Chapter 7

2629 Words
That voice. Ema Bladein. Napatingin ako kay Sir Van nang mabilis 'tong naglakad papunta sa direksyon ng pinto. Nang nasa pinto na siya lumingon muna siya sa'min. "Excuse me for a while, ladies," at tsaka palang 'to lumabas ng pinto at sinara ito pagkalabas niya. Tahimik lang ang klase, alam kasi naming masungit si Sir kaya ni hindi makapag ingay kahit nasa labas naman. Pero hindi 'yon ang inaalala ko ngayon kundi 'yong bisita ni Sir. Hindi ako pwedeng magkamali kasi alam na alam kong boses talaga ni Ema 'yon. Tsaka no'ng nag-search ako ng tungkol sa kanya nanuod din ako ng mga interviews niya no'n 'e, kaya pamilyar na pamilyar bosrs niya sa'kin. Bukod pa 'yong fact na narinig ko boses niya do'n sa may bar. Chismosa na kung chismosa pero gusto kong malaman kung baki niya pinuntahan si Van, I mean Sir Van. Kasi iniwan na niya si Sir no'n so break na sila 'di ba? "Lhia," bigla akong napatingin kay Anne. "Bakit?" Sa totoo lang medyo nagulat ako sa bigla niyang pagtawag sa'kin. "Para ka kasing natulala 'e," masyado ba kong halata? "Gano'n talaga kapag tumakbo, nakakatunganga," okay, wala ng sense mga pinagsasasabi ko. Mabuti pa tumahimik na ko at buti na lang din 'di na ko kinausap ulit ni Anne. Bumalik na rin ulit kasi sa loob ng room si Sir. Sinubukan kong basahin ang expression ng mukha niya pero 'yong usual na poker face lang niya nakikita ko. Saglit akong napapikit ng mariin bago humugot ng hininga. Ano ba 'tong ginagawa mo Lhia? Ikaw na mismo nagsabi noon na hindi ka nangingialam sa may buhay ng may buhay, at sa may issue ng may issue. So, bakit mo pilit pang inaalam kung ano'ng napag-usapan nila? Wala ka namang kinalaman sa kanila, wala. Nainvolve ka lang naman kasi aksidente mo silang narinig, 'yon lang. Tama, hindi ko na dapat pang pakialaman ang personal na buhay ng professor ko. Mag-focus sa pag-aaral ang dapat kong gawin. Tama, senior na ko next year. Pinapasa muna ni Sir Van 'yong folders namin na may lamang printed TOS at sample test papers. Pagkatapos no'n nagsimula na rin agad ang klase. Kung paano 'yong usual na klase namin sa kanya no'ng nakaraang meeting namin, gano'n lang din ang naging klase namin ngayon. Kung tatanungin kung ano'ng klaseng professor siya, siya 'yong strict and serious pero hindi boring ang klase niya. Sa totoo lang hindi nakakaantok klase niya kahit alanganin ang oras. 'Yong mga complicated definition kasi napapasimple niya. Hindi rin siya traditional type na book-based kung magturo, na as in cover to cover. Hand outs at white board ang material niya sa pagtuturo. Tulad no'ng mga nakakaraang meetings naging mabilis lang din ang takbo ng oras ng klase namin. May natitira pa kaming 30 minutes pero hindi na ginamit 'yon at dinismiss na rin agad kami. "That's all for today, prepare for quiz on Friday. Class dismiss," pagkasabi no'n ay binura lang nito ang writings sa board. "Thank you, Sir!" Halos sabay sabay na sabi naming klase. Kahit nakatalikod 'to napansin ko ang pagtango nito sa pag-'thank you' namin. Pagkatapos nitong magbura ay inayos lang nito ang gamit nito tsaka lumabas. "Bye, Sir," pahabol pa no'ng iba naming kaklase. "Uwian na!" Masiglang sabi ni Jade. Tumayo na ko sa pagkakaupo ko matapos kong ayusin 'yong mga gamit. Humarap ako sa may likuran, sa may bintana. 'Yong pwesto kasi namin nakadikit na sa pader na paglingon mo bintana na. Pagsumilip ka sa bintana makikita mo 'yong grounds sa tapat ng Athena building. Napatingin ako sa katapat na building ng Athena, ang Apollo. Hindi 'to magkatabi, may malaking pagitan sa dalawang building pero magkatapat 'to kaya kitang kita pa rin ang Apollo mula rito sa home room namin sa 4th floor. Napatitig ako sa may 5th floor ng Apollo. Ang floor ng mga Koreans. Ang buong 5th floor ng Apollo ang nagsisilbing classroom ng mga Korean students na nandito para mag-aral ng English. May mga cubicle like rooms doon for 1:1 class, bawat 1:1 cubicle ay may mga Filipino teachers na naka-assign. 'Yong cubicle na rin na 'yon ang nagsisilbi nilang kanya kanyang faculty area. May mga half size ng normal room size din par sa group class nila. May sarili silang cafeteria do'n na puro Korean foods ang hinahain. May sariling cr, syempre naman, at may office din do'n. Aware ako at ang mga kaibigan ko tungkol dito kasi nag-enroll kami twice sa isa sa program ng mga nasa Korean Class Center. Sa program nila, pwedeng mag-enroll ang mga BAU students para sa isang Free Korean Class. At mismong mga Korean students ang magiging teacher niyo. Part kasi ng requirement nila kaya no choice rin sila. "Sino bang iniisip mo?" Napatingin ako kay Jade nang magtanong 'to. "Ako ba?" Tanong ko, hindi ko naman kasi alam kung ako ba tinatanong nito. "Oo Lhia, ikaw...ikaw talaga. Lalim talaga ng iniisip mo 'e 'no?" Tinitigan ko lang si Jade, wala akong maisagot 'e kaya titigan na lang. "Si Orlando ba 'yan?" Biglang sabi ni Anne na sinulsulan naman ni Jade. "Ayiee...miss na niya," pang-aasar nito. "Che," kinuha ko na lang 'yong back bag ko. Hindi naman siya 'yong iniisip ko 'e, naalala ko lang naman 'yong Korean class namin noon. Simula kasi no'ng second year - second sem namin hindi na ulit kami nag-enroll do'n. Kailangan na kasing magseryoso talaga sa pag-aaral. Si Orlando naman, siya ang Korean teacher ko sa second time namin. Teacher-student relationship lang talaga kami pero nagbibigay malisya 'tong mga 'to. 'Yong closeness daw kasi namin no'n kaduda dudang teacher-student lang. Mga issue maker! Nag-ayos lang kamk bago lumabas ng klase. Nag-aya munang mamasyal sa mall si Shei kaya imbis na umuwi, do'n kami dumiretso. Pagdating namin sa mall gutom agad naramdaman namin. Dumiretso muna kami sa Greenwich para kumain. "'Yong bundle for 4 na lang 'no?" Tumango ako sa tanong ni Jade tsaka sila dumiretso ni Shei sa counter. Kami ulit ni Anne naiwan para magbantay ng table. "Lhia," napatingin ako kay Anne nang tawagin ako nito. "Bakit?" Tanong ko. "Labas lang ako saglit ha? Nandito rin kasi si ano 'e..." Napakunot noo ako, "Sino?" Sasagot pa lang sana siya ng biglang tumunog cellphone nito. Luka, hindi naka-mute? Paano kung habang nagkaklase kami tumawag 'yong kung sinuman 'to? Tinignan ni Anne ang screen tsaka hinarap sa'kin. Napa-'ah' ako nang mabasa ko 'yong pangalan sa screen. 'Yong boyfriend niya pala 'yong sinabi niya. "Sige na" pagtutulak ko ritong lumabas. "Saglit lang ako," tumango ako rito bago 'to tumayo at lumabas. Naiwan akong mag-isa sa table kaya nilabas ko na lang cellphone ko. Hindi ako maglalaro, hindi uso game apps sa cellphone ko. Hindi rin ako makikipagtext, sino namang itetext ko? Ang ka textmate ko lang naman 'tong tatlo at puro school stuff pa. At wala rin naman akong load ngayon. Hindi rin akong mag-iinternet, load na pang text nga wala 'e, pang internet pa? Hindi rin ako makikinig ng music, tamad ako magdala ear phones 'e. Ngayon, ano'ng gagawin ko? 'Tong cellphone ko kasi flash drive lang talaga gamit sa'kin. Lahat ng files dito 'e para may back up. Tinitigan ko na lang 'yong screen ng cellphone. Bakit ba nag-cellphone pa ko hindi ko naman nagagamit unless nasa bahay at may hotspot? In-unlock ko na lang 'yong phone ko at pumunta sa gallery. Marami kong saved photos from different social media, 'yon na lang tititigan ko! Pipindutin ko na sana 'yong f*******: album ng may mapansin ako sa Camera album ko. 'Yong naka-front na kasi sa album ay isang video. Video na hindi ako pamilyar kung kailan nirecord pero pamilyar ako sa kung sino nakikita ko. Si Orlando. Pinilit kong isipin kung kailan narecord 'yong video pero hindi pamilyar sa'kin. Marami kaming pictures together ni Orlando rati pero wala kong matandaan kung may video ba? May video nga ba? In-open ko 'yong Camera album, ipe-play ko na sana 'yong video nang matingin ako sa ibang pictures sa album. 'Yong mga selca (self camera: Koreans 'selfie') namin ni Orlando. Imbes na 'yong video muna ang i-play ko, 'yong mga selca namin ang tinap ko para ma-in large. Pa backward ang ginawa kong pag-browse sa pictures namin. Naalala ko pa no'ng first day namin ng klase, selca ang naging reason para mawala 'yong pagiging awkward ko sa kanya. Ilang na ilang kasi ko sa kanya no'ng una. Hindi niyo naman ako masisisi, hindi ako gano'n ka friendly sa mga lalaki. May iilan akong guy friends pero halos kalahati sa kanila gays. *-Flashback-* Pasimple kong bumuntong hininga. Nakakailang! Lalaki ang teacher ko ngayon at hindi ko talaga alam kung paanong approach gagawin ko. Jusko, hindi pa naman ako friendly pagdating sa mga lalaki! "...okay?" Napatingin ako rito, ano'ng okay pinagsasabi nito? "What?" Lutang na tanong ko rito. "Are you okay?" Ah, 'yon ba tinatanong niya? No! I'm not! Kaso alangan namang iyan talaga isagot ko sa'yo. "Yes, I'm just..." awkward! Gustong gusto kong sabihin 'yong last word na nasa utak ko pero hindi ko kaya! "It's awkward," napatitig ako rito at nagtaka ko kasi no'ng matitigan ako nito sa mata natawa 'to."You have big round eyes." Bigla akong nailang sa sinabi nito kaya bigla akong napapikit. Ngayon lang may pumansin sa mga mata ko! Narinig ko na naman ang pagtawa nito kaya dahan dahan kong minulat mga mata ko. Tumigil na 'to sa pagtawa pero nakangiti 'tong nakatingin sa'kin. "Gwiyowo," ako? Cute? "Gomawo-yo," (thank you) wala sa loob na lumabas 'yon sa bibig ko. Nagulat ako sa naging reaksyon nito, "Oh! You speak in Korean! Wow!" Luh? Ano naman? Simple Korean lang naman 'yon. "Yah," (hey) nagulat ako ng bigla nitong hawakan sa magkabilang gilid 'yong pinaka upuan ko pero mas nagulat ako ng nitong hinatak palapit sa kanya 'yong upuan ko. Ang lakas naman nito! Kinaya kong hatakin? Ni kapatid ko nga hindi kaya! "You're my first ever student. Let's have selca?" "Ha?" Selca? Self camera? Picture? Medyo napaatras ako ng inilapit nito ang mukha nito sa'kin. Nilabas nito ang cellphone nito at in-open ang front cam. Diniretso nito ang braso nitong may hawak ng cellphone. "Look at the camera," agad akong napatingin sa camera, napatitig na pala ko sa kanya. "Hana," (One) nagsimula na 'tong magbilang habang nakangiti. Samantalang ako parang ewan na nakatingin lang sa camera. Napatingin ako sa may taas ng phone niya. 'Yong part kung saan nakalagay 'yong brand ng phone. May napansin akong nakadikit. "Dul...set," (Two...three) pinindot na nito 'yong sa capture. Saktong pagpindot nito ay siyang pag ngiti ko. Sino bang hindi mangingiti o matatawa kung makakakita ka ng Pororo sticker sa cellphone ng isang lalaki? To think na nasa 24 years old na raw siya? Cute! *-End of Flashback-* Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hindi lang pala dahil sa selca, dahil pala talaga kay Pororo kaya nawala 'yong awkward feeling ko no'n. Ewan ko ba, pagkakita ko no'n nawala na talaga papaging awkward ko sa kanya. Bigla kong naalala 'yong video. Papanuorin ko nga pala 'yong video. Pumunta na ko sa may Camera album ay binuksan 'yon. Bakit ngayon ko lang napansin 'to? Mamaya na nga mga tanong. Mapanuod muna. Agad kong plinay 'yong video, pagka-play hininaan ko agad ang volume. Hindi naman nga kasi ko naka-ear phones. Maririnig pa rin naman 'yong audio. Mabuti na lang 'yong pwesto ng table namin medyo nakalayo do'n sa iba. "Chan Hyo-ah! Choi Chan Hyo!" Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi, loko talaga 'to 'e. Alam namang hindi ko trip 'yong Korean name ko na 'yon. Hindi ko kasi gusto tunog ng Korean name ko 'e, tsaka Korean Name Generator lang naman ginamit ko do'n. "We'll be leaving on Friday, how sad," pinigilan ko ang sarili kong matawa. Nag-sad face pa kasi si Orlando at sa totoo lang nakakatawa itsura niya. Ibig sabihin pala ni-record niya 'to no'ng week na paalis na sila. Kaso hindi ko talaga matandaan kung kailan niya hiniram 'yong cellphone ko no'ng mga time na 'yon. "I will miss you. Will you miss me too? I hope so. Uhm...I'll definitely going back herr so wait for me, please? And when I come back..." saglit 'tong tumigil at tumitig sa camera, pakiramdam ko tuloy sa mga mata mo mismo 'to nakatingin. "When I come back...I will tell you a secret," secret? Ano'ng secret naman? "Argh!" Parang frustrated na ginulo nito ang buhok nito. "But I feel like telling it now," luh. Ano ba 'yon? Nagtaka naman ako ng bigla 'tong natawa. Ano ba kasi 'yon? Nacu-curious tuloy ako. "Well, I bet you wouldn't notice this unless you delete some of your pictures or it might take a while until you notice this," hindi naman ako magbubura ng picture pero totoong ngayon ko lang napansin. After many months talaga 'e. "Lana Iya," napakunot noo ako, ngayon ko lang narinig na tinawag niya ng buo ang first name ko. "I..." "Ano 'yan?" Gulat akong napatingin sa nagsalita. Agad nabalik 'yong tingin ko sa screen ng phone ko at na-exit ko 'yong video sa gulat. 'Di bale sa bahay ko na lang papanuorin. "Nakakagulat ka Anne ha," puna ko rito at tsaka tinignan 'to. Nag-peace sign lang 'to sa'kin. "Hindi ba sasama sa'tin boyfriend mo?" Umiling naman 'to bago sumagot, "Hindi, kailangan din daw niya umuwi agad. Tsaka girls' bonding daw." Tumango tango ako sa sagot nito. "'Yong dalawa ba nasaan na?" Bigla kong tanong, ngayon ko lang narealize na ang tagal na no'ng dalawa. "Malapit na turn nila, wait lang daw," grabe, gaano katagal ang wait na 'yon? Habang inaantay sila Shei at Jade, nagdaldalan na lang muna kami ni Anne. Random lang, minsan KPOP minsan chismis. "Oh! Lhia, tignan mo 'to," nakatingin si Anne sa screen ng phone niya. "Bakit? Teka," tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Magkaharap kasi kaming nakaupo. Inabot sa'kin ni Anne 'yong cellphone niya at kinuha ko naman 'to. Isang entertainment site? "Ano ba 'to?" Nag-scroll ako at nakita ko ang title ng article at ang featured photo nito. Πr's DJ Will broke up with Ema Bladein, third party issue arises. Hindi 'yong title ng article ang nakapukaw ng atensyon ko kundi 'yong featured photo para rito. "Hindi ko alam na ganyan sila kasikat na pati isang music entertainment site ginawan ng article 'yong break up nila," mukhang magkaiba ang reason namin ni Anne kung bakit napukaw ng article na 'to ang atensyon namin. "Pero iba 'yong sinasabing reason kung bakit sila nag-break." Nakagat ko ang labi ko at ini-scroll pa 'yong article para mabasa ko ng buo 'yong laman. DJ duo Πr is making a big fuss in every party club inside and outside of the country. With their amazing DJ skills, passion for music, and awesome collaboration the strong charisma they have is making them more noticeable. Despite of being pretty aloof, fans and party go-ers are aware about DJ Nel and DJ Will (the Πr duo) relationship status. That being said, the latter was known to be in a long term relationship with a rising fashion stylist Ema Baldein (who happens to be Half-German and Half-French). But, just about a month ago an insider happened to capture a photo that question if they're still together. The photo above shows DJ Will kissing an unknown girl in black. With these two been seen to be intimate with one another, thus this prove that the couple (DJ Will and Ema) had broken up already? And the reason of it was this unknown lady? We hope to hear it out soon! Napanganga ko sa nabasa ko. Dafuq. "Anne, hindi mo ba narerecognize 'yong damit no'ng babae?" Binalik ko sa may picture at pinakita sa kanya. "Ahm..." nakatitig 'to sa picture. "'Yan 'yong suot ko no'ng nagbar tayo," tumingin ako kay Anne at nakatingin na rin 'to sa'kin. "Ako 'yong nasa picture."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD