Season 2 - Chapter 25

2104 Words
Lhia's POV           Pagkauwi ko sa bahay, nanlalata akong pumasok sa kwarto ko. Maswerte akong abala ang nanay ko sa pagluluto, at ang tatay ko sa pag-aayos ng ilaw sa may sala kaya naman hindi nila napansin ang itsura ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, hindi na gano'n kapula ang mga mata at ilong ko pero mahahalata pa ring hindi ito 'yong karaniwang itsura ko. Napabuntong hininga ko, papunta na sana ko sa may kama ko ng mahagip ng mga mata ko ang isang malaking bagay. Hinarap ko ito at tinitigan, may isang puting tela kong tinaklob dito. Ito 'yong teddy bear na binigay sa'kin noon ni Orlando. Dati, tinatabi ko talaga 'to sa pagtulog, lalo na no'ng nagkahiwalay kami. Yakap yakap ko 'to noon para mapunan kahit papaano ang pangungulila ko rito. Ngayon, itinabi ko na ito sa pinaka sulok ng kwarto ko. Tinakpan ko pa para hindi ko makita. Ginawa ko 'to simula no'ng nalaman kong instructor ko pala si Orlando. Tinanggal ko ang bag na nakasuot pa sa'kin at marahas itong hinagis sa direksyon ng teddy bear. Ilang saglit ko pa ito tinitigan bago ko naglakad na papunta sa kama ko. Ibinagsak ko ang katawan ko rito. Napatitig ako sa kisame habang inaalala 'yong mga nangyari kanina. Hindi ko akalaing makakapaglabas ako ng ganoong emosyon kanina, at sa public place pa. Hindi naman ako sa nagsisisi. Sa totoo lang, medyo gumaan ang pakiramdam ko kanina matapos kong ilabas ang mga 'yon. Katiting na porsyento lang 'yon ng mga bagay na kinikimkim ko pero ang sarap pa rin sa pakiramdam nang mailabas ko ito kahit papaano. Napipikit na ko sa antok, hindi ko na pinigil pa ang sarili ko at hinyaan ang sarili kong makatulog. Biglang napamulat ang mga mata ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Napaupo ako nang pumasok ang kapatid ko, si kuya Jarvis.             "Kuya?" Pagtawag ko rito pero hindi ako pinansin. Inilibot lang nito ang paningin niya sa buong kwarto ko. Para bang may hinahanap siya. "May problema ba? May hinahanap ka ba?" Napalibot na rin ang tingin ko sa paligid. Hindi pa rin ako nito sinagot. Napatigil ang tingin nito sa may sulok ng kwarto ko. Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinitignan nito. Doon siya nakatingin sa may teddy bear. Bigla akong napatayo sa may kama ko nang lumakad siya papalapit dito. Akala ko 'yong mismong teddy bear ang dahilan nang paglapit nito dito pero hindi pala. Nagtataka ko siyang pinanuod habang pinupulot niya 'yong bag ko. Bigla niya itong binuksan at parang may hinahanap. Napalapit ako sa kanya ng bigla niyang ilabas ang plastic envelope mula rito.                          Ano'ng kailangan niya do'n?                      "Kuya, ano bang problema?" Lumapit na ko rito. Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang isang pamilyar na piraso ng papel. Tinangka ko itong hablutin mula sa kamay niya pero nalamukos na niya ito bago ko pa naabot. "Kuya!" Marahas niyang ibinato ito sa may likuran ko. Napaatras ako nang tinitigan niya ko sa mga mata. Napalunok ako sa takot, kitang kita sa mga mata niya ang galit. "Ganyan mo ba haharapin ang break up niyo? Ang mag-drop sa subject?" Mababa ang boses nitong tanong sa'kin. Paano niya nalaman? Nang hanapin niya 'yong drop out form kanina halatang alam na niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero paano? "Wala kang alam," halos pabulong na sagot ko rito. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, pero sigurado namang malalaman din ng pamilya ko ang tungkol dito. Desidido na ko kaya hindi ako aatras. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba pero parang nagdilim ang paningin nito. Hindi ko naiwasang mapaatras. Naramdaman ko ang pagtindig ng mga balahibo ko. Pakiramdam ko biglang bumigat ang hangin sa paligid, parang napaka hirap huminga.  "Ah. Tingin mo wala akong alam?" lalo akong kinilabutan sa klase ng tingin na binibigay sa'kin ng kapatid ko. "Hindi ko alam na instructor mo ngayon si Orlando? Na siya ang dahilan kung bakit hindi ka pumapasok sa subject niyo na Foreign Language? Na kaya gusto mong mag-drop dahil gusto mo siyang takasan?"  Para akong natuod sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang alam niya ang mga bagay na 'yon. Paano niya nalaman 'yon? Pakiramdam ko umatras ang dila ko, hindi ako makapagsalita. Hindi ako makaatras nang humakbang ito papalapit sa'kin.  "I'm so disappointed, Lana." Para bang hiniwa ang puso ko sa mga salitang binitawan niya. Tatlong salita pero ang lalim ng tama sa'kin. "Just because we're not saying anything doesn't mean we know nothing. Huwag mo kaming gawing tanga." Bawat salitang binibitawan nito ay parang matalim na patalim na tumatarak sa puso ko.  "When you decided to be in a relationship, we let you. It's part of your growth. When you have you heart broken and decided to stayed in silent, we let you. Even though deep inside it pains us to see you holding it all inside. That, too, is part of your growing. But this? To decided that you'll drop a subject? For what? Just because of your ex? Are you really this immature?" Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ko. Napansin ko na lang na napapahikbi na ako. "When our parents let you create your own relationship it is because they trust you. They know that you won't act childish and that it will help you grow more. But they're wrong. You're not growing, you're letting yourself to sink so deep you don't even want to stand." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Wala akong maisagot sa kanya.  "This is how you'll come up with break up? Fine. I'll give you two options; your either attend your class or drop out from college. You chose." Gulat akong napatingin dito. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Drop out from college? Ibig sabihin mag-quit sa school? "K-kuya."  "Pick wisely, Lana. You don't have any other options. If you think I'll let you disappoint our parents with your rush decisions, then you're wrong." Iyon ang mga huli niyang salita sa'kin bago ito mabilis na lumabas sa kwarto ko. Nanlambot bigla ang mga binti ko, hind ko na napigilan ang biglang pagbagsak ko sa sahig. Bumuhos ang mga luha ko habang nakasalampak ako.  "I'm so disappointed, Lana." Paulit ulit sa utak ko ang mga salitang 'yan. Napayuko ako. Ganito na ba ko kasira para sabihin 'yon ng kapatid ko? Si kuya Jarvis na ni minsan ay hindi nagalit o nakapagsalita ng masama sa'kin? Ganito ba kalala ang mga naging aksyon at  mga plano ko?   "...If you think I'll let you disappoint our parents with your rush decisions, then you're wrong." Muli kong nakagat ang labi ko upang pigilan ang tunog mula sa pag-iyak ko na kumawala. Ganito ba ko nabulag ng sakit na binigay ni Orlando na muntik ko na ring saktang ang mga tao sa paligid ko? Kabilang na ang mga magulang ko? Nang gabing 'yon, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, magsisi, at balikan ang mga hindi magandang desisyong ginawa ko.  Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang liwanag na tumatama sa may mata ko. Iniharang ko ang braso ko sa may mukha ko upang maharang ang liwanag. Mabigat man ang mga mata, dahan dahan akong nagmulat. Napatagilid ako sa pagkakahiga ko. Nahawakan ng kamay ko ang malamig at matigas na sahig. Dito na pala ako nakatulog kagabi.  Sinuportahan ko ang katawan ko gamit ang mga braso ko at dahan dahang umupo. Napatingin ako sa bagay na tinamaan ng paa ko sa pag-unat ko ng binti ko. Isang lamukos na papel. Ito 'yong drop out form na nilukot ni kuya Jarvis. Nakatitig lang ako rito ng biglang may kumatok sa may pintuan. "Lana? Gising ka na ba?"  Sasagot na sana ko nang maalala ko 'yong drop out form. Mabilis ko itong kinuha at itinapon sa may basurahan.  "Lana?" Humugot muna ko ng isang malalim na hininga bago ako lumapit sa may pintuan. Dahan dahan ko itong binuksan at sinilip ang nanay ko. "Bakit po?"   "Oh, buti gising ka na. Ano'ng oras ba pasok mo? Magtatanghali na."  Pinilit kong inisip kung ano'ng araw ngayon pero para kong na mental block at 'di ko matandaan. Kaya naman hindi ko rin maalala ang class schedule ko ngayong araw. Nagulat ako ng biglang hawakan ng nanay ko ang ilalim ng mata ko. "Nay?" "Nagka-allergic reaction ka na naman ba? Bakit namamaga ang mga mata mo?"  Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Naalala ko ang grabe kong pag-iyak kagabi. Ni hindi ko na nagawang tignan ang sarili ko sa salamin kanina bago ko buksan ang pintuan.  Kinabahan ako ng bigla itong pumasok sa kwarto ko at lumapit sa may study table ko. "May pabango ka pa ba rito? 'Di ba sabi namin itapon mo na lahat?" Napahinga ako nang maluwag nang magsimula itong maglakad pabalik sa kung nasaan ako. "W-wala na po akong pabango rito. B-baka nakagat lang ako ng insekto habang natutulog, nay." Pagdadahilan ko na lang rito. May allergic reaction kasi ko sa mga pabango, lalo na kapad de-spray na tumatalsik sa hangi. Namamaga talaga mga mata ko at sobrang kati pa.  "Oh, sige sige. Kumain ka na sa labas, magtatanong ako sa tita mo kung ano pwedeng igamot d'yan." Napatango na lang ako rito habang naglakad ito papalabas. Bigla itong tumigil at humarap muli sa'kin. "Huwag ka na pumasok ngayon."  "Opo." Iyon na lang ang naisagot ko rito. Tingin ko rin naman huli na ko kung papasok pa ko, kahit hindi ko pa rin matandaan kung ano'ng araw na ba ngayon. Wala naman kasi kong unang klase na katanghalian ang simula. Puro 8AM o 10AM ang simula ng mga klase ko.  Pagkalabas ko sa may hapag kainan, inabutan ko si kuya Travis. Hinanap ng mga mata ko si kuya Jarvis pero wala ito rito. Naupo na ko sa katapat na upuan ni kuya Travis. Ramdam ko ang pagtitig nito sa'kin kaya tinitigan ko rin ito. "Ang pangit mo naman. Ano bang nangyari sa'yo? Wala naman nang nagpapabango rito." Sinimangutan ko lang ito sa sinabi niya. Hindi ako umimik dito, wala ako sa kundisyong makipagtalo. "Papasok ka pa ba?" Inabot sa'kin nito ang walang lamang plato sa tabi niya. Sumandok ako ng pagkain bago sumagot sa kanya. "Sabi ni nanay 'wag na raw akong pumasok." "Hindi na pala kita kailangang ihatid." Napatingin ako rito, "Ihatid? Bakit mo ko ihahatid?"  "Sabi ni kuya simula ngayong salitan kami ng paghatid at sundo sa'yo." Napakunot noo ako sa sinabi nito. "Pero sabi niya kapag Wednesday daw siya ang maghahatid sa'yo."  "Wednesday?" Si Orlando ang unang pumasok sa isipan ko. Napakurap kurap ako. Balak ba kong bantayan ni kuya ang mga kilos ko? Kung papasok ako sa mga klase ko o hindi? "Oh." Tinignan ko ang inaabot na cellphone ni kuya Travis. Kinuha ko ito mula sa kanya kahit nagtataka ako, "Tawagan mo, gusto ka makausap no'n kaso late ka na nagising."  Pagkasabi no'n ay tumayo ito at iniligpit ang kinainan niya. Tinitigan ko ang cellphone ni kuya Trav. Napakagat labi ako kung tatawagan ko na ba ngayon si kuya Jar o hindi. Sa totoo lang, palihim akong napahinga ng maluwag ng makita kong wala si kuya Jar kanina. Gayunman, alam ko namang hindi ko siya maiiwasan dahil sa iisang bahay lang kami nakatira. Mag-uusap at mag-uusap kami lalo na't pinapapili niya ko sa dalawang options niya. Huminga muna ko ng malalim bago ako nagdesisyong tawagan ito. Isang ring lang at sumagot din ito agad. [Trav? Gising na ba si Lana?] "Hello? Kuya?"  Saglit itong tumahimik bago muling nagsalita. [So, what's your decision? Drop or attend your class?] "Attend my class." Diretsang sagot ko rito. Sa nangyari kagabi, natauhan na ko. Hindi ko kayang i-disappoint ang parents ko, hindi ko rin kayang makitang gagraduate ang mga kaibigan ko ng hindi ako kasama. At tsaka, ayoko nang mas lalo ko pang ma-disappoint si kuya Jarvis. [Good decision. Improving yourself is the best revenge you can give your ex. Show him what kind of treasure you are.]  Napangiti ako sa sinabi nito, alam kong may tampo pa rin siya pero ramdam ko pa rin ang pag-aalala niya sa'kin. "Sorry," mahinang sabi ko rito. [Don't be. I don't want you to be sorry, Lana. All I want is to see you being yourself again. Break up is painful. No doubt about that. But don't hurt yourself more by ruining your life that you might regret later.] "Yes, kuya." Doon nagtapos ang pag-uusap namin dahil narinig ko na ang pagtawag ng boss niya sa kanya sa kabilang linya.  'Break up is painful.'  Indeed, pero narealize kong mas masakit ang masaktan at madisappoint ang mga taong mahalaga sa'yo. Lalo na ang pamilya mo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD