"Ayoko na," pabagsak akong humiga sa kama ko kaso agad din akong hinatak paupo ni kuya Jarvis.
"No, Lana. Tapusin mo 'to." Sumimangot ako rito at pinilit ko ulit humiga. "Lana..."
Para kong bata na nagta-tantrums para makahiga at makawala sa pagkakahawak niya. "Kuya, ayoko na! Napapagod na ko..." may pag-iyak na tunog pang lumabas sa'kin kahit hindi naman ako umiiyak.
Napabuntong hininga na lang ito bago ko hinayaang mahiga ng nakatagilid. "Wednesday lang ang binigay sa'yong deadline. Nakikita mo ba kung gaano kadami ang namiss mong acitivity?"
Napatingin ako sa tinuro nitong patong patong na folder. Nang tinignan naming 'yong mga activity pag-uwi, nag-sorting na rin kami. Pinagbukod bukod namin ng mga folder para madaling makita ang mga tapos na at mga hindi pa. Iniiwas ko ang tingin sa mga tambak kong Gawain. Tinitignan ko pa lang tinatamad na ko. Bukod pa 'yong ibang assignment ko sa ibang subject sa mga 'yan.
"Okay, 15-minute break?" sumimangot ako sa sinabi ni kuya. Nailing ito sa reaksyon ko bago binago ang sinabi, "Fine, 30 minutes?" umiling ako rito. "Last offer, an hour. Take it or leave it. Kung ayaw mo pa rin magsa—"
"Thank you!" inangat ko ang ulo ko at binagsak din ito agad. Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto ko munang umidlip kahit saglit lang.
"Don't sleep for too long."
"Hmm..." naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Kasunod noon ay ang pagbukas at sara ng pintuan ng kwarto ni kuya Jarvis. Oo, sa kwarto niya. May mga libro kasi siya tungkol sa Japanese language kaya nandito kami para may reference kami.
Linggo na ngayon at pangalawang araw na naming binubuno 'tong mga activity na 'to. Nakakaloka naman kasing magbigay ng activtiy ang taong 'yon! Paano niya nabibigay 'yon tapos aasahang matapos sa loob ng 3-hour period niya? Napailing na lang ako, sa totoo lang wala akong karapatang magreklamo. Kung tutuusin kahit hindi na niya bigyan no'ng mga namiss kong activity ay walang kaso sa kanya, pero binigay pa rin niya.
Narinig ko muli ang pagbukas at sara ng pinto. Hindi sana ko mag-aabalang tignan ito kung hindi lang nagsalita ang pumasok. "Lana?"
Naimulat ko ang mga mata ko at hinarap ang katawan ko sa tumawag sa'kin, si Nanay. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko. "Nagising ba kita?"
Umiling ako rito, "Nakapikit lang po ako. Hindi ako natutulog."
Napatango ito at napatingin sa study table ni kuya na inilapit namin sa may kama niya. "Marami pa ba 'yan?"
Tinignan ko rin ang mga sasagutan ko pa, "Opo, nakakakalahati pa lang po kami."
"Gano'n ba? Mamaya mo na lang ulit ituloy 'yan, sumama ka muna sa'min."
"Saa—"
"Nay, tinatakas niyo ba si Lana?" napatingin ako kay kuya Jarvis na kapapasok lang sa kwarto. Napatingin ako sa hawak nitong malaking chichirya.
"Anak, sandali lang naman kami. Magpapasama lang ako sa book store. Debut kasi ng anak ng kaibigan ko. Kasama ako sa 18 book, malay ko ba kung ano'ng klaseng libro."
"Wow! 18 books? Ngayon ko lang narinig 'yon ah. Novel books ba ibig niyang sabihin?"
"Siguro, malabo naman yatang academic books 'yon." Naupo sa tabi ko si kuya habang binubuksan ang hawak niya.
"Sige, Nay, isama niyo basta huwag lang kayo papagabi. Marami rami pa 'yang sasagutan."
"Yes!" mabilis akong tumayo mula sa kama. "Maliligo lang ako, Nay." Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko para makaligo at makapag-ayos.
Hindi naman matagal ang naging pag-aayos ko. Agad kaming umalis agad kasama si tatay. Pumunta lang kami sa kalapit na mall. Wala pa ngang 15minutes ang biyahe namin.
"Saan ba tayo makakabili?" pagtatanong ng nanay ko habang naglalakad kami papasok.
"May book store sa floor na 'to, Nay. Tingin tingin tayo do'n. Wala ba talagang nasabi kung ano'ng klaseng book?"
"Ang sabi ng kaibigan ko kahit ano'ng w*****d story book daw. Mahilig daw kasi sa magbasa sa w*****d 'yon. Ano ba 'yong w*****d na 'yon?"
"Ah, online reading site. Kung w*****d book, marami sa book store. Siguro tingin na lang tayo ng mga bagong release para wala pa siyang copy."
Sumang ayon sa'kin ang nanay ko. Naglakad lang kami papunta sa may book store. Pagpasok namin dito, dumiretso kami sa may shelves kung nasaan ang mga w*****d books. Syempre, alam ko kung nasaan dahil madalas din akong bumili rito.
"Lana."
"Po?" tinignan ko ang tatay ko na tumawag sa'kin.
"Ikaw na bahala mamili. Kahit siguro tatlo o limang libro basta bahala ka na. May titignan lang kami ng nanay mo doon," tinignan ko ang parte ng book store na tinuro nito. Iyon 'yong side na puro office supplies.
"Okay po." Naglakad na silang dalawa papalayo sa'kin.
Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa mga librong nasa harapan ko. "Hmm..." mga tatlo hanggang limang libro raw? Ano kaya maganda? Inisa isa ko 'yong mga librong nakalagay sa shelves.
Talk Back and You're Dead?
She's Dating The Gangster?
Diary ng Panget?
The Heiress?
*That Matchmaker?
*That Painful Encounter?
*Catching You, My Oppa?
*Just Give Me One Shot?
**The Girl Version of a Torpe?
(*pa-promote lang ng mga stories ko, kunwari published books na XD)
(** to be posted soon ang story ni Shei :D)
Napakadami pang ibang libro rito. Hinding hindi ka mauubusan ng mabibili. Sa huli, 'yong mga storyang hindi pa ko pamilyar ang mga kinuha ko. Inisip ko na lang na binibili ko 'to para sa sarili ko para mas maging maayos pamimili ko.
Tinignan ko ang walong librong dala dala ko. Limang pang-regalo at tatlong pang-akin. Syempre, ako naman magbabayad no'ng akin. Halos nakayakap na ko sa mga librong dala ko. Bakit ba hindi ako kumuha ng basket kanina?
Lumapit muna ko sa pinaka malapit na kuhanan ng basket sa'kin, pagkalagay ko na nito sa lalagyan tsaka ko pupuntahan mga magulang ko. Nakatuon ang mga mata ko sa basket kung na paglalagyan ko na sana ng mga libro kaso bigla na lang itong umangat. Napasunod ko ng tingin sa pag-angat nito hanggang sa napatignin ako sa kumuha nito.
"Oh?!" halatang nagulat din ito pagkakita sa'kin. "Sir Van."
"Lana."
Napakunot noo ako sa tinawag nito sa'kin. "Lana? " hindi ba ikaw ang kaisa isang tumatawag sa'king 'Iya'?
"What?"
"What?" napagaya na ako sa sinabi nito.
Napailing ito sa'kin bago inilapit ang hawak niyang basket sa gawi ko. "Put the books here."
Hindi na ko tumanggi pa, ramdam ko na rin kasing dumudulas na 'yong ibang libro sa pagkakahawak ko. Matapos ko itong ilagay doon ay hinawakan ko 'yong hawakan ng basket para sana kuhanin na ito sa kanya.
"What are you doing?" tanong nito na hindi bumibitaw sa pagkakahawak niya.
"Kinukuha 'yong basket?" patanong na sagot ko dito.
"I'll carry it," hinatak niya ito papalapit sa kanya pero hindi koi to binitawan.
"Bakit?"
"Why not?"
"Hindi tayo nakakapag-usap ng matino ngayon, 'no?" bigla na lang 'yon lumabas sa bibig ko. Para kasi kaming mga baliw na nagpapasahan ng mga tanong tapos hindi naman namin sinasagot.
Nasa ganoong sitwasyon kami ng biglang dumating ang mga magulang ko. "Lana...oh? Van? Is that you?" napabitaw ako sa pagkakakahawak ko sa basket nang tinawag ni Nanay si Sir Van.
Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanila bago ko nagtanong. "Kilala niyo siya?"
Ang tatay ko ang sumagot sa'kin, "Oo naman, best friend 'yan ng kuya mo."
Napataas ako ng dalawang kilay sa sinabi nito. "Ni kuya? Kuya Jarvis?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Ano ka ba..." nalipat ang tingin ko sa nanay ko nang tapikin ako nito sa braso. "Mas matanda sa kanya si Jarvis. Si kuya Travis mo ang kaedaran niya. Sila ang magbebest friend, silang tatlo nila Czam."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, gulat kong nilingon si Sir Van. "Best friend? Ikaw at si kuya Travis?! Aray!" bigla akong napahawak sa braso ko ng mahampas ako ng nanay ko sa braso.
"Boses mong bata ka!" napatingin ako sa paligid at may iilang tao ngang nakatingin sa'min. Inikom ko ang bibig ko habang hinihimas himas ang braso ko.
"Van, magkakilala ba kayo ni Lana? Ang tanda ko kasi hindi kayo nagkikita niyan kapag nabibisita kayo sa bahay. Sa litrato mo lang siya nakikita, hindi ba?"
Pumupunta siyang bahay? Oh my goodness! At wala akong kamalay malay?!
"Ah, opo. Estudyante ko po kasi si Lana last sem." Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nasamid pagkasagot niya.
Hinimas himas ng tatay ko ang likuran ko habang nasasamid ako. "Ano bang nangyari sa'yong bata ka? Bigla ka na lang nasamid d'yan."
Napahawak ang isang kamay ko sa dibidib habang naipaypay ko naman ang isa sa sarili ko. Pakiramdam ko napaka init ng mukha ko. Muli, hindi makapaniwalang tinignan ko si Sir Van.
"Nagtatagalog ka, Sir?" gulat na gulat na tanong ko pa rin dito. Sinamaan ako ng tingin nito pero hindi ako nagpatinag dito. "Nakakagulat ka."
"Oo nga, nakakagulat."
"Na nagtagalog siya?" tanong ko sa nanay ko.
"Hindi! Na naging prof mo pala siya!" itinuon nito ang atensiyon niya kay Sir Van. "Iho, hindi ka na nga pala nabibisita sa bahay? Si Czam nakakadalaw pa, ikaw matagal nang hindi. Bakit ba?"
Bigla akong napaayos nang pagkakatayo. Awkward. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko pero may posibilidad na kaya hindi na siya pumupunta sa'min ay dahil kay Ema.
"Sorry po, tita. I'll come visit some time." Napansin kong may pagbabago sa tono nito. Hindi ko lang masabi kung pati mga magulang ko napansin 'yon.
"How about now?"
"Now?" nagkatinginan kami ni Sir nang nagkasabay kaming sumagot.
"Yes. Lana, are you done with the books?" tumango ako rito at tinuro 'yong mga librong nasa basket na dala ni Sir Van. "Good, let's go." Hindi pa man kami nakaka-react ay nahatak na kaming dalawa ng mga magulang ko.
Matapos naming sa bookstore, dumiretso kami agad sa may parking. Nasa magkaibang floor 'yong mga sasakyan naming kaya kailangan naming maghilaway ng daan.
"Lana, samahan mo si Van."
"Samahan? Saan?" nagtatakang tanong ko sa nanay ko.
"Mahirap na kasi, baka takasan tayo niyan." Nagbibirong tinignan nito si Sir Van. "Isabay mo na si Lana. Gusto ko lang makasigurado."
"Ah...but tita—"
"Bye. See you at home!" bahagyang napaawang ang bibig ko nang talagang itulak pa ko ng nanay ko kay Sir Van. Mabilis silang naglakad papalabas sa may exit kaya hindi na kami nakaangal pa.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Sir Van. "So?"
Tumingin 'to sa'kin. "I really can't escape, huh?"
Bahagya akong natawasa ekspresyon nito sa mukha at sa sinabi nito. "Sigurista nanay ko, Sir."
"I can see that. Let's go." Nagsimula na itong maglakad papuntang escalator pataas kaya sumunod na lang ako rito.
"Ah, Sir Van?"
"Yes?"
Nakatayo ito sa may harapan ko, hindi man ito lumingon at bahagya naman niyang iginalaw ang ulo niya para mas marinig niya ko. Nakagat ko ang labi ko. Sa totoo lang ang dami kong gustong itanong sa kanya tungkol sa mga nabanggit ng mga magulang ko kanina. Kaso kasi nag-aalangan ako, napapaisip ako baka masobrahan na naman ako sa pakikialam sa personal life nila.
Sa huli, napagdesisyunan kong manahimik na lang. Sabi nga niya noon, labas ako sa issues nila. "Sorry, Sir. Nevermind na lang po."
Hindi na ito nagsalita pa, pagkaalis naming sa may escalator pareho kaming napahinto ng may kung sinong tumawag dito. "Van!" pati ako napatingin sa tumawag sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko kung sino ito. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong napatago sa may likuran ni Sir Van. Huli na nga lang kasi nakita pa rin ako nito.
"Oh! Sister?!" napakunot noo ako napadungaw rito mula sa likuran ni Sir Van. Nakumpirma kong ako ang tinatawag nitong 'sister' dahil nakatingin ito sa'kin.
"Sister ka d'yan! Hindi kita kapatid!" hindi ko na napigilan ang sarili kong sumagot dito.
"Fortin..." napatingin ako kay Sir na nakatayo sa harap ko. Para kasing may pagbabanta sa pagtawag niya rito.
"What? I'm not doing anything. And it's not like I can be a naughty one when you're here."
"Sir," hinawakan ko ang laylayan ng damit nito at bahagyang hinatak. "Bakit nga ba kilala niyo 'yan? Close ba kayo?"
"Yes, we're friends."
"Friends?" gulat nap ag-uulit ko sa huling salitang sinabi niya. "Lahat ba ng friends mo mga weird?"
"Hey!" bigla akong napabalik sa may likuran ni Sir Van nang humakbang papalapit si Fortin.
"Stop scaring her."
"What? I'm not even doing anything. You know, you're acting like her boyfriend."
"Shut up."
"Yeah, shut up."
"Lana..."
"What?"
"He's still older."
Umalis ako sa likuran nito at tinabihan siya. Tinitigan ko ito sa mga mata. "Bakit ka 'Lana' ng 'Lana'? Iya tawag mo sa'kin, 'di ba?"
"And I can't change it?"
"No!"
Tinaasan ako nito ng dalawang kilay. Habang napapikit pikit naman ako. Ano bang mga pinagsasabi ko? Bumaba ang tingin ko sa kamay kong nakakapit pa rin sa kanya. Bigla akong napabitiw dito at napahakbang palayo.
"Yep..." pareho kaming napatingin kay Fortin. "You definitely looks like a couple."
Sinamangutan ko ito sa sinabi niya. "Manahimik ka!" – "Shut up!"