Chapter 1
Arnold kissed my cheeks. I giggled. Hinalikan ko siya sa labi na agad na ikinangisi ng lalaki.
"Flare!" I've heard someone called my name. Agad akong lumingon at tiningan kung sinong sumigaw sa pangalan ko.
"Let's go home," Kuya Ash said coldly. Sinulyapan pa nito si Arnold at tiningnan ng masama, patunay na hindi ito natutuwa sa kasama ko. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Arnold sa aking beywang. Marahil ay natatakot dahil sa tingin ni Kuya Ash sa kanya.
Inirapan ko ang kapatid ko. Kahit kailan ay kill joy talaga. Palibhasa kasi ay walang jowa. Forever single na ata ang kapatid ko, eh!
"Kuya, can't you see?! I'm busy," saad ko at agad na ibinaling ang tingin sa boyfriend kong si Arnold. Namumutla ito at bakas ang takot sa mukha.
Napairap na lamang ako. Matagal na kaming mag jowa ni Arnold. Mag t-two weeks na nga kami bukas. Arnold is attractive, tall and a heartthrob. Isa siya sa mga manliligaw ko at siya ang ma-swerteng lalaking sinagot ko.
Well, sinagot ko lang naman ito dahil kinantahan niya 'ko sa harapan ng maraming tao. Para sa akin ay romantic na iyon at isa pa ay maganda ang boses ni Arnold!
"Busy?" My brother chuckled without humor. "Huwag mo akong ma-busy busy riyan, Flare! Halika na't uuwi na tayo!" Kuya Ash announced with such authority. Hinila niya ako palayo kay Arnold.
"Kuya naman, eh!" I frowned. Nilingon ko ang kasintahan. "Arnold, help me!"
"S..Sorry babe. Sumama ka na lang muna sa kuya mo," Arnold uttered, nauutal pa!
Agad na nagsalubong ang kilay ko. Magsasalita pa sana ako ngunit agad na akong hinila ng supladong kong kapatid paalis sa classroom.
Bwisit! Bukas ay i-b-break ko na ang Arnold na iyon! Hayop siya, hindi man lang ako tinulungan!
Ugh! This is f-cking frustrating.
"Ano ba kuya! Let me go," aniko habang nagpupumiglas.
Nakarating kami sa parking lot at agad akong pinapasok ni Kuya Ash sa BMW nitong kotse.
"Pwede ba kuya?! Stop being over protective. I'm already old for f-ck sake! I can handle my own self."
Suplado lamang akong tiningnan ni Kuya Ash at agad na pinaandar ang kanyang kotse.
"You're d-mn hardheaded, Flare. Kailan ka ba titigil sa pagiging playgirl? Hindi mo ba nababalitaan ang mga nangyayari sa mga naging ex boyfriend mo?!" sigaw nito sa akin.
Humalukipkip lamang ako at napasinghap na lamang.
I do love taking advantage of someone's feelings. Si Arnold palang ang nakakatagal sa akin. Lahat kasi ng mga naging boyfriend ko ay naaaksidente! Hindi ko alam kung malas lang ba sila o ako talaga ang malas sa buhay nila. Naalala ko pa ang nangyari kay James. Mag di-date sana kami pero hindi natuloy dahil naaksidente ito habang nagmamaneho.
Ayon. Na-coma ito ng tatlong buwan. Iyong isa ko pang ex na si Xavier, nabagok lang naman ang ulo. Napaaway ata 'yon. Knowing him, Xavier is a disastrous boy. Nabagok ang ulo nito at hanggang nagyon, hindi pa rin niya ako maalala. Nagka-amnesia kasi.
At worst! Iyong isa ko pang ex na si Harvey. Nabaril! And sadly, he's now... dead. I really do feel awful for him. Loyal pa naman iyon sa akin at sweet. Mabait din kaya siguro maagang kinuha. I hope he's now in peace, resting.
"Wala naman akong kasalanan kung 'yon ang naging kapalaran nila, kuya," wika ko kay Kuya Ash.
"Oh yeah?"
"Bitter ka lang, eh! Wala ka kaseng jowa. Mag-jowa ka na kasi para hindi ka na bitter," I said jokinly. My brother just chuckled lightly.
Ilang saglit pa ay nakauwi rin kami sa mansyon. Agad na nadatnan ko si mama sa kusina. She was baking cookies!
"Hi, mom! We're home," I announced and kissed her cheeks. Napangiti si mommy sabay hubad ng apron nito.
My mom is really effortlessly gorgeous! Siya ang pinakamagandang babaeng nasilayan ko. Kahit 43 na siya ay makinis pa rin ang mukha nito. Para pa rin siyang anghel! She's elegant and graceful. Manang mana talaga ako sa kanya.
"Nasa sala sila Cassius. Ikaw na ang magdala ng cookies sa kanila," my mommy told me when suddenly her phone rang.
Sila Cassius? What are they doing here?
Kinuha ko ang platong may lamang cookies at agad na tinawag ang kasambahay para ipadala ang pagkain sa sala.
Duh, anong silbi ng kasambahay kung ako ang magdadala nito sa kanila.
Agad ako umakyat papunta sa kwarto upang makapagbihis. Pagbaba ay agad akong pumunta sa sala. Agad ko silang namataan na nagkwekwentuhan.
"Hey, guys!" bati ko sa mga ito.
"Hey, Flare!" Azel De Leon said and winked at me.
Flirt.
"Ba't kayo nandito?" tanong ko at agad na tumabi kay Cassius.
Ngumisi si Cassius sa akin at inakbayan pa ako.
"Napabisita lang. Debut mo na sa susunod na araw 'di ba?" Cassius spoke.
Napangiti ako roon. Cassius is my boy bestfriend since childhood. Kaibigan siya ni Kuya Ash simula pa noon kaya naging kaibigan ko na rin ito.
"Ano bang gusto mo sa birthday mo?" Lexis Valencia asked habang kumakain ng cookies.
Bigla tuloy akong napaisip. Ano nga bang gusto ko? Sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung ano. Gusto ko sana 'yong engrandeng birthday! Iyong tipong maraming bisita tapos nakasuot ako ng mamahaling designer gown, but sadly, hindi naman madami ang friends ko kaya wala akong bisitang marami.
My girl schoolmates feels hostility toward me. Well, I hate them too and I don't give a d-mn about them. Mga kaibigan lang ni Kuya Ash ang mga kaibigan ko. Sila lang. Ayaw sa akin ng mga babae dahil ubod ng inggit ang nasa utak at katawan nila.
Kasalanan ko bang malapitin ako sa mga lalaking kinababaliwan nila? Kuya Ash and his friends are well-known. They all have outstanding looks and remarkable charms. Women would kill for their attention.
"I'm gonna celebrate my birthday here," I announced.
Pwede namang magpa-party rito sa mansyon. It's not a problem.
"Great!" Cassius said. "Ako ang last dance mo, ha," wika niya at pinisil ang ilong ko.
"Mangarap ka, Cassius. Ako ang last dance ni Flare," si Kuya Ash.
"Walang may pake, Ash," Cassius said bluntly, it made them laughed.
Nagkukuwentuhan ulit sila at hindi ko na alam kung ano ang mga topic ng mga ito. Kumain na lang ako ng cookies habang pinagmamasdan isa isa ang mga narito.
Kuya Ashrael, my brother is really d-mn good looking. Nagmana ang features nito kay daddy mula sa madilim nitong mga mata, matangos na ilong at mapulang labi. Moreno at suplado rin kaya naman mas lalong naaattract ang mga babae sa kaniya. Bonus pa na wala pa itong naging babae. NGSB yata ang kuya ko.
Kabaliktaran sa akin. I have soft features na namana ko kay mommy. Pati ang kulay ng buhok ay sa kaniya rin namana. I have a straight soft jet hair and milky soft skin. Ngunit kay daddy ko namana ang ugali sa pagiging maharot.
Dating playboy kasi ang daddy namin at nagbago lamang nang makilala ang
mommy naming mala-anghel. Namana ni Kuya Ash ang ugali ni mommy sa pagiging prim and proper.
Sinulyapan ko si Azel De Leon. Una talagang napapansin sa lalaking ito ay ang magulo nitong kulay brown na buhok. Napakaamo ng mukha ni Azel, palagi rin kasi siyang ngumingisi. Ngising pang manyak nga lang. Para siyang maamong demonyo. Madami na siyang nabiktimang babae. Matinik, eh.
Si Lexis Valencia naman... Lexis is cold, but absolutely hot. Maamo ang mukha nito katulad kay Azel pero parating walang emosyon ang mukha nito. Parang mas gusto pa niya atang pakasalan ang mga libro niya kesa sa tunay na babae. Dagdag attractive pa sa kanya ang bilogan niyang eyeglasses. Parang Harry Potter lang. Pero hindi rin iyan matino. Palihim rin kasi iyang nambababae. Baka nga mas wild pa iyan, eh.
Ang kuya ko lang ata ang matino sa kanila.
Isa pa 'tong si Cassius. He's playful and naughty. He looks intimidating and ruthless person pero kabaliktaran naman ang ugali. Kung akala mo ubod ng suplado si Cassius, doon ka nagkakamali. Baka nga pati nerd ay papatulan niya. Parehas sila ni Azel. Kulang nalang maging jowa ng bayan.
"Tangina talaga ni Lazarus. Bugbog sarado sila Jad at Angelo, binugbog talaga ng mga tauhan niya," natigil ako nang marinig ang sinabi ni Cassius.
"Patalikod siyang tumitira. Mukhang balak niya talagang pabagsakin tayo," Kuya Ash uttered.
"Let's see if he could," Cassius mumbled coldly.
Kumunot ang noo ko sa usapan nila. My heart pounded so fast. Hindi ko alam kung bakit, kung bakit pamilyar sa akin ang pangalang binanggit ng mga ito.
"He's a monster. Wala tayong magagawa kung hindi ang kalabanin siya," Lexis said.
They all nodded.
"Who's Lazarus?" hindi ko na napigilan at naitanong iyon.
Natigilan sila at sabay silang napalingon sa akin. Para bang gulat at mukhang ngayon lang ako napansin. Seriously?
Cassius chuckled.
"Hindi mo na ba natandaan, Flare? Siya 'yong kaibigan namin noon na palagi mong kalaro rito sa mansyon," wika ni kuya.
My heart clenched. Damn. Bakit biglang kumirot ang puso ko?
Lazarus...
The person who vowed and left.
It's been 11 years noong huli kong masilayan ang berde nitong mga mata. Iyon na lamang ang natatandaan ko sa lalaking nagngangalang Lazarus.
_
Hawak ko ngayon ang kwintas na ibinigay nito sa akin. Hindi ko na matandaan kung bakit ito ibinigay sa akin. Kung hindi lang kami mayaman ay baka naisangla ko na ang kwintas na ito.
Agad kong ibinalik ang kwintas sa kahon at iniligay ito sa loob ng cabinet.
Huli kong natandaan kay Lazarus ay palagi ako nitong inaaway. Nakakainis iyon at ayaw ko sa ugali niya! Bully at napakasama ng ugali.
Hindi ko na rin alam kung saan na iyon ngayon. Bahala siya sa buhay niya, buhay niya naman iyon. Siya ang nang-iwan at wala akong balak na hanapin ang taong ayaw magpakita. Baka nga hindi na ako nito maalala.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong dinampot at agad na nakita ang pangalan ni Arnold doon. My eyebrows met.
Bakit tumatawag 'tong gagong 'to?! Agad ko itong sinagot at agad na binulyawan.
"Break na tayo kaya huwag mo na akong tawagan—"
"He's now dead," a cold baritone voice answered.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napaawang ang labi ko. Tumindig ang balahibo sa narinig. Hindi si Arnold ang nasa kabilang linya! Sino 'to?!
Chineck ko pa kung si Arnold nga ba ang tumawag. Bakit nasa kaniya ang cellphone ni Arnold? Where's Arnold and who the hell is this guy!?
"W..Who are you?" I stammered. Nanginginig ang kamay ko.
Paksh-t!
"Baka wrong call ka— s..sige, bye!" saad ko at akmang ibababa na ang tawag nang magsalita ulit ito.
"Flare." His voice is so f-cking seductive and damn attractive, but what the hell? Ano raw? Flare? Kilala niya ako?!
"Sino ka ba, huh?! Saan si Arnold? Ba't ikaw ang sumagot? Holdaper ka, 'no? Kaya siguro na sa 'yo ang cellphone niya!" saad ko kahit natatakot na.
I heard him giggled, it made my lips parted. Sino ba talaga 'to? Kahit nakakaakit ang boses nito ay hindi ko pa rin 'to kilala. Hindi pa naman ako gaanong maharot para patulan ang lalaking 'to.
"Don't f-cking laughed at me! Who the f-ck are you?!"
Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. Kinagat ko ang labi habang pabalik balik ang lakad dito sa loob ng aking kwarto. Kinakabahan ako, eh.
"Whoever attempts to snatch you away from me will experience misery, Flare," he declared coldly.
Tumindig ang balahibo ko.
"W..Who are you? Why are you doing this?!"
"Because you are my possession."
What the hell?!
"Baliw ka ba?! Sino ka ba sa tingin mo?! Damn you! Don't f-cking joke around, idiot!"
"See you on your birthday," huling wika nito at agad na ibinaba ang tawag.
Birthday? Alam niya?
Napaupo ako sa kama dahil sa panghihina. Biglang tumunog ang phone ko. Kahit nanginginig ang mga kamay ay agad ko itong binuksan.
Napatakip na lamang ako sa aking bibig nang makita ang picture ni Arnold! He was laying on the ground, bathed with his own blood! There's a lot of bruises and it looks terrifyingly awful!
From: Unknown number
Stay away from men or else they will experience hell.
This is not a threat, but a solely warning.
Nabitawan ko ang hawak na telepono. Kung sino man ang nasa likod nito, sigurado akong hindi ito basta bastang tao! How could he murder someone!? He's heartless! Monster! A... psychopath.
D-ammit!
Bakit niya 'to ginagawa? Anong dahilan nito?