Ngumiti? Si Sir Van? Ngumiti? Huh. Ha! Delusyon! Isang malaking delusyon! Ay mali...mali...deliryo! Nagdedeliryo yata ako no'ng nakaraang linggo at inakala kong ngumiti si Sir Van.
Bakit ko nasasabi 'to? Kasi ang isang tulad niya hindi mo aakalaing marunong ngumiti. Walang puso! Wala talaga!
Sir? Jusko! Kung pwede lang huwag ko siyang tawagin niyan! Leche! Napaka pahirap niya sa buhay! Ka-stress! OA na kung OA pero mas naman siya!
Nilamukos ko ang papel na nasa harapan ko sa sobrang inis ko! Second week pa lang simula nang magsimula ang semester na 'to. Take note! Second week pa lang! Pero ano? Aba, pinagawa na agad kami ng Table of Specification at may pasunod pa! With sample test paper na base sa TOS mo!
Ayos! Grabe, tapos kahapon lang niya tinuro at next Wedenesday na agad pasahan? Tapos bukas Friday 30 item quiz pa namin dahil every Friday meeting daw namin ay quiz day? Naku! Naku talaga!
Akala naman niya napakadali nang pinapagawa niya! TOS pa lang napakadaming computation at division na gagawin mo! Tapos mamimili ka pa ng topic. Tapos 'yong TOS mo gagawin mo pang basis para sa sample test? Ah! Nababaliw na ko!
Nando'n na ko sa point na magaling siyang magturo, walang duda do'n, pero 'yong galing niya natabunan ng pagkainis ko sa kanya sa dami agad nang pinapagawa. Kakasimula pa lang ng sem ha? Paano na sa mga susunod na araw?
Napabuntong hininga ko, naiwang topic kasi 'to sa Assessment 1 kaya hinahabol ngayon. Hay, pambihira naman talaga 'o!
"Lhia, ano? Natapos mo na 'yong iyo?" Tanong ni Jade na nasa tabi ko. Nasa college library kami ngayon kasi ang haba ng vacant namin ngayong araw. Sinisimulan na rin namin 'yong mga pinapagawa sa'min.
Dahil kasi nawala 'yong Thursday meeting namin kay Sir Van nadagdagan ng one hour pa ang two hours vacant namin sa pagitan ng dalawang subject. Ayan, naalala ko na naman siya!
Ang nakakainis pa sa kanya, no'ng sinabi niyang gagawa kami nito expressionless siya. As in! Parang wala lang sa kanya 'yong pinapagawa niya, palibhasa siya gamay na niya 'e kami? Kahapon lang namin natutunan!
Pinakita ko rito ang nilamukos kong papel, "From the top, again." Isang buong yellow paper back and front na ang nasulatan ko pero hindi ko pa rin makuha ng tama.
"Ang hirap kasi 'e, kailangan mong i-adjust 'yong isa kapag hindi 100% ang nakuha mo sa dulo," partida si Jade pa 'yang nagsabi niyan ha. Si Jade ang masasabi kong Math genius sa'min, hindi ko alam ang eksaktong IQ niya pero masasabi kong beyong average.
Napatango na lang ako sa kanya. Nilapag ko sa table namin 'yong nilamukos kong papel. Nilagay ko ang kanang braso ko sa table tsaka pinatong ang baba ko ro'n at tsaka ko nagsulat. Tinitigan ko si Anne at Shei na nakaupo sa harap namin ni Jade at halatang nahihirapan din sila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapabuntong hininga.
Napasunod naman bigla 'yong tingin ko sa nilamukos kong papel nang malaglag 'to nang umabot sa pwesto ko 'yong hangin ng electric fan. 'Tong library naman na 'to may aircon na may electric fan pa, kaya mga estudyante labas masok kasl ihi ng ihi.
Nalaglag 'yong papel sa gilid ko. Habang nakaupo pa rin, yumuko ako at tsaka ko sana pupulutin ng may mauna na sa'kin. Umayos ako ng upo para tignan kung sino 'yong pumulot.
Pinilit kong magkaroon ng casual expression at 'wag sumimangot nang makita ko kung sino ang pumulot. Kahit lukot na 'yong papel binuksan niya pa rin 'to at tinignan ang nakasulat, harap at likod.
Napasandal ako sa sandalan ng upuan ko ng bigla nitong pinatong 'yong papel sa may tabi ng pad paper.
"This one is fine, you should adjust this. Add another percent on here and you'll get a 100% in the end," nakatingin ako sa tinuro nito tsaka ko siya tinignan. Paano niya naman nalaman na 100% ang kakalabasa no'ng adjustment na sinasabi niya?
Hindi 'to nakatingin sa'kin at do'n lang sa papel naka-focus atensyon nito. Napansin kong nabaling ang tingin nito sa kung saan.
"Left handed?" Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko na may hawak ng ballpen.
"Yes, Sir," sagot ko rito. Ano'ng problema nito kung left handed ako?
Tumango lang 'to tsaka umalis sa gilid ko. Sinundan ko 'to ng tingin at dumiretso 'to sa may...ewan ko kung ano'ng book section 'yon pero basta do'n.
Binaling ko ang tingin ko sa table namin at napansin kong nakatingin sa'kin 'yong tatlo. Halatang nagpipigil lang magtanong ng sunod sunod sa'kin dahil nasa library kami. Pero mamaya ko na sila iintindihin.
Binaling ko ang atensyon ko sa papel, nilagyan ko ng mark 'yong tinuro ni Sir Van. Pagkatapos no'n tsaka ko nagsimula ulit sa panibagong papel. Matama lang 'to tutulungan ko 'tong mga kaibigan ko! Kung, kung matatama lang naman.
Napatingin ako sa may kanan ko ng dumikit sa'kin si Jade, "Unfair, may free help." Bulong nito sa'kin.
"Tulong ba talaga? Mamaya lalo lang akong pinapahirapan," ganting bulong ko rito.
Umayos na ko ng upo habang nakadikit pa rin sa'kin si Jade, "Lumayo ka nga, nakakailang gumawa kung nakatitig ka." Napansin ko kasing nakatitig 'to sa papel ko.
Tinignan ako nito, "Sige na nga." Umayos 'to ng pagkaaupo, "Sana matama ka para may other basis na tayo, sakit sa ulo 'e," Tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon at sinimulan na ang pagreresolve ko.
Katahimikan. Iyan ang nangyari habang patuloy kami sa ginagawa namin. Tuloy tuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa matapos ko na 'to.
Napasandal ako nang matapos ko na rin. "Tapos mo na?" Narinig kong tanong ni Jade. Tumango naman ako rito, "Ano lumabas? Naka-100% ka ba?"
Inusad ko papunta sa harap niya 'yong papel na pinag-solve-an ko tsaka ko sumagot, "Eksaktong 100%."
"Nakuha mo na?" Napatingin ako kay Anne na nasa harap ni Jade at tsaka tumango rito. Inayos ni Jade 'yong papel sa may pagitan nila ni Anne para makita namin.
"Wow, ang galing tapos ka na. Sample test paper ka na lang," komento ni Shei.
Hindi ako umimik, iniisip ko kasi kung paano nakasigurado si Sir na 100% ang makukuha ko kapag inadjust ko 'yong sinabi niya. Grabe, genius ba siya?
"Pahiram muna Lhia ha?" Tumango ako sa kanila, ngayon test paper na lang kulang ko. Pwede ng sa weekend 'yon, magre-review muna ko para sa quiz bukas.
Habang busy sa paggawa ng TOS 'yong tatlo, ako naman tahimik lang na nakatulala. Wala kong magawa 'e, tinatamad naman akong magreview para bukas. Na drain na ko kakaulit no'ng TOS ko kanina. Paano kaya ako makikinig mamaya sa last subject.
Nilibot ko na lang ang paningin ko sa loob ng library. Kakaunti lang ang estudyante ngayon dito. Napatingin ako sa may mga bookshelve na nasa may dulong part na ng library. Napatigil ang tingin ko sa may bandang gitna nang mapansin kong nakatayo do'n si Sir Van. Nandito pa pala siya? Sabagay, hindi ko naman siya napansing lumabas kanina.
Nakatayo lang do'n si Sir habang nakapamulsa. Nakatingin 'to sa mga libro at parang may hinahanap. Napakurap kurap ako ng bigla na lang 'tong tumingin sa may gawi namin. Nag-iwas tingin na ko. Shoot! Nahuli pa yata akong nakatingin sa kanya!
Pinatong ko ang dalawang braso ko sa lamesa tsaka ko do'n dumukdok. Ganito na lang muna gagawin ko, mahirap na baka kung saan saan na naman ako matingin!
* * *
Mabilis lang na nagdaan ang oras. Uwian na namin ngayon at naglalakad na kami palabas ng building namin. Buti na lang ang lively ng klase namin kanina kaya hindi ako inantok at nagawa kong makinig sa klase.
Dire diretso lang kami hanggang sa makalabas na kami ng University. Iba ng way ang sakayan kila Shei kaya nagpaalam na 'to sa'min paglabas ng gate. Same way naman kaming tatlo nila Jade at Anne kaya magkakasama kami. Magkaibang jeep lang kami ng sinasakyan ni Jade kay Anne kasi kami ni Jade tatawid pa ng daan.
Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano habang naglalakad. Mostly about sa KPOP, syempre pare pareho kaming fan. Si Anne isang SONE, si Jade isang Elf at Ahgasse, ako naman isang VIP at isang iKONIC. Si Shei? Hindi naman talaga siya KPOP fan, more on Kdrama fan siya. Pero die hard fan ni Nadine 'yon 'e. Take note, ni Nadine lang daw pero sinusuportahan pa rin daw niya ang JaDine.
"Bye guys! Ingat!" Paalam ni Anne tsaka sumakay sa jeep na huminto sa may gilid namin.
"Bye! Ingat!" Halos sabay na sagot namin ni Jade habang kumakaway. Nagpatuloy na sa kami sa paglalakad hanggang sa matapat na kami sa may pedestrian lane. Tumawid na kami agad sumakay sa jeep na nakahinto para magsakay ng pasahero.
Medyo papuno na 'yong jeep pagkasakay namin. Umusad kami ni Jade ng may ibang estudyanteng sumakay sa may malapit sa driver. Nang napuno na 'yong jeep umandar na 'to.
Nagbayad na kami ni Jade pagkaandar ng jeep. Napatingin ako sa may katabi nito nang marinig ko ang isang pamilyar na pangalan.
"Prof n'yo rin ba si Sir Van?" Nagkatinginan kami ni Jade pero nanatili kaming tahimik.
"Oo pati 'yong isang bago, si Sir Czam," sagot naman dito ng kasama nito.
"Oh? 'Di ko siya nga kilala, 'di kasi namin prof. Wala naman akong paki sa kanya. Kay si Sir Van kasi ko may paki. Ang gwapo niya 'no!" Medyo may pagkamaarte rin 'to 'no?
Napansin kong 'yong iba naming kasabay sa jeep na halos lahat ay estudyante rin sa St. Marcel University ay napapatingin na rin sa kanila. Ang lakas ba naman kasi ng boses, sila nga lang maingay dito sa jeep.
"Oo! Kaso masungit 'e," I agree ate! Kahit na maingay kayo keri lang kasi agree ako sa'yo!
"Kebs lang naman, ang gwapo niya 'e! Hot pa! Tsaka mukhang bata pa siya. Sana wala pa siyang girlfriend," hindi ko alam kung naiirita ba ko sa boses niya o sa kaartihan niya.
Naramdaman ko ang pasimple at mahinang pagsiko sa'kin ni Jade. Pasimple kaming nagtinginan. Tinginan pa lang alam ko na naiirita na rin siya. Kaunting tiis na lang Jade, malapit lapit na tayo sa bababaan natin.
"Bakit? Target mo si Sir?" Ateng, obvious naman 'yan. Tinatanong mo pa?
"Oo! Wafakels kung teacher siya at estudyante ako," 'o 'di ba. Halatang halata namang may pagnanasa 'tong babaeng 'to 'e.
Malas lang niya kasi hindi siya papasa sa taste no'n. Do'n pa lang sa ex no'n halatang sophisticated na babae gusto. Kagabi kasi wala kong magawa kaya nag-search ako tungkol sa ex no'n. At maganda nga siya! Hindi ako 'yong tipong nagagandahan sa kung sino sinong babae pero no'ng nakita ko talaga 'yong picture, wow. As in!
Nang matapat na sa may Robinson's bumababa na 'yong dalawang babae. Sa wakas, grabe ang kasi ng boses nila lalo na 'yong isa. 'Yong babaeng may malaking pagnanasa kay Sir Van. Tsk. Hindi ko maiwasang hindi maalala 'yong public na pagnanasa nito kay Sir.
Pagkababang pagkababa nila nagkatinginan kami ni Jade at parehong natawa.
"Hindi ko kinaya si ate," sabi nito na kinatango ko.
"Ako man," pagsang-ayon ko rito.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng jeep at kakaunti na lang halos ang natira. Maraming bumaba rito sa Robinson's. Napatitig ako do'n sa dalawang estudyante rin ng SMU na nakaupo sa may babaan na side.
"Grabe 'yong babaeng 'yon kung pagnasahan 'yong professor niya...ah! Grabe!" Napatingin ako do'n sa babaeng nagsalita, sinasabi nito 'yon sa boyfriend niya? Okay, I assume lang naman.
"Ewan ko sis ha pero kung magde-day dream ako sa isang gwapo nasa lugar naman. I mean literal na lugar, private place gano'n, hindi sa jeep. Nakakahiya pa si ateng nakasuot pa man din ng SMU uniform," agad akong napatingin kay Jade at mukhang narinig din niya 'yong usapan no'ng dalawa.
'Bakla?' Basa ko sa buka ng bibig nito. Tumango naman ako, confirmed si koya. Hindi pala siya boyfriend, gayfriend pala siya! Naloka naman ako!
* * *
[Wednesday]
According sa nabasa ko sa 9GAG 'don't let your printer feel you are in a hurry...they smell fear' at totoo nga! Kung kailan naman kasi nagmamadali tsaka naman nagloloko 'yong printer!
"Kainis naman!" Hindi ko na napigilang sabihin. Dahil wala namang colored sa content ng sample test paper ko, nagdecide akong dito na lang sa printer sa bahay i-print. At mukhang wrong decision kasi ayaw gumana nang maayos nitong printer!
Wala naman si kuya rito para tignan ulit 'to. No'ng ginamit naman kasi kahapon gumana bakit naman ngayon nagloloko na.
Tinignan ko 'yong orasan sa computer. Saktong 10 AM na, mamayang 1 PM pa klase ko. Wala kasi 'yong prof namin para sa first subject this day. Personal reasons kaya wala.
"Yes," mahinang bulong ko sa sarili ko ng gumana na rin sa wakas 'yong printer! Buti na lang wala rito si kuya kundi sasabihan na naman ako no'n ng baliw, dahil nagsasalita ako mag-isa.
Nang matapos ko ng iprint lahat ng six pages nilagay ko lang 'to sa isang sliding folder. Pagkatapos no'n ay nag-f*******: na lang muna ko. Bihira lang paloadan ang braodband ng computer kaya kailangan sulitin!
Pagka-log in ko nag-browse lang ako ng mga nasa news feed. Karamihan puro tungkol sa KPOP sa dami ba naman ng KPOP related fanpage na nilike ko.
Habang nagba-browse sa feed ko napahinto ako sa isang picture na nakita ko.
이재신 updated his profile picture.
Napaayos ako sa pagkakaupo ko at nilapit ng bahagya 'yong upuan sa may computer. Lee Jae Shin, na Orlando ang English name, ang Korean teacher-friend ko. No'ng first and second year medyo active pa kami sa free Korean language tutorial or program dito sa University. Pero simula ng mag-third year kami hindi na. Kailangan na kasing mas magseryoso sa pag-aaral.
Ngayong nakita kong nagpalit siya ng profile picture nacurious tuloy ako kung ano pinaggagawa nito simula nang makabalik na 'to sa Korean. Almost six months simula no'ng matapos 'yong pag-iistay niya rito sa Pilipinas para mag-aral ng English. Kung tama tanda ko by December ga-graduate na siya ng college. Clinick ko ang pangalan nito at napunta ako sa profile nito.
Napabuga ako ng hangin ng wala naman akong nakita. Bukod sa pagpapalit niya ng profile picture, wala na siyang ibang latest post. 'Yong last post niya no'ng nandito pa siya.
Napatitig na lang ako sa profile picture niya. Parang stolen shot ang dating, nakatingin kasi 'to sa cellphone niya sa picture. Ni-like ko na lang 'yong picture niya bago ko napagdesisyunang mag-log out. Mahirap na baka malibang ako at makalimutan ko pang may klase ako mamaya.
Pinatay ko na 'yong computer at inayos 'yong sample test paper at nilagay sa may tabi ng bag ko para 'di ko makalimutan mamaya. Tumingin ako sa orasan sa may pader, 10:35 AM. Maaga pa, makatulog na lang muna siguro?
Pumasok muna ko sa kwarto ko tsaka nahiga sa kama. Ang sama bang isipin na sana wala na lang din kaming last subject? Hay buhay, namimiss ko na agad 'yong one month sem break namin. 'Yon na ang pinaka matagal na s break namin since first year.
Naramdaman ko na ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na kong nakatulog.
Inaantok pa koMg iminulat ko ang mga mata ko. Inayos ko 'yong unan ko habang inaantok pa rin. Ang sarap ng tulog ko, teka ano'ng oras na ba?
Kinapa kapa ko 'yong cellphone ko sa may likod ko. Alam ko rito ko 'yon nilagay kanina. Pagkakuha ko nakapikit kong pinidot 'yong power button. Grabe, inaantok pa talaga ko. Minulat ko muna ang isang mata ko hanggang sa parehong mata na ang naimulat ko.
12:03 PM
Napabalikwas agad ako ng bangon sa nakita ko. Late na ko! Agad akong umalis sa kama ko at tumakbo papuntang banyo. Buti na lang nakaayos na kaninang umaga pa sa kwarto ko 'yong susuotin ko! Kanina lang kasi sinabing wala kaming first subject.
Hindi ko na alam kung paanong ligo ang ginawa ko basta 'yon na 'yon. Nag-tooth brush muna ko bago lumabas ng banyo tsaka ko diretso bihis. Pagkabihis ko kinuha ko lang 'yong foot sock ko at sapatos at sa may sala na ko magsusuot nito. Good thing wash day ngayon, kung uniform kasi kami ngayon mas malelate ako dahil ang dami pang arte no'n. May necktie pa!
"Oh, gising ka na? Aalis ka na ba? Ano'ng oras ba klase mo?" Bungad ng nanay ko pagkakita sa'kin. Si nanay naman, nandito naman pala hindi man lang ako ginising.
"Ala una pasok ko, Nay naman 'di mo ko ginising," hindi ko naiwasang sabihin. Patay na, late na at bagong gising pa kaya 'di maganda mood ko.
"Ay, akala ko mamayang alas tres pa," hindi na ko umimik at mabilis kong kinuha 'yong bag at folder sa may upuan.
"Alis na po ko," paalam ko. Sa tricycle na lang ako magsusuklay, gano'n naman ginagawa ko kapag palate na. At this time, late na talaga ko!
12:18 PM
Iyan ang nakalagay sa screen ng cellphone ko. Nagsimula na kong maglakad palabas ng bahay.
"Hindi ka ba kakain? Kumain ka muna," pigil sa'kin ng nanay ko.
"Late na ko. Alis na po ko," tumakbo na ko palabas ng gate namin.
Pagkalabas ko ng gate sakto namang pagdating ng tatay ko, "'O, papasok ka na? Tara na."
Agad akong sumakay sa sasakyan, "Tay, diretso mo kong SMU ha? Late na ko." Mabilis kong sabi, karaniwan kasi sa sakayan lang ako ng jeep hinahatid pero dahil late na ko hindi na ko pwedeng mag-jeep. Ilang hinto pa gagawin no'n para magbaba sakay.
Hindi naman matagal ang byahe papuntang SMU mula sa'min. Sa aming apat na magkakaibigan, ang bahay namin pinaka malapit sa SMU. Mga 15 minutes lang ang byahe.
Habang nasa daan, doon na ko nag-ayos. Hindi naman nagtagal na karating na rin akong SMU - 2nd gate. Ito pa isang rason kung bakit gusto kong nagpapadiretso dito kapag late na ko, kasi sa 2nd gate agad baba ko. Pagpasok mo kasi mula sa 2nd gate, building na agad namin, Athena building na agad.
Tumingin muna ko sa tatay ko pagkababa ko, "Mag-iingat ka ha," tumango ako rito tsaka mabilis na tumakbo papasok sa loob. Suot ko na naman ang ID ko kaya dire diretso na ko.
Patakbo kong inakyat ang room namin sa may 4th room. Napatingin ako sa may wall clock sa may paakyat sa pagitan ng 2nd at 3rd floor. Kaunti na lang late na talaga ko, 12:50 PM na!
Dahil doon ako natingin sa orasan at dahil nagmamadali na rin ako ay naalangan ako ng hakbang. Natisod ang paa ko sa may hagdan at muntik na kong masubsob sa mga kasunod na step kung hindi ko lang natungkod ang dalawang kamay ko.
"Ouch!" 'Di ko napigilang daing, nakaramdam kasi ko ng kirot nang tumama 'yong kaliwang binti ko sa pinaka edge ng hakbangan.
"Lana!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin na mula sa may itaas ko. Mabilis 'tong lumapit sa'kin at tinulungan ako tumayo. "Careful! Ingat sa paghakbang," nakita yata ni Sir Czam 'yong nangyari.
Akala ko pa naman walang nakakita kasi ni isang estudyante wala sa paligid, akala ko lang pala.
Alanganin akong ngumiti rito at agad kong chineck 'yong laman ng folder na hawak ko. Buti naman hindi nalukot 'yong test paper ko.
"'Yan pa talaga inintindi mo ha," napatingin ako kay Sir Czam ng sinabi niya 'yon.
Ngumiti lang ulit ako rito tsaka pasimpleng pinagpagan ang mga kamay ko. "Sige po Sir, una na po ako. Salamat po" paalam ko rito. Hahakbang nasa sana ko nang iharang nito ang kanang braso niya sa harap ko.
"Hindi ka ba nasaktan?" Naku naman, Sir! Late na ko!
Alam kong hindi na ko awkward sa'yo at medyo feeling close na tayo, all thanks sa lagi mong pagtawag sa'kin sa klase mo, pero nagmamadali na ko! Gustong gusto kong sabihin 'to pero iba ang lumabas sa bibig ko, "Hindi po."
Sinungaling na kung sinungaling baka kasi magkulit pa 'to kapag sinabi kong 'Opo'. Ngumiti na lang ako pagkasabi ko no'n.
Umusad ako pagilid para malagpasan ko 'yong braso niyang nakaharang. Baka nando'n na sa room si Sir Van! Number one rule pa man din no'n na dapat mas muna kami sa kanya sa classroom kundi mark as absent na kami.
Nasa hagdan paakyat ng 3rd floor na ko nang magsalita na naman si Sir Czam!
"Hickey," nakakunot noo ko 'tong tinignan. Hickey? Chikinini?
Wait. Chikinini? May bigla tuloy akong naalala.
"Correct term. Not the neck bite I said," shoot! Sabi na'e! 'Yong sa chat niya sa'kin 'yong tinutukoy niya.
Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko ng bigla kong makita si Sir Van sa may 2nd floor. Napatigil 'to bago -a makahkbang sa hagdan sa pagitan ng 2nd at 3rd floor. Npatingin 'to kay Sir Czam at sa taas, sa akin.
Bigla kong narealize na kapag nauna siya sa'kin absent na ko!
"Bye Sir Czam!" Mabilis akong tumakbo papuntang room namin.
Napabuga ako ng hangin ng safe akong nakapasok sa room. Safe kasi nauna ko kay Sir Van! Woo!
Dumiretso na ko ng upo sa tabi ni Anne. Ang daming bungad na tanong-s***h-reaction no'ng tatlo dahil nga late na ko pero mabilis na paghinga lang sagot ko sa kanila. Hinga muna bago chika!
Ilang saglit lang at dumating na rin si Sir Van. As usual dire diretso lang 'to sa gitna bago bumati.
"Good afternoon," strict voice as usual.
"Good afternoon, Sir," bati ng buong klase sa kanya.
Hindi pa man nagsisimula ang klase ng may kumatok agad sa pinto ng room. Halos lahat napatingin do'n. Hindi umimik si Sir Van at inantay buksan no'ng kumatok 'yong pinto. Bumukas na nga 'yong pinto pero hindi ko naman makita kung sino 'yong kumatok. Hindi kita sa pwesto namin.
"Excuse me," napatitig ako sa pinto dahil sa boses na narinig ko. "Sorry for interrupting your class. But may I have a second with you, Van?"
That voice. Ema Bladein?