Chapter 5

2238 Words
KINABUKASAN ay nagising na lang ako dahil sa katok ng pinto sa kwarto. Napabangon ako at napahikab. Tirik na tirik ang araw. Mukhang tanghali na ata akong nagising. "Sino 'yan?" tanong ko at tamad na tumayo. Binuksan ko ang pinto at agad kong nakita si manang. "Mag-ayos na po kayo, madame. Hinihintay na po kayo sa baba," she told me. Napasimangot ako at tumango. Pumasok ako sa banyo at agad na naligo. Pagkatapos mag-ayos ay agad akong bumaba. I immediately saw Lazarus. May kausap ito sa telepono at mukhang seryoso. He's wearing a business suit. Mukhang may trabaho. Agad siyang napasulyap sa aking gawi nang maramdaman ang presensya ko. "Just f-cking send that guy in the torture room. I prefer to eradicate him with my own hands," wika niya sa kausap nito. My eyebrows met. Agad akong natigilan at napasinghap. "T-ngina mo, Kieran. Gawin mo na lang," malutong na mura niya sa kabilang linya sabay pinatay ang tawag. Agad niyang ibinulsa ang cellphone at lumapit sa akin. "How's your sleep?" tanong niya. Ngayon ay malambot na ang ekspresyon nito, ibang iba sa ekspresyong nakita ko kanina lang. His arms wrapped around my waist and he kissed my forehead. I winced. "I'm fortunate that it's fine. Mabuti na lang at hindi ako binangungot," I let out sarcastically. Agad akong kumawala sa pagkakahawak niya at umupo sa silya upang kumain. Umupo rin siya at ramdam ko ang titig niya. Nagsimula kaming kumain. As usual tahimik na naman. Tumikhim ako at pinunasan ang labi ko gamit ang panyo. Nilingon ko si Lazarus. "Pwede ba akong lumabas? Kahit diyan lang sa tabi, sa loob lang ng hacienda?" He glanced at me. "You can't," he answered me firmly. I frowned. Ano namang gagawin ko rito sa loob ng mansyon niya? Ang boring kaya rito! Mas mabuti na 'yong makalanghap man lang ako ng sariwang hangin kahit papaano. "Lazarus naman, eh! Gusto ko ring makita kung anong nasa labas. Please? Hindi naman ako tatakas," pagmamaktol ko. He glared at me. Ngumuso ako at umirap. "Gusto ko lang naman maaliw kahit papaano. Pati 'yon hindi mo maibigay? Gusto mo ba talaga akong ikulong at mabulok dito, eh 'no?" matabang kong saad. "D-mn, fine." Nagulat ako at agad siyang tinignan. "R..Really?" gulat kong sabi. Akala ko talaga magmamatigas siya at hindi niya talaga ako papayagan. Pucha, ang rupok naman pala. Ang lakas ko talaga. Siyempre, ganyan talaga 'pag maganda. Malakas ang kamandag. Sss... Matapos naming kumain ay agad akong sumama sa kanya palabas. Napangiti ako habang nakatingin sa tanawin. I don't really like nature. I'm a city girl and all I want is to enjoy my life at parties, boys, and some stuff. Kahit kailan hindi ko naappreciate ang kalikasan. Ngunit sa nakikita ko ay parang na-aappreciate ko na rin ito. Parang payapa ang buhay mo kapag ganitong tanawin ang palagi mong nakikita. "I'm going back to Manila. Babalik ako bukas. Behave yourself and recollect my ordinances, Flare," malamig na saad ni Lazarus. Masya akong tumango sa sinabi niya. Yes! Aalis siya! Walang asungot sa paligid... "Okay! Can you also buy me clothes? And also sandals and shoes? I want Chanel and L.V. Tapos bilhan mo rin ako ng make-up. Salamat," sabi ko. His face dulled. "Spoiled brat," he uttered icly. Inirapan ko siya. "Kung ayaw mo akong bilhan, edi kunin mo iyong closet ko sa bahay. Nandoon lahat ng mga gamit ko. Oh— 'di kaya mas mabuting ibalik mo na lang ako sa bahay." Lazarus rolled his eyes in a manly way. Napaawang ang labi ko. "Did you just roll your eyes on me!?" wika ko at dinuro siya. "Tss." Hinawi niya ang kamay ko. "I'll get whatever you want. Iyon lang ba? Baka may idadagdag ka pa?" saad niya, may bahid ng sarcasmo na ikinangisi ko. "Iyon lang naman." Bigla ay nakarinig ako nang tilian at tawanan. Napalingon ako kung saan ito nanggaling at agad kong nakita ang dalawang babae at isang bakla na papalapit sa direksyon amin. "Hi, Sir Lazarus!" bati ng babaeng may maiksing buhok at morena. Lazarus just gazed at her blankly. "Hala! Ikaw na ba 'yong asawa ni ser? Grabe, kaya pala ikaw ang pinili niyang asawa dahil magkamukha tayo," wika ng bakla sa akin sabay tawa. I raised my brow. "Excuse me?" Bwisit 'tong baklang 'to ha? Sa ganda kong 'to? Magkamukha kami? "Joke only, ma'am. Ako nga pala si Judeah. Pinakamagandang bakla rito sa buong probinsya!" wika nito at nag-pose pa. "What? Pinakamagandang lupa?" pangaasar ko. Madrama siyang napahawak sa kanyang dibdib. "Grabe ka naman, ma'am. Huwag realtalk." Inirapan ko lang siya. "Ako naman si Maria. Hindi Maria Clara kun'di Maria Kalipa— Opps! Hindi Miya Khalifa ma'am, huh! Baka akalain mong ako si Miya Khalifa dahil sa sobrang sexy ko," ani ng babaeng morena na may maiksing buhok. Napangiwi ako. Korni. "Ako naman po si Tina," sambit ng babaeng kanina pa tahimik. "Kaming tatlo ang magbabantay sa 'yo habang wala si sir. Ipapasyal ka namin sa buong hacienda, ma'am," sabi ni Maria sa akin. "What?!" Agad kong nilingon si Lazarus. "Bakit sila? Look at them, Lazarus! They look... chaka! Ayaw kong sumama sa kanila," maarte kong saad at humalukipkip. "Grabe ka naman, ma'am. We are chaka not kaya. Pretty is me, not chaka. Do you not understood?" wika ng bakla na si Judeah. "What? I can't comprehend you, dumbass." "Ayy, low comprehension si madumb?" Putragis naman. Naging bobo pa ata ako sa lugar na ito. "Ma'am, we are not fault if you kennat' understood us," sabi ni Maria. "Huh?" "Ang sabi niya ma'am, hindi raw namin kasalanan kung mas magaling kaming mag english sa 'yo!" si Judeah. Oh my God? At ako pa ang naging bobo rito? Shocks! I can't believe them! "Take a good care of my wife, otherwise you will end up being a lifeless corpse," malamig na saad ni Lazarus sa kanila. Natigilan sila at sabay sabay na tumango. "Yes, sir!" sabay nilang sabi. Napasinghap ako at napairap na lamang. "I'll go ahead." Baling ni Lazarus sa akin. Napatingin ako sa kanya at tumango. Pake ko ba. Edi umalis ka. "Yiee, kiss na 'yan." sabat ng bakla. Nalaglag ang panga ko. "Wala bang goodbye kiss kay ma'am, sir?" si Maria. "Tsaka hug din po," si Tina. Agad ko silang nilingon tatlo at tiningnan ng masama. They all laughed. T-ngina niyo! Mga hudas! Lazarus smirked. Tinaas niya ang baba ko upang magpantay ang tingin namin at agad na yumuko. Napapikit ako nang maramdaman ang malambot niyang labi sa labi ko. My heart thumped quickly when he bit my lower lip. Narinig ko ang tilian ng tatlo sa gilid namin kaya mabilis na promoseso sa utak ko ang ginawa niya. Tinulak ko si Lazarus sabay pahid ng labi ko. "Dammit." Nilingon ko ang tatlong mga bruha. Makakatiktim ng sampal ang mga ito mamaya! "Don't neglect my rules, wife. I have sights around. Act behaved, alright?" Lazarus softly murmured in my ear. Agad siyang lumayo sa akin habang ako ay nanatili pa ring badtrip. "Sana all may kiss. Kami sir? Wala ba kaming goodbye kiss diyan?" Judeah jokingly said. Ewan ko kung joke ba iyon o seryoso talaga siya! B-tch! "Tired of living?" walang emosyon na tanong ni Lazarus sa kanya. "Joke only, sir. Eto naman. Damot..." Napairap ako sa kabaklaan nitong si Judeah. Sinulyapan ako ni Lazarus bago siya pumasok sa kanyang kotse. Napatingin ako sa kanyang kotse hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. "Huwag kang mag-alala, ma'am. Babalik din 'yon. Hindi ka ipagpapalit no'n." Napatingin ako kay Maria at tinignan siya nang masama. "Pwede bang tumahimik ka?" I said and rolled my eyes at them. D-mn it. Paano ako makakatakas kung nandito 'tong tatlong mga chaka?! _ "Eto naman po ang mga puno ng mga mangga. Masasarap ang mangga rito sa Hacienda Devilla, ma'am!" ani Judeah sa akin habang naglalakad kami rito sa malapit sa mga puno. "Really?" I looked up to see the fruit they are talking about. "I don't eat green mangoes though," I told them and crossed my arms. "Ho?" Umasim ang mukha ng tatlo. "Kung gano'n ay ito na ang araw na unang beses kayong makakatikim ng hilaw na mangga!" ani Maria. "Tina! Kumuha ka ng panungkit at manunungkit tayo ng mangga para kay señyorita!" utos pa nito. Dali-dali namang sumunod si Tina sa utos ni Maria at tumakbo patungo sa kung saan. Pagbalik nito ay may dala na nga itong panungkit. "This is boring..." I mumbled as I stared at them, planning to get the fruit using that thing they are holding. "What don't you guys climb that tree and get the fruit without using that thing?" I said. They all stopped and glanced at me. "Ano raw?" rinig ko ang bulong ni Maria. "H..Hindi ko alam," si Tina habang kabadong nakatingin sa direksyon ko. "Pucha ang bilis mag-ingles ni ma'am, wala akong maintindihan eh... Ang sosyal pa ng accent!" ani Judeah. I frowned at them. These three dumb idiots can't even understand me! How can Lazarus left me with them?! Hindi kami magkakaintindihan dito! I have no choice but to adjust. F-cking great! "As I was saying— I mean..." I sighed. I took a deep breathe and kept my head calm. "Kagaya nang sinabi ko kanina lang... ba't hindi kayo umakyat sa puno at kunin ang mangga imbes na gamitin ang panungkit na hawak niyo? Naiinip ako kakatingin sa inyo riyan! I want thrill!" Nagkatinginan ang tatlo sa isa't isa sabay sabing, "Yes, ma'am!" I smiled widely. I clapped my hands. "Very good! Now go on! Sho!" Bigla silang nagkagulo. "Tina! Dito ka lang sa baba, ikaw ang sasalo sa mangga!" "O..Okay." "Judeah... ikaw ang aakyat!" "Anong ako? Bruha ka! Baka nakakalimutan mong hindi ako marunong umakyat ng puno!" ani Judeah sa babae. "Ano ka ba? Ang tanda mo na, 'di ka pa rin marunong?" "Oh, nagsalita... Mukha namang marunong ka, eh bakit hindi ikaw ang umakyat gaga!" si Judeah. Nag-iwas ng tingin si Maria. "Hindi ako pwede ngayon..." "Anong hindi pwede?!" "W..Wala akong— alam mo na..." "Anong alam?! Pinagsasabi mo, tanga? Naku, Maria! Tigilan mo ako sa pagiging maarte mo, hindi bagay sa 'yo! Akyatin mo na lang, mukhang madali lang naman para sa 'yo!" saad ni Judeah sa kanya. "Hindi nga ako pwede, eh!" "Bakit nga?!" "W..Wala akong suot na ano..." "Ha?! Wala akong marining, lakasan mo!" "WALA AKONG PANTY! Okay na?!" "Pota—?!" Judeah looked at her, shocked. "Tanga! Anong pinaggagawa mo sa buhay mo?! Ba't wala kang suot na— Gaga ka talaga!" Judeah looked so stress at her. I rolled my eyes at them. Seriously. This is tiresome. "Now that Maria can't climb, why don't you do it instead, Judeah?" I said. Judeah glanced at me. "Ma'am?" "Akyatin mo..." aniko sabay senyas sa puno. Tutal kayo naman ang nag-suggest na papakainin niyo ako ng mangga... "P..Pero ma'am—" "No buts. Go on. Do it for me... If you fall down there, it's your fault for not being careful," I stated and sat down on the chair that Tina brought for me. Obviously, Judeah has no choice but to follow my command. After all, I don't care about them. I can do whatever I want to them because that bastard Lazarus gave me a privilege. They are working for that devil bastard who kidnapped me and brought me here. Being kind to them is not my intention. In fact, I want to make them suffer. I am suffering here and I want them too! Damay na kung damay at wala akong pakialam kung masama ang tingin nila sa akin. "Eto na po, ma'am! Ang masarap naming mangga na pinaghirapan kunin ni Judeah!" Nakangiting sambit ni Maria sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang plato. They already sliced it into pieces and there's even a sauce that I don't know what the f-ck it is. It looks familiar but I forgot the name. "I suddenly remember, I have a period right now and eating that thing would upset my stomach... You can eat that by yourself. I gotta go." I stood up and started walking away from them. "H..Huh? Ma'am, sandali lang po... Kahit tikman niyo lang po, ma'am! Masarap po ito!" rinig ko ang sigaw nila, kinukumbinsi akong kainin iyon. Hindi ko iyon pinansin. Tuluyan akong pumasok sa mansyon. My head hurts talking to them! Seriously... Nagtungo ako sa kwarto upang magpahinga at nang magising ako ay pumunta ako sa kusina upang kumain. Napatingin ako sa pamilyar na plato. "Ah, ma'am... pinabibigay po iyan nila Maria. Baka sakaling kainin niyo raw," ani ng kasambahay sa akin. "Tss." Kinuha ko ang plato at bago makaalis sa kusina ay nilingon ko ang kasambahay. "Tell them I put it in the garbage can," I uttered before I left. I sat down on the sofa and stared at the plate. "Psh. I already said I won't eat it. Maybe they didn't understand what I said earlier so they are still pushing me to taste this s**t," I mumbled softly. Kumuha ako ng isa at sinawsaw iyon sa sauce. Nang tikman ay agad akong natigilan. "It doesn't even taste delicious!" Muli akong kumuha ng isa at tinikman. "This is nasty!" I rolled my eyes. Hindi ko alam kung bakit ngunit kahit anong deny ko na hindi masarap, hindi ko pa rin mapigilan ang sariling tikman ang manggang nasa plato! Namalayan ko na lang na naubos ko na pala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD