Jade's POV
"Okay, for the next one. Please rewrite the following..." kumuha ng isang index card si Orlando...I mean Sir Lan sa tumpok na hawak niya.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang professor na namin siya. Kaya naman hanggang ngayon naaasiwa pa rin ako sa pagtawag sa kanya na Sir at sa bago niyang nickname na Lan. Kung ako, hindi mapalagay at naaasiwa sa sitwasyon ngayon paano pa kaya si Lhia?
Walang kumpirmasyong sinasabi sa'min si Lhia, pero malakas ang hinala namin noong nakaraang enrollment ay naghiwalay na sila. At masasabi kong tama kami base na rin sa sinabi noon ni Orlando...Sir Lan na single raw siya.
Kaya ba sila nag-break dahil magiging prof namin si Orlando?
Kahit ano'ng isip at hinala ang mayroon ako, silang dalawa lang nakakaalam no'n.
Napapaisip tuloy ako, ganito rin kaya si Lhia noon nakaraang sem kay Sir Van? Tapos ngayong medyo na-overcome na niya si Sir Van may pumalit naman, mas matindi pa nga.
Napansin ko kung paano nalipat mula sa hawak niya papunta sa may hilera namin ang mfa tingin niya. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa may gilid ni Anne—na siyang dulo na ng hilera namin—isang bakanteng upuan ang nado'n. Nireserba namin 'yon para sana kay Lhia kaso hindi naman siya pumasok.
Hindi na naman.
"Ms. Velasco." Nabaling ang tingin ko kay Sir Lan nang banggitin niya ang apeliyido ni Lhia.
Alam kong alam niyang absent si Lhia pero tinawag niya pa rin ito, dahil hindi naman alam ng mga kaklase namin kung ano'ng relasyon mayroon sila. Napabuntong hininga ako nang maisip ko na naman kung ano'ng klaseng sitwasyon ang mayroon silang dalawa.
"Sir, she's absent." Si Shei na ang nagsabi nito kay Sir Lan. Tingin ko mas mabuti na ring sa'min na manggaling 'yon kaysa sa mga kaklase namin. Mahirap na, baka dugtungan pa ng mga kaklase namin ang sasabihin nila. Ilaglag pa nila lalo na hindi pumapasok si Lhia—kahit obvious na alam naman ni Sir Lan.
Tumango lang si Sir Lan kay Shei bago kumuha ng isang panibagong index card. Sa president namin ang kasunod nitong nakuha kaya ito na ang pumunta sa may white board para magsulat.
Habang nakatitig ako sa likod ng president namin habang nagsusulat ito, naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa'kin ni Shei. Inilapit ako ang sarili ko rito ng hindi inaalis ang tingin sa harapan.
"Beh, absent na naman si Lhia. Wala bang balak pumasok 'yon dito?" hindi ako nakaimik dito. Paano ko naman masasagot? Si Lhia lang nakakaalam no'n.
Umayos ako nang pagkakaupo ng hindi nabibigyan ng sagot si Shei. Nitong mga nakakaraang meeting namin kay Sir Lan, dahil wala si Lhia, kumukuha na lang kami ng extra hand out para sakanya. Minsan, nilalagyan na rin namin ng notes 'yong mismong hand out kapag sobrang hirap ng lesson.
Nang matapos ang tatlong oras naming klase, napagdesisyunan lang namin na kumain sa fastfood chain sa may labas ng university. Papalabas na sana kami nang harangin kami ng isa sa mga kaklase namin na nakapwesto malapit sa may pintuan.
"Uy," napatingin ako rito dahil ako ang nauunang maglakad. "Bakit hindi pumapasok si Lhia?"
Hindi ko naiwasan ang bahagyang mainis sa tanong nito. Ito rin kasi 'yong kaklase naming nagtanong ng kaparehong tanong kay Lhia mismo. Hindi nga siya sinagot ni Lhia noon, ako pa kaya makakasagot sa kanya?
Imbes na magsalita, tipid na ngiti lang ang ibinigay ko rito at dumiretso na ko palabas. Sa mga ganitong sitwasyon, makikita mo kung sino talaga ang mga 'concern' at sino ang gusto lang maki-chismis. At 'yong kaklase namin na 'yon, chismis lang habol. Halata naman sa fact na hindi niya kayang irespeto 'yong katahimikang isinagot sa kanya ni Lhia. Hindi naman mahirap maintindihan na ayaw pag-usapang no'ng tao, 'di ba?
"Nagtatanong na sila," nalingon ako kay Shei dahil sa sinabi niya.
"Hayaan mo sila. Chismis lang naman gusto ng mga 'yon. Hindi mo napapansin? Iisa lang tanong nila, kung bakit hindi pumapasok si Lhia? Ni hindi man lang nila matanong kung ayos lang ba 'yong tao." Naiinis na sagot ko kay Shei.
Hindi na ito umimik pa at dumiretso na lang kami papunta sa kainan. Dahil isang oras lang ang vacant namin, naging mabilis lang ang kain namin. Nag-take out lang si Shei para kay Lhia kasi alam naman naming papasok na siya sa susunod na subject. Gano'n ang routine niya tuwing Wednesday, 'yong pangalawang subject namin ang ginagawa niyang unang subject.
Matapos ang klase namin, nagpasa ko sa mga kaibigan ko para pumunta sa may Hera hall. May hinihiram kasi kong libro mula sa kaibigan ko no'ng high school.
Habang papunta kami doon, saglit na nagpaalam si Lhia para magbanyo. Hinayaan naman namin siya kasi ayaw niya ring magpasama. Bago kami tuluyang makapasok sa may Hera hall napatingin ako sa lugar kung saan bumukod sa'min si Lhia. Napakunot noo ako nang makita ko kung saang building ito pumasok.
Admin building?
Hindi ko alam kung bakit pero ang sama ng kutob ko rito. Babalikan at hahabulin ko sana si Lhia ng bigla akong pigilan ni Anne.
"Saan ka pupunta?"
"Si Lhia kasi..."
"Susunod naman 'yon, halika na sa loob mainit dito sa labas." Wala na kong nagawa pa nang ipagtulakan na ko nito papasok.
Pagpasok namin, naupo muna kami sa may bleachers dahil nakita naming nagkaklase pa 'yong kaibigan ko. Sa may kabilang side kami ng hall kung nasaan sila pumwesto. Para na rin hindi kami maka-distract ng klase.
Habang inaantay 'yong kaibigan ko, ilanh beses nagpabalik balik ang tingin ko sa may entrance ng Hera hall. Hindi ko alam kung bakit pero mas naiinip ako sa pagbabalik ni Lhia kaysa sa paghihintay sa kaibigan ko.
"Ano ka ba, girl? Parang hindi ka mapakali d'yan." Naramdaman ko ang paghawak ni Anne sa kanang braso ko.
"Si Lhia kasi..." natigilan ako sa sasabihin ko nang makita kong papasok na si Lhia sa loob. "Lhia!" kumaway ako rito para makita niya kung nasaan kami.
"Sshh! Beh, ang lakas ng boses mo!" Naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko sa sinabi ni Shei.
"Sorry."
Nang makalapit sa'min si Lhia, naupo ito sa tabi ni Shei na siyang nasa kaliwa ko. Tinanong ko kung bakit ito nagtagal pero hindi ako nito sinagot, para ngang iniwasan niya ang tanong ko. Nagtanong ito pabalik sa'kin kaya sinagot ko na lang.
Para namang tumigil ang mundo ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na imahe ng tao. Napapatitig ako rito bago ko mabilis na tinignan si Lhia.
Wrong timing naman!
"Lhia..." sa pagtawag na 'yon ni Shei, sigurado akong hindi lang ako ang nakapansin sa taong ngayon ay papalapit na sa'min. Kinabahan ako bigla. Hindi ako makapag-isip nang matino kung ano ang gagawin ko.
"Ms. Velasco," napatitig ako kay Orlan—Sir Lan. Nakatayo ito sa tabi ni Lhia habang nakatingin dito. "When do you plan to attend my class?"
Hindi ito sinagot ni Lhia, ni hindi siya tinignan nito. "Ms. Velasco."
"Never." Halos hindi ko narinig ang sinagot ni Lhia.
"What is it?"
"Hinding hindi na ko papasok sa klase mo. Hahayaan ko na lang na ibagsak mo ko."
Pagkatapos no'n ay tumayo si Lhia at inaaya na kami. Narinig ko na rin kasi ang pagtawag sa'kin ng kaibigan ko. Napasunod na lang kami rito. Bago ko tuluyang makalayo sa inupuan namin, napatingin muna ko kay Orlando.
Nakaramdam ako ng kaunting kurot sa puso nang makita ko ang malungkot na ekspresyon ni Orlando. Alam kong hindi niya naintindihan 'yong huling sinabi ni Lhia, pero hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang bigat at hinanakit sa bawat salitang binitiwan nito. Kaibigan ko si Lhia pero naging malapit at kaibigan rin naman namin si Orlando. Ang makita silang ganito—parehong nasasaktan—ay sobrang nakakabigat sa pakiramdam.
Napatitig ako sa likuran ni Lhia na siyang nauuna sa'min. Tingin ko oras na para kausapin namin siya. Pasimple kong hinatak papalapit sa'kin si Anne at Shei bago bumulong sa mga 'to.
"Kakausapin na natin mamaya si Lhia." Tingin ko sapat na oras at space na ang ibinigay namin dito. Kailangan na naming pag-usapan ang mga bagay bagay bago pa lumala ang sitwasyo.
* * *
Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi ni Lhia. Drop out form?!
"Lhia, ano bang pinagsasabi mo? Drop out form?" Si Anne na ang nagtanong ng eksaktong tanong na iniisip ko ngayon. Ano'ng kalokohan ba 'tong iniisip ni Lhia?!
"Hindi major subject ang Foreign Language, wala rin siyang pre-requisite. Hindi magiging problema kahit next sem ko na siya kunin. Mas maganda pa nga kasi ako ang makakapamili ng schedule at professor na gusto ko. Total naman isang major subject na lang din tayo next sem."
Napalunok ako sa mga sinabi ni Lhia. Kung pagbabasihan ang mga sinabi nito, masasabi kong seryoso talaga siya. Sa totoo lang, isa 'yan sa nakakatakot niyang trait. Nakakatakot kasi dahil kapag sinabi niyang gagawin niya, gagawi niya talaga.
Hinayaan namin siyang makapag-isip isip ng matagal dahil ayaw naming siyang pwersahing magkwento. Gusto namin siya mismo ang mag-open up sa'min tapos ganit nap ala naiisip niya? Ang lahat ng ito, naisip niya dahil lang kay Orlando? Kay Sir Lan na 'yon?
"Lhia...nang dahil lang kay Orlando pababayaan mo ng ganito ang pag-aaral mo?" Naikuyom ko ang isa kong kamay. Hindi ko akalaing ganito kalalim ang magiging sugat na maiiwan ni Orlando sa kanya. Pero sapat na ba 'yon para pabayaan niya ang pag-aaral niya?
Hindi kami honor student, hindi rin kami gano'ng kasipag mag-aral, pero never kaming nagpabaya to the point na hindi na pumapasok sa klase—at ano? Magbalak na magda-drop ng subject?
Napatitig ako kay Lhia, hindi ko naiwasang mapalunok nang mapansin ko ang pagbabago ng aura nito. Halata rin ang pagbabago sa ekspresyon nito.
Sige, Lhia. Kung sasabog ka sa'kin ngayon, okay lang. Basta ilabas mo lang 'yong mga bagay na kinikimkim at sinasaloob mo.
"Lang?" Isang kakaibang tawa ang idinugtong niya rito. Kapansin pansin ang pagkagat nito ng labi. Para bang pinipigilan niya ang sarili niya sa isang emosyon na unti unti nang bumabalot sa kanya. "Ang daling sabihing lang kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko. Hindi ikaw 'yong iniwan na lang bigla. Hindi ikaw 'yong sinalubong ng ex mo para sabihing magiging instructor mo siya. Hindi kasi ikaw 'yong halos madurog ang puso sa paulit ulit na sakit, kirot, hiwa na mararamdaman mo makita mo lang siya kahit isang Segundo. Hindi kasi ikaw 'yong halos mamatay matay na sa loob dahil kahit iniwan ka niya, mahal na mahal mo pa rin siya." Habol habol nito ang hininga niya matapos sabihin ang mga salitang 'yon na may diin.
"Gusto ko siyang yakapin, hawakan, halikan, gustong gusto kong magmakaawa sa kanya na balikan niya ko...pero hindi pwede 'e. Kahit miss na miss ko na siya hindi ko siya magawang tignan sa mga mata. Kasi sobrang sakit. Sobrang sakit na bigla na lang niya kong iniwan. Kasi bakit? Ano'ng dahilan? Dahil magiging instructor natin siya? Iyon ba dahilan niya? 'E punyeta naman pala, pinagpalit niya ko para sa pagtuturo niya?" Bakas sa pagbabago ng tono niya nagpipigil na siyang umiyak.
"Lhia..." akmang pupunasan ni Shei ang mga luhang nagsimula nang tumulo sa mga mata nito pero hinawi lang ito ni Lhia.
"Hindi ko kailangan ng 'awa', pang-unawa ang kailangan ko." Itinakip ni Lhia ang dalawang kamay niya sa may noo niya. Halos natakpan na rin nito ang kalahati ng mukha niya. Kapansin pansin ang mabilis na pagtaas baba ng mga balikat nito.
Walang nakaimik sa'min. Ano nga ba ang tamang sabihin sa mga ganitong sitwasyon? Nakakatakot magsalita ng kung ano, sa totoo lang. Pakiramdam ko kasi, kahit ano'ng sabihin naming hindi mapapagaan ang nararamdaman niya.
Inilapat ko sa likod nito ang isang kamay ko at marahan itong hinagod. Katahimikan ang namayani sa'min hanggang sa mapagdesisyunan na lang naming umuwi.
Nang bagyang kumalma si Lhia, napagdesisyunan namin ni Shei na mag-take out na lang. Nakakahiya rin kasi na tumambay dito tapos aalis kami ng wala man lang inorder. Humihikbi pa si Lhia nang mag-aya itong umuwi na.
"Sigurado ka ba? Pwede pa naman tayong mag-stay dito hanggang sa kumalma ka na talaga." Ngayong natitigan ko siya, halatang halata ang pamumula ng mga mata at ilong niya.
Hindi ito nagsalita at tango lang naging sagot sa'kin. Nagkatinginan na lang kaming tatlo at wala nang nagawa pa nang tumayo na si Lhia.
Tahimik na nakatingin sa labas ng jeep si Lhia habang nasa biyahe kami pauwi. Napagdesisyunan kong mag-iba ng ruta at sumabay na lang rito. Hindi rin naman ako mahihirapang umuwi kung sasabay ako sa kanya. Buong biyahe, walang imik si Lhia. Tahimik lang din naman ako habang nasa tabi nito.
Nang makababa na kami sa jeep, hinawakan at pinisil lang nito ang braso ko bago ito nagsimulang maglakad papalapit sa may sakayan ng tricycle. Hinabol ko ito para masabi ang isang bagay na gusto kong sabihin kanina.
"Lhia..." tinignan ako nito. "Please, pag-isipan mong mabuti 'yong tungkol sa drop out form." Isang blangkong tingin lang ang ibinigay nito sa'kin bago tuluyang naglakad palayo at sumakay. Napabuntong hininga ako, sa reaksyong nakuha ko halatang desidido pa rin ito sa balak niya. Kailangan kong makaisip ng paraan mapigilan siya sa balak niya.
Hanggang sa makauwi ako sa bahay naming, iniisip ko pa rin sa Lhia. Naibagsak ko ang katawan ko sa kama ko pagkapasok ko sa kwarto. Kailangan ko na agad makaisip ng paraan para mapigilan si Lhia. Natatakot ako na baka bukas na bukas din ay ipasa nito 'yong drop out form.
Pero paano ko ba siya pipigilan?
Sa sitwasyon ngayon, hindi niya kami pinapakinggan. Kung may tao lang sana na kakausap sa kanya para matauhan naman siya kahit paano.
Mga magulang niya kaya?
Napailing ako sa naisip ko. Hindi ko sigurado kung alam ba ng mga magulang niya 'yong plano niya. Paano kung hindi nila alam? Baka imbes na 'usap' ang gawin ng mga ito ay pagalitan siya.
Sino kaya?
Napaupo ako sa ideyang pumasok bigla sa isip ko. Iyong kapatid niya, 'yong kuya niya! Pilit kong iniisip 'yong pangalan ng kuya niyang sumundo sa kanya noon. Noong enrollment, nang magpaulan si Lhia ay sinundo siya ng kapatid niya. Buti na nga lang tumawag noon kuya niya at kami na ang nakasagot, kaya nauwi siya agad noon. Problema talaga namin noong araw na 'yon kung paano iuuwi si Lhia. Alam naman namin ang papunta sa bahay nila dahil ilang beses na rin kaming nakapunta doon, pero ang problema naming ay basing basa siya at wala kaming maipambalot sa kanya.
Nakakunot na noo ko sa pagpupumilit na pag-alala sa pangalang nakita ko noon sa phone screen ni Lhia. Ano nga ulit ang nakalagay doon? Bakit ba ngayon ko pa hindi matandaan?
Napatigil lang ako sa pag-aalala ng pangalan nito ng may mapagtanto ako. Paano ko nga pala ito kakausapin kung malaman ko man ang pangalan nito? Wala naman akong contact number no'n. napasabunot na lang ako sa buhok ko. Ano ba naman 'to? Napakahirap naman mag-isip at maghanap ng paraan.
Muli kong binagsak ang katawan ko sa may kama. Kinuha ko ang phone ko at nag-browse sa f*******:. Kailangan ko munang maglibang saglit, kahit saglit lang, baka sakaling makaisip na ko ng paraan pagkatapos nito.
Hanggang sa pag-iinternet ay naiisip ko sa Lhia. Napabuntong hininga na lang ako at naisipang bisitahin na lang ang profile nito.
Lana Iya Velasco (Lhia)
Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at tinignan ko ang mga nasa photos nito. Habang isa isa kong tinitignan ang mga tag photos sa kanya, napatigil ako sa family photo nila. Pinindot ko ito at nakita ko ang pangalan ng taong nag-tag nito sa kanya.
Jarvis Blake Velasco
Walang nakalagay na-caption sa picture pero napukaw no'ng taong nag-tag ang atensyon ko. Kapatid kaya 'to ni Lhia? Pinuntahan ko ang profile nito, ewan ko ba, para bang nag-liwanag ang invisible light bulb sa utak ko. Pakiramdam ko ang taong ito na ang makakatulong sa'kin kay Lhia.
Naka-private ang account nito pero naka-public ang mga profile picture nito—bukod sa cover photo nito. Inisa isa ko ang profile picture nito mula sa kasalukyan nitong gamit papunta sa gamit niya noon. Napatigil ako sa isang picture, si Lhia habang may hawak hawak na isang gitara at naka-tag pa nga ito sa mismong litrato. Halatang matagal na 'yong picture dahil bata pa si Lhia rito.
Binasa ko ang caption na nakalagay dito, "My one and only baby sister. My baby rock!" Napa-fist bump ako sa binasa ko. Hindi ko alam kung bakit pero tuwang tuwa ako sa discovery ko na 'to. Ito siguro 'yong isang kuya ni Lhia? Ang alam ko kasi dalawang lalaki ang kapatid no'n, hindi naman sa judgemental ako pero kung ikukumpara ko ito doon sa isa niyang kapatid—'yong sumundo sa kanya noon—parang mas approachable ang awra nito.
Inexit ko na 'yong litratong tinitignan ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko pumunta doon sa 'message' ng profile nito. Ilang beses ako nag-type at nagbura ng message ko rito. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba sisimulan ang sasabihin ko. Direct to the point na baa gad? O magpakilala muna ko? Paano kung hindi niya agad mabasa 'tong message ko? I-add ko kaya muna? Paano kaya?
Ibinaba ko sa may gilid ko ang phon ko para makapag-isip muna. Isang buntong hininga ulit ang ginawa ko bago ko kinuha ulit 'yong phone ko. Wala na talagang atrasan 'to.
Jaydel Paulette:
Hello po, good evening po.
Kinakabahan ako habang iniintay ko kung mababasa ba nito agad ang message ko. Please naman, sana mabasa niya agad.
*ping!*
Mabilis akong napaupo nang marinig ko ang notification sound ng messenger. Napangiti ako nang makita kong nag-reply ito sa'kin! Binuksan ko agad ang chat head nito.
Jarvis Blake:
Hello, can I help you with something?
I saw that Lana's our mutual friend.
'You can now call each other and see information like Active Status and when you've read messages.'
Jaydel Paulette:
Yes po, kaibigan po ako ni Lhia :)
May gusto po sana kasi kong sabihin sa inyo...
Hindi ko naiwasang mapabuntong hininga muli. Ito na 'to, ito na talaga! Inantay ko muna ang sagot nito bago ko magsabi rito.
Jarvi Blake:
About Lana? Go ahead.
Jaydel Paulette:
Kasi po....nag-iisip po siyang i-drop yong Foreign Language class namin
Seen
Napalunok ako nang makita ko ang 'seen'. Hindi ko alam kung idudugtong ko ba 'yong dahilan kung bakit naisip ni Lhia na i-drop 'yong subject o ano. Para kong luting, hindi ko masabi kung tama o may sense ba mga pinagsasasabi ko.
Nagulat naman ako ng biglan nag-ring 'yong phone ko. Tumatawag via messenger 'yong kapatid ni Lhia! Bigla naman akong napaayos sa pagkakaupo, nahawi pa ko ng buhok ko bago koi to sinagot.
Isang ngiti ang bumunga sa'kin pagkasagot ko rito. "Hello."
"Hello po."
"Sorry for suddenly calling you. It's just that it will be easier for us to talk like this."
"Okay lang po. Pasensiya na rin po kasi naabala ko kayo."
"Don't be. So...when did you learn that Lana's planning to drop that subject?"
"Kanina lang po, nagulat din po kaming mga kaibigan niya sa totoo lang."
"I see. Thank you for telling me. Good night." Isang ngiti at isang kaway ang ibinigay nito sa'kin bago niya binaba ang tawag.
Dahan dahan kong ibinaba ang phone ko at ipinatong ito sa hita ko. Isang malalim na buntong hininga ang nagawa ko. Hindi ko namalayang napigil ko na pala ang hininga ko. Naipunas ko ang likod ng palad ko sa noo ko, pinagpawisan ako doon ah. Muli kong ibinagsak ang sarili ko sa kama. Iyon na ba talaga 'yon? Medyo hindi kasi ko makapaniwala sa bilis ng pangyayari, sa bilis nang pag-uusap naming. Napalunok ako, hindi ko alam kung bakit pero matapos kong makausap kapatid ni Lhia, para kong kinabahan?
Akala ko, sa dalawa niyang kapatid, 'yong isa 'yong nakakatakot—'yong unapproachable. Kaso parang mali ako? Parang mas nakakatakot 'yong kuya niyang nakausap ko.
Jarvis Blake Velasco
Tama kayang kinausap ko siya tungkol dito?