Meet My Professor: SEASON 2
History is bound to repeat itself. But this time, it's much more painful.
Naikuyom ko ang dalawang kamay ko. Napapikit ako nang mariin at kahit nahihirapan ay napalunok na lang ako. Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko, hindi, pakiramdam ko may bumabara sa may puso ko. Para bang 'yong mga ugat na nakakonekta sa puso ko, lahat barado.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Anne sa kanang hita ko. "Lhia," pabulong na banggit nito sa pangalan ko.
Hindi ko ito magawang tignan. Ni ayaw ko ngang ibukas ang mga mata ko. Iyon nga lang baliwala rin naman. Dahil kahit nakapikit naririnig ko pa rin ang boses niya.
Lalong nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko paulit ulit ulit na hinihiwa ang puso ko. Ang sakit, sobrang kirot ang nararamdaman ko sa may puso ko.
What will you do...no, what would you feel when all of a sudden your ex-boyfriend showed up in front of you. Not because of wanting to have you back, nor to try to explain why he ended things, but because he will be your Instructor.
"My name is Jae Shin Lee. You can just call me Sir Lan. I'll be your Instructor for your Foreign Language class."
Just how much does this subject want to kill me? To shatter my heart into pieces more. To double the heartache I'm already experiencing.
Seriously, I just want things to end.
Three weeks ago...
Assessment Day - Incoming 4th Year
"Originally, major subjects na lang kayo during 3rd and 4th years n'yo, but since may newly approve subject ang President na nagre-require sa lahat ng Education students na mag-take ng Foreign Language, magkakaroon kayo ng isang minor subject this coming 1st semester ng 4th year n'yo. Basically, ang Foreign Language subject ay nilagay sa mga 2nd years, pero unfair naman daw kung 'yong mga incoming 3rd and 4th years ay gagraduate ng hindi ito nakukuha. Kaya ayan, dagdag subject kayo," mahaba at tuloy tuloy na sabi ng isa naming Professor. Siya ang nag-aassess sa'min ngayon.
Nire-record niya ang grades namin last semester sa isang folder kung saan nakalagay ang record of grades namin since 1st year. Way na rin kasi 'to para malaman kung sino ang mga bumagsak sa isang subject na hindi makaka-take ng mga subjects na may pre-requisite nito. After naman ma-record ng grades namin at ma-clear kami, pipila na kami sa may Assessment Office para ipasa ang cleared slip namin. Doon namin makukuha ang Assessment Form namin kasama ang class schedule. Nakalagay sa Assessment Form 'yong mga subjects namin at total na babayaran sa cashier. Hindi kami makakapila sa cashier kung walang Assessment Form. Ang professor na nag-a-assist sa'min ngayon ang tentative na magiging adviser namin sa 1st sem.
Bigla akong napahawak sa may bulsa ng bag ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Buti na lang sa may lap ko nakalagay ang bag ko at hindi sa may arm chair.
"Anyway, malalaman niyo na lang kung ano'ng Foreign Language ang aaralin niyo sa pasukan. Now, let me start the recording. First row, line up," pagkasabi no'n nagsitayuan lahat ng nasa first row. Mabuti na lang second row lang kami kaya makakasunon na agad kami.
Dahil busy na sa pag-re-record si Ma'am, at nagse-cellphone na rin naman 'yong iba naming kaklase, pasimple ko na ring nilabas ang phone ko at binasa ang message ko.
From: 이재신
Let's meet later. Text me.
Napangiti naman ako bigla. Na-excite naman akong matapos na agad ang assessment! Ay, mag-eenroll na nga rin pala ko. Hindi bale, mabilis na lang naman siguro sa cashier. Seniors lang naman ng Education ang priority sa cashies ngayon since ngayon talaga ang assessment at enrollment day namin.
Agad akong nag-type nang ire-reply ko rito.
To: 이재신
Okay, see you later :)
Inantay ko ang ire-reply nito pero wala nang sagot. Busy? Okay lang, busy pa rin ako ngayon. Itinago ko na lang ulit sa may bag ko 'yong phone ko at inantay na matapos ang first row.
Napatingin ako kila Jade nang tinawag ako nito. "Bakit?" Tanong ko rito.
"Ano'ng gusto mong pag-aralan na sa Foreign Language?"
"Nihonggo?" Hindi siguradong sagot ko rito. "Basta 'yong sa Japanese," sabi ko na lang.
"Ayaw mo na ng Korean?" Tanong naman ni Shei.
"Twice na tayong nag-Korean program before. Kung basics lang din naman ituturo, mas gusto ko na ibang language na lang," sagot ko rito. Totoo naman kasi, malaki ang posibilidad na basics lang ituro sa Foreign Language class namin. Forever basic Korean na lang ba kami?
"Ayaw na niyan ng Hangul, kasi may sariling Korean teacher na 'yan," tinignan ko si Anne nang ngumiti ito nang makahulugan.
"Ay, wow, nagsalita," sagot ko rito na ikinatawa nito. Alam kong ang tinutukoy niyang Korean teacher ko ay si Orlando. Luka 'to! Akala naman niya ako lang, siya rin naman.
* * *
"Isa pong bacon-egg, dalawang burger-egg at isang footlong. Tsaka po dalawang sprite at dalawang coke mismo," mabilis na order ni Jade. Inulit naman no'ng tindera 'yong order. Pagkatapos no'n ay inabot lang nito ang bayad bago bumalik sa pwesto kung nasaan kami.
Katatapos lang namin mag-enroll. Mabilis lang naman 'yong process ng assessment, ang natagalan kami ay 'yong sa cashier. Ang dami kasing major ng secondary kaya ang dami ring nag-enroll at nagbayad sa cashier sa kanila. Napatingin ako sa orasan sa phone ko.
12:35 PM
Tanghalian na, kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit gutom na kami lalo na't kaninang 8am pa kami rito. Kaya naman pagkalabas na pagkalabas namin sa registrar, para kuhanin ang Certificate of Registration namin after namin sa cashier, dumiretso agad kami rito sa bilihan ng mga burgers at iba pa. Gutom kami, bes!
Pumunta ako sa messages ko para tignan 'yong conversation namin ni Orlando. Tinignan ko kung ano'ng oras siya nagtext no'ng umaga.
8:17am
Ang aga pala tapos ano'ng oras na? Tanghali na hindi pa kami nagkikita. Hindi ko rin maiwasang hindi magtaka, usually kasi text siya ng text every hour. Literal! Simula pa lang sa oras na paggising niya. Kahit may klase ako, basta magtetext siya sa'kin every hour. Pero ngayong araw, nakakaisang text pa lang siya. Iyon pa 'yong kaninang umaga na sabi niya magkita kami.
Agad na kong nag-type nang ite-text kay Orlando.
To: 이재신
Oppa, we're done. We're just buying our food :)
Nag-intay ako nang reply nito. Mga ilang minuto ang lumipas bago ito nag-reply.
From: 이재신
Let's meet infront of chambre. Eat first.
To: 이재신
Okay! Did you eat your lunch already?
Hinintay ko ang reply nito pero naluto na 'yong mga binili namin, wala pa rin siyang reply. Sobrang busy ba talaga nito? Parang ngayon lang ata siya naging ganito ka-busy?
"Oh, saan na tayo?" Napatingin ako kay Jade nang nagtanong ito.
"Pupunta akong chambre," mabilis kong sagot dito.
"Magkikita kayo ni Orlando?" Tumango ako sa tanong ni Anne.
"Oh, sige, tambay na lang muna tayo doon. Ayoko pang umuwi," sabi naman ni Shei na sinang-ayunan naman ni Anne at Jade.
Pumunta nga kami sa chambre at nakakabinging katahimikan ang nadatnan namin.
"Wow, ganito pala dito kapag walang pasok," hindi ko napigilang sabi.
"Oo nga 'e, kapanibago," sang-ayon sa'kin ni Jade.
May iilan pa rin namang estudyante dito pero hindi katulad kapag may pasok. Kalapit lang kasi ng chambre ang Apollo building, kaya sanay kaming maingay dito at maraming tao.
Naupo lang kami sa may bakanteng bench sa may malapit sa entrance ng Apollo building.
"Girl, bilisan niyong magkita. Mukhang uulan," napatingin ako kay Anne at sinundan nang tingi ang tinuturo nito. Nakaturo 'to sa may kalangitan at napansin ko ngang madilim. Mukhang malakas na ulan 'to.
Agad kong nilabas ang phone ko. Hindi ko na tinext si Orlando, tawag na ang ginawa ko.
Nakailang ring pa bago nito sagutin ang tawag ko.
"Hello?"
[You're outside?]
"Yes, I'm here already."
[Give me a minute.]
Sasagot pa sana ko nang marinig ko na 'yong beep sound. Binaba na pala niya ang tawag. Weird. Ngayon lang niya ko binabaan tsaka bakit gano'n boses no'n? Parang hindi siya, parang walang energy. Pagod? Sobrang busy niya ba talaga ngayong araw? Medyo nakonsensya naman ako, baka nga sobrang busy niya tapos natagalan pa kong makipagkita sa kanya.
"Ayan na siya, beh," napatingin ako sa may entrance ng chambre. Nakita kog naglalakad na si Orlando palapit sa'kin.
Naka-hoodie na black ito with matching black shorts, na hanggang tuhod niya, at black slippers. Idagdag pang naka-black na cap din ito. Napakunot noo naman ako sa cap nito. Hindi ito 'yong couple cap namin. Basta kasi naka-cap siya, iyon lagi ang suot niya. NY ang design nang suot niyang cap ngayon.
Napatingala ako nang bahagya nang makalapit na ito sa'kin. Ang tangkad naman kasi.
"Let's move," sabi nito bigla at tsaka naglakad palayo sa may entrance ng Apollo.
"Ha?" Nasabi ko na lang at sinundan ito. Huminto ito sa may gilid ng entrance ng chambre pero hndi naman kami masyadong malapit doon sa may guard post ng entrance nila.
"What is it?" Hindi ko na napigilang itanong. Nagtataka kasi ko sa kinikilos nito. Tapos 'yong way pa nang pagsasalita niya nakakapanibago. Pilit kong tinitignan ang mga mata niya kaso natatakpan ng visor ng cap niya kaya hindi ko makita.
"Let's break up," natulala ako sa sinabi nito at nabitawan ko ang pagkaing nakalimutan kong hawak ko pa pala.
"What?" Halos pabulong na tanong ko. Ano'ng pinagsasabi nito out of the blue?
"Let's break up. Today, let's end everything today. Goodbye, Lhia," pagkasabi noon ay tinalikuran ako nito. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito.
Bago pa ko magkapag-isip, kusa nang gumalaw ang kamay ko at pinigilan siya. Hinawakan ko siya sa isang braso niya.
"Wait, what did you just say?" Pagtatanong ko rito, hindi. Hindi. Imposible 'yong sinabi niya. Namali lang siguro ako nang dinig. Nakakatawa naman, nabibingi na yata ako. Sobrang gutom ko na nga talaga siguro kaya ganito ako.
Muli itong humarap sa'kin at tsaka nagsalita, "Everythings over between us now. That's it." Akmang tatalikuran ulit ako nito pero pinigilan ko ito ulit at tsaka nagsalita.
"Why all of a sudden? What did I do? Tell me," halos napipiyok na tanong ko. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko to the point na sumasakit na lalamuna ko.
At this point, alam kong hindi ako nabibingi. Na hindi na lang ito dala ng gutom ko. Alam ko na, na sa puntong ito totoo na. Totoong gusto na ni Orlando na makipaghiwalay.
Hindi ito sumagot at hinawi ang kamay kong nakahawak sa kanya. Nakaramdam ako nang kirot at sakit sa puso sa ginawa niya.
"You think I'll believe that? You can't even look at me in the eyes," matigas na sabi ko rito. Hindi ako papayag na bigla na lang nitong tatapusin ang lahat. Parang kahapon lang ayos pa kami tapos biglang ganito? Ni hindi nga niya ko matitigan habang sinasabi niyo 'yong mga iyon kanina!
Huminto ito at mabilis na humarap at naglakad palapit sa'kin. Marahas nitong inalis ang suot nitong cap at tinitigan ako sa mga mata.
And with the words he said, I felt my heart shatter in pieces. And I knew everything really ends now.
"It's a goodbye, Lhia. We're over."
Agad ako nitong tinalikuran at mabilis naglakad papuntang chambre. Ni hindi ko na ito nagawang pigilan o habulin pa. Nakaramdam na lang ako ng mga butil butil na tumatama sa katawan ko.
Unti unti akong tumingin sa kalangitan. Umuulan. Mahina sa una hanggang sa bigla itong lumakas. At para bang sinasabayan ang ulan, unti unting tumulo ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa hanggang sa napahagulgol na lang ako sa gitna nang malakas na ulan. Namalayan ko na lang, nasa silong na ko, kasama ng mga kaibigan ko. Nandito na kami sa may lobby ng Apollo.
Naramdaman kong may nagpupunas ng buhok ko. Naririnig ko rin ang pagpapatahan nila sa'kin. Pero alam ko sa sarili ko na kahit anong patahan ang gawin nila, hindi no'n maalis ang sakit na nararamdaman ko.
"Lhia, ano bang nangyari?"
Ano nga ba? Gusto ko rin malaman kung ano ang nangyari. Ano nga bang nagyari sa'tin, Orlando?
And just remembering his name makes me cry more. It hurts, dammit! It's painful!