Season 2 - Chapter 26

2588 Words
Kinabukasan, nakapasok na ko sa school. Medyo nakonsensya pa nga ako kasi nagpasuyo pa si Nanay sa kay tita ng medical certificate para may ipakita ako sa mga prof ko. Pinalagay niya na may allergic reaction ako kahit na namumugto lang talaga ang mga mata ko kakaiyak.        "Ano'ng oras uwi mo?"         Tinignan ko si kuya Travis pagkatanggal ko ng seatbelt. "Mamayang 5PM."          Tumango lang ito sa'kin, nang hindi na ito sumagot pa ay bumaba na ko. Tinotoo nilang hatid sundo nila ko sa school. Tingin ko alam na ni kuya Jarvis na mas pipiliin kong pumasok kaysa mag-drop sa school. Kaya niya siguro kinausap si kuya Trav sa paghatid sundo sa'kin ay para makasigurado siyang papasok ako sa oras. Hindi ko alam kung paano pero nagulat ako nang alam ni kuya Jar ang class schedule namin.          Hindi naman na ko nagtanong kung paano niya nalaman. Pati na rin kung hanggang kailan magiging ganito ang sistema namin. Alam ko naman na kahit nakakapag-usap kami ng maayos, 'yong disappointment niya nandoon pa rin. Alam ko rin na may trust issues na siya sa'kin dahil sa hindi ko pagpasok ng maayos nitong nakakaraan.          "Lhia," napalingon ako sa may likod ko nang marinig ko ang pagtawag sa'kin.          "Jade?"         "Bakit naman ganyang reaskyon mo sa'kin? Para kang gulat."         Napatingin ako sa may orasan ng phone na nasa bulsa ng blouse ko bago sumagot dito. "Ang aga mo?" Hindi makapaniwalang sabi ko rito.           "Hindi ko alam kung matatawa ba ko o dapat akong mainsulto d'yan sa reaksyon mo. Nakakapasok naman ako ng maaga paminsan minsan."          Hindi ko napigilan ang bahagyang matawa sa sinabi nito. "Bakit kaya kasi ganito reaksyon ko, 'no?" Inakbayan ko pa ito habang sinasabi 'yon.         "Oo na!"            Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakaakbay pa rin ako rito.          "Lhia?"          "Hmm?"           "Okay ka lang?"           Tinignan ko ito, ngayong nakatitig ako rito naalala ang mga naging aksyong pinakita ko sa kanila. Wala akong sinabi sa kanila ni isa simula no'ng naghiwalay kami ni Orlando pero hindi sila nagtanong. Hindi ako pumasok sa Foreign Language namin ng napaka tagal, pinagsabihan nila ko pero hindi nila ko pinabayaan. Taken for granted. Ganyan ang naging trato ko sa kanila nitong mga nakakaraan pero pinagtiyagaan nila ako, ang naging ugali ko.           Inilapit ko sa'kin ang si Jada gamit ang braso kong nakaakbay sa kanya. "Oo, mas okay na ko. Medyo natauhan na ko sa mga kalokohan ko."          "Hindi ka na magda-drop?" Bakas ang pag-asa sa itsura nito.           "Oo," naisipan kong magkwento sa kanya ng kaunti habang papaakyat kami. Kaunti lang muna, unfair naman do'n sa dalawa. "Nalaman ni kuya 'yong balak kong mag-drop. Kinausap niya ko at binigyan niya ko ng dalawang pagpipiliin. Una, papasok sa lahat ng subject. Pangalawa, mag-drop sa school."            "Sa school? As in mag-quit ba ibig niyang sabihin?" Halata ang gulat sa itsura niya.           Tumango ako rito, "Oo. Syempre nauwi ako sa unang pagpipilian. Ayoko kayang iwan kayo." Nginitian ko pa nang napaka tamis si Jade.         "Totoo ba 'yan?" May pagdududa sa mukha nito.          "Oo nga. Apat na taon na tayong magkakasama tapos iiwan ko lang kayo dahil sa lalaki? Maling mali," napailing pa ko sa sarili ko.           "So, papasok ka na next week sa klase niya?"          Naintindihan ko agad kung sino ang tinutukoy niya. Isang klase lang naman ang hindi ko pinapasukan. Tumango ako sa kanya.           "Oo, tama na 'yong pagtakas sa katotohanan." Napatingin ako rito nang maramdaman ko ang pag-akbay din nito sa'kin.          Bakit ba ko masyadong nabulag? Bakit hindi ko nakita ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa'kin? Masyadong natuon ang atensyon ko sa iisang tao. Oo, mahal ko siya pero mahal ko rin naman ang pamilya't mga kaibigan ko. Masyado akong nabulag sa sakit nakalimutan ko nang lumingon sa paligid ko.                 Lumipas ang mga araw, kumpara noon bago pa ko harapin ni kuya Jar, pansin kong mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na rin ako madalas umiyak kapag gabi. Nalulungkot pa rin, may kirot pa rin, pero kahit papaano masasabi kong hindi na kasing lala tulad noon.            Hanggang sa dumating na ang araw ng Miyerkules. Kinakabahan ako habang nasa daan kami. Si kuya Jarvis ang kasama ko ngayon, siya ang maghahatid sa'kin.            "Huwag kang matense." Napatingin ako sa kanya.         Ilang segundo akong nakatitig sa kanya bago nagsalita, "Kuya."         "Hmm?"           "Natatae ako," bigla naman itong natawa sa sinabi ko at napatingin sa'kin.          "Lana!" Natatawang pagtawag nito sa'kin. Napanguso lang ako rito. Napailing ito sa sinabi ko. "You're doing great."           "Ha?" Hindi ko naintindihan ang gusto nitong sabihin.          "Nothing."            Akala ko, ibababa lang niya ko sa labas ng gate tulad ni kuya Trav pero dumiretso 'to sa loob ng uni. Pag-graduate ko makakuha nga ng alumni ID, maganda pakinabang 'e.           Pumarada sa may tapat ng building namin si kuya. Hindi naman ito illegal parking kasi parking space naman talaga ang harap ng mga building dito. Hindi ko naiwasang magtaka at mapatanong nang mapansin kong nagtanggal ng seatbelt si kuya.           "Saan ka pupunta?"          "Sasamahan ka," nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.              "Hanggang sa loob ng building?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.         Tinanguan ako nito, "Oo. Let's go." Wala akong ibang nasabi pa, napasunod na lang ako rito pagbaba niya ng sasakyan. Dire diretso siya papunta sa loob ng building namin.           Nagtataka naman ako kung paanong alam na alam niya kung saan siya pupunta. Para bang alam niya kung saan ang room namin ngayon. Ano'ng klaseng source ba mayroon 'to at nalaman niya ang mga ganitong detalye? Hindi ko pa siya natatanong tungkol dito.           Napahinto ako nang mapahinto ito sa tapat ng classroom namin. Napansin ko ang pagbabago sa tayo nito at pati na rin sa ekspresyon nito sa mukha. Tumabi ako rito at mula sa pwesto nito ay kitang kita ang nakaupong si Orlando sa may teacher's table.          Bigla akong napaiwas ng tingin nang gumalaw ang ulo nito paharap sa direksyon namin. Hindi ko naiwasang hindi mapakapit sa laylayn ng damit ni kuya.         Humakbang paabante si kuya habang ako nanatili lang sa pwesto ko at hatak pa rin ang laylayan ng damit niya. Narinig ko ang pagkatok niya sa bukas na pintuan.           "Excuse me, Mr. Instructor. May I have a word with you, please?" Mabilis akong napalingon dito. Kakausapin niya?           Hinatak hatak ko ang laylayan nito ng damit. Hinawakan niya lang ang kamay kong nakakapit sa kanya. Hindi niya ko nilingon pero nagsalita siya. "You go inside already. I'll take care of this."           "Kuya," lalong humigpit ang kapit ko rito pero mas hinigpitan din niya ang hawak niya sa kamay ko.          "Yes? How may I help you?" Hindi ko napigilang mapasinghap nang marinig ko ang malapit na boses ni Orlando.           "Please let my sister go inside first."         "Kuya..."         "...please go inside now, Ms. Velasco." Napatingin ako sa direksyon ni Orlando pero hindi ko ito tinignan ng direkta sa mukha. Nakatingin ako sa may damit nito.         Nabaling ang tingin ko kay kuya Jarvis nang marahan at paulit ulit niyang pinisil ang kamay ko. "Go. Si kuya ang bahala sa'yo." Hindi pa rin ako nito nililingon. Direkta lang itong nakatingin kay Orlando.           Napabuntong hininga na lang ako at walang ibang nagawa kundi ang pumasok na sa loob. Halos idikit ko pa ang sarili ko sa may door frame para lang hindi ko tamaan si Orlando. Dadalawa pa lang ang kaklase ko sa loob. Dahil na rin sa aga nang pagpasok ko. Hindi ko pinansin ang mga gulat nitong ekspresyon pagkakita sa'kin. Naupo na lang ako agad.          Tinignan ko sila kuya at Orlando, bigla akong napatayo ng mawala sila sa pinag-iwanan ko sa kanila kanina. Nilibot ko ang tingin ko sa may labas ng bintana pero hindi ko sila makita. Nasaan na ang mga 'yon? Bakit bigla na lang silang nawala? Siguro naman...walang gulong magaganap, hindi ba? Please, 'wag naman sana. Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Orlando. Unti unti nang nagsisidatingan ang mga kaklase ko pero wala pa rin ito. Kinakabahan ako, hindi ko kasi alam kung ano'ng pwedeng gawin sa kanya ni kuya Jar. Hindi bayolenteng tao si kuya, ayaw nga niya ng gulo pero hindi ko maiwasang mag-alala lalo na't nakakatakot siya no'ng nakaraang nagkausap kami. "Lhia." Napatingin ako sa bagong dating, si Anne. Tumabi ito sa bakanteng upuan sa gilid ko. "Buti naman pumasok ka na." Nakatingin lang ako rito kasi hindi ako makasagot sa pag-aalala. Napansinata niyang hindi ako mapakali kaya nagtanong na siya. "May problema ba? Nahihirapan ka na naman bang huminga?" bigla nitong inihawak sa may likuran ko ang kaliwang kamay niya. Umiling ako rito, "Hindi naman. Ayos lang ako." "Bakit ganyan itsura mo?" "Kausap kasi ngayon ni kuya si Orlando. Kanina pa sila magkausap pagkapasok ko pero hindi pa sila bumabalik." "Magkausap sila? Huy, 'di ba sasapakin ng kuya mo 'yon?" hindi ko napigilang hampasin sa hita si Anne. "Anne naman 'e! Kinakabahan na ko rito ah." Nabanggit ko na sa kanilang tatlo 'yong naging pag-uusap namin ni kuya. Hindi detalyado na pati ang mga eksaktong sinabi nito ay sinabi ko sa kanila. Sinabi ko lang na kinausap ako ng kapatid ko para magising, sinabi ko rin 'yong pagpapamili sa'kin nito kung magda-drop ako ng school o papasok ako. Grabe nga 'yong naging reaksyon nila no'n. Mangiyak ngiyak si Shei no'ng pinili kong manatili rito dahil na rin sa kanila. Mas lalo tuloy akong nakonsensya sa magbabaliwala ko sa kanila. Ilang sandal pa dumating na rin sila Jade at Shei. Nang saktong magsisimula na ang klase ay tsaka lang bumalik si Orlando. Napabaling ako kay Anne. "Check mo nga 'yong mukha kung may sugat o pasa. Ayoko siyang tignan." Diretsang pakiusap ko rito. Tinitigan ko ang reaksyon nito, "Wala naman siyang kahit ano'ng sugat sa mukha. Parang wala namang nangyaring gulo." Napahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Umayos na ko nang pagkakaupo, iniharap ko ang katawan ko sa may board pero ang tingin ko ay sa may teacher's table mismo at hindi sa kanya. "Good morning everyone. Let's start our class now." Nagsimula agad ang klase namin. Inilabas ko ang compilation ko ng mga handouts dito at hinanap kung saan 'yong nirereview niya sa'min.  Pilit ko siyang hindi tinitgnan. Kapag nasusulat, sa white board lang ako nakatingin, sa mismong sinulat lang niya. Kapag naman nagsasalita siya, sa may board pa rin ako nakatingin, pinakikinggan ko lang siya. Salamat sa tulong ni kuya Jar sa paghahabol naming ng lessons no'ng weekend, at mga notes ng kaibigan ko, kahit papaano ay nakakasunod ako. May mga parteng hindi ko maintindihan kaya nauuwi ako sa pagbulong at pagtatanong sa mga kasama ko. "Okay, now let us move on to our next lesson." Napabuntong hininga ako, grabe, review pa lang 'yong kanina! "Kaya pa?" napatingin ako kay Jade na nasa kaliwa ko. "Kinakaya," tinapik nito ang balikat ko. "Get one and pass." Pinamigay nito ang mga handouts per row. Nakatingin lang ako sa table namin nang ipasa nito ang handouts kay Anne para sa row namin. Hindi ako nag-angat ng paningin hanggang sa makabalik ito sa may harapan. Hindi ko alam kung paano ko nagawang makinig sa kanya ng hindi siya direktang tinitignan. Nagpapasalamat na lang ako sa malinaw niyang pagsasalita kaya nakakasunod ako kahit papaano. Iyon nga lang, kailangan ko talagang maghabol para hindi ako mapag-iwanan. Malapit pa man din na ang mid-term exams namin. "That's it for today's lesson. See you next meeting." "Good bye, Sir." Hindi ko na napigilang mapadukdok sa may table kahit na hindi ako sigurado kung nakaalis na ba siya. "Miss Velasco." Bigla akong napaupo ng maayos nang tawagin niya ang apeliyido ko. Tulad kanina hindi pa rin ako nakatingin dito. Sumagot naman ako sa pagtawag nito, "Yes...Sir?" hindi ko talaga maatim na tawaging 'Sir' ang taong ito. Mas mahirap pa 'to kumpara sa pagtawag kong 'Sir' kay Sir Van noon. "Follow me to my faculty," pagkasabi noon ay naglakad na ito papalabas. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. "Kaya mo 'yan, girl." Tinanguan ko si Jade at pilit na ngumiti. Hindi ko pa agad malaman kung paano ko liligpitin ang mga gamit ko. "Sumunod ka na, kami na bahala sa gamit mo." Napatango na lang ako at dahan dahang tumayo. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago muling tinignan ang mga kaibigan ko. Tinanguan nila ko bago ako nagsimulang maglakad papalabas. Hindi ko pinansin ang tingin ng mga kaklase ko. Medyo napakamot ako sa likod ng tenga ko nang maisip kong baka naiwan na ko nito dahil sa bagal kong tumayo. Hindi ko alam kung saan ang office nila. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nakatayo ito sa may 'di kalayuan ko. Hindi ko alam kung saan ako mas nagulat; doon ba sa nakatayo siya doon at parang inaantay ako, o sa nandito pa rin si kuya Jar at nasa tapat ni Orlando. "Come here," napalakad ako papunta sa kanila nang tinawag ako ni Orlando. Kay kuya ako tumabi pagkalapit ko. "Nandito ka pa kuya?" halos pabulong na tanong ko rito. "Yeah, we'll go to his faculty office." Nagulat ako sa sinagot nito, inakbayan ako nito bago ito tumingin sa direksyon ni Orlando. "Let's go?" Naunang naglakad si Orlando habang nakasunod kami sa likod nito. Sinamantala ko ang pagkakataon at tinanong si kuya. "Bakit nandito ka pa? Tsaka bakit tayo pupunta sa office niya?" pabulong kong tanong. Inilapit pa nga nito ang tenga niya sa'kin. "Kukuhanin natin 'yong mga activity na hindi mo nakuha. Iuuwi natin para masagutan mo sa bahay." Tinignan ako nito, "Hindi natatapos sa pagpasok mo lang ang lahat, Lana. Bawal kang bumagsak sa subject niya." Napatango na lang ako sa sinabi nito. Nagtaka ako nang dumiretso kami sa lab high na nakakonekta ang building sa building namin. Huminto kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan ito ni Orlando, "Go inside." Pinauna niya kaming pumasok ni kuya. Pagkapasok sa loob, medyo napapikit ako sa lamig na sumalubong sa'min. Ang lakas naman ng aircon dito. Nilagpasan kami ni Orlando at dumiretso sa table niya. Inilibot ko sa paligid ang tingin ko para hindi siya matignan. "Here," napatingin ako kay kuya nang galawin niya ang balikat ko. "Get it," sinundan ko ang tingin nito at nakatingin ito sa tumpok ng papel na hawak nito Orlando. "It's fine, I'm here." Sa assurance na sinabi niya, nilapitan ko ito at mabilis na kinuha ang mga papel na hawak. Agad akong bumalik at lumapit sa kapatid ko pagkatapos. "Please pass all it next Wednesday." "She will." Pagkasagot no'n ni kuya ay hinawakan niya ko sa may palapulsuhan at naglakad na kami papalabas. Hindi na ko nag-abalang lingunin pa o magpaalam kay Orlando. Pagkasarang pagkasara namin ng pintuang nilabasan namin, isang malalim na buntong hininga ginawa ko. Napatingin ako kay kuya nang inilipat nito ang hawak niya sa may ulo ko. "You did great today." Isang maliit na ngiti ang naging sagot ko rito. "Let's eat now? You only have short break, right?" inalis na nito ang kamay niya sa may ulo ko. Hinawakan ko ang braso nito para pigilan, "Kuya, bakit parang alam mo 'yong class schedule ko?" hindi ko na mapapalagpas pa 'to kasi pati break time namin alam niya. "Kasi alam ko talaga?" patanong na sagot nito sa'kin. "Paano?" Tinitigan muna ko nito bago sumagot, "I have my resources. Let's go, let's eat now." Nagsimula itong hatakin ako pero pinigila koi to. "Teka, kuya! 'Yong mga gamit ko nasa mga kaibigan ko pa." "Oh? Okay, puntahan natin sila. Isama na rin natin sila. I want to treat them for being a good friend to you." Napangiti naman ako sa sinabi nito. Tama, deserve nila ng 'treat' dahil sa pagiging palaging mabuting kaibigan sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD