Chapter 3: Lucky Betchay

1773 Words
Napalitan ng pagkainggit ang pag-aalala ni Aya para sa aso niyang si Betchay. Ang swerte ng matabang aso na feel na feel pagkakahilata sa kandungan ng prince charming niya. Tila nang i-inggit pa na mas lalo pang sinisik ang sarili do'n. Kung sa bagay pabor din naman iyon sa kanya dahil mas makakasama niya ng matagal ang ang tinuturing niyang Prince Charming na hindi pa niya nakukuha ang pangalan. At nagka chance siya na makunan ito ng stolen shot sa cellphone niya habang ginagamot nito si Betchay kanina. At nakita pa niya ang loob ng bahay nito. Infairness, medyo na disappoint siya pagkapasok niya sa bahay nito. Nagkalat ang mga damit, pati na mga papel at gadgets. Maraming basyo ng alak at yosi. Wala pa sa tamang ayos ang mga gamit. Hindi mapagkakailang lalake nga ang nakatira. Kinalakihan na kasi niya ang istriktong pamilya na kahit alikabok ay bawal sa tahanan nila. Pinilaki siya na kontrolado at limitado ang kilos. Bata pa lang siya ay natutunan na niyang maging maingat sa pagkilos dahil sa loob ng bahay nila ay mananagot talaga ang sino mang makabasag ng gamit. Kailangan pino sa pagkilos at pananlita. Kailangan laging maayos ang postura. Kailangan perpekto! Black sheep nga ang tawag sa kanya dahil sa tatlo silang magkakapatid na babae ay siya pinakapasaway. Tawag nga sa kanya ay walking disaster. Siya lang talaga ang may lakas ng loob na suwayin ang magulang nila dahil may tagapagtanggol siya, ang kanyang lola Mildred na very vocal pagpapahayag na siya ang pinakapaboritong nitong apo. Likas kasi siyang malambing kumpara sa mga ate niya na sa career lang naka-focus. Tatlo silang magkakapatid. Pawang mga babae at siya ang bunso. Sa paningin niya ay wala ng mas gaganda pa sa dalawa niyang kapatid. Parang buhay na mga maynika. Paano naman kasi may lahi silang chinese kaya likas na sa kanila ang may balingkinitan na pangangatawan pero siya lang 'di na biyayaan ng height at sophistication. Very sucessful na ang dalawa niyang kapatid. Si ate Ariane niya ay nagkakapangalan na bilang international model. Samantalang ang kanyang ate Atasha niya na iniidolo niya dahil sa kanilang tatlo ay ito ang pinakamaganda at pinakamatalino - ay isa ng Pediatrician. Turing niya sa ate Atasha niya ay isang anghel dahil ni minsan ay hindi ito pumalag sa pagiging istrikto ng magulang nila. Likas kasi itong mabait at tahimik. "Ano ba ginagawa niyo ng aso mo sa labas ng bahay?" Napakislot si Aya sa tanong na iyon ng Prince Charming niya. Ano nga ba? Napakamot siya sa ulo. Hindi naman niya pwedeng aminin na gumagawa siya ng paraan para mapansin nito. "Kasi...namasyal kami ng aso ko, t-then I accidentally throw the ball inside your yard kaya lumusot si Betchay, then 'yon na nga." "So her name is Betchay, cute dog." Hinimas nito ang balahibo ng aso. "Thank you nga pala sa pagtulong mo sa kanya. By the way I'm Aya, I live nearby. And you are Mr.?" Nilahad niya ang kamay. "Yuan, Call me Kuya Yuan." Nakangiting sagot nito na sa halip natanggapin ang pakikipagkamay niya ay ginulo nito buhok niya. "You're too cute for being formal young Miss." Lihim siyang napasimangot. The way nitong guluhin ang buhok niya ay parang isa lang siyang tuta. 'Di bale naka first base naman siya dahil nakuha na niya ang pangalan nito. Ngayon pa lang kailangan na niyang mag-isip sa second step niya. She will make him fall for her, 'di naman siya siguro masyado ambisyosa no'n? Baka lang naman. "Sige Aya, marami pa kasi akong gagawin eh." Tumango siya. Alam na niya ibig nitong tukuyin. Gusto na nitong umalis siya. "Sige, maraming salamat talaga." Aniyang kinuha na si Betchay nang i-abot sa kanya. Hindi pa man siya nakakailang hakbang ay naramdaman niyang may dumikit sa kanyang rubber shoes. Isang yellow folder na pinulot niya. Nagulat niya ay bigla iyon hinablot sa kanya ni Yuan. "It's confidential." Paliwanag nito. "Ganoon ba, sige alis na ako." Hindi niya alam kung bakas ba sa mukha niya ang disappoinment. Parang ayaw pa kasi niyang umalis. Gusto pa niya itong makausap ng matagal. Gusto pa niya matitigan pa ng husto ang gwapo nitong mukha. "Aya..." Mabilis siyang lumingon. "Nothing..." Another disappointment. Pero ganoon na lang ba 'yon. Aalis siya na mabigat ang loob? So, pagkalabas niya ng gate back to zero na naman siya? This is her once in a lifetime chance kaya dapat na niyang sulitin. "Kuya, pwede bang humingi ng cellphone number mo?" Mabilis niyang tanong. Namumula. Lihim na naka crossed finger. "Sure." _________________ LAHAT na yatang nakareserbang quotes sa cellphone ni Aya ay napadala na niya kay Yuan.  Walang mintis ang pag greet niya ng good morning pero ni isang reply wala. Nakasimangot na binulsa na lang niya ang cellphone. Humalikipkip. "What's with that face?" Tanong ni Isaac sa kanya nang mapansin ang hindi maipinta niyang mukha. Kaninang umaga pa nito napansin na bad mood siya kaya niyaya siya nito sa paborito niyang ice cream parlor. "Ilang araw ka ng ganyan ha? Ano ba problema?" "Wala, masakit lang ulo ko kuya." Palusot niya. No way na sasabihin niya kay Isaac ang totoo. Dakilang epal lang naman ito sa lovelife niya. Kesyo bata pa daw siya at dapat daw pag-aaral muna ang unahin niya. Kung sabagay tama naman ito pero tama bang i-terrorize nito ang manliligaw niya na ayon dito ay batang uguhin at sipunin pa? Tinuring niya si Isaac bilang hero at kuya niya. Pero minsan talaga nakakainis pagiging overprotective nito. Inaanak ito ng Mommy niya at close ang pamilya nila kaya regular na itong pumupunta sa bahay nila. Hindi na ito iba sa kanila.  Kahit teacher niya ito sa isang subject at malaki ang age gap nila ay nakabuo pa rin sila ng friendship. Spoiled siya kay Isaac. Kaya nitong sakyan ang lahat ng kalokohan niya. Ewan ba niya kung bakit nakakatiis ito sa kakulitan niya . "Halika! May gamot diyan sa topak mo." Hinila siya nito sa kamay. Lumabas sila sa ice cream parlor. At dinala siya nito sa kalapit na Arcade Amusement. Agad siyang napangisi. Nilahad ang kamay sa harap nito na agad naman nitong nakuha kung ano'ng ibig sabihin no'n kaya dumukot kaagad ito ng pera sa wallet nito at agad na binigay sa kanya .  Ilang sandali pa ay nawala na ang topak niya at nawili na siya sa paglalaro ng arcade games. Halos lahat na lang ng ay sinubukan niya. Butas ang bulsa ni Isaac pero wala itong reklamo. Pangiti-ngiti lang itong nakamasid sa kanya. May dalawang oras siguro nang mapagod siya at nagyayang umuwi. Hinatid siya nito pauwi. "Thank you, kuya! You're the best talaga! Sa uulitin!" "Basta pagpasok mo sa bahay harapin mo na kaagad mga assignments mo." Ngitian niya ito. Nag sign siya ng approved. "Hindi ka ba papasok?" "Hindi na, pupuntahan ko pa ang Isaac's." Ang tinutukoy nito ay ang coffee shop na pagmamay-ari nito. "I have to go." Pinaandar na nito ang kotse. Kinawayan niya ito. Naiwan si Aya na nabawasan ng malaking porsyento ang energy. Nakakawalang gana naman kasi umuwi ng bahay na walang madadatnan kundi maid lang.  May dalawang pinagkakaabalahan kasi ang kanilang ina.  Una, ang manipulahan sila. Pangalawa ay busy na sa mga charity works at social gatherings. Wala ito ibang iniisip kundi ang sarili nitong kaligayahan. Samantalang ang ama naman ay puro business na lang ang inaatupag.  Ang ate Ariane niya ay bihira ng umuwi dahil madalas nasa ibang bansa ito. At ang ate Atasha naman niya kung nandoon man sa bahay ay nagkukulong naman sa kuwarto.  Zombie family nga ang tawag sa pamiyang mayroon siya. Tila namumuhay lang na hindi alam ang tunay na kabuluhan ng buhay. Sa halip na pumasok sa loob ng bahay ay dinala siya ng mga paa niya sa clubhouse. Tuwing hapon ay pumupunta siya do'n para tingnan ang kuting na inaalagaan at tinago sa malaking puno.  Hindi naman sa bawal ang alagang hayop sa bahay nila sa katunayan ay regalo ng daddy Arthur niya si Betchay pero sa hitsura ng kuting na naglagas ang mga balahibo, malnourished at may sugat ay tiyak mandidiri ang socialite niyang ina. Gladly, nandoon pa rin ang kuting na isang tawag pa lang niya ay lumapit na sa kanya na parang hinihintay talaga siya.  Inilabas niya ang tinagong tinapay at tubig sa bag at nilagay sa kainan ng kuting na tinago din niya sa puno. Agad iyon sinunggaban ng gutom na nilalang. "Poor, Natasha gutom na gutom ka ba?" hinaplos-haplos niya ang balahibo ng kuting na pinangalanan niyang Natasha.  Gusto niyang alagaan ang kuting sa abot ng makakaya niya. Gusto niyang makita ang munting hayop na maging malusog at masigla. "What are you doing there?" Napakislot siya sa baritonong boses mula sa likuran niya. Napuno ng galak ang puso niya.  Minsan lang niya narinig ang boses na 'yon pero kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari no'n. Na miss niya ito. Sobra! Ilang araw din kasi na hindi niya ito matyempuhan. "Kuya Yuan, ano'ng ginagawa mo dito?" "I'm asking you the same." "Ah! Pinapakain ko kasi si Natasha." "Alaga mo?" Tumutok ang mata nito sa kuting. "Hindi, nakita ko lang pagala-gala, mukhang tinapon ng may-ari. Hindi ko naman pwedeng i-uwi sa bahay kaya pinupuntahan ko na lang dito." sagot niya. "Ikaw kuya, ano'ng ginagawa mo dito?" "Napadaan lang ako." Nakapagtataka. Hindi karaniwan na makikita itong pagala-gala sa lugar nila. "Mabuti hindi pinaglaruan ng mga bata iyang kuting mo." Natigilan siya. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Bakit hindi niya naisip pwedeng mapagdiskitahan ang kuting ng mga batang nagpupunta do'n? "Kuya ano'ng gagawin ko?" Helpless niyang tanong sa kaharap na napakunot-noo sa kanya. "What?" "Saan ko ilalagay si Natasha?" "I don't know." wika nito. "Kuya..." "No way!" Napaatras ito nang makuha ang ibig sabihin ng pagmamakaawa sa mukha niya. "Ayoko sa pusa, hindi ako mahilig mag-alaga ng hayop." Paano na ngayon? Ginala niya ang paningin. Maghahanap siya kung pwedeng mapaglipatan sa kuting. "Solve!"  Natuwa siya nang makaisip ng perfect spot. Nilagay niya ang kuting sa shoe box na ginawa niyang pansamatalang bahay nito. Binibit niya ang munting nilalang. "Hey you kid! I told you, ayoko ng pusa." Sumunod si Yuan sa kanya nang makitang tinatahak niya ang daan papunta sa bahay nito. "Kuya don't worry, hindi ko patitirahin si Natasha sa'yo. Ililipat ko lang siya sa puno malapit sa bahay mo. Mas safe siya do'n dahil walang pumuntang tao do'n." "Mabuti kung gano'n." Nakita niya ang relief sa gwapong mukha nito. "Ano nga pala apelyido mo kuya?" "Galvez. Yuan Lucas Galvez ang full name ko." "Nice, maganda magiging apelyido ni Natasha." "What do you mean?" Naguguluhang tanong nito. "Kuya Yuan, meet Nastaha Galvez. Your newly adopted daughter". Napamaang ito. Pero agad din napahalakhak na ginulo pa ang buhok niya. "Nakakatuwa ka talaga." "Kuya, hindi mo man siya papasukin sa bahay mo pero at least tingnan-tingnan mo siya at bigyan mo ng pagkain kapag hindi ako makapunta. Ituring mo si Natasha bilang tunay mong anak. Mukha lang siyang may bulate sa tyan sa ngayon pero tataba rin siya promise." Mas lalo pa itong napahalakhak sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD