《 Short Chapter Ahead 》
Nakasimangot kong tinignan ang cellphone ko. Ano na bang nangyari kay Orlando? Ilang araw nang hindi nagpaparamdam. Hindi naman sa natatakot akong baka may iba na siya o ano man, may tiwala naman ako doon sa tao. Hindi lang talaga ko mapakali kasi ni hindi man lang ako tinetext no'ng tao. Ano kayang nangyari do'n? Ayos lang naman siguro siya?
"Ah!" Naiatras ko ang ulo ko nang may matigas na bagay ang tumama sa noo ko.
"Ano na girl? Tulala ka na d'yan?" Tinago nito ang tumbler na ginamit nito sa noo ko. "Halika na, uwian na."
Bahagya akong ngumuso rito bago ko kinuha 'yong bag ko. Mabigat sa loob na tumayo ako sa pagkakaupo ko at sinundan sa paglalakad si Anne. Halos magkakasabay silang naglalakad nila Jade at Shei.
Pumunta muna kaming banyo bago tuluyang bumaba palabas ng building namin. Habang inaantay sila Shei at Anne, kami ni Jade ay nakatayo rito sa may tapat ng salamin.
Hindi ko napigilang mapabuntong hininga nang maalala ko si Orlando.
"Lalim naman no'n? May problema ba?"
"Hindi nagpaparamdam jowa ko," walang energy na sagot ko rito. Nakatulala lang akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
"Baka busy?" Nagkibit balikat lang ako sa sinabi ko nito.
Hindi rin kami nagtagal sa may banyo at lumabas na rin agad kami. Nasa may lobby na kami ng ground floor nang mapansin naming may mga estudyanteng namumuo sa may labas ng entrance at exit ng Athena building.
"May nag-aaway ba? Bakit ang daming tao do'n?" Nagtatakang tanong ni Shei.
"Sa may emergency exit na lang tayo dumaan," pag-aaya ko sa mga kasama ko. Wala ako sa mood makipagsiksik sa mga tao ngayon. Gusto ko na lang umuwi.
Hindi naman sila tumutol sa sinabi ko at nagsimula na nga kaming maglakad papuntang kabilang exit.
Halos katabi lang ng emergency exit ng Athena 'yong 2nd gate ng school kaya kung tutuusin, mas madali kaming makakalabas ng university. Mas marami lang talagang mga kainan at kung ano ano pa sa may main gate, dahil na rin sa main highway ang katapat nito.
"Hala, wait!" Halos matumba ako sa pagkakahatak ni Jade sa backpack ko.
Nakakunot noo ko 'tong tinignan, "Ano ba?"
Hindi ko naiwasang magtaas ng boses. Bukod kasi nagulat ako sa ginawa nito, inaalala ko pa rin talaga si Orlando.
Lecheng lalaki 'to. Ayaw kasing magparamdam.
"Sorry, sorry, may nakalimutan kasi ko. Ano...balik tayo sa main exit? Doon na lang tayo dumaan?" Nagbuntong hininga ko at tsaka ko inayos ang sarili ko.
Hindi ako umimik at sinundan lang si Jade at Shei na nauunang maglakad sa'min. Nasa may likuran naman nila kami ni Anne.
Narinig kong tinanong ni Shei king ano ba 'yong nakalimutan ni Jade pero hindi ko na narinig ang sagot nito. Natingin na lang ako kay Anne nang bahagya ako nitong sikuhin.
"Bakit ang moody mo? May problema?"
Hindi ko naiwasang mapasimangot. "Hindi kasi nagpaparamdam si Orlando. Kung kailan naman pa-100 days na kami."
Napahinto sa paglalakad sila Jade sa harap namin kaya bigla rin kaming napatigil ni Anne sa paglalakad. Hinarap ako ni Jade bago nagtanong sa'kin.
"100 days niyo na?" Gulat na na tanong nito.
"Oo, bukas."
"Wait," itinaas nito sa pagitan namin 'yong isang kamay niya. "Bukas pa?"
Nagtaka naman ako sa tono nitong para bang nagtataka, "Oo, bukas pa. Bakit?"
Saglit itong hindi nakasagot bago mabilis na umiling, "Halika na?"
Dumiretso na kami papuntang main exit. Habang papalapit, kita na namin ang dami ng tao sa labas. Ano ba kasi mayroon? Dire diretso lang kami hanggang sa makalabas kami.
Sumiksik sa may mga tao sila Jade kaya wala kaming nagawa ni Anne kung hindi ang sumunod. Nang halos nasa unahan na kami ng mga tao ay biglang huminto 'yong dalawa, kaya domino effect at napahinto rin kaming kasunod nila. Nagtaka naman ako nang lumipat sa tabi ko si Jade at pati na rin si Shei. Halos matumba pa nga si Anne dahil sa pagsingit ni Shei. Naramdaman kong nilagay nila ang mga kamay nila sa likuran ko. Bago pa man din ako makapagtanong sa kanila kung ano'ng ginagawa nila, bigla na lang nila kong tinulak.
Ilang hakbang paabante ang nagawa ko dahil sa tulak na 'yon. Halos masubsob ako sa ginawa nila. Nang makabawi ako nang balanse ay dahan dahan akong umayos nang pagkakatayo. Sabay nang pag-ayos ko sa pagkakatayo ay ang pag-angat ko ng tingin.
Para bang bumagal ang pagkilos ko, parang naging slowmo ang paligid. Natulala ako sa isang malaking teddy bear na nasa harapan ko. Likuran nito ang nakaharap sa'kin pero mahahalata mo na namang teddy bear ito.
Nakakaloka! Lifesize teddy bear? Halos kasing height ko!
Napakurap kurap pa ko habang nakatitig dito hanggang sa matauhan ako. Bigla kong naalala 'yong pagtulak sa'kin ng mga kaibigan ko. Agad akong napatalikod, hinarap ko ang direksyong pinamulan ko.
Bigla naman akong nailang kasi napansin kong nakatingin sa direksyon ko 'yong ibang mga estudyanteng nakatayo sa harapan ng entrance at exit.
'Yong malaking bear ba ang pinagkakaguluhan nila? Seryoso?
Dahil sa curiousity, muli kong binalik ang tingin ko sa may teddy bear. Saktong pagharap ko rito ay siya ring pagharap nito sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang may dala ng malaking bear na 'to.
"Orlando?!"
Nakangiti 'tong nakatingin sa'kin habang nakapasan sa likuran niya ang malaking teddy bear. Napatingin ako sa mga roses na hawak nito. Napaka dami niyang hawak.
Nagsimula itong maglakad palapit sa'kin habang nakangiti. Natulala lang ako habang pinapanuod siyang lumapit sa'kin.
Huminto 'to nang halos magkalapit na kaming dalawa. Nakatitig ako sa mga mata nito at gano'n din 'to sa'kin.
"Ayyiieeee!!!!" Para kong natauhan nang makarinig ako nang malakas na hiyawan ko.
Napansin kong napapalibutan na pala kami ng mga estudyante. Bahagya akong payuko at hinayaan kong matakpan nang buhok ko ang mukha ko.
Shocks! Nakakahiya!
Bahagya akong napaangat nang tingin nang halos nakadikit na sa mukha ko ang mga red rose na hawak ni Orlando.
"Flower for you?" Isang panibagong hiyawan ang narinig sa paligid. Mabilis kong kinuha 'yong mga bulaklak at tsaka tinago ang mukha ko gamit 'to.
Narinig ko ang pagtawa ni Orlando bago ko naramdaman ang kamay nito sa balikat ko. Binulungan ako nito, "Let's go?"
Hindi ko alam kung saang 'let's go' ang sinasabi nito pero gustong gusto ko nang umalis kaya sumunod na lang ako.
"Hop in," inalis ko ang bouquet na nakatakip sa mukha ko. Nakita kong nasa tapat na kami ng sasakyan nito. Mabilis akong sumakay dito at siya na ang nagsara ng pinto para sa'kin.
Pinanuod ko lang ito habang nilagay niya sa may passenger seat 'yong malaking teddy bear. Natawa pa nga ako nang ikabit pa niya ang seatbelt. Matapos no'n ay dumiretso na rin siya agad sa may driver's seat.
"Happy 100th day," nakangiting pagbati nito sa'kin.
Napakurap kurap ako sa sinabi nito. Ano raw?
"100th? It should be tomorrow, right?" Patanong na pagtatama ko rito.
Umiling 'to sa'kin habang nakangiti pa rin, "No, today is our 100th day. We started dating since December 6."
"Wait...do you count starting from 6 itself?" Tinanguan ako nito, nanlaki ang mga ko rito. "Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Yeah, why?"
Anak ng tokwa! Mali ako sa pagbibilang!
Muli kong naiharang sa mukha ko 'yong bouquet. Nakakaloka naman!
Mabilis ko rin agad itong ibinaba at tsaka direktang tinignan si Orlando sa mga mata.
"I'm so sorry! I counted it wrong, I thought tomorrow will be our 100th day."
Pinisil nito ang isang pisngi ko, "That's fine. It's not like you actually forgot it."
"No...but I don't have my give for you with me."
"You have a gift for me?"
"Of course!"
Mas lalong lumapad ang ngiti nito. Ang kamay nitong pinipisil pisil ang pisngi ko kanina ay bigla na lang akong hinaplos. "But you're the best gift I ever received."
Hindi ko naman naiwasang mapangiti at mapatingin sa hawak kong mga bulaklak. "Do you like it?"
Tinitigan ko si Orlando bago tumango. Malawak na ngiti ang binigay ko rito ng may maalala ako. "By the way, you haven't contacted me these days."
"Well, teasing you is quite fun." Sinamaan ko ito ng tingin habang tinawanan lang ako nito.
"Let's go and eat?" Nakangiti akong tumango rito. Nabalik ang tingin ko sa bouquet na hawak ko, tinignan ko rin ang malaking bear na nasa likuran.
"Why?" Tinitigan ko si Orlando sa mga mata. Grabe 'yong effort niya samantalang ako mali na nang pagkakabilang ng araw, hindi ko pa dala 'yong regalo ko sa kanya.
"Your car is tinted, right?"
"Yeah. Why?"
Hindi ko na ito sinagot at mabilis na inilapit ang mukha ko rito. Mabilis ko itong hinalikan sa mga labi. Habang halos magkalapit pa rin ang mga mukha namin, nginitian ko ito at tsaka binati.
"Happy 100th day."
Isang matamis na ngiti ang ginanti nito bago niya alisin ang pagitan sa mga mukha namin, at hinalikan akong muli, mas matagal ito kaysa sa nauna.
Nang maglayo ang mga labi namin ay tinitigan ako nito sa mga mata at tsaka nagsalita. "Yeah, happy."