Season 2 - Chapter 22

2036 Words
Iminulat ko ang mga mata ko. Para bang napakabigat ng mga talukap nito. Muli akong napapikit bago ko muling sinubukan ang mga ito.  Napatingin ako sa paligid ko, nasa kwarto ko ako. May kadiliman at tanging liwanag lang mula sa bintana ang nagsisilbing ilaw pero nakakasigurado ako kung nasaan ako. Saglit naging blangko ang pag-iisip ko. May nangyari ba? Pakiramdam ko may nangyari. Hindi ko lang maalala kung ano. Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ano bang nangyari?  "My name is Jae Shin Lee. You can just call me Sir Lan. I'll be your Instructor..." Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at napabalikwas agad ako ng bangon. Habol habol ang hininga kong napahawak sa dibdib ko. Ano 'yon? Panaginip ba 'yon? Pilit kong kinalma ang sarili ko bago ako umalis sa kama ko. Naisipan kong kumuha muna ng tubig para mahimasmasan ako. Hindi na ko nag-abalang buksan ang ilaw sa kwarto ko at dumiretso na ko agad sa labas. Dahil sa liwanag na dala ng buwan, hindi naging mahirap para sa'kin ang makapunta sa kusina. Kumuha lang ako ng isang baso ng tubig.  Pabalik na ko sa kwarto ko ng masilaw ako sa biglang pagbukas ng ilaw sa kusina. Napakurap kurap ako dahil sa sakit na dala ng biglaang pagliwanag ng paligid.  "Lana?" Ilang beses pa ko napakurap kurap bago ako nakatingin nang maayos kay kuya Jarvis. Mabilis itong nakapunta sa harapan ko. "Kumusta? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba? May kailangan ka ba?"  Bahagya akong umiling dito, "Nauhaw lang ako kuya."  "Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka nakapag tanghalian, hindi ka rin nakapag hapunan."  "Bakit? Ano'ng oras na ba?" Nagtatakang tanong ko rito. Hindi ako nakapag tanghalian at hapunan? Napahawak ako sa may lalamunan ko. Kakainom ko lang naman ng tubig pero parang nanunuyo ito. Agad akong tumalikod at binuksan ang ref para kumuha ulit ng tubig pero mabilis na inagaw ni kuya ang hawak kong bote ng tubig.  Napatingin ako rito, "Tama na kakatubig mo. Maupo ka, ipaghahain kita." Hindi na ko nakipagtalo pa at naupo na lang ako. Pinanuod ko lang ito habang may kung ano'ng hinahanda para sa'kin.  Napamasahe ako sa mga mata. Gising na gising na ang diwa ko pera napasakit at bigat pa rin ng mga mata ko.  "Bakit ka umiiyak?" Napatigil ako sa pagmasahe sa mga mata ko at napatingin kay kuya. Nilapag nito sa harapan ko isang platitong may dalawang taklob ng tinapay, at isang baso ng tubig. Akala ko naman kanin at ulam ang ibibigay nito sa'kin. "Hindi ako umiiyak. Masakit kasi ang mga mata ko." Agad kong kinuha ang isang tinapay at kinain ito. Ewan ko ba at bigla na lang akong nakaramdam ng gutom. "Bakit namumugto mga mata mo?" Natigilan ako sa sinabi nito. Namumugto? Kaya ba ang bigat ng mga mata ko? "Bakit bigla kang nag-hyperventilate kanina?" "Ha?" Bigla akong naguluhan sa mga pinagsasabi ni kuya Jarvis. "Hindi ko maintindihan, kuya. Ano ba sinasabi?" Hindi ko na napigilan ang pagkunot ng noo ko. Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako. "Kuya?" "Hindi mo ba tanda ang nangyari sa'yo kanina?"  Saglit akong napaisip sa sinabi nito. Unang araw namin ngayon as college seniors. Pumasok ako sa university tapos...teka, ano nga ulit nangyari pagpasok ko? Ang tanda ko pumasok si Ma'am Reyes sa room namin tapos no'n...napahawak ako sa ulo ko gamit ang libreng kamay ko. Bakit hindi ko matandaan ang kasunod na nangyari?  "Lana..." Ano nga ulit nangyari pagkatapos? "Lana," napaangat ako ng tingin nang maramdaman ko ang kamay ni kuya sa tuktok ng ulo ko. "Kumain ka na."  Hindi ako umimik dito. Sa huli sinunod ko lang ang sinabi nito. Nang matapos ako sa pagkain ay pinabalik na ko ni kuya sa kwarto ko, siya na raw bahala sa pinagkainan ko.  Pagbalik ko sa kwarto, agad akong napatingin sa orasan ko.  12:50 AM Madaling araw na pala. May pasok pa ko mamaya. Ano'ng oras nga ulit ang pasok ko? Nasaan ba ang bag ko? Binuksan ko 'yong ilaw sa kwarto para hanapin 'yong bag ko. Nakita ko ito sa may study table ko. Agad ko itong nilapitan at hinanap ang class schedule namin. Nilabas ko 'yong maliit na plastic envelope mula sa bag ko. Dito ko nilalagay ang COR at class schedule ko, pati na rin 'yong ibang importanteng mga papel.  Thursday...Ano ang schedule ko ng Thursday? Napahinga ako nang maluwag nang makita kong medyo tanghali na ang unang subject namin, 10:00 AM pa ito. Ibabalik ko na sana ang papel na hawak ko sa lalagyan nang mapatingin ako sa subject na katabi ng unang subject namin ngayong araw.  Foreign Language Tatlong oras ang subject na ito at tuwing Wednesday. Tinignan ko ang dalawa pang subject na nasa hilera ng Wednesday. Naipilig ko ang ulo ko. Bakit hindi ko maalala kung ano ang nangyari sa mga subject na 'to? Gulat akong napatingin sa may pinutan ng may kumatok dito. Bumukas ito at nakita ko si kuya Jarvis.  "Lana? Ano 'yang ginagawa mo?" "Tinignan ko lang oras ng pasok ko kuya." Itinaas ko pa ang class schedule na hawak ko. Tinanguan ako nito, "Sige na, matulog ka na. Kaya mo bang pumasok mamaya?" Nagtataka man ako sa huling tanong nito ay sinagot ko pa rin. "Oo, kuya."  Ngumiti lang ito sa'kin bago ko muling pinagsabihang matulog na. Agad kong niligpit ang gamit ko. Si kuya Jarvis na mismo ang nagpatay ng ilaw para sa'kin nang makapwesto na ko sa kama ko. Pagkatapos no'n ay umalis na rin siya. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdamn ko may isang mabigat na pangyayaring nangyari ang hindi ko matandaan. Napapikit na lang ako. Kahit kasi ano'ng isip at pag-alala ang gawin ko, hindi ko talaga maalala.  * * * Napahikab ako habang naglalakad ako papunta sa kwarto namin sa 3rd floor. Hindi ko alam kung bakit kahit parang pagod na pagod ako, hindi ako makatulog. Halos dalawa o tatlong oras lang ata ang itinulog ko. Sa totoo lang, nahirapan akong kumbimsihin ang pamilya ko para makapasok ngayong araw. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila kong papasukin. Magpahinga na lang daw muna ko at sa isang linggo na lang ako pumasok. Bakit ako magpapahinga? Nagkasakit ba ko? Sa huli, napilit ko rin sila. Hinatid pa nga ako ni kuya Jarvis hanggang sa loob ng umiversity. Buti na lang may alumni ID siya kaya nakapasok. Ngayon ko nga lang nalamang may gano'n pala sa university namin. "Lana!" Napalingon ako sa may likuran ko ng may tumawag sa'kin. "Sir? Good morning po," pagbati ko kay Sir Czam na naglalakad palapit sa'kin. "I heard what happened yesterday. Bakit pumasok ka na? Okay ka na ba?" Nagtaka, na naman, ako sa narinig ko mula rito. "Okay naman po ako, Sir." Napakunot ang noo nito sa sinagot ko, "Sigurado ka?" Tinanguan ko ito bilang tugon. "I really think you should be resting right now." "Pero ayos lang naman po talaga ko," pagpupumilit ko rito. Hindi na ito umimik pa at imbes ay sinabayan na lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung talagang sa 3rd floor din ba ang punta nito pero talagang kasabay ko siya hanggang sa makapasok ako sa classroom. Umalis din naman ito agad pagkapasok ko. Pagkapasok ko, halos wala pang tao sa loob. Naupo na lang ako sa may bandang gitnang row, sa may aisle seat. Bigla akong napaisip kung prof ba ulit namin si Sir Czam. Hindi ko matandaan na chineck ko ang COR ko pagkakuha ko noon. Binuksan ko ang bag ko at kinuha 'yong plastic envelope para i-check ngayon kung prof ba ulit namin siya. Nailabas ko na ang lahat ng laman ng envelope ko, pati 'yong mga lumang COR, class schedule, at exam permit, pero hindi ko talaga makita 'yong bagong COR ko. Saan ko 'yon nailagay? Ito lang naman lalagyan ko. Napabuntong hininga ako ng hindi ko makita. Iniligpit ko 'yong mga nilabas ko. Nailing na lang ako sa sarili ko, patay ako sa prof namin. Wala akong maipapakitang proof na enrolled ako sa subject namin ngayon. Habang abala ako sa pag-aayos ng gamit at pamomoblema ng gagawin ko ay may isang taong tumawag sa'kin. "Lhia!" Napatingin ako kay Anne na gulat na gulat na habang nakatayo sa may door frame. "Anne." Pabalik na tawag ko rito. Mabilis na naglakad ito papalapit sa'kin. "Bakit pumasok ka na? Okay ka na ba?" Napabuntong hininga ako sa narinig ko rito. Pati ba naman siya? "Bakit ba ayaw niyo kong papasukin? Wala naman akong sakit." Umayos ako nang pagkakaupo para makadaan siya sa harap ko at makaupo sa tabi ko. Naupo muna ito sa tabi ko bago nagpatuloy. "Ano ka ba, girl! Nag-hyperventilate ka kahapon. Grabe kaya 'yong kaba ko sa'yo!" Hinampas pa ko nito sa kaliwang braso ko. "Ha?" Iyan lang ang naisagot ko habang hinihimas himas ko ang braso ko. "Ano'ng sinasabi mo?" "Ano'ng 'ano'ng sinasabi mo?' ka diyan? Parang hindi mo alam nangyari kahapon." Tinanggal nito sa likuran niya ang bag na nakasukbit sa balikat niya. "Ano bang nangyari kahapon?" Walang ideyang tanong ko rito. Hindi makapaniwalang tumitig 'to sa'kin. "Seryoso ka ba?" "Mukha ba kong nagbibiro?" Tanong pabalik ko rito ng may bigla akong maalala. "Ay, teka nga! Naalala ko, hindi ko nga pala makita ang COR ko." "COR? Nasa akin COR mo." Napatingin ako rito sa sinabi niya. Binuksan niya ang bag niya at ilang saglit pa ay inilabas nito ang isang dilaw na papel. "Oh." Kinuha ko ang inabot nito at tinignan ang pangalang nakalagay dito. Sa'kin nga ito, "Bakit nasayo 'to?" Nagtatakang tanong ko habang winasiwas pa ng kaunti 'yong papel na hawak ko. "Naiwan kasi 'yan, hindi na namin naihabol sa mga gamit mo. Pinapirmahan na rin namin sa iba pa nating prof kahapon para wala ka ng problema." "Wait," ibinaba ko sa arm ng chair 'yong hawak ko. "Saan ba ko nagpunta kahapon?" Natigilan 'to sa tanong ko, "Kasi ang tanda ko lang, pumasok ako sa unang subject natin. Tapos pumasok si Ma'am Reyes, tapos no'n....hindi ko na matandaan." "Iyon lang natatandaan mo?" Tumango ako rito biglang sagot. Napabuntong hininga ito, "Wait, hindi ako makapaniwalang nakalimutan mo nangyari kahapon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula."  Ilang minuto itong hindi umimik. Para bang nag-iisip siya. "Anne?" "Kasi Lhia..." napansin kong napalunok muna ito bago nagsalita muli. "Pinakilala ni Ma'am Reyes kahapon 'yong prof natin sa Foreign Language..." tinignan ako nito habang ako naman nakaabang sa susunod na sasabihin nito. "...siya si Sir Lan." "Sir Lan? O tapos?" Parang nag-aalangan pa itong magpatuloy kaya siniko ko na ang braso nitong nasa may arm ng chair niya. "Tapos bigla kang sinamaan ng katawan. Habang papunta tayong clinic hindi mo na kinaya kaya binuha ka na lang ni Sir Van." Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi nito. "Ano? Binuhat ako ni Sir Van? Paano? I mean, bakit bigla siyang napasok sa storya?" "Nakita niya kasi no'ng pababa tayo sa emergency exit na hindi ka makakilos. Syempre, hindi kita kayang mag-isa kaya ayun." Napanganga ako sa sinabi nito. Hindi ko naiwasang ilagay ang dalawang kamay ko sa mga pisngi ko. Nakakahiya! Pinagpatuloy ni Anne ang pagkwento sa mga nangyari. Nang madala ako sa clinic, binigyan daw siya ng school nurse ng excuse slip para sa'kin. Si Sir Van daw ang nag-utos sa kanyang ayusin 'yon at ipakita sa mga prof namin kahapon. Pinasuyo na rin daw sa kanya nito na kuhanin ang mga gamit ko, naiwan nga lang daw 'yong COR ko kasi na kay Prof. Lan pa raw 'yon no'ng kinuha niya ang mfa gamit ko. Hindi ko naiwasang mapakamot ng ulo ko, kahit hindi naman makati. Ang daming nangyari sa'kin kahapon pero ni isa wala akong matandaan. Weird. Habang nag-uusap kami, dumating na rin sila Jade at huli si Shei. Tulad nang pagbungad ni Anne sa'kin ang pagbungad nila. Nagtataka sila bakit pumasok na ko, etc. Natapos ang klase namin sa buong araw. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang parang nagbubulungan 'yong tatlo. Kapag napapatingin naman ako sa kanila, bigla silang tumitigil. Mas lalo lang nilang pinapahalata 'e. Hindi ko tuloy maiwasang isiping ako ang pinag-uusapan nila. Ano kaya problema no'ng mga 'yon sa'kin? Hanggang sa makauwi kami, naging weird sila sa paningin ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD