Season 2 - Chapter 21

3138 Words
    "Mataas pa rin lagnat?" "37.9°C." "Bumaba na naman pero mataas pa rin." "Ano ba kasi nangyari sa kanya? Bakit ba nagpaulan 'yan ng ganyan?" Naririnig ko ang pag-uusap ng dalawa kong kapatid habang nakapikit ako. Nakahiga at nagpapahinga ako sa kwarto ko ngayon. Ang sakit ng ulo ko at ang init din ng katawan ko. Kahit na mainit ang pakiramdam ko gusto ko pa rin balutin ang sarili ko sa kumot. Para kasi kong nanginginig na ewan. "Trav, sinabi ba ng mga kaibiga niya kung bakit nagpaulan 'to?" "Hindi, kuya. Ang sabi lang nila no'ng lumakas na raw ang ulan at hindi pa sumilong si Lana, sila na mismo ang lumapit dito at isinilong ito sa payong na dala nila." Nakarinig ako nang malakas na pagbuntong hininga. Sorry, kuya Jarvis. Sorry, kuya Travis.                                                         Inaantok na minulat ko ang mga mata ko. Nakaramdam ako na para bang may tumatapik sa'kin at tama nga ako, mayroon nga. Si kuya Travis ang gumising sa'kin.                           "Oras na para uminom ka ng gamot. Kainin mo muna 'to," tinignan ko ang tinuro nitong mangkok na may lamang sopas.                        Dahan dahan akong naupo mula sa pagkakahiga ko. Inalalayan naman ako ni kuya, nang makaayos na ko nang pagkakaupo inayos naman nito ang unan sa may likuran ko para may masandalan ako.                                   Inabot sa'kin ni kuya Travis 'yong mangkok na nakapatong sa maliit na plato. "Kaya mo ba mag-isa?"                            Tango na lang ang isinagot ko rito at tsaka nagsimulang sumubo, kahit na nanlalata pa rin ako. Hindi naman ito gano'n kainit, hindi naman nakakapaso. Nakakatatlong subo pa lang ako pero wala na kong gana. Ito ngang pangatlong subo ko nahihirapan na kong lumunok.                       "Kaunti pa," napatingin ako kay kuya nang sinabi niya 'yon. Ayoko na makipagtalo dahil lang sa pagkain, kaya naman kahit nanlalata at wala talaga kong gana, pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nakailang subo pa ko bago ko tuluyang umayaw na. Hindi ko na talaga kaya pa.                      Mukhang kontento na naman si kuya sa nakain ko kaya kinuha na nito ang hawak kong mangkok at tsaka nilagay sa night stand ko. Inabutan ako nito ng isang basong tubig at tsaka isang gamot na wala sa lalagyan. Ininom ko lang iyon at kinuha na rin agad naman ni kuya ang baso sa'kin.                                     "Maupo ka muna kahit saglit. H'wag ka munang humiga, kakakain mo lang," tinanguan ko lang ito at tsaka sumandal sa unan sa may likuran ko. Inaasahan kong aalis na rin agad si kuya pero nanatili 'to sa pagkakaupo nito sa gilid ko, sa gilid ng kama ko. "Bakit?" Tanong ko rito, kahit na sa may bintana ito nakatingin at hindi sa'kin. "Si Orlando ang huli mong kausap bago ka nagkaganyan," pagkabanggit pa lang niya ng pangalan ni Orlando ay nanikip na agad sa sakit ang dibdib ko. Pakiramdam ko maiiyak ako ano mang minuto. "Nakipag-break ba sa'yo?" Napatitig ako rito pero katulad kanina sa may bintana pa rin 'to nakatingin.                                              Hindi ako sumagot at ipinalig sa kabilang direksyon ang ulo ko. Ayokong makita ni kuya na naiiyak ako. Nahihiya ako na ewan, hindi dahil sa kapatid ko siya. Ilang beses na ba ko nakita nitong umiyak no'ng bata kami? Hindi ko kaya makita niya kong naluluha o umiiyak dahil pinagsabihan niya na ako noon tungkol kay Orlando pero hindi ako nakinig. Una pa lang ayaw na niya kay Orlando, nagkasagutan pa nga kami noon dahil dito. Naramdaman ko ang pagkilos ng kumot na nakakumot sa lower body ko. Pagharap ko sa direksyon ni kuya Travis ay sakto namang pagtalukbong sa'kin ng kumot.                            "Kuya?" Hindi ko sinasadyang mapapiyok ng tawagin ko ito. Napatakip tuloy ako ng bibig ko.                               Naramdaman kong may humahawak sa'kin nang mahigpit. Hindi, mali. Hindi hawak kung hindi nakayakap. Niyakap ako ni kuya Travis habang nakatalukbong pa rin sa'kin ang kumot ko.                       "Lana, nandito si kuya Travis," pagkasabi noon ay biglang patak ng isang butil ng luha ko.      ~Flashback~ Nakagat ko ang labi ko. Nakakainis sila! Ayoko talagang nandito ang mga pinsan ko na 'yon! Mga pakialamero na, naninira pa ng mga gamit! Tapos ako pa pagagalitan? Sobrang nakakasama ng loob! Tumalikod ako sa may pintuan nang bumukas ito. "Lana," si kuya Travis. Mabilis kong pinunasan 'yong luha ko. Iinisin na naman ako nito lalo na kapag nakita nitong umiiyak ako! Hmp! "Lana," hindi ako humarap dito. "Napagalitan ka?" Ano ngayon sa'yo? Pagtatawanan mo ko? Aasarin mo ko? Hindi pa rin ako umimik, hindi rin ako humarap dito. Nagulat na lang ako nang biglang may tumalukbong sa'kin. "Kuya!" Naiinis na sigaw ko rito. Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin nito. Hindi ako makakilos! "Kuya naman 'e!" Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo nitong hinigpitan ang yakap sa'kin. "Lana," pilit pa rin akong kumakawala sa pagkakayakap nito. "Lana, nandito si kuya Travis," napatigil ako sa pagpupumiglas nang maramdaman ko sa ulo ko ang isang kamay nito. Para bang hinihimas himas nito ang ulo ko Napasimangot ako, nanginig ang labi ko. Hindi ko na napigilan at napaiyak na ko. Umiyak lang ako nang umiyak habang si kuya Travis inaalo ako habang nakayakap ang isang braso niya sa'kin, at pinapat ang ulo ko.      ~End of Flashback~                                                     Naimulat ko ang mga mata ko, hindi ko namalayang napapikit na pala ako. Naramdaman ko sa ibabaw ng ulo ko ang kamay ni kuya. Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at umiyak na ko. Iniyak ko ang lahat lahat. How ironic, 'yong taong madalas kong nakakaaway ang taong nasa tabi ko ngayon. At 'yong taong pinaglalaban ko noon, ang taong nang-iwan at nananakit sa'kin ngayon. In the end of the day, family mo pa rin talaga ang nandyan para sa'yo. * * * "Lhia!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin. Si Anne, kakarating at kakapasok lang niya sa homeroom namin. Wednesday ngayon at first day namin as college seniors. Natapat na Wednesday ang pasukan namin kaya ang first subject namin ngayon ay 'yong Foreign Language. "Anne," sagot na tawag ko rito. Naglakad ito papalapit sa pwesto ko.                            Naupo ito sa bakanteng upuan sa gilid kanan ko. Nasa may aisle kasi ang pwesto ko. Agad ako nitong hinarap nang mababa na nito ang bag niya.                                  "Ano na ba nangyari sa'yo? Ayos ka na ba? Simula no'ng enrollment hindi ka na namin ma-contact," sabi na at ito agad ang sasabihin niya. Inaasahan ko na ito dahil ilang linggo rin ako hindi nakipag-usap sa kahit kanino sa grupo namin.                                     Tatlong linggo. Eksaktong tatlong linggo na simula nang huli ko silang nakausap. Tatlong linggo na simula no'ng enrollment. At tatlong linggo na simula nang maghiwalay kami ni Orlando. Nakaramdam na naman ako nang kirot at lungkot sa puso ko. Ilang araw o linggo man ang lumipas, 'yong sakit gano'n pa rin. Ni hindi nga nabawasan 'yong sakit na nararamdaman ko. Ni hindi ko nga matandaan kung paano ko nalagpasan ang tatlong linggo na 'yon. Sa loob ng tatlong linggo, ilang text at tawag ang natanggap ko hindi lang galing kay Anne kung hindi pati na rin kila Jade at Shei. At no'ng minsan akong nag-online, nakita kong ilang beses din nila kong minessage sa group chat namin. May time pa ngang minessage nila ako outside ng group chat. Pero ni hindi man lang ako nag-abalang i-open o mag-reply sa mga ito. Hindi ko sila nagawang reply-an dahil abala ako sa paghahanap ng account ni Orlando. Nalaman ko kasing nag-deactivate na ito. Sinubukan kong hanapin kung may secret account ito o baka blinock lang ako pero wala, talagang nag-deactivate ito. Sinubukan ko rin itong tawagan sa mobile number niya pero cannot be reach na siya. Talagang pinutol na niya lahat ng ways na pwede ko siyang ma-contact.                   "Pasensya na at salamat din," iyon na lang ang sinagot ko sa kanya. Ayokong magsinungaling at sabihing ayos lang ako kahit hindi naman. Ayoko pa rin namang mag-kwento sa kanila. Hindi ko pa kasi kaya.                    Nahalata kong gusto pa rin nitong magtanong pero hindi na nito ginawa. Kilala naman nila ako, kapag gusto kong magkwento, ikukwento ko lahat. Kapag ayoko naman, wala talaga silang maririnig. Ilang saglit pa magkasunod na dumating si Jade at Shei. Katulad ni Anne, tinanong din nila ko kung ano'ng nangyari at iisang sagot lang ang sinabi ko sa kanilang tatlo.                         Natahimik at napatingin ang buong klase sa may pintuan ng may kumatok. Pumasok sa loob ng room namin si Ma'am Reyes. "Hi, girls! Ito nga pala ang section na all girls," pambungad nito sa'min habang nakangiti. "Before anything else, I'd like to inform you that you'll be in my care for this sem. I'll be your adviser. Anyway, hindi pa natin class ngayon. Nandito lang ako para iintroduce ang Foreign Language Instructor niyo. For starters, Nihonggo ang natapat sa two section Pre-school major. Also, you're all required to speak in English during your Foreign Languags class," dire diretsong sabi niti habang nililibot ang paningin sa paligid. "Oh, Lhia, Nihonggo. Hindi ba 'yon sana ang gusto mong aralin?" Bago pa man ako makasagot sa sinabi ni Jade ay nagsalita na muli si Ma'am Reyes kaya ibinalik ko na rito ang tingin ko. "By the way, bawal akitin ang new Instructor niyo. Kahit na single, bata, gwapo pa siya, bawal, okay? Bawal akitin, pero pwedeng pagnasahan," at tsaka ngumiti nang nakakatawa si Ma'am Reyes kaya natawa ang mga kaklase ko. Nailing na lang ako. "Oh, siya, ito na. Alam kong naatat na kayong ma-meet siya. H'wag na rin natin siyang pag-antayin nang matagal," sinasabi ni Ma'am Reyes ang mga 'yon habang naglalakad ito papalapit sa nakasarang pinto. Binuksan nito ang pinto, "Come in, Sir."                         Pagkasabi noon ay pumasok ang isang lalaki sa loob ng room. Napatitig ako rito at para akong nanigas habang sinusundan siya nang tingin, habang papunta siya sa pinaka gitna ng room. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nag-iilusyon lang ba ako? Miss na miss ko na ba siya masyado para makita siya sa harapan ko ngayon?                         "Sir, please introduce yourself."                             Nang magsalita siya alam ko na, alam ko na na hindi ako nag-iilusyon. Alam ko na na siya talaga ang nasa harapan ko ngayon. Seryoso ba 'to? Gusto ko siyang makita pero hindi sa ganitong sitwasyon.                      "Thank you, Mrs. Reyes," nilibot nito ang tingin sa loob ng classroom pero parang wala lang nitong dinaan ako nang tingin.                        Naikuyom ko ang dalawang kamay ko. Napapikit ako nang mariin at kahit nahihirapan ay napalunok na lang ako. Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko, hindi, pakiramdam ko may bumabara sa may puso ko. Para bang 'yong mga ugat na nakakonekta sa puso ko, lahat barado. Naramdaman ko ang pagtapik ni Anne sa kanang hita ko. "Lhia," pabulong na banggit nito sa pangalan ko. Hindi ko ito magawang tignan. Ni ayaw ko ngang ibukas ang mga mata ko. Iyon nga lang baliwala rin naman. Dahil kahit nakapikit naririnig ko pa rin ang boses niya. Lalong nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko paulit ulit ulit na hinihiwa ang puso ko. Ang sakit, sobrang kirot ang nararamdaman ko sa may puso ko.                                   "My name is Jae Shin Lee. You can just call me Sir Lan. I'll be your Instructor for your Foreign Language class." "Sir, why is your nickname 'Lan'?" Narinig ko ang pagtatanong ni Ma'am Reyes na nakatayo malapit sa may pintuan. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at tumingin sa may sahig. Hindi ko kayang tumingin sa harapan ko. "My English name is Orlando, but since it's quite long I decided to make it to Lan." "Oh, by the way, Sir. On behalf of the class, I'd like to ask something personal. Will that be alright?" "Go, ahead Ma'am." "You're single, right?" Bigla akong napatingin kay Ma'am Reyes. Biglang bumilis amg t***k ng puso ko.                                  Hindi ko naiwasang tumingin kay Orlando nang sagutin nito ang tanong ni Ma'am Reyes. Nilibot pa muna nito ang mga nito sa loob ng classroom at nang magtama ang mga mata namin tsaka ito nagsalita. "Yes, Ma'am. I'm very much single," at nagbitaw pa ito ng isang ngiti. Naghiyawan ang mga kaklase ko samantalang ako, naghuhumiyaw sa sakit ang puso ko. Ano pa ba inaasahan ko? Na sasabihin niyang may girlfriend siya kahit alam kong nakipag-break na siya sa'kin.                           "All right, my job here is done. I'll leave it to you now, Sir Lan," lumabas na agad si Ma'am Reyes ng room.                             Ibinaling ko na sa kanang direksyon ang ulo ko. Nararamdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko sa mga mata ko. Nakita kong nakatingin sa'kin 'yong tatlo. Lahat sila gulat at may nagtataka ang ekspresyon sa mukha. Nang mapansin kong magtatanong sana si Shei ay inilingan ko ito. Ayoko. Hindi ko kayang pag-usapan amg mga bagay ngayon. Tumingin ako sa kisame para pigilan ang pagpatak ng mga luhang namumuo sa mga mata ko.                             "Okay, ladies, please pass your CORs forward. Thank you."                     Huminga ako nang malalim bago ko sinubukang kuhanin 'yong COR sa loob ng bag ko. Napapikit ako nang mariin ng hindi ko mahawakan ang handle ng zipper dahil sa panginginig ng kamay ko. Sinara't bukas ko ang kamay ko pero hindi nawala ang panginginig nito.                               "Ako na, Lhia," napatingin ako kay Anne na siyang nagbukas, kumuha at nagpasa ng COR ko. Napansin ata niya ang panginginig ko. "Beh, inom ka muna ng tubig. Namumutla ka na," napatingin ako kay Shei at inabot nito sa'kin ang tumbler niya ng tubig.                                                 Hindi ko na ito tinaggihan at nanginginig na kinuha ang tubig. Binaba ko sa desk ang tumbler matapos kong uminom. Napapikit ako at naihawak ang kanang kamay ko sa may dibdib ko. Pakiramdam ko nahihirapan akong huminga.                     "Lhia, kaya pa? Parang bumibilis ang paghinga mo," hindi ko magawang tignan si Jade. "Papasa naman oh, salamat!" Napatingin ako sa kaklase namin sa may kasunod naming row nang pinaabot ito ang mga COR nila. Si Anne na ang kumuha at nagpasa nito. "Oy, Lhia. Namumutla ka, okay ka lang?" Pilit na ngiti lang ang naisagot ko rito. Napatingin ako rito nang hawakan nito ang kamay kong nasa desk ko. "Hoy! Ang lamig ng kamay mo tsaka nanginginig ka!" "What's the matter?" Natigilan ako nang marinig kong magsalita si Orlando. Base sa pinaggalingan ng boses niya, nasa may likuran ko lang siya. Nakatalikod kasi ang katawan ko sa may aisle. "Sir, Lhia's not feeling well. She's very pale. Can we bring her to the clinic?" Dire diretsong sabi ng kaklase ko. Ilang saglit natahimik si Orlando bago sumagot, "Okay, but I can only allow one person to send her to the clinic. Choose one," narinig ko ang mga yabag nito paalis sa likod ko. "Dali na, isa na sa inyo sumama kay Lhia." "Sige, ako na," pagpiprisinta ni Anne.                                        Hindi na ko tumutol dahil gustong gusto ko na ring makaalis sa room na 'to. Naunang tumayo si Anne na siyang sinundan ko. Sabay kaming naglakad papuntang pintuan. Madadaanan namin ang teacher's table sa harap at pinaka center ng room. Tinignan ko si Orlando at ni hindi man lang ako tinignan nito pagdaan ko. Pirma lang ito nang pirma sa mga COR. Nang makalabas na kami ng room ay diniretso namin ang hallway. Nasa dulo kasi nito ang exit. At paglabas mo sa exit, diretsuhin mo lang ay nasa clinic ka na. Naramdaman ko ang paghagod ni Anne sa likod ko. Napatingi ako rito at kita ko sa mga mata nito ang awa. Awa? Sa totoo lang, iyan ang pinaka ayaw kong makita ngayon. Ang awa, pero ano bang magagawa ko? Ako nga mismo naawa sa sarili ko ngayon. Nakakaawa talaga ako ngayon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Ramdam ko rin ang mabilis na paghinga ko. Bahagya pa rin akong nahihirapang huminga. Nakarating na kami sa may exit. Malapit na kami sa paliko ng hagdan, pagitan ng 3rd at 4th floor nang napahawak ako sa railings ng hagdanan hanggang sa napaupo ako sa isang step ng hagdanan.                                        "Lhia!" Gulat na tawag sa'kin ni Anne at naramdaman ko ang paghawak nito sa magkabilang balikat ko. "Lhia."                                    Naidikit ko ang noo ko sa may railings. Naihawak ko ang nanginginig ko pa ring kanang kamay sa may dibdib ko. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Taas baba ang mga balikat ko dahil sa pag-iyak at dahil sa mabilis kong paghinga. Naikuyom ko ang kanang kamay kong nakahawak sa may dibdib ko. Ang sakit, sobrang sakit. Parang pinipiga, parang walang tigil na hinihiwa ang puso ko. Bakit? Bakit sa dami ng pwedeng maging teacher, siya pa? Bakit kung kailan nagsisimula ko nang tanggapin ang katotohanang iniwan na niya ko, na tinapos na niya ang lahat sa'min at tsaka siya biglang magpapakita ulit? Bakit ako, hirap na hirap at nasasaktan pa rin dahil sa kanya? Samantalang siya, parang wala na lang? Bakit ako, mahal na mahal pa rin siya? Samantalang siya, parang ni hindi niya ako minahal. Samu't saring tanong at emosyon ang dumadating sa'kin. Pakiramdam ko ano mang oras bibigay na ang katawan ko.             Napapikit ako nang mariin. Hindi ako makahinga, pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko na maramdaman ang mga kamay ko. Ayoko na. Please, someone help me.                 "What's happening?" Isang pamilyar na boses galing sa itaas ang narinig ko. "Sir Van! Si Lhia po kasi..." Naramdaman ko ang pag-alis at paghawak ulit sa mga balikat ko. "Iya? Hey, what's wrong?"                                Bigla akong napaharap sa kung sino man. Hindi ko na maininaw kung sino ang kaharap ko dahil sa panlalabo ng mga mata ko. Ipinikit ko na lang ang mga ito. Para akong nakarinig ako ng mga boses mula sa baba pero hindi ko rin sigurado dahil nawala rin ito agad.                             "Excuse me, students, this is the exit." "Ay, sorry, Sir." Narinig ko ang mga yabag ng mga ito na papalayo. "We should rush to the clinic," pakiramdam ko bigla aking lumutang sa hangin. Hindi ko na masabi ang nangyayari sa paligid ko. "Anne, please bring my stuff." "Yes, Sir."                     Kahit nakapikit, ramdam ko ang liwanag sa paligid. Biglang pagdilim at biglang pagliwanag muli.                            Nakaramdam ako alng biglang paglamig ng paligid. "Baro! Come here!" "Van? Wait, here."                Naramdaman ko ang unti unting pagbaba ng katawan ko. Hindi ko alam kung saan lumapat ang likod ko at ayokong alamin. Ayokong buksan ang mga mata ko. Natatakot ako, natatakot akong kapag binuksan ko ito ay imahe niya ang muling sumalubong sa'kin. Mas pinariin ko pa ang pagkakapikit ko sa mga mata ko.                              "Baro, close the curtains." "Iya, it's okay. No one will see you. It's just me and the school doctor. Don't worry about the doctor, I'll handle him," may bumulong sa tenga ko pero hindi ko mapangalanan kung sino.  "What happened?" "I'm not sure but she's having a hard time breathing. She's shivering and her hands are very cold."                    Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Ang huling natandaan ko ay may kung anong bagay ang tumakip sa bibig at ilong ko.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD