Naging mabilis ang takbo ng mga araw. Saktong isang linggo na simula nang magsimula ang senior years namin. Araw ng Miyerkules ngayon at ang unang subject namin ay 'yong Foreign Language. Sa lahat ng prof namin, 'yong sa Foreign Language na lang ang hindi ko pa nakikita. 'Yong mga prof ko no'ng nakaraang Miyerkules na hindi ko nakita ay nakita ko na no'ng mga nakaraang araw. Dalawang meeting kasi ang subject namin sa kanila, hindi katulad nitong Foreign Language na dineretso na 'yong tatlong oras.
Napatingin ako sa corridor na katapat no'ng room namin para sa unang subject. Walang tao sa labas. Napatingin ako sa oras sa phone ko, 9:30 AM. Masyado pa ba kong maaga o may nagkaklase pa sa room? Kapag kasi may nagkaklase pang ibang section sa loob kakailanganin kong bumaba. Bawal kasing maghintay o tumambay sa tapat ng room kapag may nagkaklase pa.
Binagalan ko ang lakad ko nang malapit na ko sa room namin. Gumilid ako sa may side ng pader, sinilip ko kung may mga tao ba sa loob.
Walang tao sa may likuran. Baka walang tao?
Umayos ako nang pagkakatayo. Napansin kong may nakapaskil na class schedule do'n sa nakabukas na pintuan.
Oo nga 'no? Bakit hindi ko naisipang i-check 'to?
Lumapit ako rito at tinignan ang schedule para ngayong araw. Napahinga naman ako nang makita kong kami pala ang unang gagamit. Mabuti na lang hindi ko na kailangang bumaba pa.
Lumayo na ko sa may pintuan. Akmang papasok na ko nang matigilan ako dahil sa taong nakaupo sa may teacher's table na nasa may unahan at bandang gitna ng silid. Hindi ko makita ang itsura nito dahil nakaharap ito sa may kabilang bahagi ng kwarto, ang likod nito ang nakaharap sa may pintuan.
Siya kaya 'yong prof namin? Bakit ang aga?
Humugot muna ko ng hininga bago marahang kinatok ang nakabukas na pintuan. "Excuse me po, Sir?"
Inabangan ko ang pagharap nito sa'kin. Ilang minuto itong hindi gumalaw. Masyado bang mahina ang pagkatok at pagsasalita ko?
Inuulit ko ang pagkatatok sa may pintuan, medyo nilakasan ko pa ito. "Sir? Good morning." Muling pagbati ko rito na mas malakas na ang boses.
Hindi pa rin ako nito hinarap. Pasimple akong napabuntong hininga. Ano bang gagawin ko rito? Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko malaman kung bababa na lang ba ko at doon na lang maghintay hanggang sa mag-time na, o papasok na lang ako basta kahit hindi ako nililingon nito.
Patalikod na sana ko para bumaba na lang nang mapasin ko ang pagkilos nito. Dahan dahang humarap ito sa direksyon ko. Natigilan ako sa pagharap nito at para ba kong nabato habang nakatitig rito.
Nakapako lang mga mata ko sa kanya. Habang siya nanatiling nakaupo sa upuan niya. Napalunok ako at napahawak sa hamba ng pintuan. "Orlando?" Halos pabulong at ubos hininga kong pagbanggit sa pangalan niya.
"My name is Lan, I'm your Foreign Language instructor. Please address me properly."
Instructor?
Nahigit ko ang hininga ko. Parang flashback na biglang bumalik sa isipab ko ang mga nangyari no'ng nakaraang linggo. Mula sa pagpapakilala sa kanya ni Ma'am Reyes hanggang sa pagbaba namin ni Anne sa may emergency exit.
Naisandal ko bigla ang sarili ko sa may hamba. Napahawak ako sa dibdib ko. Naramdaman kong may mga butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata ko. Napansin kong napatayo ito mula sa kanyang pagkakatayo.
Ayoko. Ayoko. 'Wag kang lalapit!
Bigla akong tumalikod dito at tumakbo palayo. Halos walang lakas ang mga binti ko sa pagtatakbo ko. Ilang beses kong naihawak sa pader ang kamay ko para hindi ako bumagsak sa pader. Nang makarating ako sa may hagdanan, halos mahulog ako sa pagbaba.
Napaupo ako bigla sa may isang baitang ng hagdanan ng may makabangaan ako. "Oops! Sorry, Miss."
Naihawak ko sa dibdib ko ang kanang kamay ko habang nakayuko ako. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko walang hanging pumapasok sa baga ko.
"Miss? Miss? Teka, ilipat natin siya sa may bench." Nakaramdam ako ng may umalalay sa'king tumayo. Hindi ko na namalayan kung paano ako nakapaglakad pero napaupo na ko sa may bench, nakapwesto ito sa bawat palikong bahagi ng mga hagdan dito.
"Paper bag. Kailangan natin ng brown paper bag."
"Ako na kukuha, samahan mo siya."
Hindi ako makahinga, hindi ako makahinga. Nakaramdam ako nang paghawak magkabilang balikat ko.
"Miss, huwag kang yumuko. Umupo ka nang maayos." Napasandal ako matapos ako nitong paayusing nang pagkakaupo.
Naipikit ko ang mga mata ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko, ramdam ko ang tagaktak ng pawis ko.
"Stay calm, okay? Stay calm. Don't close your eyes." Pinilit kong gawin ang sinasabi nito pero hindi ko magawa.
Napaiyak na lang ako nang maalala ko ang itsura ni Orlando. Ibang iba ang itsura niya kumpara sa huli kong pagkakita sa kanya. Halos hindi ko na siya nakilala kanina.
"Ito na."
"Okay. Wait."
"Miss? Miss, tumingin ka sa'kin." Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at tumingin dito. May bigla itong inilagay sa bibig ko. Pareho nitong natatakpan ang ilong at bibig ko. "Dahan dahan kang huminga. Inhale. Hold your breathe. Exhale."
Sinunod ko ang bawat sinasabi ng babae sa harap ko. Paulit ulit naming ginawa iyon hanggang sa maramdaman kong kumakalma na ko.
Naramdaman kong may nagpupunas sa noo ko. Tinignan ko ito, isang lalaki. Napansin kong magkapareho sila ng suot. Light blue na lab coat, white uniform sa ilalim nito. Nursing students?
"Lhia?" Napatingin ako sa taong tumawag sa'kin.
"Jade," banggit ko sa pangalan nito kahit nasa may bibig ko pa rin 'yong brown paper bag. Mabilis itong naglakad papunta sa'kin.
Tinignan nito ang kabuuan ko. "Ano'ng nangyari? Nag-hyperventilate ka na naman?" May halong gulat at pag-aalala sa boses nito.
"Na naman?" Tumingin sa'kin 'yong babaeng nursing student. "Miss, hindi ito ang unang beses na nangyari sa'yo 'to?"
Hindi ako makasagot dito, si Jade na ang sumagot para sa'kin. "Uhm, excuse me. Ako na sasagot. Ito na 'yong pangalawang beses na nangyari sa kanya 'to. Last week 'yong unang beses."
"Kung napapadalas palang nangyayari 'to, dapat magpacheck up ka na." Napatingin ako sa lalaking nursing student na kasama nito. Bahagyang pagtango na lang isinagot ko rito.
Pinipilit ako no'ng dalawang nursing student na pumunta sa clinic para doon magpahinga pero tumanggi ako. Nang hindi nila talaga ko mapilit ay tumigil na rin sila.
"Ito, tubig 'o," inabot ko 'yong inaabot na tubig no'ng lalaki. Tinanggal ko 'yong brown paper bag sa bibig ko bago ako uminom.
"Salamat." Saglit akong napatigil bago ako may naalala. "May klase ba kayo?" Tanong ko habang nagpasalinsalin ng tingin sa kanilang dalawa.
"Mayroon pero sasamahan ka na lang muna namin dito. Ayaw mo kasi sa clinic." Bigla akong napaayos sa pagkakaupo dahil sa sinabi no'ng lalaki.
"Salamat pero okay na ko. Baka mapagalitan pa kayo ng prof niyo."
Ilang minutong diskusyon ang naganap bago bumigay 'yong dalawa. Sa huli, umalis na rin sila para pumunta sa klase nila sa 5th floor ng Athena. Open to all colleges kasi ang 5th floor dito kaya karaniwan nang makakita ka ng ibang estudyante sa building namin. Kaya naman silang pumayag na iwan na ko ay bukod sa dumating na rin si Anne, dalawa na sila ni Jade, nangako akong pupunta ko mismi sa clinic kapag biglang sumama ulit ang pakiramdam ko. Malaking pasasalamat ko sa dalawang iyon, ni hindi nila tinanggap 'yong bayad ko para sa mga brown paper bag at tubig na binigay nila.
Naupo sa magkabilang gilid ko si Anne at Jade.
"Ayos ka na ba talaga?" Pagtatanong ni Jade.
"Hindi." Diretsang sagot ko rito. "Paano ko magiging maayos kung siya pala 'yong prof natin?"
"Natatandaan mo na?" Tumango ako sa tanong ni Anne. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit takang taka sila noon, kung bakit parang hirap sa kanya na ikwento 'yong nangyari sa'kin no'ng nakaraan. Tingin ko, ito rin ang dahilan kung bakit ang weird nilang tatlo, 'yong mga pasimple nilang bulungan. Napabuntong hininga na lang ako. Paano ko nagawang kalimutan ang ganitong bagay?
Nanatili kami sa bench hanggang sa malapit nang magsimula ang klase namin. Walang kalakas lakas ang mga binti kong tumayo.
"Lhia, papasok ka ba?"
Napabutong hininga ako bago ko sumagot kay Anne, "Tingin ko...hindi muna." Nalulungkot akong tumingin dito.
"Saan mo gustong maghintay sa'min? Hatid ka namin."
Sa huli, nanatili ako sa library. Buong tatlong oras ng klase namin ay nandoon lang ako. Kumuha ako ng fiction book at nagkunwaring nagbabasa, kahit ang totoo ay nililipat ko lang ang mga pahina na wala akong nababasang kahit ano.
Nalaman ko lang na tapos na pala ang klase namin nang sunduin ako nila Jade sa library. Dahil isang oras ang vacant namin, lumabas muna kami sa university para kumain. Sa totoo lang, wala akong ganang kumain. Halos hindi ko nga malunok 'yong binili kong pagkain.
Napakabigat at bagal ng takbo ng buong araw na ito. Nang matapos ang huling klase namin ay agad akong nagpaalam sa mga kasama ko. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga na. Hindi naman na nila ko pinigilan pa at hinayaan na lang nila ko.
* * *
Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama ko. Malalim na buntong hininga ang kumawala sa bibig ko. Napahawak ako sa may lalamunan ko nang pakiramdam ko may tumama rito. Natigilan ako sa nahawakan ko. Mabilis akong naupo. Agad akong lumapit sa may salamin. Inalis ko ang dalawang unang butones ng blouse ko.
Napatitig ako sa repleksyon ng bagay na nakasabit sa leeg ko. Isang kwintas.
Ito 'yong kwintas na niregalo sa'kin ni Orlando noong prom night namin. Nanginginig kong hinawakan ang hugis susi nitong pendant.
"They say that the key necklace represents opening doors of opportunities or..."
Kinuha nito ang kanang kamay ko inilagay sa dibdib niya, kung nasaan ang puso niya.
"...holding the key to one's heart."
Mahigpit ko itong hinawakan. Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong maiyak. Ang galing niya magsalita kasing galing niya mang-iwan.
Napapikit ako sa sakit at kirot na nararamdaman ko sa may puso ko. At talaga namang parang nananadya ang utak ko, dahil ngayon ko pa talaga nagawang alalahanin ang mga magagandang alaala namin noon.
~Flashback~
Tinignan ko 'yong chocolate na nilapag niya sa table at tsaka ko binalik ang tingin ko sa kanya.
Nagpangalumbaba 'to bago nagsalita, "For you," binalik ko ulit sa chocolate 'yong tingin ko. "Home made chocolate, one of the house keeper of Chambre made that."
"Ah, so it's safe to eat," pagkasabi ko no'n tsaka ko kinuha 'yong chocolate at tsaka ko binuksan.
"Neo," (You) saglit ko siyang tinignan tsaka pinagpatuloy ang pagbubukas. "You really think I'll poison you or something?" Pinipigilan kong matawa ko mangiti, paano ba namang hindi? Parang bata kasing inaaway ng kalaro itsura niya.
"Ahmm," nagkunwari akong parang nag-iisip ng isasagot sa kanya.
"Yah!" (Hey!) Hindi ko na napigilan sarili ko at natawa na talaga ko pero agad din akong tumigil at pilit pinipigilan ang sarili kong matawa pa. "Neo! Wah!" (You! Woah!)
Bahagya akong umangat sa pagkakaupo ko at tsaka sinubo 'yong isang piraso ng chocolate kay Orlando.
"A while ago you're teasing me, now you're flirting me. Ah, jinjja," (Ah, seriousy) halatang hindi pa niya nginunguya 'yong sinubo ko kasi nakabukol sa kanang pisngi niya 'yong chocolate.
"When did I tease you?" Sinundot ko 'yong pisngi niya kung nasaan 'yong chocolate. "And flirting isn't my thing."
"Good then," bigla na lang ako nitong kinindatan.
Bigla akong napangiwi sa ginawa niya. "Yuck," biro ko sa kanya.
Bigla naman siyang tumawa at mahinang tinulak ang noo ko gamit ang dalawang daliri niya.
"What time is it?" Tanong ko pagkasubo ko ng piraso ng chocolate. Ang sarap! Buti hindi masyadong matamis! Hindi ko kaya 'yong sobrang tamis 'e.
"Hmm," habang nakapalumbaba pa rin at ngumunguya ng sobrang bagal tinignan nito 'yong wrist watch nito. "Ahmm," parang iniisip pa nito kung ano'ng oras na ang sasabihin. Pustahan pinagtitripan na naman ako nito.
"Ah, jinjja!" (Seriously!) Hinawakan ko 'yong kaliwang kamay nito, sa left wrist kasi nakasuot 'yong wrist watch nito, at nilapit sa mukha. Hindi naman sobrang lapit, sakton lang para makita ko 'yong oras.
1:43 PM
Napatingin ako kay Orlando ng matawa 'to. "What?" Tanong ko rito habang nginunguya 'yong chocolate. Hindi naman sobrang puno ng bibig ko kaya understandable pa 'yong sinabi ko.
"Should I buy you a watch? You always ask me for time," mabilis na iling ang ginawa. Pinatong ko 'yong mga kamay namin, na magkahawak na ngayon, sa table sa pagitan namin.
"No!" Napalunok muna ko ng kinakain ko bago nagpatuloy, "Do you really think I can't buy a watch?"
"So what's your reason?" Bahagyang pinilig ko ang ulo ko sa kaliwa, inaantay ang susunod niyang sasabihin. "For not buying a watch."
"I have you, you have your watch and I'm enjoying bothering you just to ask what time is it," sabihin na lang natin na 'yon na ang panlambing ko sa kanya? Ahe.
Nginitian ako nito ng sobrang tamis. Mas matamis sa chocolate na bigay. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang mapangiti. Juice ko! Ano ba namang klaseng ngiti ang mayroon ang lalaking 'to? Ngitin pa lang kinikilig na ko!
"Just smile if you feel to," umiling ako na parang defensive sa sinabi niya. "Eeii," nagmake face ako para pigilan ang pagngiti ko. Paminsan minsan dapat hindi pinagbibigyan 'to 'e, nagiging uto uto kasi ko 'e!
In the end siya rin ang na ngiti at natawa.
~End of Flashback~
Dahan dahan akong napaupo. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Nagsimula na naman akong umiyak. Ano bang nangyari sa'min? Dati, puro saya ang nararamdaman ko at gustong gusto ko siyang nakikita. Ngayon, ni hindi ko siya matignan ng isang minuto at sobrang sakit at kirot ang nararamdaman ko tuwing nandyan siya.
Orlando, bakit mo ba talaga ko iniwan?