[Season Finale]
Pasimple kaming nagtitinginang magkakaibigan. Hindi namin malaman kung aalis na lang ba kami ng classroom o magpatay malisya na lang kami. Kanina pa kasi iyak ng iyak 'yong kaklase namin, nando'n naman mga kaibigan niya para patahanin siya kaya wala na sa'ming nakikisawsaw pa.
Dahil nakapag-final exams na kami sa subject na 'to, hindi na kami pinuntahan pa ng prof namin. Nanatili na lang ang karamihan sa'min sa room dahil tatlong oras din ang subject na 'to. Masyado pa rin kasing maaga para gumala kaya nandito halos lahat sa'min.
"Uy, tubig 'o. Kanina ka pa iyak ng iyak d'yan." Pasimple kong tinignan 'yong class president namin nang abutan niya ng bote ng tubig 'yong kaklase naming umiiyak.
"Ano ba kasi nangyari sa'yo?" Para kong chismosa na nakaabang sa isasagot ng kaklase namin.
Hindi ito nakasagot agad dahil sa mga paghikbi nito. Ilang saglit pa muna bago ito nakasagot.
"Nakipag-break na siya sa'kin," pagkasabi no'n ay napahagulgol muli ito ng iyak.
Dahan dahan kong inalis ang tingin ko sa kanila. Nakakaawa naman kasi siya. Karaniwang tahimik lang sa klase tapos ngayon, iyak ng iyak. Halos walang ingay ding ginagawa ang mga kaklase namin. Sigurado ko, 'yong iba sa kanila pinakikinggan din 'yong pag-uusap.
"Sabi na 'e."
"Ha?" Nagtataka kong napatingin kay Shei.
Nakapaikot ang mga arm chair naming apat kaya magkakarap kami. Pasimple nitong kinaway ang phone niya. Naintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin kaya kinuha ko ang phone ko at nag-abang ng text niya.
From: Shei
Nahulaan ko nang maghihiwalay sila. Kasi binigyan siya ng kwintas ng bf niya e.
Sabi kasi nila, kapag daw naka receive ka kwintas sa bf mo magbebreak kyo
Napakunot noo ako sa tinext nito bago ko siya tinignan.
"Saan mo naman narinig 'yon?" Halos pabulong na tanong patungkol doon sa parang bad omen tungkol sa kwintas.
"Basta may nakapagsabi lang," sagot sa'kin ni Shei.
Halos lahat kami ay sabay sabay napatingin ng may malakas na katok ang nagmula sa direksyon ng pintuan. Bumukas ito at pumasok ang isang education student din pero hindi namin ka-major. Dadalawa lang section ng pre-school kaya halos magkakakilala kami.
Napatingin 'to sa direksyon ng kaklase naming umiiyak, "Ay, bakit umiiyak?"
Aba't naki-chismis pa talaga.
"Bakit ka nandito Ivon?" Tanong ng president namin sa chismosang ito, isa nga pala siyang kapederasyon.
"Susunduin ko kasi si Jasmin, may practice ng cotillion," hinanap nito si Jasmin at nang makita niya ito ay agad niya itong inaya. "Halika na, girlalu. Ikaw na lang kulang."
Agad naman lumapit sa kanya ang pinunta niya at sa sabay silang lumabas ng classroom.
Pagkatapos no'n halos naging normal na ulit sa classroom. Nakatulog na kasi kakaiyak 'yong kaklase namin, hinayaan na lang ng mga kaibigan niya kasi matagal pa naman susunod naming subject. Bukod sa tatlong oras na subject na 'to, may isang oras pa kaming vacant na kasunod nito.
Napatingin ako sa phone kong nakapatong sa desk ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito.
From: Sir Van
Are you free? Go to our faculty office with your friends.
Napanukot noo ako sa text nito. Ano kaya kailangan nito?
"Guys," hinarap ko doon sa tatlo 'yong text message na nakuha ko.
"Ngayon na mismo?" Pagtatanong ni Jade pagkabasa nito.
"Oo? Halika?" Pag-aaya ko sa mga ito. "Iwan muna natin gamit natin."
Ibinilin lang namin isa naming kaibigan 'yong mga gamit namin bago lumabas. Cellphone at wallet lang kasi ang mga dinala namin.
"Walang sinabi kung bakit, Lhia?" Hinarap ko si Shei bago umiling dito. Nagdire diretso na kami pababa habang tuloy ang pag-uusap namin.
"Wala, kung ano lang 'yong text niya, 'yon lang mismo 'yon."
Matapos naming magkausap ni Sir Van no'ng Christmas break via video call, parang mas naging maayos at normal na sa'min ang mga bagay bagay? Iyong talagang professor-teacher na talaga trato namin sa isa't isa. Aaminin ko, naging immature at medyo hindi maayos ang pakikitungo ko sa kanya dahil sa kung paano kami unang nagkita. Nagbago lahat 'yon, pati na rin ang tingin ko sa kanya matapos niya kong pangaralan noon. Para kong natauhan at simula no'n mas nirespeto ko na siya, hindi lang bilang tao kung 'di pati bilang professor.
Nang makarating kami sa may tapat ng faculty room nila, ako talaga ang pinagtulakan ni Jade para kumatok. Napailing na lang ako bago kumatok ng tatlong beses. Ako rin naman kasi talaga direktang tinext 'e. Pagkakatok ko, dahan dahan kong binuksan ang pintuan at unang isinilip ang ulo ko.
Mga tingin ni Sir Van at Sir Czam ang sumalubong sa'kin. Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan para makapasok kaming apat.
"Good morning Sir, pinatawag niyo po kami?" Dahan dahan akong naglakad papalapit kay Sir Van. Pinakikiramdaman ko kung kasunod ko ba ang mga kaibigan ko. Matapos kong marinig ang pagsara ng pinto at tsaka ko lang naramdamang nakatayo sila malapit sa'kin.
Hindi ako sinagot ni Sir Van, imbes ay lumapit ito kay Sir Czam. May inabot na maliit na box ito sa kanya, pinatungan pa ni Sir Czam ng isang tumpok na envelope 'yong box. Napansin kong may parang tali ang nakapalibot sa mga envelope, para siguro hindi malaglag?
"Come here," una kong sinundan ng tingin ito bago ko tuluyang sinundan. Pumunta ito sa bakanteng table na nasa may gitna ng faculty. Bago lang ba 'to? Hindi ko kasi matandaan kung nandito na 'to noon.
Pagkalapit ko rito ay tsaka ito nagpatuloy ng salita, "These are the invitation for your CAPERS night." Itinaas nito ang tumpok ng envelope na nasa ibabaw ng box bago ito nilapag sa mismong table.
"Oh~" hindi ko napigilang reaksyon.
Sunod naman nitong binuksan 'yong box at tumambad sa'min ang napakadaming mask. "And these are your mask."
Mula sa pagkakatititg sa mga mask ay nilipat ko ang tingin sa kanya. "Mask? Para sa'min din 'yan, Sir?" Pagkukumpirma ko sa sinabi nito.
Tumango ito sa'kin, "These are the invitation and mask alloted for your section. These are the most important things for your CAPERS night next month."
CAPERS Night = Juniors and Seniors ball
Iyan ang bagay na pinaghahandaan namin ngayong mga junior at senior kapag natapos na nang tuluyan ang finals exam week a.k.a. hell week. Hindi ko alam kung bakit CAPERS ang tawag sa college night namin. Hindi naman kasi nabanggit noong nagka-organization meeting kami last month. Karaniwang mga class president / mayor lang umaattend ng org meeting, pero nitong huli lahat ng juniors at seniors ay kasama.
February pa lang, sinabi na sa'min ang tungkol dito. Para naman daw ma-motivate at ma-excite kami sa pagtatapos ng sem. Kabilang sa mga napag-usapan sa meeting noon ay; petsa, oras, lugar, bayarin, tema, cotillion. Sa naging botohan, nanalo sa landslid vote ang masquerade theme party kaya iyon ang sinunod.
Syempre, lahat kami aattend dito. Minsan lang 'to kaya bawal umayaw.
"We have one strict rule for the CAPERS night; NO INVITATION, NO MASK, NO ENTRY."
Pinakinggan kong maigi ang bawat sasabihin ni Sir Van. Dahil ako / kami ang pinapunta niya rito, syempre siguradong kami ang magiging responsable sa pagpapasa nito sa class president namin.
"No other mask will be allowed. Only the ones provided by the university. If any case, someone lost the invitation or the mask, he will pay to have another one." Napatango tango ako rito, in short bawal maging burara.
"We already counted these but just to make sure can you please double check? Once you're done, you can bring these along with you."
"Okay, Sir. No problem," tumango ito sa'min bago umalis saglit at bigyan kami ng mono block na upuan.
Naghati kami sa dalawang grupo. Sila Shei at Anne ang nagbilang sa invitation, ako at si Jade naman sa mask.
Saglit akong natigilan at tumingin sa mga kasama ko, "Ilan nga ulit tayo?" Tanong ko sa mga ito. Paiba iba kasi ang bilang namin sa bawat subject dahil lagi kaming may irregular na kaklase.
"Ilan nga ba? 35?" Alanganing sagot ni Anne.
"38." Napatingin kami sa pinaggalingan ng boses. Si Sir Van na busy sa pag-aayos ng mga iba pang kahonat invitation.
"Okay, Sir. Thank you." Sagot ko rito bago kami nagsimulang magbilang.
Tahimik lang kami sa ginagawa namin. Hindi naman kami natagalan dahil tig-dalawa naman kaming nagbibilang.
"38?" Tumingin sa'king naninugurado si Jade.
"38." Tango naman ang isinagot ko rito.
Tinignan namin sila Anne at Shei at nakita naming patapos na rin sila. "Kumpleto?" Pagtatanong ko pagkakita ko sa huling envelope na binigay ni Shei kay Anne.
Sabay naman silang tumango sa'kin. "Kumpleto siya, beh." Pagkukumpirma ni Shei.
Tumango tango ako rito bago tumayo mula sa pagkakaupo ko. Humarap ako sa direksyon kung nasaan sila Sir. Napa-angat baba ang balikat ko sa gulat pagkaharap ko sa kanila.
"Magugulatin ka naman masyado," natatawang sabi sa'kin ni Sir Czam? Kung gano'n si Sir Czam pala 'to.
"Nakakagulat naman kasi talaga kayo, Sir." Sabi ko rito habang titig na titig sa mukha nito. Pagharap ko kasi sa kanila, nakamaskarang itsura niya ang bumungad sa'kin. Syempre, malay ko bang nakasuot siya niyan kaya ako nagulat. "Iyan po ba 'yong para sa boys?"
Tumango tango ito sa'kin habang inaalis ang sinuot nitong maskara. "Nice, right?" Iniharap pa nito ang sa'kin ang kakatanggal lang nitong maskara.
Tumingin ako sa box na katabi ko, kumuha ako ng isang maskara doon at hinarap kay Sir Czam. "Mas maganda pa rin po ito." Sagot ko habang pinapakita 'yong mask na para sa mga babae. Magkaiba pala, akala ko kasi mapalalaki o babae iisa lang talaga ang mask.
Hindi na rin naman kami nagtagal sa faculty at umalis na rin kami dalawa 'yong box at mga invitation. Nagtulong kami ni Anne sa pagbuhat no'ng box, habang si Shei naman ang may hawak ng mga invitation. Si Jade, siya ang pinakuha at pinahawak namin ng mga mask at invitation naming apat. Ibinukod na namin 'yong sa'min para 'yong sa mga kaklase na lang namin ang poproblemahin ng president namin.
~*~*~*~
College of Education
CAPERS NIGHT 20**
Napatingin ako sa paligid habang nakapila rito sa mga papasok na estudyante sa hall. Hindi ko pa nakikita ang mga kasama ko at sa totoo lang, kung hindi kami magkakasama sama bago makapasok, mahihirapan kaming hanapin ang isa't isa sa loob.
Dahil nga pare pareho ang maskara ng mga babae at mga maskara ng mga lalaki, mahirap makilala kung sino ang sino. Kanina nga nakabanggaan ko 'yong childhood friend ko at hindi ko siya nakilala. Siya ang nakakilala sa'kin dahil hindi ko pa naman suot ang maskara ko.
Kahit waterproof ang make up ko, sinabihan pa rin ako ng nag-ayos sa'kin na pagpapasok na ko sa venue ko na lang isuot 'yong maskara.
Tumingin ako sa phone ko nang maramdaman ko ang sunod sunod na pag-vibrate nito sa kamay ko.
"Hello? Jade? Saan ka na?"
[Nandito na kami ni Anne malapit sa mga nakapila.]
"Magkasama na kayo?" Umalis muna ko sa pila ko. "Nasaan kayo? Nakapila na kasi ko ngayon."
[Ay, nakapila ka na? Hala, paano 'yan? Hindi kami makakasingit?]
"Hindi pwede, mahigpit 'yong mga marshall sa paligid." Tinignan ko pa 'yong marshall sa harapan kong napatingin sa'kin. "Alis na lang ako sa pila, sama na lang akong pumila sa inyo sa dulo?"
[Naku! 'Wag Lhia, mauna ka na sa loob ng venue. Pag-reserve mo na lang kami upuan.]
"Anne? Okay, sige, pero sigurado kayo ha?"
[Oo, friend. Mauna ka na sa loob. Antayin na rin namin si Shei rito para sabay sabay na kaming tatlo.]
[Ikaw talaga ang pag-asa natin Lhia para makakuha nang magandang pwesto. Fighting!]
Napailing iling na lang ako sa pagpapasa pasahan nang pagsasalita no'ng dalawa. Napatingin ako sa marshall na kaharap ko ng may ituro ito. Nang sundan ko ng tingin ang tinuturo nito ay nakita kong gumagalaw na 'yong pila. Binalik ko ang tingin sa marshall bago ako ngumiti rito at bumalik sa pwesto ko.
"Sige, guys. Tawagan niyo na lang ako kapag papasok na kayo. Papasok na muna ko."
[Sige, bye! Fighting!]
Ibinaba ko na ang phone ko at itinago ito sa purse ko. Kinuha ko na rin mula rito ang invitation ko dahil malapit na ko sa may entrance.
Nang ako na ang papasok ay pinahinto muna ko para i-check ang invitation. Ipinakita ko naman ito sa marshall / usher na kaharap ko.
"Pasuot na rin no'ng mask mo," napatingin ako doon sa usherette sa kanan ko habang tinitignan no'ng nasa kaliwa ko 'yong invitation ko.
Ginawa ko naman ang sinabi niya, tinulungan pa nga niya kong ikabit ito para siguradong maayos at hindi nagulo ang buhok ko.
"Here," nabaling ang tingin ko sa usher na nasa kaliwa ko. Ibinabalik nito sa'kin ang invitation ko. Napansin kong may kasama na itong parang number na nakadikit sa hugis flame na background. Kung tama ang tanda ko, flame ang symbol ng college namin. "Pakabit na lang ng number niyo sa left chest."
Tumango ako pagkakuha ko nito. "Thank you." Bumaling ako sa usherette sa kanan ko. "Thank you."
"You're welcome."
Pinagbuksan nila ko ng pinutuan ng hall. Hinawi rin nila 'yong black curtain na nasa likuran nito.
Hindi ko naiwasang mapamangha pagkapasok ko. Ang ganda nang pagkakaayos sa buong Hera Hall. Sobrang elegante!
Marami pang bakanteng lamesa sa paligid dahil hindi pa naman gano'n karami ang nakakapasok. Lumapit ako sa isa sa mga lamesa na nasa malapit sa entrance, nasa may bandang sulok din ito. Base kasi sa experience ko no'ng JS namin no'ng high school, 'yong mga table sa unahan at gitna ang mga unang tinatanggal kapag party-party na. Kapag nandito kami sa may dulo at gilid, mas malapit kami sa may bleachers kaya mas madali kaming makakalipat. Sa dami naman kasi ng estudyante ng Educ, siguradong masyadong maliit ang hall na 'to.
Nang makapwesto na ko sa napili kong lamesa namin ay agad kong tinext kila Jade kung nasaan ako. Hindi ko na tinangkang tawagan kasi hindi naman kami magkakarinigan dahil medyo malakas 'yong background music dito sa loob.
Binilang ko kung ilang upuan ang mayroon sa lamesa namin, walong upuan. Bukod sa'ming apat, may makakasama pa kaming apat na iba pa.
"Excuse me," napatingin ako sa lalaking lumapit sa'kin. Nagtaka ako rito kasi ibang maskara ang suot nito, akala ko ba hindi papapasukin kapag iba ang maskara? "How many are you on this table?"
"Sorry?" Hind ko kasi siya marinig. Naisipan kong tumayo na lang para makapantay ko man lang siya.
Bahagya itong lumapit sa'kin bago inulit ang sinabi niya. "How many are you on this table?"
Napakunot likod ng aking maskara. Pamilyar ang boses nito. "Sir Czam?"
Bahagya itong umatras at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Lana Iya?"
Hindi ko alam kung bakit natawa ko sa pagbuo nito sa pangalan ko. "Yes, Sir. Bakit po iba maskara niyo?"
"Oh, this?" Hinawakan pa nito ang nakasuot sa mukha niya. "This design is for professors use only. Look at Ms. Roque over there," tinignan ko kung saan ito nakaturo. Nakita ko naman agad tinutukoy nito dahil sa disenyo ng maskara nila.
Binalik ko ang tingin ko kay Sir Czam, "Bakit parang mas maganda sa inyo?" Panloloko ko rito, personally mas gusto ko ang disenyo no'ng kanila kahit na maganda rin naman 'yong sa'min.
"Hey, hey, don't be like that. Anyway, apat lang ba ang reserve sa table niyo?"
Ay, oo nga pala. Tumango ako rito, "Yes po, Sir."
"Okay, so will it be okay if we take the two seats? Me and Van are looking for seats right now. We were asked to mingle with you."
"Sure, Sir. No problem, so bale anim na upuan na po anf reserved dito."
"Thank you." Napansin ko ang paglinga linga nito kaya pati ako napalinga na rin. "Ikaw palang ba?"
"Ah. Nasa labas na po sila Jade at Anne, inaantay po si Shei. Nauna lang po akong pumasok para makapagreserve ng upuan."
"Oh, alam mo ba suot nila? Baka mahirapan kayong maghanapan. Sinabi mo na ba ang pwesto natin?"
"Tinext ko na po sa kanila, Sir. Tsaka color coding po kami. Lahat po kami naka-black."
Napag-usapan na kasi namin 'to no'ng napagdesisyunan na masquerade ang magiging theme. Paraan na namin 'to para madaling makilala ang isa't isa.
"Really? What a coincidence, me and Van are both wearing black as well."
Napa-'oh' ako sa sinabi nito. Parang all black ata kami sa table namin?
"But really, I nevet thought Travis will allow you to wear that." Napatingin ako sa gown ko pagkasabi at turo niya rito.
Isang black deep v-neck ball gown dress ang suot ko. Wala itong sleeves at ang likuran nito ay kasing lalim ng nasa harapan ang pinaka hati. Kaya ramdam na ramdam ko ang aircon sa buong katawan ko.
"Wala siyang choice. Si kuya Jarvis kasi namili nito 'e." Tiklop 'yon kay kuya Jarvis 'e.
Natawa naman si Sir Czam sa sinabi ko bago ito nag-excuse at pumunta sa may harapan dahil parang tinawag ata siya. Naupo na lang muli ako at inantay ang mga kasama ko. Mula sa pwesto ko, kita ko ang pagpasok ng mga tao. Unti unting dumadami ang mga tao sa loob.
Ilang estudyante na rin ang lumapit sa'kin para itanong kung may bakante pa ba sa table namin, bigo nga lang sila kasi wala na. Tinext na rin kasi ko ni Jade kanina na kasama na rin daw nila 'yong dalawa pa naming kaklase na kaibigan din namin. Buti na lang sakto lang ang bilang namin para sa table. Sinabi ko na rin sa kanila na kasama namin sa table sila Sir Van at Sir Czam, gulat pa nga siya 'e.
Napatitig ako sa isang grupong magkakasunod na pumasok sa entrance. Tatlo sa kanila ang naka black, isa ang naka red, at isa ang naka dark blue.
Sila Jade na 'to
Ikinaway ko ang isang kamay ko nang mapatingin sa gawi ko ang isa sa kanila. Agad naman nila kong napansin at nagsimula na silang lumakad papunta sa'kin.
"Lhia?" Nakilala ko ang may-ari ng boses, at kung pagbabasihan ang katawan at tangkad nito siguradong si Anne ang kaharap ko. Ngumiti ako rito at tumango.
Ngumiti ako rito habang hindi ko napigilang tignan ang suot niyang dress. Isang off shoulder black lace evening dress. Napangiti ako kasi bagay na bagay sa kanya. Nakalugay ang mahaba at wavy nitong buhok.
Nabaling ang tingin ko sa katabi niya, kung tama ako si Shei ang nasa kanan niya. Hindi ko rin napigilang tignan ito mula ulo hanggang paa. Kitang kita ang kurba ng katawan nito sa suot niyang fit na mermaid black dress. Gawa sa lace ang sleeves nito.
"At talaga iniisa isa mo kami, ha? Lhia?" Nabaling ang tingin ko kay Jade na nasa kaliwa ni Anne.
Tinawanan ko ito bago sumagot, "Sexy niyo kasi 'e." Sagot ko rito habang tinitignan din ang suod niya.
Nakasuot din ito ng isang v-neck sleeve less long dress. Buti na lang may karamay akong lalamigin dito!
Inilagay nito ang isang kamay niya sa dibdib niya, "Nahiya bigla 'yong akin." Napatingin naman ako sa dibdib ko bago natatawang sumagot dito. "Bwisit ka."
Hindi na rin nagtagal ay naupo na kami. Ang pwesto namin ay; ako, Anne, Jade, Shei, Joe (kaklase naming naka red), Kat (kaklase naminh naka dark blue). Talagang nilagay nila sa tabi ko ang dalawang upuan para kila Sir.
Habang nanghihintay ay nagtulungan lang kaming ilagay 'yong mga number namin. Number 19 ang nakuha ko.
"Halata sa number ni Lhia na early bird siya," bigla ko namang tinignan isa isa ang number nila. Nasa 60+ na ang mga number nila.
"Gano'n talaga." Iyon na lang ang naisagot ko rito.
Kadiliman ang bumalot sa paligid sa biglaang pagpatay ng mga ilaw. Sa tingin ko, pahiwatig na 'to na magsisimula na rin sa wakas 'yong party. Napangiti ako pero napasimangot din agad sa lakas ng boses ng mga MC.
Hindi ko halos maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Basta parang special number ek ek.
Ilang sandali matapos nilang mag-ingay ay nagsimula na nga ang mga dance presentation. Sinumulan ng mga katahan mula sa college choir, sinundan ng performance mula sa college dance troupe, at ang isa sa mga high light ng gabing ito, ang cotillion.
Habang pinapanuod ang mga kasali sa cotillion napatingin ako sa dalawang pigura na papalapit sa lamesa namin. Naupo ito sa mga bakanteng upuan. Sila Sir Czam at Si Van. Hindi ko masabi kung sino ang katabi ko dahil magkasingkatawan sila at pareho pa ng suot at maskara. Para silang kambal kung titignan 'e.
Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa mga nagsasayaw sa gitna. Matapos 'yong sayawan may iba pang sinabi 'yong mga MC bago ianunsyo na pwede nang kumain. Wala namang tumayo sa'min kasi may mga tao namang nagse-serve ng tao.
"Hindi ba maaga pa para kumain?" Tinignan ko ang phone ko sa sinabi ni Anne.
"Girl, 8:35PM na. Nagugutom na rin ako." Pag-amin ko rito. Ang haba kasi ng proseso para sa pag-aayos bago pumunta rito.
"May snacks naman daw mamaya, 'di ba?"
Tumango ako rito, "'Wag kang mag-alala. Hindi tayo magugutom." Pabiro kong sabi rito habang unti unti nang napupuno ang lamesa namin ng mga pagkain pati na rin inumin.
Napanganga ako sa nakikita ko sa may stage. Hindi ako makapaniwala na matapos ang ilang buwan? Sa ganitong paraan sila magkakaroon ng comeback.
"Ayo wazzup, COEd? Ready to party tonight?" Nakakabinging sigawan ang maririnig sa buong Hera hall.
Para akong natuod sa pagkakaupo ko sa may bleacher at hindi ako makapaniwala talaga sa nakikita ko.
"We'll be your DJs for tonight. The name is DJ Nel, along with DJ Will!" Tinuro nito ang kasamahan niyang busy sa pag-control ng background music. "What are you waiting for? Everyone, on the dance floor!"
Naramdaman kong may humatak sa'kin, pagtingin ko rito ay si Jade pala ito. Inilapit pa nito ang bibig niya sa tenga ko bago nagsalit, "Ano pa inaantay mo? Halika na!"
Wala na kong nagawa kung hindi ang magpatangay dito. Nang makababa kami sa may dance floor ay pumwesto kami malapit sa kung nasaan ang pwesto namin sa bleachers. May mga naiwan kasi kaming gamit doon. Dala ko naman 'yong mini pouch ko. Hindi ko kasi maiwan dahil may inaantay akong text.
"Are you ready?"
"Yes!!!"
"I can't hear you!"
"Lez goo!" Kasabay noon ay ang pagtugtog ng isang hype song. Nagsimula nang mag-indakan at magsayaw ang mga tao.
Makikisabay na sana ko nang pakiramdam ko ay para bang nag-vibrate ang phone ko. Agad kong tinignan ang laman ng pouch ko, nakita kong may nagtext kaya agad kong nilabas ang phone ko at tinignan 'yon.
From: 이재신
I'm here outside
To: 이재신
Okay, wait for me
Inakbayan ko si Shei na siyang pinakamalapit sa'kin at tsaka pasigaw na nagsalita sa tenga nito. "Shei, labas lang ako saglit."
Hindi ko na ito inantay pang sumagot at dali dali akong tumakbo palabas. Pagbukas ko ay napatingin sa'kin 'yong mga marshall na nasa labas. Hindi ko ito pinansin at tsaka ko nilibot sa ang paningin ko sa may lobby. Napangiti ako nang makita ko si Orlando. Agad akong naglakad papalapit dito.
Nakangiti nitong sinalubong ako. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Wow!"
Natawa ako sa itsura nito kasi parang hindi niya alam ang sasabihin. "Do I look good?" Nakangiti kong tanong dito.
"You look gorgeous." Hindi ko napigilan ang malapad na ngiti ko. Hindi ako nakatiis kaya sinubukan kong tanggalin ang maskara ko. Tinulungan naman niya ko at siya na rin mismo ang humawak nito para sa'kin. "Isn't it cold inside?"
"It is but wearing a mask is hot on the face." Napansin kong may kinuha ito sa bulsa niya, isang panyo. Dahan dahan nitong dinampi sa mukha ko ito at pinunasan ang pawis ko.
Muli ako nito tinitigan pagkatapos niyang gawin 'yon. "How's the party? Enjoy?"
"So far, so good. Right now, the DJs heating up the night with hype songs."
"Did someone ask to have a dance with you?" Tinitigan ko ito sa tanong nito.
"We're not on that part yet."
"Then...I'll take your first dance before them." Nagtaka naman ako sa sinabi nito. Pinahawak niya sa'kin 'yong mask ko bago niya pinatong sa'kin 'yong jacket na dala niya. Hindi ko nga napansin na may dala pala siyang jacket.
May tinaggal siya sa tenga niya na kinabit niya sa kanang tenga ko. Wireless earbud? Napansin kong nakasuot pa rin sa kabilang tenga niya 'yong kapares. Kinuha nito ang pouch at mask na hawak ko bago nilapag sa may sahig malapit sa'min. Matapos no'n, may kung ano siyang pinindot sa phone niya. Nakaranig ako ng tugtog mula sa earbud na suot ko.
Napangiti ako nang makilala ko ang kantang ito.
Baby I'm falling head over heels
Inilahad niya sa'kin ang isang kamay niya na inabot ko naman.
Looking for ways to let you know just how I feel
Ipinatong nito ang dalawang kamay ko sa balikat niya at tsaka niya ko hinawakan sa magkabilang beywang ko.
I wish I was holding you by my side
I wouldn't change a thing 'cause finally it's real
I'm trying to hold back, you oughta know that
You're the one that's on my mind
Falling too fast deeply in love
Finding the magic in the colors of you
Nakatitig ako sa mga mata nito, at ganoon din siya sa'kin. Sabay kaming gumagalaw habang pinapakinggan ang kanta.
You're the right time at the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going
Oh, know when I'm with you, I can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you
You, it's you
You, it's you
Habang ang lahat ay abala sa pakikipag-party party sa loob, nandito ako at abalang nakikipagsayaw sa taong mahal ko.
Every night in my bed, I'm dreaming
That it's you in my arms, I'm holding
Girl all I want is you
Napahinto ako sa paggalaw nang huminto rin ito.
You know you're the right time
At the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going
It's you
Napatingin ako sa kamay nito ng may kinuha ito sa jacket na pinasuot niya sa'kin.
'Cause you're the right time at the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going
Oh, oh, I know when I'm with you, I can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you
Nagtataka kong tinignan ang maliit na kahong hawak nito. Tuluyan itong bumitaw sa'kin habang ako ay nakahawak pa rin sa kanya.
You (you), it's you (it's you)
You (come on), it's you (wow)
Isang kwintas ang bumungad sa'kin pagbukas niya rito. Ngumiti ito sa'kin bago kinuha ang kwintas at ikinabit sa'kin.
You (it's you now), it's you (it's you, yeah, yeah)
You (you), it's you
"I love you." Tinapos niya sa isang matamis na halik sa'king noo ang pagsasayaw namin.
Napangiti ako, ang gabing ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko.
- END OF SEASON 1-