"I thought he's your boyfriend."
"Oo nga Lhia, nagulat kami no'ng pabalik na kami may biglang humalik sa'yo."
"Nawala antok ko dahil sa inyo."
"Ako nga nawala pagkalasing, 'e!"
"Ako natuod sa kinatatayuan ko."
"Ahh! Shut up!" Inis na ginulo ko ang buhok ko gamit ang dalawang kamay ko.
Kainis 'tong mga 'to! Simula nang dumating kami sa kainan na 'to puro tungkol na do'n sa kiss pinagsasabi! Sabi na masama kutob ko no'ng tahimik silang lahat sa sasakyan kanina, 'e!
Inis na hinarap ko si Ian, na sakto namang nakaupo sa harap ko, "Bwisit ka!"
"Aray!" Daing nito nang kurutin ko 'yong braso niyang nasa ibabaw ng table. Bigla niya itong nilayo at itinago sa ilalim ng table.
"Sabi mo kaya kayo 'di uminom ng marami dahil driver at bantay namin kayo! 'E leche! Bantay ba 'yong kanina? Ni wala kang ginawa!" Ako talaga 'yong tipo ng tao na tahimik lang kapag naiinis, pero hindi ko kasi magawang manahimik ngayon! Paano ko magagawa 'yon kung ayaw nilang kong tantanan? 'E 'di sige, papatulan ko na sila.
"Na shock nga ako," depensa nito at halatang hinihimas himas 'yong braso niya sa ilalim ng mesa.
"Shock mo mukha mo," inis na sabi ko rito.
"Lhia, chill," tinignan ko nang masama si Jade.
"Kayo kaya i-chill ko sa ref?"
"Oh guys, tama na," awat ni Anne. "Nakakatawa lang para sa'tin pero para kay Lhia hindi. Sino ba naman ang matutuwa kapag bigla lang hinalikan ng random guy sa public place?"
"Dapat ba kong matuwa sa pag-awat mo o dapat akong mas mainis kasi mas pinaalala mo?" Medyo. I repeat, medyo kalmado na ko no'ng sinabi ko 'yon.
"Pero seryosong usapan, ano ba nangyari sa inyong dalawa? I mean bago 'yong kiss, nagkita na ba kayo?" Halos pabulong na lang na sinabi ni Jade 'yong word na kiss.
Bumuntong hininga naman muna ko bago ko napagdesisyunang ikwento. At isang himala kasi habang nagkukwento ko, walang interruption na naganap. Sa grupo kasi namin uso 'yong unfinished stories kasi 'pag nag-side comment ang isa, do'n na napupunta ang topic.
"Wow," wow man ang sinabi ni Ian, halata namang hindi siya makapaniwala. "Ibig sabihin break na sila no'ng girlfriend niya?" Tanong nito more on himself.
"Kilala niyo ba girlfriend no'n?" Tumango naman sa tanong ko si Ian.
"Famous stylist," stylist? "Ema Bladein."
Ema Bladein? "Sino 'yon?" Halos sabay sabay na tanong naming apat na magkakaibigan.
"Half-German, half-French stylist," sabi na 'e. 'Yong accent niya kanina tunog foreigner.
"Pero Lhia," nabaling ang tingin ko kay Ian.
"Ano?" Mataray na tanong ko.
Nginitian ako nito, halatang nagpipigil ng tawa. "Ano nga?"
"First kiss?" Natigilan ako sa tanong niya. Naramdaman ko ang titig ng lahat sa'kin.
"Kailangan talaga itanong 'yan?" Mahinang tanong ko.
"Tama ako?" Napapikit ako at dahan dahang tumango.
Oo, first kiss ko 'yong bwisit na 'yon!
"Ah! Tantanan na natin! Please lang! Please lang talaga!" Frustrated na sabi ko.
* * *
"We meet again," napalingon ako sa pinanggalingan no'ng boses.
Bakit ba nandito 'to? "What?" May pagkairitableng tanong ko.
"You gave me a souvenir," gamit ang kaliwang kamay nito, hinawakan nito ang kanang leeg nito. Teka, 'yon 'yong part na kinagat ko kanina ha?
Ibig sabihin...'yon 'yong souvenir na sinasabi nito?
"So?" Mataray na tanong ko. Ano? Kakagatin niya rin ako? As if!
"So, I need to give you one too," napaayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa sasakyan. "A memorable souvenir like yours."
Papalapit na nang papalapit sa'kin si Will. Nang malapit na si Will agad kong tinakpan ang leeg ko gamit ang dalawang kamay.
"This will be quick," naiatras ko ang ulo ko pero nahuli pa rin niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Malambot. Malambot. Nakadikit ang labi niya sa labi ko! Hinahalikan niya ko?!
Napakurap kurap pa ko nang makaramdam kong bumuka ang labi niya. Napasinghap ako ng bigla niyang kagatin ang ibabang labi ko.
Ang bilis ng t***k ng puso. Sobra.
Bigla kong naimulat ang mga mata ko. Napapikit ako ng mariin. Panaginip. Panaginip lang pala. Pero ano'ng klase ba namang panaginip 'yon? Ipaalala pa talaga 'yong nangyari.
Nasa bahay na ko ngayon, kakauwi lang namin kani kanina lang. After naming kumain kaninang madaling araw sa tinurong kainan nila Ian, dumiretso na agad kami sa condo ng boyfriend ni Anne. Pagdating namin do'n, bagsak agad kami. Mga 5pm na no'ng byumahe kami pauwi.
Bigla ko na namang naalala 'yong panaginip ko. Leche. Hindi nga pala panaginip 'yon dahil totoong nangyari!
Inis kong tinaas ang dalawang binti ko at nagsisisipa sa ere. Padabog ko 'tong binasag sa kama.
"Nababaliw ka na naman," napatingin ako sa may direksyon ng pinto. Si kuya. "Kung 'di ka tumatawa mag-isa, nagsisisipa ka naman."
"FYI lang, kapag tumatawa ko nanunuod ako ng video no'n," depensa ko. Totoo naman kasi, 'di naman ako baliw na tatawa ng walang dahilan. Nanunuod talaga ko ng mga video no'n, Running Man in particular.
"'E 'yang pagsisipa mo sa ere? 'Wag mo sabihing exercise 'yan, tamad mo na 'yan. O baka naman..." napataas ang kilay ko nang pumasok 'to sa kwarto ko at tumingin sa hangin. "...may nakikita ka bang hindi namin nakikita?"
"Lumabas ka na nga!" Sigaw ko rito. Una, baliw raw ako. Ngayon naman pinagkamalan pa kong nakakakita ng kung ano ano.
Tumawa 'to nang malakas, 'yong mapang-asar na tawa, tsaka 'to naglakad palabas ng kwarto. Kung hindi lang 'to gaganti kanina ko pa 'to binalibag ng unan!
"'Yong pinto!" Sinara naman nito 'yong pinto pero nag-make faces muna para lalo akong asarin. Loko!
Umayos na ulit ako nang pagkakahiga. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate 'to. Kinuha ko 'to at inunlock. Napansin kong naka-connect pa pala 'to sa wi-fi. Nakalimutan ko palang patayin kanina.
Pinindot ko 'yong chat head na sumulpot sa gilid. 'Yong group chat naming apat pala. Pag-open ko tumambad sa'kin ang mga f*******: account links. May facebook.com na nakalagay 'e kaya nalaman kong f*******: accounts. Sunod sunod na nagpop 'yong messages no'ng iba sa group chat namin.
Jaydel Paulette:
Guys! Nakita ko yung accounts ng Πr! Yung una yung DJ Nel tas yung pangalawa yung DJ Will
Clarise Anne:
Friend, iba talaga yang stalking skills mo. Lahat nakikita mo haha
Sheila Ly:
Wag nyong ipalit kay Lhia yong kay Will ba yon?
Nagtype na ko nang reply nang mabasa ko ang pangalan ko.
Lana Iya:
Wala naman akong balak i-visit accnt niya!
Tsaka Jade? Talaga bang "nakita" mo ang accnt nila o "nahanap" mo?
Jaydel Paulette:
Oo nga, wag mo ng ivisit. Yung kay DJ Nel na account na lang icheck mo. Ang hot niya pala! *fire emoticon*
HAHAHA! ganon na rin meaning nun!
Lana Iya:
Boy hunter alert! Boy hunter alert!
Clarise Anne:
Naku Lhia, si Jade pa ba? Alam mo namang kapag may di tayo makitang account siya lang ang sagot.
Lana Iya:
Truee!! *smile emoticon*
Sheila Ly:
Boy hunter hahaha
Tuloy tuloy lang ang pasok ng messages sa group chat namin. Pinili ko munang 'wag sumagot o mag-type ng reply. Ewan ka ba, nacucurious kasi ko sa account no'ng dalawa. Oo, sa kanilang dalawa talaga ko nacucurious pero dahil nabubwisit pa rin ako 'pag naaalala ko 'yong kiss na 'yon, 'yong account lang ni DJ Nel ang ivi-visit ko.
Nag-scroll down ako para mahanap ko 'yong link na sinend ni Jade na natabunan na sa dami nang pinag-uusapan nila. Nang mahanap ko na 'yong link agad kong clinick 'to kaso biglang nag-scroll up ng bahagya. Kaya naman...
"Shoot naman!" 'Yong account no'ng Will ang napuntahan ko. Ilang segundo pa nagload na 'yong profile. Ibaback ko na sana kaso...ewan. Hindi ko nagawa at nag-scroll na lang ako sa wall niya.
Puro naman tungkol lang sa pagdi-DJ niya ang laman. Pictures rito, video ro'n. Boring naman, sana ginawa niya na lang 'tong page. Ibaback ko na sana kaso may napansin ko.
Ngayon ko lang nakita na DJ Will pala ang name na nakalagay. Tsaka, lahat ng post naka-public. Public account ba 'to? Ibig sabihin kung may public account, may private account din 'di ba?
Agad kong pinindot 'yong group chat head sa gilid, na kanina pa vibrate ng vibrate. Hindi na ko nag-abalang mag-back read. Diretso type na lang ako.
Lana Iya:
Jade, yung accounts na sinend mo, public accounts nila yun? E private?
Jaydel Paulette:
Ha? May private account sila? Teka, di ko alam.
Ay oo nga. Mukhang public account
Clarise Anne:
Paano mo nalaman Lhia?
Lana Iya:
Secret :P
Hinanap ko na lang ulit 'yong account links na sinend ni Jade. Sa 'di ko malamang dahilan bigla na lang akong nagkainteres na hanapin 'yong private account nila. Sige, magaala Jade muna ko ngayon sa stalking skills.
Pinuntahan ko na 'yong account ni DJ Nel. Katulad no'ng kay Will pareho lang ng contents 'yong accounts nila. Parehong DJ name nila nakalagay, at parehong nakapublic posts. 'Yon nga lang mas maraming selfie 'tong si DJ Nel sa account niya, unlike kay Will na wala akong nakitang solo.
Okay. Ngayon, saan ako magsisimulang maghanap? Magtanong ba ko kay Jade? Kaso malalaman no'n na nagpapaka-stalker ako 'e. Baka naman friend nila 'yong private account nila rito sa public one?
Pinuntahan ko 'yong friend list ni DJ Nel. Nalula ako sa 5,010 friends niya at 32,130 followers! Buti na lang nakapublic din ang friend list niya! Tinap ko 'yong search DJ Nel's friends. Ano ba itatype ko?
Sinubukan kong itype 'yong 'Nel'. Medyo madami 'yong lumitaw. Inisa isa ko na lang 'yong puntahan 'yong profile, pero 'di ko na pinuntahan 'yong obvious namang girl name.
Sa accounts sa lumabas, wala akong nakitang trace ng private account ni DJ Nel.
Binack ko na at nag-type ulit ako sa search bar ng friend list ni DJ Nel. Tinype ko naman ngayon ang "Will". Tatlong pangalan lang ang lumabas.
William Andrews
Willy Acosta
DJ Will
Para namang masyadong obvious kung 'yong dalawang Will sa taas ang account no'ng Will na 'to. Instead na ivisit 'yong profile no'ng dalawang Will na lumabas, 'yong profile ni DJ Will ang pinuntahan ko. Baka sakaling sa kanya makita ko.
Agad kong pinuntahan ang friends niya. Nakita ko pa ngang nasa 3k lang friends niya pero ang followers nasa 35k! Famous ang loko!
Triny ko lang din 'yong tulad no'ng ginawa ko sa friend list ni DJ Nel. May mga lumabas naman kaso no'ng chineck ko 'yong mga account hindi naman sila.
Binaba ko sa gilid ko 'yong cellphone ko. Ang hirap naman nito! Mukhang ayaw talaga nilang ipahanap ang private account nila.
O baka maman kaya ako nahihirapan kasi wala akong alam sa kanila? Tulad ng name o taga-saan sila.
Name.
"Van, we're going!"
"Coming!"
Van? Napaupo ako mula sa pagkakahiga tsaka ko kinuha 'yong phone ko. Tinype ko ang 'Van' sa friends nitong si Will. May isang lumabas pero pangalan ng babae, Vanessa kasi. Sa account kaya ni DJ Nel?
Pinuntahan ko agad 'yong account ni DJ Nel. Dumiretso ako sa friends nito at tsaka ko tinype 'yong 'Van'. May limang pangalan na lumabas. Pero may isang pangalang nakakuha nang atensyon ko. Tunog foreigner kasi. Pinindot ko 'yong name na 'Vanlourd Mallet' para makita ko 'yong profile.
Nakagat ko ang labi ko habang inaantay kong magload. Ang bagal naman ng internet kapag kailangan 'o! Sabagay, kailan ba bumilis?
"Ayan na," mahinang bulong ko sa sarili ko. Pero 'yong excitement feeling biglang napalitan ng disappoinment. Wait, sinabi ko bang excitement?
Ah! Kasi naman! Naka-private 'yong private account-sabagay kaya nga tinawag na private account 'e. Pero kahit na! Sayang naman effort. At least naman nakita ko! At sure akong account niya 'to kasi naview ko 'yong current profile picture niya. Naka-navy blue long sleeves. Mukhang disenste, mukha lang.
Nag-iscroll ako at tanging cover photo lang makikita mo. Tatatlo nga lang cover photo 'e. 'Yong latest plain black photo lang, 'yong pangalawa aerial shot ng isang village. 'Yong pangatlo group picture, lima silang lalaki ang nasa picture. Group picture?
Inin-large ko 'yong picture at tinitigan 'to. Bingo! Nakita ko si DJ Nel. Kaso walang naka-tag na kahit ano'ng account sa picture, pero...may mga comments.
Agad kong tinignan 'yong comments.
Yam Narcisco: ano to? Cheesy!
Baro Narcisco: nakakakilabot ka van!
Magkapatid? Parehong Narcisco 'e.
Fortin Bladein: hahaha!
Bladein? Kapatid kaya 'to no'ng Ema na girlfriend nitong Will na 'to? Tinignan ko 'yong last na nag-comment.
Czam Luke Sho: kayo naman, pinagtulungan niyo pa!
Czam Luke Sho.
Hindi ko alam pero parang may nagpush sa'kin na icheck 'yong profile nitong Czam Luke Sho na 'to. Nag-intay lang ako ng ilang minuto at nagload na rin ng husto 'yong profile niya.
"Oh!" Nagulat ako kasi pwede ko siyang i-add! Wow! At tama ang instict ko, siya nga si DJ Nel.
Vanlourd Mallet. Czam Luke Sho. Saang banda ng pangalan nila nanggaling 'yong Nel at Will? Sabagay baka DJ name lang nila.
Ini-screen shot ko lang 'yong profile nilang dalawa. Masaya ko 'e, nahanap ko kasi accounts nila, kaya ishe-share ko sa mga friends ko!
Tinap ko agad 'yong chat head ng group chat namin.
Lana Iya:
*attached photos*
May nakita koooo!!
Ilang saglit lang may sumagot na.
Jaydel Paulette:
Sino yan?
Oh my! Sila DJ Nel at Van ba yan?
Hinahanap ko pa lang! Pano mo nakita?
Clarise Anne:
Stalker ka na rin Lhia?
Sheila Ly:
alin dyan yung kay DJ Nel at DJ Will?
Lana Iya:
Vanlourd Mallet - DJ Will
Czam Luke Sho - DJ Nel
Jaydel Paulette:
E kaya naman pala di ko makita! Ang lalayo ng pangalan sa DJ Nel at DJ Will!!
Clarise Anne:
Haha! Oo nga buti nakita mo Lhia!
Sheila Ly:
Paano mo nga pala nahanp beh?
Lana Iya:
Hinanap ko sa friend list nung DJ Nel account
Sheila Ly:
Oh?
Jaydel Paulette:
Luh, tyaga mo Lhia! Libo kaya friends nyan!
Clarise Anne:
Kaya ka pala biglang nawal sa group chat!
Lana Iya:
Grabe! Tingin niyo talaga inisa isa ko? Tinype ko lang 'Van' tas lumitaw na. Tanda ko kasi bago umalis yung hinayupak na Will na yun tinawag syang 'Van' nung DJ Nel
Clarise Anne:
Ay talaga?
Jaydel Paulette:
Yung dun sa Van talagang nakaprivate no?
Lana Iya:
Oo
Clarise Anne:
Conservative friend hahaha
Sheila Ly:
Conservative pero nanghahalik? Hahaha
Lana Iya:
SEEN! ALL CAPS PARA INTENSE!!
Sheila Ly:
hahaha :D
Jaydel Paulette:
LHIA!!
Lana Iya:
Oh?
Jaydel Paulette:
Pwede mong iadd si DJ Nel diba?
Lana Iya:
Oo pero wag kang umasang iaadd ko
Jaydel Paulette:
Bakit sakin wala? Message lang makikita
*attached photo*
Lana Iya:
Naka private yan, ibig sabihin di mo siya maaadd ng wala kayong mutual friend. Ganun yung account ko e.
Jaydel Paulette:
Ganun? Iadd mo nga tas pag inaccept ka sabihin mo sakin tas iaad ko agad. Then after nun tsaka mo i-unfriend!
Lana Iya:
Ano? Ayoko ngaaaaa
Clarise Anne:
User hahahaha
Jaydel Paulette:
Sshhh hahahaha
Sheila Ly:
Ako man gusto kong iadd kaso ayaw.
Lhia! Add mo na beh please!
Lana Iya:
NOOOOOO
Aba't 'tong mga 'to! Gagamitin pa ko! Ayoko nga!. Pero nacurious naman ako kung sino 'yong mutual friend namin. Matignan nga. Vinisit ko ulit 'yong profile no'ng Czam Luke Sho.
'Yong mutual friend sana ang pipindutin ko kaso...bwisit! 'Yong add ang napindot! Okay, chill lang Lhia. I-cancel mo na lang agad. Pinindot ko 'yong 'cancel request'. Akala ko okay na pero AKALA LANG PALA! Hindi kasi na cancel 'yong resquest. Sinubukan kong i-reload pero error ang lumalabas. Napatingin ako sa may notif part ng cellphone ko. Nawala 'yong wi-fi symbol!
"Kuya! 'Yong hotspot!" Sigaw ko kahit na nasa kabilang kwarto lang naman siya.
"Teka! Ni-restart ko 'yong tab!" Ay leche! Ngayon pa naisipang i-restart!
Naku! Kukulitin ko talaga mga magulang ko na magpakabit na kami ng wi-fi ng hindi na kami umaasa sa hotspot ng tablet!
"Kuya, dali!" Hindi ako mapakali 'e!
"Teka nga lang! Akala mo naman napa-fast forward ang pag-restart 'e!" Ganting sigaw nito sa'kin. Binaba ko sa kama ko 'yong cellphone ko.
"Argh!" Frustrated akong napasabunot sa buhok ko.
"Ayan na!" Sigaw ulit ni kuya, agad kong kinuha 'yong cellphone ko.
Talaga naman 'o! Pati f*******: ayaw makisama! Nag-load pa kasi 'yong profile 'e!
"Ayan...na..." para kong nawalan ng energy nang makita ko ang profile ni Czam Luke Sho.
Akala ko namamalikmata lang ako, pero nang mag-vibrate ang cellphone ko at lumabas sa notif header ko ang "Czam Luke Sho accepted your friend request. You can now see what he shares with friends."
"Too late," bulong ko sa sarili ko. Nag-vibrate ulit 'yong phone ko. Nakitang kong nag-message si Jade sa group chat namin.
Jaydel Paulette:
Omg!! Lhia!! Thanks to you ma-aadd ko na siyaaa!! Though si DJ Nel lang pero kapag inaccept na niya ko maaadd ko na rin si DJ Will!
Clarise Anne:
Lhia, wag mo munang i-unfriend ha? Baka maging invalid fr namin haha thank u friend!
Shiela Ly:
Sabi na di mo kami matitiis e!
Napasimangot ako. Kung alam niyo lang guys! Kung alam niyo lang!
Lana Iya:
ㅠ.ㅠ