Flashback Continuation...
Loud music.
Party people.
Drinking session.
And more.
If I'll put it in my own words, it'll be: Why am I here again?! I knew it! This kind of stuff isn't really my thing but yeah, here I am. Trying it myself.
Nagpangalumbaba na lang ako, inaantay kung kailan kami uuwi. Sana lang pag-uwi namin buo pa mga tenga ko.
Nandito kami sa isa sa mga bar dito sa Rockwell. Kumpleto kaming apat at kasama namin ang boyfriend ni Anne.
"Nakakahilo," sabi ko sa sarili ko. Wala akong magagawa, hindi ako sanay sa ganitong 'kalikot' na ilaw at sobrang wild na paligid. Gusto ko lang naman talaga ma-experience mag-bar at para na rin mapagbigyan si Shei pero 'di ko naman ineexpect na ganito pala.
"Ano 'yon?" Bigla kong nailayo ang ulo ko sa sumigaw sa tenga ko. Napahawak ako sa kaliwang tenga ako at tumungin kay Jade. Nakakagulat naman 'tong babaeng 'to.
Umiling na lang ako sa kanya. Malabong magkaintindihan kami rito pero bilib din ako sa kanya kasi napansin niyang may sinabi ako.
Past 9pm na kami nakarating dito. Inantay pa kasi namin 'yong isa pa naming makakasama, na friend din ng boyfriend ni Anne. Bukod sa para dalawa ang kasama naming lalaki, may dala rin kasing mini van 'yong tao na 'yon. So, less hassle para sa side namin. Hindi rin naman awkward ang atmosphere namin kahit gano'n kasi na-meet na kami noon. Nakakasama pa nga namin sila minsan kapag gumagala kami.
Lumingon ako sa kaliwa ko, katabi ko kasi si Ian. Mahina kong hinatak 'yong laylayan ng sleeve niya. Napatingin naman sa'kin 'to. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at nilapit naman niya ang tenga niya.
"Saan dito ang cr?" Tanong ko, call of nature.
"Doon," may tinuro siya somewhere na 'di ko naman masundan. Hindi ko makita kung saan ang tinuturo niya, "Samahan na kita." Tumango ako sa offer niya.
Nagpaalam lang kami sa mga kasama namin tsaka kami tumayo. Hinawakan ako ni Ian sa wrist ko bago kami maglakad. Gamit ang libreng kamay ko, hinawakan ko rin 'yong wrist ng kamay niyang nakahawak sa'kin. Habang lumalayo kasi kami dumadami rin ang tao sa paligid kaya nagiging siksikan.
Ilang minuto rin bago kami makarating sa may alley-like. Nando'n ang cr. Binitawan na namin ni Ian ang isa't isa. Papasok na sana kami ng may marinig akong nagsalita, napalingon ako sa may likod at gano'n din si Ian. Isang lalaki ang tumawag.
"Dude," tinignan ko si Ian kasi mukhang siya ang kakilala nito.
Tumingin din 'to sa'kin, "I'll just wait here. Is that okay?" Tumango ako, saglit kong tinignan 'yong lalaki. Ngumiti 'to sa'kin kaya ngumiti rin ako sa kanya.
Tinapik ko lang sa braso si Ian tsaka dumiretso sa loob. Dire diretso lang ako papasok ng cr ng mga babae. Pagpasok sa loob dumiretso ako sa last cubicle, buti na lang walang tao.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin. After no'n in-unlock ko na 'yong cubicle door at lalabas na ko ng bigla na lang ako nagka-leg cramps. Pinilit kong ibaba 'yong toilet cover at do'n ako naupo.
Napapangiwi ako sa sakit pero pinagpatuloy ko lang ang paghilot sa binti ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. 'Yong unang bukas medyo malumanay pero 'yong sumunod parang pwersahan o biglang binuksan. Nakarinig din ako ng parang click sound. Parang ni-lock 'yong pinto.
Napakunot noo ako sa idea. Sinong maglolock ng pinto ng cr? Ang dami kayang tao rito na pwede ring gumamit nito.
"What are you doing?" Boses ng isang babae. May accent? Foreigner?
"Seeing you privately," nanlaki ang mga mata ko. Boses ng isang lalaki?! What the...?!
"Are you insane? There might be-" halata sa boses no'ng babae 'yong frustration pero napatigil 'to sa sasabihin nito.
Nakarinig naman ako nang malakas na pagbukas ng pinto sa may malapit na cubicle. "Then let me check each cubicle," check?! Bubuksan niya bawat cubicle?! Napatingin ako sa pinto ng cubicle na kinalalagyan ko. Shoot! Hindi na pala naka-lock! I-lock ko ba?! Kaso baka mas makahalatang may tao!
Napatingin ako sa gilid ko, shoot! Ito na ang susunod! Mabilis akong tumayo at dumikit sa pader. Bahala na! Bumukas 'yong pinto ng cubicle. Napapikit ako nang mariin. Hinarang ko sa dibdib ko 'yong dalawang braso ko. Mahirap na! Baka tamaan, ma-flat pa!
Dahan dahan akong napahinga. Bumukas 'yong pinto paloob pero half way lang at buti na lang 'di ako natamaan!
Sinamantala ko 'yong fact na malakas tumama pasara 'yong pinto ng ibang cubicle. May kalakasan kong sinara 'yong pinto at diretso lock. Narinig kaya nila? 'Yong pag-lock ko? Dinikit ko 'yong kanang tenga ko sa pinto para pakinggan ang pag-uusap nila.
"See? No one," dahan dahan akong bumalik sa pagkakaupo ko sa toilet cover. Nawala in instant 'yong leg cramps ko dahil sa mga pangyayari! Buti na lang at close style cubicle 'yong dito. Parang style ng comfort room sa Robinson's.
"What is it, Will?" Masama na kung masama pero wala akong magagawa kundi pakinggan ang pag-uusap nila. "Are you..."
"I'm proposing," napanganga ako sa narinig ko. Proposal? Sa girls comfort room? Siraulo ba 'tong lalaking 'to?
"Will--"
"Will you marry me?" Confirmed. Baliw nga. At baliw din 'tong babaeng 'to kapag umoo siya!
Pero...parang kawawa naman kung mare-reject 'yong lalaki? Ah! Bakit ba ko nakikialam? Illegal listener na nga, pakialamera in mind pa.
"No," nakagat ko ang labi ko kasi muntik na kong matawa. Okay, romance ba 'tong pinakikinggan ko o comedy? 'Yong totoo?
"Will, listen to me carefully. Yes, I'm already 25 near to my ideal age of getting married but you're just 22! You're still young and..."
"And getting married never cross your mind," aww. Parang ang sakit naman no'n.
"Will...you know..."
"Go ahead and leave me. That's what you want right?" I can feel his bitterness.
Katahimikan ang sunod na nangyari. Ngayon ko lang narealize na hindi pala gaanong pumapasok 'yong ingay sa labas dito sa comfort room.
"I'm sorry," nakarinig ako ng mga yabag na papalayo. Sunod kong narining ang pagkaka-unlock ng pinto, pagbukas at pagsara nito.
Katahimikan.
Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga. Hanggang kailan ba ko rito? Ano'ng oras ako makakalabas?
Ilang saglit pa nakarinig ulit ako ng mga yabag papalayo at pagbukas sara ng pinto. Sa wakas! Makakalabas na rin ako! Agad akong tumayo at lumabas. Napatingin ako sa reflection ko sa salamin.
Grabe, pinagpawisan pala ko? Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay. Kumuha ako ng tissue, 'yong unang kuha pinamunas ko sa kamay tapos kumuha ulit ako at padamping pinunasan ang pawis ko sa noo. Mukha akong nadumi dahil sa pawis ko.
Inayos ko lang ang buhok ko at humakbang paatras sa salamin. Hinatak ko ng kaunti 'yong laylayan ng dress ko pababa. Bakit kasi may dress code pa rito. Napabuntong hininga pa muna ko bago ko lumabas.
Paglabas ko nagulat pa ko ng may isang lalaki ang nakasandal sa may pader, katapat ng pinto ng cr. Napatitig ako sa suot niya. White with black stripes na three-forths. Akala ko ba mahigpit dress code rito? Napabili pa nga ako ng dress ng hindi oras 'e.
Maglalakad na sa ko palayo ng bigla akong hinawakan sa braso no'ng lalaki. Nagtataka kong tumingin dito, bigla na lang ako nitong sinandal sa pader. Hawak nito ang kanang braso ko at nakaharang naman sa kaliwang braso ko ang isang braso niya.
Gulat na tinignan ko 'tong lalaking 'to, "Problema mo?" Inis na tanong ko.
"When I came in the door's lock was green," 'yong boses na 'to! Boses 'to no'ng lalaki kanina! "When I leave it became red, no wonder why."
Napakunot noo ako sa pinagsasabi nito. Ano raw? Green to red? Lock? Bigla kong naalala 'yong lock ng cubicles. Green 'pag walang tao sa loob, red 'pag nakalock at may tao.
Shoot! So, do'n niya ko nahuli?!
"What are you going to do?" Unti unti nitong nilapit ang mukha nito sa'kin. Inatras ko ang ulo ko pero pader na ang tumama rito. "You're going to spread the news and destroy our lives?"
"Destroy? Wow! Big word!" Destroy destroy pinagsasabi nito? Sabihin na nating naikwento ko sa iba, sa mga kaibigan ko, masisira agad agad ang buhay nila? 'E ni hindi ko nga sila kilala. Ni hindi ko nga nakita 'yong itsura no'ng babae!
Napataas ang kilay ko ng bigla itong nag-smirk sa'kin. Abnormal.
"Stop pretending you don't know me, us," mas nilapit pa nito pa nito ang mukha niya kaya tinagilid ko ang mukha ko. Nakakaduling kaya!
"Stop pretending you know me," binigyang diin ko talaga 'yong 'me' tulad no'ng ginawa niya sa 'us'. "I don't meddle with others life and issue."
Naiharap ko ang ulo ko sa kanya nang maramadaman ko ang hininga niya sa may leeg ko. Aba! Sobra na siya ha!
"Is that so?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagawa ko na kung ano ang unang bagay na pumasok sa isip ko.
Kinagat ko ang leeg nito, "Ah!" Napasigaw ito at napaatras. Nang umatras ito agad ko ring tinigil ang pagkagat sa leeg niya.
Napabuga ako ng hangin sa ere matapos ko siyang bitawan. Leche, kung pwede lang mag-spit dito. Bumalik kaya ako sa loob ng cr? Pero 'di pwede, malamang sundan pa ko nito sa loob. Do'n pa ko ma-corner.
"Are you a vampire?!" Inis na inis na tanong nito habang nakahawak sa leeg niya.
"No, but I can be," pupunasan ko sana 'yong labi ko gamit ang likod ng palad ko kaso naalala kong may lipstick nga pala ko. Psh, ano ba 'yan!
Tinignan ako nito nang masama kaya tinignan ko rin siya nang masama. "Be thankful I didn't kick your d**k," tinignan ko pa ang pants nito. Napatakip naman 'to doon. Napaismid na lang ako at mabilis naglakad palayo sa kanya.
Tatakbo na sana ko ng biglang sumulpot si Ian, "Hey, kakatukin na sana kita kasi ang tagal mo."
"Sorry," ngumiti ako rito tsaka hinawakan ang braso nito at hinatak na palayo. Mahirap na, magkita pa sila no'ng abnormal na lalaki.
Mabilis kaming nakarating sa table namin. Binitawan ko na ang braso ni Ian at naupo na. "Tagal mo naman!"
Nailayo ko bigla ang tenga ko kay Jade, "Masakit sa tenga!" Reklamo ko, medyo pahina na kasi 'yong music kaya medyo magkakarinigan na kami.
"Ay, sorry," nag-peace sign 'to sa'kin at tinanguan ko na lang siya.
"Lhia," napatingin ako kay Shei. "Ito 'yong iyo," nilapit nito sa'kin 'yong order kong drink. Pati na rin 'yong kay Ian. San Mig light lang inorder namin, actually nakigaya lang ako sa kanila.
Nagsalin ako ng kaunti sa baso ko at tsaka diretsong ininom 'yon, argh! Medyo masakit sa lalamunan.
"Hey, slow down! No need to rush," tumango lang ako sa sinabi ng boyfriend ni Anne. Ayoko munang magsalita, ngayon pa lang kasi umaakyat sa ulo ko 'yong inis do'n sa lalaki kanina!
"Kakabalik mo lang galing cr, baka bumalik ka na naman," napatigil ako sa pagsasalin sa pangalawang baso ko dahil sa sinabi ni Ian.
"Sabi ko nga," binaba ko 'yong bote. Mahirap na, baka nando'n pa 'yong lalaki kanina!
"Hey folks!" Napatingin kaming lahat doon sa may DJ stand-kung ano man tawag do'n-nang magsalita sa mic 'yong DJ. Makikita rin siya sa screen na nasa likod niya.
May BGM pa ring maririnig pero mahina na at mas malakas at mas dinig 'yong pagsasalita ng DJ.
"Enjoying the night?" tinapat nito ang mic sa crowd.
"Yes!" Malakas na sigawan ng crowd.
"Okay," tumango tango ito. "Then let's make this night crazier," para namang mas na-hype 'yong crowd at mas nagtilian.
"May ibabaliw pa 'to?" Tanong ko sa sarili ko pero napatingin ako kay Ian nang matawa 'to.
"Mayroon pa, antayin mo," nailing iling ako sa sinabi nito.
"Then put your hands up in the air," sinunod naman siya ng crowd. "Let's clap clap clap clap clap!" Sinabayan ng crowd ng clap ang bawat sabi niya ng 'clap'.
"Wow! Seems you guys are so ready," mas lalong lumakas ang sigawan ng crowd. Sinubukan kong hanapin kung saan nanggaling 'yong beses pero 'di ko makita. Bukod kasi 'don sa DJ na nakatayo sa harap, madilim na sa paligid. Tumigil na rin kasi muna 'yong party light.
Nagulat ako kasi 'di hamak na mas malakas ang ingay ng crowd ngayon kumpara kanina. Napansin ko rin na maski 'yong ibang nasa table nagsipag sigawan din. Nagtayuan pa nga 'yong iba.
"We're lucky!" Napatingin ako sa boyfriend ni Anne nang bigla 'tong sumigaw.
"What?!" Patanong na sigaw 'to. Sumenyas naman 'to na lumapit kami kaya ang ginawa ng grupo namin nag-compress kami.
"I said we're lucky! Πr are here!" Maingay pa rin sa paligid pero kahit papaano naririnig na namin ang sinasabi niya. Pero ano raw?
"Πr?!" Tanong ko, nakita ko namang tumango 'to.
"It's a DJ duo, one is in charge of music, BGMs, remix so on," medyo lumapit pa 'to para mas marinig namin. "And one is in charge of hyping the crowd. Nel and Will are the names."
Will?
"Couple DJ?" Napalingon ako kay Anne nang itanong niya 'yon.
Umiling ang boyfriend nito, "No! They're both men."
"E bakit kasi Nel ang pangalan no'ng isa," side comment ko.
"Name has no gender," sagot sa'kin ni Ian.
"Sabi ko nga," napatingin kami sa may harap ng mas lumakas pa ang sigawan sa paligid. Grabe, by level ba ang tili ng mga tao rito?
"Πr duo are pretty popular and pretty aloof. Not all can got them to DJ," dagdag pa ng boyfriend ni Anne.
"It's been a while," napansin kong iba na 'yong nasa harap. Pinaliit ko ang mga mata ko para titigang mabuti 'yong lalaki.
"Parang nakita ko na 'to," mahinang bulong ko sa sarili ko. Pamilyar talaga 'e, saan ko nga ba nakita?
"DJ Nel at your service," nag-salute pa 'to. Ah, siya 'yong DJ Nel. Okay, lalaki nga siya. "With me is DJ Will!"
Sinundan ko ng tingin 'yong direksyong tinuro niya. Sigawan pa rin ang mga tao. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko 'yong lalaking katabi niya.
Will. Sabi ko nga 'yong Will ng Πr ang Will do'n sa cr 'e! Tsk. Bigla ko namang naalala 'yong sinabi niya kanina.
"Stop pretending you don't know me, us,"
Akala niya kilala ko siya dahil nandito ko? Akala niya lang 'yon, ngayon tuloy napapaisip ako kung popular din ba 'yong girlfriend niya. Sabi niya kasi 'us' 'e.
"DJ pala 'yan?" Okay, nahawa na yata ako sa kabaliwan nito kanina. Kinakausap ko na sarili ko.
"Ready to groove? Let's go!" Pagkasabi niya ng 'Let's Go' nagsimula nang magtugtog 'yong katabi niya. Si Will.
I must admit, impressive ang duo na 'to. Ang galing nang pagkakasabay no'ng Nel sa remix songs no'ng Will. Nakakahype talaga ng crowd.
Napansin kong karamihan ng mga tao na nasa table lang ay nasitayuan sa pwesto nila. Do'n sa mismong pwesto na lang sila nagsisayawan. Medyo siksikan na kasi sa may baba, sa mismong floor.
"Let's go guys! Sayaw tayo!" Aya ni Shei. Hinatak pa nito si Jade na katabi nito. Si Jade naman hinatak ako patayo. Ayon, domino effect na. Hinatak ko si Ian, hinatak ni Ian si Anne at hinatak ni Anne patayo 'yong boyfriend niya.
Saktong pagtayo namin biglang humina 'yong music. "Ay, ano ba 'yan!" Natatawang sabi ni Jade.
"Teka lang beh, mukhang magsisimula pa lang," sagot sa kanya ni Shei.
Nagsalita ulit si Nel, "Chill guys, we're just getting started. Already heated?!"
"YES!"
"Say what?!"
"YES!"
"Okay, let's go to our intro song," tumingin 'to do'n kay Will. Napatitig naman ako rito. Mukha naman siyang normal pero kanina abnormal na abnormal 'yong dating. Lalo na 'yong fact na nag-propose siya sa cr?
"OMG! LHIA!" Maski ako nagulat sa intro song. Bang Bang Bang by BIGBANG, remix version.
Nagsimula na namang mag-wild 'yong crowd. At parang gusto ko na rin! Sinong hindi? Duh! Kanta 'to ng number 1 favorite boy group ko!
* * *
"Guys, wait," napatingin kami kila Anne at sa boyfriend niya.
"Why?" Tanong ni Ian dito.
"She needs to p**e," patungkol nito kay Anne.
"Go ahead," mabilis na sabi ko at tumango lang ito. Inalalayan nito si Anne para pumunta pabalik ng bar.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 12:01 AM. Midnight na.
"Naparami yata inom ni Anne," komento ni Jade at sumakay na sa loob ng mini van. Tinabihan naman siya ni Shei. Nanatiling nakabukas 'yong pinto. Para na rin pumasok ang hangin sa loob.
Sumandal naman ako sa nakabukas na pinto habang si Ian do'n sa pinto ng passenger seat sumandal. 'Yong dalawang lalaki, kahit halatang hard drinker, hindi masyadong uminom. Halos kalahati nga lang ng inorder nila ang nabawas 'e. Driver at bantay daw kasi namin sila.
Si Ian, makikitulog na rin sa condo ng kaibigan niya. Do'n na raw silang dalawa sa guest room at kaming apat na sa masters bedroom. Nacucurious na tuloy ako kung ga'no kalaki condo no'ng lalaking 'yon.
"Nakakapagod," halata ang panlalata sa boses ni Jade.
"Nakakagutom," dagdag ko naman.
"Kain tayo," napatingin kami kay Ian. "May alam kaming malapit na kainan dito. Para na rin mahimasmasan kayo."
"Mahimasmasan, lalim," natatawang sabi ni Shei. Natawa na lang din ako.
"Pero bukas pa ba 'yon?" Tanong ko nang maalala ko kung ano'ng oras na.
"24/7," simpleng sagot nito na kinatango ko. Natahimik na lang ulit kami.
No'ng una talaga akala ko hindi ko maeenjoy 'tong experience na 'to. Pero hindi pala, masaya naman pala. 'Di ko nga akalaing magagawa kong magparty party ng gano'n kahit nakaalitan ko 'yong isang DJ. Sabagay, nakalimutan ko nga 'yong cr scene kanina dahil sa galing niya. 'Yong professional aura niya ang nagdala.
"We meet again," napalingon ako sa pinanggalingan no'ng boses.
"Sino 'yan?" Narinig kong tanong ni Jade. Si Ian ang nakasagot ng tanong nito.
"DJ Will?" Ni hindi man lang nito tinignan si Ian. 'Yong amaze feeling ko tuloy kanina biglang napalitan ng inis. Rude! Sobrang rude niya!
Bakit ba nandito 'to? "What?" May pagkairitableng tanong ko.
"Magkakilala kayo?" Rinig kong tanong ni Jade mula sa loob. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Mamaya na sila magtanong!
"You gave me a souvenir," gamit ang kaliwang kamay nito, hinawakan nito ang kanang leeg nito. Teka, 'yon 'yong part na kinagat ko kanina ha?
Ibig sabihin...'yon 'yong souvenir na sinasabi nito?
"So?" Mataray na tanong ko. Ano? Kakagatin niya rin ako? As if!
"So, I need to give you one too," napaayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa sasakyan. "A memorable souvenir like yours."
"Excuse me," narinig ko ang boses ni Ian pero hindi ko siya magawang tignan kasi papalapit sa'kin si Will! "What's going on?" Walang sumagot sa'ming dalawa.
Nahagip ko mula sa gilid ng mga mata ko na sumilip na sila Shei at Jade mula sa loob ng sasakyan.
Nang malapit na si Will agad kong tinakpan ang leeg ko gamit ang dalawang kamay. Nakita ko ang kamay ni Ian sa balikat nito pero hinawi niya lang 'to.
"This will be quick," naiatras ko ang ulo ko pero nahuli pa rin niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. At alam kong pati ang mga kasama ko, na shock din sa nakikita nila.
Napakurap kurap pa ko nang makaramdam ako ng kaunting hapdi.
"Van! We're going!" Isang pamilyar na boses ng isang lalaki ang narinig ko.
"Coming!" Tinitigan pa muna ko ni Will bago nag-smirk sa'kin at tinalikuran ako.
Ilang minuto pa ang lumipas bago mag-sink in sa'kin ang ginawa niya.
Dafuq! Hinalikan na ko, kinagat pa labi ko?!