“Toast to our newly wed couple!” sigaw ng host, dalawang oras makatapos ang kasal habang nakataas ang lahat ng wine glasses at tinataginting ang mga ito gamit ang mga knife bread. Masaya ang lahat, balot ng masasayang tawanan at usapan ang reception venue sa isang resort sa Batangas na pag-aari ng pamilya nina Avi. Dito nagdertso ang lahat pagkatos na idaos ang kasal sa hotel rin nila. Sumasabay pa sa magandang pagdiriwang ang masarap na simoy ng hangin habang humahampas ng marahan ang kalmadong alon sa dalampasigan. Marami ang nagsasayawan sa tent sa gilid ng pinakang pinagtitipunan ng lahat. Pero malinaw na hindi ayon ang nararamdaman ni Avi. Namumutla at tila ano mang oras ay mawawalan na siya ng malay. Kita ang pananamlay niya. Di kasama ni Avi ngayon si Cavin, nakaupo ito kasama

