na nalalayo sa karamihan sa subdivision nila kasama ang alagang asong si Betchay. Mukhang haunted house ang bahay. Luma. Kulang sa maintenance. Nagpadagdag sa eerie looks ng bahay ang naglagas na malaking puno. Pwedeng pang horror movie. Kung tutuusin ay dapat matakot siya. Pero paano niya magagawa iyon kung ang nakatira sa loob ay isang Prince Charming na mailap? Bakit mailap? Once in a bluemoon lang kasi kung lumabas ng bahay. Tsamba na makikita itong umiikot sa subdivision nila para mag-jogging. Buong tyaga niya itong ini-stalk. Unti-unti ay alam na niya ang routine ng crush niya. Mas more on sa gabi ito lumabas. At pagbalik ay mag-uumaga na, gising na siya no'n para maghanda sa pagpasok sa school pero naglilibot muna siya para ma jogging. Hindi para maging fit kundi pumaparaan lang siya na hindi magmukhang weird sa harap ng isang isolated na bahay. Madalas siyang manlumo na nakikita niya itong umuuwi na lasing at pasuray-suray at akay na ng maganda at seksing babae. Everyweek iba-ibang babae pa 'yon ha. Sad to say hindi alam ni crush ang existence niya. Imagine sinadya na niya minsan magpatapilok sa harap nito no'ng matsambahan niya itong padaan sa harap ng bahay nila naka jogging outfit pero ayun nilagpasan lang siya. Wrong timing din kasi pagkatapilok niya dahil nakailang hakbang na ito palayo nang bumagsak siya. Umaray siya ng pagkalakas useless din naman dahil may naksalpak pala na earpiece sa tenga nito. Ngayong araw na ito ang oras para makilala siya nito. Pero bakit kasi ngayon pa nag inarte ang aso niya na gagawin sana niyang props sa plano. Ayaw sumunod sa instructions. Kailangan lang naman nito lumusot sa kalawanging grills para makapasok sa loob at mag do-doorbell siya para kunin ito. Pero ayon ang mataba niyang aso mas feel humiga sa semento at masama pa kung makatingin sa kanya as if inaapi. "Betchay kasi! Ba't ngayon kapa nag tantrums?" Nagpapadyak siya. Suko na siya! Bubuhatin na lang sana niya ang alaga ng matigilan ng makita kung ano nakakabit sa hello kitty sling bag niya. Napangisi siya. Bakit hindi niya naisip ang ideyang iyon kanina pa? Mabilis niyang tinggal ang maliit na keychain na bola sa bag niya. At inihagis sa loob ng bahay. "Oppss! Hindi ko sinasadya." Pilya niyang hagikhik. Nang makita ni Betchay ang inihagis niya ay tila nabuhayan ng dugo ang tamad na aso. Nagkakawag ang buntot. Mabilis pang lumusot sa grills na bakod. "Good girl Betchay ko!" Palakpak niya. Pero napawi ang abot tengang ngiti niya nang makitang nahihirapan ang aso niya na pagkasyahin sa sarili niya. Mamaya-maya'y napalahaw na ang aso. Nag panic niya. Nilapitan ito. "Bechay!" Oh my God! Natusok ang likod ni Betchay sa grills! Napalinga-linga siya sa paligid. Tatakbo sana siya para humingi ng tulong pero malayo pa ang bahay nila, paano ang aso niya? Sising-sisi siya na inuna pa niya ang landi bago ang kapakanan ng aso niya. Hindi na siya nakapag-isip ng tama at pinindot niya ang doorbell. Sunod-sunod. Dahil mula sa labas ng gate ay kita ang bahay ay nakita niyang bumukas ang main door. Iniluwa doon ang ang lalakeng mala- prince charming sa kwentong fairytale. Habang papalapit ito ay literal na natulala siya. Hindi niya akalain na totoo pala ang dini-describe sa mga romantic na libro na literal na tumitigil ang pag inog ng mundo kapag nakikita ang taong nagugustuhan. He was simply wearing a gray plain shirt and a black pants yet he looked so dazzling. Kailangan pa niya ito tingalain ng tumapat sa harap niya. His eyes shows no emotion which made him very mysterious. Matangos ang ilong nito. At may labing tila papangarapin mong mahalikan. His snobbish appearance fits him right. Surely, there will be a shortage of positive adjectives to describe his physics. Wait, Ano nga pala iyong rason ba't nag doorbell siya? O-M-G! Betchay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD