Czammnel Luke Sho
Titig na titig ako sa pangalan nitong sinulat niya sa white board. Hindi ko siya magawang titigan. Aba, malay ko ba kung nakangiti na naman nang makahulugan tulad kanina!
Pero Czammnel pala buo nitong pangalan?
Czammnel
Czamm...nel
Czam? Nel?
Nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang sarili kong mapanganga nang mapagtanto ko kung saan nanggaling 'yong DJ Nel niyang name. Ibig sabihin pala part pa rin ng real name niya 'yon?
Tsaka bakit ang weird weird ng pangalan nito? Czammnel Sho? 'Yong Luke normal 'e, pero 'yong dalawa tunog alien.
Hindi ko na napigilan tumingin dito nang ipakilala na nito ng pormal ang sarili nito. "My name is Czammnel Luke Sho and I'll be your professor for your Introduction to Research subject." Ngumiti 'to pagkasabi nito.
"It's my first semester of teaching. I took CPTE last year and took my Licensure Examination for Teachers last March of this year," naupo 'to sa table na nasa harap. "I think you guys are aware what CPTE is, right?"
CPTE? Continuing Professional Teaching Education? 'Yon 'yong graduate ka ng ibang degree or bachelor course tapos kukuha ka ng CPTE para makapagturo ka?
"I'm actually a graduate of Mass Communication major in Broadcasting," broadcasting? Kapareho niya pala ng course at major si kuya. Ngayon ko lang din naisip na magkasing edad lang sila.
'Yon ba reason kung bakit siya nag-DJ? Kaso saang banda connected ang major niyang Broadcasting sa DJ-ing sa club? Kung radio DJ sana tulad ni kuya maiintindihan ko pa 'e.
Inantay ko kung mababanggit ba niya 'yong tungkol sa pagdi-DJ niya pero wala. Sabagay, hindi naman lahat ng prof sinasabi ang lahat tungkol sa kanila. 'Di naman lahat sila sinasabi ang talambuhay nila.
Mukhang iyon lang ang introduction niya. Tumayo na kasi 'to at lumapit sa white board. Kanina pa nga pala nito hawak ang white board marker nito.
Mabilis lang 'tong nagsulat. Nakafast forward ba 'to? Ang bilis magsulat pero hindi naman sulat doctor. Gumilid 'to matapos magsulat sa white board. Tinignan ko ang mga sinulat nito.
Surname, First name, M.I.
Nick name
Age
Birthday
Contact no.
"Please write the following information on a 1/4 sheet of paper," sinundan ko 'to ng tingin nang maglakad 'to sa direksyon ng pinto at do'n tumayo. Napaiwas ako ng tingin ng bigla 'tong mapatingin sa gawi namin.
Agad kong kinuha 'yong papel na binibigay ni Anne at nagsulat do'n. Ayan! Naiilang na naman ako! Please po! Mairaos ko sana ng maayos at matiwasay ang araw na 'to!
Naging mabilis ang oras ng klase namin. Ang first meeting namin. Nanlata ako bigla paglabas na paglabas ni Czam o Sir Czam. Naloka ko sa kaganapan! Pero mas naloka ko sa sinabi niya bago siya lumabas ng room!
"Nice to meet you again Lhia. Looking forward to your class with Van."
Van? Pati si Van nandito? At magiging professor din namin?! Naku naman!
"Lhia," napatingin ako sa harapan ko nang tinawag ako ng kaklase ko. "Kakilala mo si Sir?"
Napansin kong 'yong mga nasa unang lane namin na nakarinig sa sinabi ni Czam, I mean Sir Czam, ay nakatingin sa'kin at parang nag-aantay ng sagot.
"Ah, oo. Ano lang..." ano? Ano ba pwede kong idahilan? "Nagkita kasi kami dati sa isang event," pagdadahilan ko na lang.
Napatango tango na lang sila. Naramdaman ko ang mahinang paghampas ni Anne sa hita. Tinignan ko 'to, napansin kong nakatingin silang makahulugan sa'king tatlo.
"Lhia, labas na tayo," aya ni Jade. "Sa labas na tayo mag-usap," mahina ang pagkakasabi ni Jade.
Tumango ako at inayos ang gamit ko. Alam kong pare pareho kaming nagulat. At alam ko rin na nagpipigil lang 'tong tatlo na 'to na 'wag sumabog dahil siguradong magtataka ang mga kaklase namin.
Pagkalabas na pagkalabas namin halos tumakbo kami papunta sa may spot ng Athena kung saan walang tao. Athena building ang tawag sa College of Education building.
"Jusko Lhia! Nagkatotoo sinabi mo kanina!" Pigil na pigil na sabi nk Jade.
"Beh, nagulat ako! Akala ko namamalikmata lang ako dahil hindi ko suot salamin ko!" Sabi naman ni Shei habang tinatanggal ang salamin niya. Nagsalamin pa talaga 'yan kanina para makita kung tama ba 'yong nakikita niya!
"Mas gwapo pala siya 'pag malapit at maliwanag?" Ayan na, nagsisimula na ang fangirl feels ni Anne.
"Anne, bawal kiligin! May boyfriend ka!" Paalala naman ni Jade rito.
"Ah! Teka!" Napatingin naman sa'kin 'yong tatlo. "Ah! Ano gagawin ko? Narinig niyo naman 'yong sinabi niya 'di ba? Prof din natin si Van!" pabulong kong binanggit ang pangalan niya.
"Oo nga pala, ibig sabihin siya 'yong tinutukoy ni Pres kanina? 'Yong magiging prof natin sa Assessment 2?" Mas lalo akong na-stress sa sinabi ni Jade.
"Ay shemay naman 'o!" Ano na gagawin ko? Baka pag-initan ako no'n? Akala ko pa man din 'di ko na ulit sila mae-encounter. Akala lang pala!
Naku, Lhia! Simulan mo na ang puspusang pagdadasal! Baka maging hell sem mo 'to!
Matapos nang emergency meeting kuno namin, bumaba na kami ng building namin para kumain. May 1 hour vacant kami bago ang susunod naming subject.
Sa isang fast food chain kami pumunta, sa may labas ng university. Mabilisang kain ang kailangan para 'di kami malate sa next subject. Grabe kasi si Czam, I mean Sir Czam, halos sagarin ang 2 hours ng first meeting namin! Nahiya pa siya sa natirang 10 minutes!
Pagkapasok namin sa fast food chain, agad kaming naupo sa bakanteng pwesto sa may sulok. Si Jade at Shei ang umorder at kami naman ni Anne ang naiwan sa table namin.
"Ang lalim naman no'n," napatingin ako kay Anne ng bigla 'tong nagsalita.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"Ang lalim ng buntong hininga mo," talaga? 'Di ko napansin.
"'E kasi..." hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Nagsi-sink in na kasi sa'kin ang mga nangyayari. At 'yong panic ko kanina? Walang wala pa 'yon sa nararamdaman ko ngayon! Feeling stress na nga ako 'e! Partida, first day pa lang 'yan.
"Bakit ka ba kasi natatakot kay Van?" Napatahimik ako, natatakot? Natatakot nga ba ko? Kinakabahan lang naman ako 'e. Pero...siguro nga. Natatakot nga siguro ko.
"Alam mo naman 'yong nangyari 'don sa bar 'di ba?" Paalala ko sa kanya. Pagnaaalala ko talaga 'yon...hmp! Kagigil!
"Oo, pero 'di ba quits na kayo?" Quits? "Kinagat mo siya at kinagat ka rin niya," napasimangot ako sa sinabi nito. Impaktong lalaki 'yon!
"Ang point ko lang Lhia, baka ikaw masyado mong iniisip 'yong nangyari pero para pala sa kanya wala na 'yon. Isa pa, saan sa sinabi ni Sir Czam na inaalala pa nga ni Van 'yong nangyari? 'Di ba ang sabi lang naman niya looking forward lang siya?"
Ngayong sinabi niya 'yon parang tama nga siya. Baka nga naman ako lang nag-iisip ng mga bagay bagay tapos wala na lang pala 'yon kay Van. People tend to over think when the only thing they can do is to think. Ano raw? Saang part ng utak ko nanggaling 'yon.
Bumuntong hininga ko, "Sabagay."
***
Wednesday - Wash Day! (Non-Uniform Day)
Last subject na namin ngayong araw. Nasa home room kami ng major namin at inaantay ang professor namin. Si Van. Pinipilit kong huwag kabahan pero 'di ko mapigilan. Hindi na naman ako nag-iisip ng kung ano ano pero 'yong kaba 'di talaga mawala wala 'e. Mas kabado pa nga ako ngayon kaysa no'ng first day ko ng college!
Natahimik ang buong klase at napatingin sa pinto nang bumukas ito. Ayan na.
"BEEd 3-C?" Nakatitig ako sa pamilyar na mukhang nagsalita.
"Yes, Sir," sagot ni Pres.
Pumasok na ito ng room namin. Pasimple akong bumuntong hininga. Ito na, ayos lang 'yan Lhia. One hour lang naman ang subject niyo ngayon. Pero ano'ng matututunan namin sa Assessment 2 sa loob ng isang oras? Baka isang problem pa lang ubos na agad oras.
"Good afternoon," bati nito.
"Good afternoon, Sir," bati ng klase sa kanya.
"I'm Vanlourd Mallet, I'll be replacing Mrs. Gaspar as your Assessment 2 professor. Kindly pass your COR forward," straight forward na sabi nito.
Mabilis naming ginawa ang sinabk nito. Tahimik pa rin ang pagilid. Nang makolekta na niya ang COR ng lahat ay naupo 'to sa upuan niya at nagsimula nang pirmahan ang mga hawak nito.
"We only have one hour today so let's postpone the proper introduction for the meantime," tumingin 'to sa'min. "I know you were given your own copy of you class schedules. Will you look at it please?"
Tulad no'ng sa COR, tahimik naming sinunod ang sinabi niya. Halata sa klase na pinapakiramdaman nila si Sir. Medyo masungit kasi ang aura. Sabagay, masungit nga rin pala no'ng una ko 'tong makita.
"We have three meetings per week. Every Wednesdays, Thurdays, and Fridays. One hour each meeting. I'd like to ask if we can make it two meetings per week. Two hours for one meeting and one hour for another meeting to meet the three hour class needed per week," pumipirma pa rin siya sa mga COR habang sinasabi 'yon. Grabe, walang tinginan talaga? Straight to the point pa!
"Sir, I'd like to speak in behalf of my classmates," si Pres na nakaupo sa may harap malapit sa kanya ang nagsalita.
Saglit 'tong huminto sa pagpirma ang tumingin kay Pres, "Class representative?"
"Yes, Sir."
"Go ahead," tumango pa 'to kay Pres bago muling pumirma.
"Sir, since this is our last subject every Wednesday how about we make every Wednesday meeting a two hour period. Then the other one hour period will be every Friday. If that will fit your schedule every Wednesday," halatang pati si Pres naiilang kay Sir.
"Sure. This is also my last class every Wednesday. So, we'll meet every Wednesdays and Fridays only. No more Thurday," mukhang natapos na 'to sa pagpirma. Ano'ng klaseng pirma kaya mayroon 'to? Ang bilis 'e.
Tumingin 'to sa buong klase. Sa kabutihang palad, 'di pa nagtatagpo mga tingin namin! Nasa may bandang sulok kasi ko ng room.
"The new schedule will be applicable starting next week. For this week, we'll still meet tomorrow. I'll give the course syllabus tomorrow and we'll also start with one by one introduction. That's all for today," inabot nito kay Pres ang mga COR at tsaka tumayo at dire diretsong lumabas.
Pagkalabas nito para naman nabunutan ng tinik. As in lahat napabuntong hininga. Hindi ko namalayan na pigil hininga na pala ang buong klase kanina pa.
Mukha ring hindi niya ko napansin. Pero hanggang kailan? Sigurado, bukas lang kapag nag-introduction na makikita na niya ko.
"Grabe, 'di man lang inabot ng 30 minutes 'yong pag-stay niya rito," -classmate1
"Pero ang strict ng aura niya 'no? Naku, buti hindi natin siya first subject sa bawat araw ng meeting natin," -classmate2
"Bakit naman?" -classmate1
"Alam mo namang maraming nalelate sa'tin. Sa itsura pa lang ni Sir halatang strict at ayaw sa late!" -classmate2
"Guys! Wala munang lalabas. Papamigay ko pa COR!" -Pres
Napasandal ako sa sandalan ng upuan ko. Tulad nang narinig ko sa mga kaklase ko, halatang strict si Sir. Pamatay na nga 'yong subject, pamatay pa 'yong professor. Maka-survive pa kaya kami nito?
Napaayos ako nang pagkakaupo at agad kong hinatak ang bag ko. Nararamdaman ko na 'yong pinaghalong lamig ng aircon at kaba ko kanina. Kailangan ko ng mag-cr!
"Guys, pakuha na lang ng COR ko ha?" tumayo agad ako sa pagkakaupo ko.
"Bakit? Saan ka pupunta?" Takang tanong sa'kin ni Anne.
"CR," maiksing sagot ko at tsaka mabilis na naglakad palabas ng room. Buti na lang kaunting lakad lang mula sa room namin 'yong cr.
Mabilis akong naglakad papunta do'n. Saktong pagliko ko sa corner kung nasaan ang cr ay may humatak sa back bag ko kaya napaatras ako.
"Ano ba?" Gulat na tanong ko at napatingin sa humatak nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino.
"What are you doing here?" Nakakunot noo na tanong nito.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Maiihi na talaga ko! Hinawakan ko ang wrist ng kamay nitong nakahawak pa rin sa bag ko.
"Sir, ihing ihi na talaga ko 'e. Later na lang, please?" Mabilis kong inalis ang pagkakahawak nito sa bag ko at tumakbo na papasok sa cr. Dire diretso ako sa isang cubicle at ginawa ang dapat gawin.
Pagkatapos ko naghugas lang ako ng mga kamay at tsaka lumabas. Habang pinupunasan ko ng panyo ang mga kamay ko ay naramdaman kong gumaan bigla ang bag ko. Lilingunin ko na sana kung sino ang humawak dito ng bigla bigla ako napalakad nang mabilis para masabayan 'yong kung sino mang tumutulak sa'kin mula sa likod. Siguradong siya rin may hawak ng bag ko.
Nakarating kami sa kabilang side ng building. Sa side kung saan may balcony like at ang makikita mo na ay ang labas ng university. Kalsada lang naman ang makikita at mga tindahan na nasa gilid nito.
Naramdaman kong nawala na 'yong nakawahak sa bag ko kaya hinarap ko na 'to. Shoot. Nakalimutan kong nagkita nga pala kami nito kanina bago ko pumasok ng cr. Bakit ba lagi ko 'tong nakikita sa labas ng cr?
Hindi naman siya pumasok ulit sa cr ng mga babae. Magkatabi lang talaga 'yong cr ng boys at girls. Bago ang cr ng girls ay cr muna nila.
"So?" Nakakunot noo pa rin 'to habang sinabi 'yon.
"I'm studying here," sagot ko matapos kong alalahanin ang tanong niya kanina.
"You called me Sir," napatitig ako ng sinabi niya 'yon. Tinawag ko ba siya no'n? Tinawag ko bang 'Sir' si Van kanina?
'E ano naman ba kung tinawag ko nga siyang 'Sir'? 'E professor namin siya! Alangan namang tawagin ko lang siyang Van.
"Because you're my professor," diretsong sagot ko. Bakit 'yong kaba ko kanina bago ang klase niya wala na? Ihi lang ba katapat no'n? Ay, gross. Kung ano ano'ng pinag-iisip ko.
"You're my student?" Nagtatakang tanong nito. Sabi na 'e, hindi ako napansin kanina. Dinadaanan lang ata kami ng tingin kanina 'e.
"Assessment 2, Sir. Katatapos lang po ng klase natin," kung klase man ang matatawag do'n.
Hindi 'to umimik. Tahimik lang 'tong nakatingin sa'kin. Parang may iniisip. Ano naman kaya iniisip nito.
"Let's be casual," nakatitig lang ako rito at inaantay ang sasabihin niya. "Let's act as if nothing happened."
Act as if nothing happened? Wow! Sa kanya pa talaga nanggaling 'yon? 'Di ba dapat sa'kin? Pero nakakapangduda na siya mismo ang nagsasabi nito 'e.
"Part of moving on."
"Ha?" Moving on?
"I'm forgetting everything. So I'm erasing the memory of you hearing my worst nightmare."
Worst nightmare? Bigla kong naalala 'yong proposal niya no'n. Iyon 'yong gusto niyang kalimutan?
"And..."
"Okay, Sir," hindi ko na inantay kung ano pa ang sasabihin niya. Gusto na niyang kalimutan 'e. Pigilan ko pa ba? Tsaka pabor na rin naman sa'kin 'yon. Hindi na ko maiilang pa sa kanya.
Napatingin ako sa may likuran niya. Sa may pinaggalingan namin kanina. Nakita ko na 'yong tatlo kong kaibigan do'n. Pupuntahan na siguro ko sa may cr kasi ang tagal ko na.
"Sir," binalik ko ang tingin dito. "Una na po ako." Tumango lang 'to sa'kin kaya naglakad na ko at nilagpasan 'to.
"Iya," napahinto ako at napalingon nang magsalita 'to. Nakatingin 'to sa'kin.
"See you tomorrow," pagkasabi no'n ay ngumiti 'to.
Pakiramdam ko nakakita ako ng multo. Nilagpasan na niya ko't lahat pero wala, hindi ko pa rin maiwasang matulala sa hangin.
Ngumiti ba talaga siya? Ngumiti siya 'di ba? Totoong ngumiti siya? Bakit siya ngumiti? Marunong pala siyang ngumiti?!
Luh. Gano'n ba siya 'pag nagmo-move on? Ngumingiti? Pero bakit kanina sa klase hindi naman siya ngumiti? Ah! Ewan!
Nagsimula na ulit akong maglakad palapit sa mga kaibigan ko ng may maalala ako.
Ako 'yong tinawag niyang Iya 'di ba? Ako 'yon? Pero paano niya nalaman pangalan ko? Ni hindi nga niya alam na estudyante niya ko. 'Yong totoo, bakit ang weird no'n?