Chapter 1

2370 Words
1st Day - 2nd Semester Napalunok ako sa kasalukuyang nakikita ko. Joke lang naman 'yong pagkakabanggit ko tungkol dito kanina. Pero naman! Bakit parang nag-dilang anghel ako?! Hindi pa rin maalis ang titig ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. Ano ba naman 'to? Akala ko naman hindi na magtatagpo mga landas namin tapos ganito pala? Kainis naman oh! Napatingin ako sa sinulat niya sa white board kani-kanina lang. Czammnel Luke Sho Iyon pala buong pangalan niya. Waaaa! Ano ba 'to?! "Ladies, please pass your one-fourth sheets," malumanay na utos nito na sinunod naman agad ng klase namin. Tinignan ko muna 'yong basic info na pinalagay sa'min sa one-fourth namin. (Name:) Velasco, Lana Iya (Middle name:) Marcelo (Nick name:) Lhia (Age:)18 years old (Birthday:) April 24, 1996 Palihim akong napabuntong hininga bago ko pinasa ang papel ko kasama ang papel ng iba pang mga kaklase ko. Nang makuha na ng prof namin lahat ng one-fourth namin, isa-isa na niyang tinawag ang mga pangalan. Nagtanong ng ilang tanong at tsaka lilipat na susunod na papel ng estudyante. Hindi ko maiwasan hindi kabahan. Paano kapag ako na? Paano ako mag-rereact? Naman, oh! Parang napakabagal ng oras sa pagtawag niya sa mga pangalan namin. Ano ba 'to! Pa tense effect pa! Kainis naman, e! Sana h'wag matawag ang pangalan ko sa huli, baka sakaling hindi ako tanungin nito! Nakakainis naman kasi, saan ba siningit nung nasa unahan 'yong papel ko? Ano ba 'yan, pati tuloy 'yong inosente kong kaklase nasisi pa. Nate-tense na ko, e! Hanggang sa... "For the last paper, Velasco," napatigin siya sa direksyon ko, at ngumiti. Naku! "Lana Iya Marcelo." Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa binalik niya na ulit ang atensyon niya sa papel ko. Binabasa ang iba ko pang sinulat do'n. "Hmm, Lhia?" tumango-tango pa siya at tsaka muling tumingin sa'kin. "Is this your number?" tanong niya. Wala akong choice kundi tumango. Aist! Napangiti naman siya...nang makahulugan. Ibinaling niya ang tigin sa buong klase, "Well, that's it, for our first meeting. Expect of having our first lesson on Thursday. That's our next meeting right?" Napa- 'yes sir' naman kami. "Then, see you next meeting." Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong paalis na siya pero napa-upo naman agad ng maayos ng may pahabol pa pala siya! "By the way," tumingin siya sa direksyon ko. "Nice to meet you again Lhia. Looking forward to your class with Van." Napasandal na ako sa upuan ko. Confirmed! Si Van nga 'yong isa! Magulo ba? Ganito lang naman kasi 'yan. Paano kung 'yong mga taong ayaw mo nang makita ay bigla na lang susulpot sa harap mo at magpapakilala sa inyo na: "Good morning ladies, I'll be your professor for this subject." Sige nga?! Ano ang irereak niyo?! * * * Flashback Two weeks before 1st-semester ends "Seryoso Shei, ano'ng trip mo?" napalingon ako sa likod ko at nakitang parang may pinagtatalunan si Jade at Shei. Kumuha na lang agad ako ng chuckie na pinaka malaki tsaka lumapit sa kanila. "Ano'ng mayro'n?" tanong ko pagkalapit ko sa kanila. Nasa drink section kasi ako kanina samantalang sila ay nandito sa may ice cream section. "Ewan ko rito sa dalawa na 'to," si Anne ang sumagot sa tanong ko. Kasama siya nung dalawa kanina pero si Shei at Jade lang 'yong parang nagtatalo. "Si Shei kasi, e!" pagalit na sabi ni Jade. "Ano'ng ako? Ikaw nga 'to, e!" sagot naman ni Shei. "Maganda 'yan. Nasagot niyo tanong ko, grabe," sarkastikong sabi ko dito sa dalawa. "Si Shei kasi! Ang gaga! Ibalibag daw ba 'yong cornetto. Para namang bibilhin," sagot agad ni Jade. Kumuha naman ng isang cornetto si Shei at umarteng parang ipupukpok 'yon kay Jade, "Ako pa ha? Ako pa talaga? Ikaw kaya 'tong nauna!" "Asus, ang babaw lang pala ng dahilan. Tara na nga, bayad na tayo," aya ko na sinang-ayunan naman nila. Habang naglalakad papuntang counter ay napag-usapan namin ang tungkol sa magiging gala namin for the end of the sem. Para makapaglibang naman kami sa lahat ng stress, puyat, pagod at iba pa na dinanas namin sa sem na 'to. "Talaga bang gusto niyo lang mag-SM North at Trinoma?" biglang tanong ni Shei habang nakapila na kami sa may cashier. Tama ang basa niyo, SM North at Trinoma ang destinasyon namin. Aba, h'wag nang magtaka. Bulacan area kami at mostly or rather always lang kami dito sa Bulacan. Ni hindi nga kami masyadong lumalayo dito sa City namin para gumala. Except kay Shei. Bakit? Gala 'yang bata na 'yan, e. Magugulat na lang kami magkukwento siya na bigla na lang siyang pumunta sa ganito, sa ganyan. Ang reason niya? Try lang daw niya para kapag nag-gala kami sa Manila may guide na kami. "Bakit? May iba ka bang gustong puntahan?" tanong naman ni Jade. Ako at si Anne naman tahimik lang na nakikinig. "Ayaw niyo bang mag-bar? Marami no'n sa Manila," napataas ang dalawang kilay ko sa gulat sa tanong niya. Nakuha niya ang atensiyon naming tatlo, "Bar?!" sabay sabay na sabi namin. Tumango naman siya. "Ano? Seryoso ka ba d'yan?" tanong ko. "Ayaw niyo ba? Masaya 'yon," dagdag pa ni Shei. "Okay, sabihin na nating masaya nga. Pero Shei naman, ang layo friend! Tsaka hindi ako papayagan 'pag gano'n. Lalo na't puro babae pa tayo. Mabuti sana kung may matutulugan tayo do'n. Baka sakaling payagan pa ko," sagot ko naman. "Oo nga Shei, tsaka nung nag-bar naman kayo ng high school friends mo, kasama niyo no'n 'yong daddy ng isa niyong kaibigan 'di ba? Kaya may service at bantay kayo. Tsaka Q.C. area lang din kamo sila," dagdag naman ni Jade. Nginitian naman kami ni Shei nang makahulugan habang nilalagay na niya 'yong mga pinamili niya sa may counter, "Nandyan naman si Ano, e. 'Di ba Anne?" Bumaling naman ito kay Anne matapos maiabot ang bayad niya sa kahera. "Sino?" Takhang tanong ni Anne. Ako rin nagtataka kung sino tinutukoy ni Shei. "Si boyfie mo," ah si...teka ano'ng kinalaman niya rito? "Ano'ng kinalaman niya rito?" takhang tanong ni Anne habang siya naman na ang magbabayad sa cashier. Pareho tayo ng tanong Anne! "'Di ba malapit 'yong condo niya do'n sa Rockwell? Oh, e'di sa kanya tayo maki-tulog. Papayag naman siguro 'yon. Girlfriend ka niya, e," muntik na kong matawa do'n. Hindi dahil sa sinabi ni Shei kundi dahil sa pamumula ni Anne sa pagkakabanggit nitong 'girlfriend'. Grabe, si Anne ba talaga eldest dito? Hahaha. Inantay muna nila Shei at Anne na matapos kaming magbayad ni Jade bago namin pinagpatuloy ang pag-uusap. Tsismosa kasi si ateng kahera, e. Tinataasan kami ng kilay, nakikikinig na nga lang nagmamataray pa. "Ano na nga ulit?" tanong ni Jade at umupo kami sa isang bakanteng pwesto rito sa may food court area ng supermarket na 'to. "Ayun, 'yong kila boyfie ni Anne tayo makikitulog," sagot ni Shei. "H'wag na. Nakakahiya, tsaka ang awkward no'n. Makikitulog tayo sa condo ng lalaki?" sagot naman ni Anne. "Boyfriend mo naman 'yong tao, e," sagot naman ni Shei. "Exactly Shei, boyfriend ni Anne. Kaya siya nahihiya. Alam mo na, baka mapagalitan pa si Anne 'pag nalaman na makikitulog siya sa boyfriend niya," sagot ko at bumaling kay Anne. "At pwede ba Anne, kailan ka ba masasanay na tawaging boyfriend si-" napabuntong hininga ko sa 'di ko alam na dahilan. "Lagi ka na lang nagkukulay kamatis." "Ang hard mo Lhia," natatawang sabi ni Jade. Tinignan ko naman siya nang nagtataka, "Ano'ng hard do'n sa sinabi ko?" "Teka! Kung saan saan na napunta usapan natin, e. Dito muna tayo sa usapang bar. Mamaya na 'yang hard hard na 'yan," biglang singit ni Shei bago pa makasagot si Jade. "Shei, 'wag ipilit ang hindi maipilit!" sagot naman ni Jade. "Grabe Jade, na-gets ko 'yon ah," natatawang sagot ko. "Gusto mo ba talaga? I mean niyo?" napatingin kaming lahat kay Anne. Tapos nagkatinginan naman kami ni Jade. "Sa'kin, ayos lang. New experience din 'yon. Basta ba papayagan ako, walang magiging problema," sagot ko. "Ayos lang din naman sa'kin. Basta dapat may makikitulugan tayo 'pag gano'n," sabi naman ni Jade. "Oh, ayon naman pala, e! Anne, sige na. Kausapin mo na si boyfie mo," pagkukumbinsi ni Shei. Napabuntong hininga naman muna si Anne bago sumagot, "Oo na, kaya nga tinanong ko kung gusto niyo ba talaga." At dahil do'n, para namang nagpa-party si Shei sa tuwa. Hmm...let's see kung anong mangyayari no'n. Pero bago 'yon, sana payagan muna kami ng mga magulang namin.              @ Fashion Hub Nandito kami ngayon sa Fashion Hub para mamili ng damit na susuotin namin sa pagba-bar. Oo, tuloy na tuloy kami at kasama kaming lahat. Matagal na pilitan at paliwanagan din ang nangyari bago ako pinayagan. Dagdag pahirap pa 'yong kuya ko, tanong ng tanong ng kung ano ano! Pero ayos lang naman, kasi alam ko namang concern lang talaga sila. Kaya naman kami bibili pa ng damit - na hindi halatang pinaghandaan namin- e dahil sa wala kaming masusuot. Actually ako lang, kasi may isususot naman talaga 'yong tatlo pero dahil friends kami, ayan damay damay na hahaha! Tsaka hindi naman kasi ako party people o kahit 'yong ate ko (elder cousin) kaya wala talaga kong magagamit. Alangan naming magsuot ako ng casual get up ko 'pag wash day sa school? E 'di nagmukha akong basahan do'n. Speaking of ate, may damit na galing kay ate ang gusto niya sanangg ipagamit kaso napa-revealing! Kita cleavage! Jusme, e kahit nung nakita ng tatay at kuya ko 'yong dress na 'yon tumatagingting na "NO!" agad nakuha ko. "Lhia! Ito oh! May nakita akong babagay sa'yo," narinig kong sabi ni Shei habang nasa kabilang rack. "Teka, pupunta ko d'yan," sabi ko at binalik 'yong manipis na dress na nakita ko. "Nasan?" tanong ko. Humarap naman sa'kin si Shei, "Ito o!" Napanganga naman ako sa nakita ko. Seryoso, ito talaga papasuot sa'kin?! "Seryosoka d'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, bagay naman sa'yo 'yong kulay ah," tinapat pa niya sa'kin 'yong dirty white tube dress na above the knee ang length. "Ayoko niyan. Wala man lang strap, baka isang hila lang d'yan makitaan ako," sabi ko agad. "Hindi 'yan! Fit naman 'to sa'yo," dahilan naman niya at pilit na pinapahawak sa'kin 'yong dress. "Iyan pa! Fit! Ang laki kaya ng tiyan ko!" sabi ko habamg binabalik sa rack 'yong dress. "Hindi 'yan mahahalata dito!" at pilit naman niyang inaabot sa'kin 'yong dress. Sa huli, hindi rin ako nanalo.Paano ba naman dumating 'yong dalawa at pinilit din ako sa dress na 'yon. Kaya ito, sinusukat ko na sa fitting room. "Ano ba 'to?! Hirap i-zipper nung likod." bulong ko sa sarili ko. Nang tansya ko ay nasa kalahati na 'yong na zip ko, lumabas na ko. "Guys, patulong naman oh. Pasagad nung zipper," sabi ko pagkalabas ko sabay talikod para masara ng maayos 'yong dress. Buti na lang medyo tagong part 'yong fitting room kya okay lang na lumabas ako ng ganito. Isa pa, wala rin naman gaanong tao. Napalingon ako kila Jade ng wala akong maramdamang lumapit sakin, napakunot noo ako nang makita ang reaksyon nila. "Problema niyo?" takang tanong ko. "Omg friend! Dalaga ka na," komento ni Jade at pumwesto sa likod ko para masara nang maayos 'yong zipper. "Haha, oo nga Lhia," dagdag pa ni Anne. "Sabi sa'yo Lhia bagay, e," sabi naman ni Shei habang nakangiti. Sinimangutan ko lang sila. Ano'ng bagay?! E, ni hindi nga ako komportable sa suot ko na 'to! Naku! Ayoko talaga nito! Magsasalita na dapat ako na ayoko ng suot ko ng may mahagip ang mata ko sa may bandang gilid. Tinitigan ko ito at napangiti dahil mukha nakita ko na ang damit na gusto ko. "Ayun! 'Yon ang gusto ko!" masayang sabi ko sabay turo do'n sa damit na nakita ko. Napatingin naman sila do'n. Agad naman akong lumapit do'n sa kinalalagyan ng damit para makuha 'yon. Aabutin ko pa lang sana 'yong damit ng may mauna ng kamay sa'kin. Sabay pa kaming napatingin sa isa't isa nung may ari ng kamay. Nagkatitigan kami saglit bago bumaba ang tingin niya sakin mula ulo hanggang paa. Ano'ng problema nito? Bumalik naman agad ang tingin niya sa mukha ko, nagulat pa ko nang ngitian niya ko. "Nice dress, bagay sa'yo miss. Kaya akin na lang 'tong dress ha?" nakangiting sabi niyaa. Maniniwala-s***h-mapa-flattered na sana ko kaso may pahabol pa 'yong compliment niya. Halatang nang-uuto lang para hindi ko agawin 'yong damit sa kanya. Napasimangot na lang tuloy ako, "Sige na kuya, kunin mo na. Wag ka lang mang-uto," sagot at tinitigan muna 'yong dress na hawak niya bago tumalikod. Bading kaya 'to? At kaya siya bumubili ng dress? Sayang naman, gwapo pa man din. Nabalik naman agad ang tingin ko sa kanya ng bigla na lang siyang tumawa. Ano'ng nangyari dito? Nang mapansin niyang naapatigil ako ay tumigil na rin siya sa pagtawa. Nakangiti pa niya kong hinarap bago nagsalita, "Hindi naman kita inuuto miss. But still, thanks kasi hindi ka na nakipagtalo sa'kin tungkol sa dress na 'to. Limited edition kasi 'to at gusto talaga ng kapatid ko 'to." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Buti na lang pala siya ang nauna sa'kin sa pagkuha no'n kundi baka napahiya pa ko. Makasabi ako ng gusto ko pero hindi ko pa naman alam presyo. Limited edition pa pala 'yon, kaya sobrang ganda kahit simple lang. At kaya siguradong mas mahal 'yon. Hindi na lang ako nagsalita pa at tuluyan na talagang umalis para lapitan ang mga kaibigan kong hindi ko alam kung saan nag-suot. Akala ko pa man din mga nakasunod sa'kin 'yong mga 'yon kanina. 'Di bale, hindi siya nakakita ng gwapo, ang gwapo pa man din talaga no'ng lalaki. Habang naglalakad narinig kong parang nagsasalita na naman si kuyang bolero kaya napatingin ako ulit sa kanya. Baka kasi kinakausap na naman ako no'n. Pagtingin ko, nakita kong may kasama na pala siyang lalaki at iyon ang kausap niya. Nagulat pa ko kasi habang nag-uusap sila bigla na lang silang napatingin sa'king dalawa. Si kuyang bolero ngumiti na naman, 'yong lalaking kasama naman niya...okay. Ang sungit ng itsura. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa paghahanap sa mga kasama. Nasa kanila kasi 'yong damit ko, inabot ko bago ko lapitan 'yong dress. Hay, nasan na ba 'yong mga 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD